Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

sa mga BBM, bakit siya ang gusto niyo?

Status
Not open for further replies.

xnekuen

Apprentice
 
Advanced Member
Messages
71
Reaction score
73
Points
58
nasabi ko sa kabilang thread, si BBM lang ang wala akong rason para iboto.
alam ko marami na kayong BBM at di niyo naman kailangan yung isang boto ko.
pero usap2x lang tayo dito, paano mo ako kukumbinsihin na BBM ang dapat maging bagong presidente?
gusto ko rin kasi magkaroon ng magandang rason para iboto siya para pantay2x sila na meron.

bakit si BBM ang napipisil mo iboto sa darating na eleksyon?
sana po walang sasagot na konektado yung sagot sa tatay niya, na magaling tatay niya.
kasi tatay niya po yun, hindi siya. si BBM lang bida dito.

wag din po sana yung "kasi magaling siya", "kasi matalino siya", "kasi mabait siya".
maging mas malinaw. sana specific bakit mo nasabi yan. kasi pwede rin gamitin yang description na yan sa kahit sinong kandidato if ganyan lang ilalagay.

wag din po sana ikumpara sa nagawa ng mga Aquino vs nagawa ni Marcos Sr. anti-aquino rin po ako at irrelevant sila sa usapan dito.

at kung pwede, wag din po sana sumagot ng tungkol sa unity. magkaisa. pagkakaisa. pagkakaisahin. narinig at nabasa ko na po yan.

yung mga Leni, Isko, Ping, Pacman, next time na kayo. basahin muna natin bakit BBM.
kung may sinabi sila at gusto niyo debunk, pwede naman. with evidence sana. searchable sa google, hindi yung na-tsismis lang.

eg. may sumagot na project ni BBM yung Bangui Wind Farm sa ilocos, pwede natin sabihin na NorthWind Power Development Corporation (NPDC) ang may pakana nun hindi si BBM, at pwede nila i-search.

kung umusad man itong thread na ito, wala sanang mag-aaway. healthy discussion lang. salamat agad sa mga makikibahagi dito!

--------------------------

Moderator Note:
Thread already served its purpose. :lock:
 
Last edited by a moderator:

loidstone

Recruit
Basic Member
Messages
1
Reaction score
0
Points
16
leni lugaw kasi

January 21, 2020, Robredo decided to literally hand out bowls of lugaw or porridge to evacuees temporarily sheltered in Batangas and Cavite due to the eruption of the Taal Volcano...
 
LoremIpsum

Web Designer | WordPress | Gamer
 
Prime Member
Advanced Member
Messages
354
Reaction score
441
Points
208
Power Stone
Soul Stone
Time Stone
Reality Stone
Yes! Si PING nga yung napupusuan ko. If only PING and SARAH ang naging tandem, sila yung iboboto ko. Under rated masyado si PING, I hope he will run for VP kapag panahon naman ni SARAH.

1. Ahh so tingin mo laban lang ito ni BBM at LENI? - No, its a revolution of the people against YELLOW. Kaya imbes na ibigay yung vote ko to PING, I will give it to BBM to asure na matuldukan na yang mga YELLOWS na yan. There's nothing against LENI or to other candidates.

Okay naman yung sagot mo. Yan ang sagot. Hindi yung kung ano-ano ang sinasabi hindi nalang sagutin yung tanong. At least ngayon nakita ng mga nagbabasa yung DAHILAN kung bakit gusto mo si BBM. Kahit pano may laman. Hindi yung "eh magaling kasi yung tatay e". Lol 🥴

As per niemei question, kung sa tingin mo ba ay si BBM lang at Leni ang naglalaban, at ang sagot mo ay "Yes!". Hmmm, pinapakita lang kasi ng bias media na ang talagang naglalaban nalang ay si BBM at Leni. Pero ang totoo, mas mataas pa si Isko kay Leni sa ibang survey gaya ng Tanghere. #2 si Isko at #3 si Leni. Ayaw lang ibalita ng media. Siguro kung inaral lang ng maraming tao yung mga nagawa talaga ng bawat kandidato at hindi basta inasa sa vloggers yung decision, kung ayaw nila kay Leni, eh may iba pang potential na MAS QUALIFIED DI HAMAK kumpara kay BBM. Nadala lang talaga yung mga tao sa VLOGS, hindi sa NAGAWA ng iba.
Post automatically merged:

Si Isko, ilang beses niya ding sinabi na itutuloy niya ang nasimulan ni PRRD at itutuloy niya ang BBB, pero dadagdagan niya ng Premium housing, Premium hospitals, Premium schools, at iba pang Premium services gaya ng ginawa niya sa Maynila. Kaya kung sa "ipagpapatuloy" lang din pala na mga projects ni PRRD ang gusto makita ng mga tao, eh ayan si Isko, may PROVEN track record and receipts na. Si BBM kasi wala man lang remarkable receipt man lang e, puro promises lang. Kaya tuloy manghuhula pa yung mga tao kung after ba niyang manalo as president ay kaya niya talagang tuparin yung mga pangako niya gamit ang PAGKAKAISA? So sana nga talagang magawa niya yung mga pangako niya.

Si Ping, mukang okay din sana siya pero minaliit niya ang BBB ni PRRD eh. Si Leni at yung LP ganon din puro batikos sa admin kahit maganda naman yung project sana at ginagawa.

Ang pinaka nakakatawa lang din talaga ay... Kahit sinabi na ni PRRD na ayaw niya kay BBM at na weak, spoiled, ay may bagahe siya, dahil lang sinasabi ni BBM na itutuloy niya yung nasimulan ni PRRD e parang no choice na ang mga tao kung hindi si BBM ang gustuhing manalo.
Post automatically merged:

Isa pang natatawa ako ay yung sinasabi ng mga tao na "Napakayabang kasi ni Isko. Ipinagyayabang yung mga nagawa". Huh??? Seryoso bang yun talaga ang nakita niyo? Ayaw niyo yung kandidatong sinasabi yung mga NAGAWA niya sa nasasakupan niya??? Ang gusto niyo ay mga promises lang na wala pang PROOF kung kaya ba nila gawin talaga yung pinapangako nila??? Pinoy nga naman talaga ooohh. Tapos magre-reklamo na "Eeehh puro lang naman kayo pangako pag election". What??! Hahaha. Eh pano ang binoto niyo ay mga kandidatong puro pangako lang na WALANG PROOF! Haaaybuhay nga naman talaga hahaha 😆

Ayun. 😊
 
Last edited:

magno5012

Regular
 
Advanced Member
Messages
105
Reaction score
53

May bagong labas na naman survey galing sa OCTA Research and same results padin no. 1 pa din si BBM next si Leni at then Isko.

Yung sinabi ni Sen. Ping about sa Build Build Build ay kung ano yung observation niya. Nasa Senate siya trabaho niyang hanapan ng output yung mga government projects.

At syempre gaya ng sabi ko noon ang isang National project ay kadalasan taon talaga ang binibilang bago matapos knowing na may mga ongoing constructions projects pa from past admin. Ang City project ay mas madaling ma-implement compared sa mga National Project. Isang best example na nga lang jan ay yung LRT Line 1 extension papuntang Cavite eh ilang presidente na ang dumaan tapos ngayon panahon lang ni Duterte may nakitang paggalaw sa project na yon pero may nabago sa plano na-re route yung dapat na pagtatayuan ng LRT Lines.

Si Leni kaya niya binabatikos ung administration kase trabaho niya yon as an opposition leader ganun talaga sa politics. Ang lahat ng mali o hindi maganda yan ang parating nakikita ng opposition.
 
Attachments

  • 81433.jpeg
    81433.jpeg
    79.3 KB · Views: 1

LoremIpsum

Web Designer | WordPress | Gamer
 
Prime Member
Advanced Member
Messages
354
Reaction score
441
Points
208
Power Stone
Soul Stone
Time Stone
Reality Stone
May bagong labas na naman survey galing sa OCTA Research and same results padin no. 1 pa din si BBM next si Leni at then Isko.

Yung sinabi ni Sen. Ping about sa Build Build Build ay kung ano yung observation niya. Nasa Senate siya trabaho niyang hanapan ng output yung mga government projects.
May point ka na dapat hanapan talaga ng resulta yung mga government projects. Hindi ko alam kung hindi ba updated talaga si Ping bago nagbitiw ng ganong salita, pero kung sana inalam muna niya yung mga nagawa e okay naman ang BBB. Yung iba ay rehabilitation ng isang infrastructure, pero di ibig sabihing hindi accomplishment yun

At syempre gaya ng sabi ko noon ang isang National project ay kadalasan taon talaga ang binibilang bago matapos knowing na may mga ongoing constructions projects pa from past admin. Ang City project ay mas madaling ma-implement compared sa mga National Project. Isang best example na nga lang jan ay yung LRT Line 1 extension papuntang Cavite eh ilang presidente na ang dumaan tapos ngayon panahon lang ni Duterte may nakitang paggalaw sa project na yon pero may nabago sa plano na-re route yung dapat na pagtatayuan ng LRT Lines.
Tama ka din naman, iba talaga yung national projects sa local projects ng LGU. Pero kung may will lang talaga na masimulan yun e posible din naman. Nasa news na ang isa sa problema noon ay right of way, di nagawa kasi di nabigyan ng solution. Pero dahil sa kagustuhan ng admin ni PRRD ay kaya naman pala magawan ng paraan.

Si Leni kaya niya binabatikos ung administration kase trabaho niya yon as an opposition leader ganun talaga sa politics. Ang lahat ng mali o hindi maganda yan ang parating nakikita ng opposition.
Yun na nga e. Trabaho niya as leader ng opposition. Bakit hindi muna niya/nila tignan sa pangkalahatan kung maganda ba yung isang proposed project? Halimbawa nalang ay yung sa rehabilitation ng Boracay. Daming senators ang kontra sa closure noon, una na ay mga LP. Pero ngayon NGA NGA naman sila dahil sa ganda ng Bora.
 
Last edited:

Hackiba

Manyakol
 
Diamond Member
Pioneer Member
Messages
156
Reaction score
205
Points
408
Good Luck
Perfect Health
Eternal Love
Enormous Fortune
Royal Wisdom
Solid Family
Ultimate Endurance
Divine Faith
Endless Happiness
Absolute Peace
Power Stone
Soul Stone
Well yes we can assume that BBM is a weak leader. So be it! Ang sagot lagi jan is "Wala na tayong ibang choice, si BBM lang yung winnable sa kanilang lahat and AYAW NAMIN BUMALIK YANG MGA YELLOWS" .On the other hand BBM Should prove him wrong. BMM should prove to the people who will vote for him this coming monday na hindi siya ganun.
wala na yang dilawan at patay na yung mga aquinos, sino ba namumuno sa kanila si kris aquino?hahaha wala ng ibang choice?pwede naman si isko or packyaw?or lacson? kung ayaw niyo kay leni lugaw hahaha
 
techn0mech

Symbianize Spirit
 
Advanced Member
Messages
1,925
Reaction score
232
Points
143
Walang tulogan baka pag gising naka lamang na naman. Kung mananalo na si Marcos (obviuosly), mainit yan sa mga NPA. Kung may mangyari man kay BBM (huwag naman sana) kampante tayo kasi andyan si Sara sasalo sa pagka presidente which is obviously panalo na sureball. ✌️👊
 
xnekuen

Apprentice
 
Advanced Member
Messages
71
Reaction score
73
Points
58
i'm requesting sa admins/mods to close this thread na. tapos na ang purpose ng thread na ito at mag-eeleksyon na sa lunes.
sabihin niyo na mga gusto niyo ihabol sabihin bago magsara. May 8 or 9 depende kung kailan ma-grant.

sana wag burahin para kahit papano may pwede tayong balikan para basahin at nandidito pa rin yung tanda na napag-usapan natin yung topic dito sa symb.
kung di man maisara for whatever reason, kayo na bahala kung itutuloy niyo pa usapan after election pero malamang maging bardagulan lalo dito at di yun yung purpose ng thread na ito bakit sinimulan.

legit lang talaga gusto ko malaman bakit BBM ang choice ng iba. ayoko ng usapan/sagutan sa FB, wala sa hulog madalas. kaya dito ko napili makipag-usap. naka-anonymous nga mga pangalan natin dito, pero mas troll pa yung mga kausap sa FB. tama?

tatlo lang hiniling ko sana na wag isama sa sagot dito sa post na ito nung simula:

1. wag sasagot ng konektado sa tatay ni BBM
2. wag ikumpara sa mga aquino
3. wag sumagot ng tungkol sa PAGKAKAISA

pero di nasunod yung format. mukhang maraming nahirapan sumagot na di kasali kahit isa sa tatlong yan. mukhang yan lang ang kaya idahilan ng iba.
kaya natutuwa talaga ako kapag may mga sumagot na di nabanggit yang mga yan. lalo na yung mga may source o personal experience. ibig sabihin di sila nakatingin kay marcos sr, sa dilaw at sa paulit-ulit na pagkakaisa raw.

once again..

kung boboto mo si BBM dahil sa tatay niya:
- si marcos sr ay hindi si BBM. mahirap tanggapin, pero di niya namana ang talino at tapang ng tatay niya. si marcos sr, siya ang nag-lawyer para ipagtanggol ang sarili niya noong kinasuhan siya.
- si BBM debate/interview pa lang, napakadalas di na nagpapakita. iwas na iwas pa sa ambush interview ng media. hindi uma-attend yan ng debate hindi dahil maliit tingin niya sa mga kalaban niya at superior siya. di pumupunta yan kasi takot siya maikumpara side-by-side sa stage sa mga kapwa niya kandidato. baka kasi malaman na mas magagaling yung iba sa kanya kahit bagsak sa survey at hindi siya karapat-dapat para sa pwestong gusto niya kunin.

kung boboto mo si BBM dahil ayaw mo lang sa aquino/dilawan:
- tapos na era ng mga aquino-conjuangco. MULTO na lang sila ng kahapon. MULTO na lang nilalabanan niyo. sabi nga nila, wag ka matakot sa multo, matakot ka sa BUHAY. sabi niyo rin kasalanan ng tatay (marcos sr), di kasalanan ng anak (BBM). pero gustong gusto niyo idamay si leni sa kasalanan ng mga aquino kahit di man lang sila magkakamag-anak.
- gagawin si leni na puppet ng mga oligarch? kung basehan ang tapang, talino, achievement at INTEGRIDAD na meron ang dalawa, BBM at leni, kung mayroon sa kanilang potensyal maging puppet, sino sa tingin mo? yung totoo?

kung boboto mo si BBM dahil sa vision niya ng pagkakaisa:
- paano niya ipapatupad yun? tanong ng nakararami. nagbigay kami ng
source nitong week lang, interview mismo ni BBM at insights niya sa PAGKAKAISA. pero matapos panoorin (kundi kayo tinamad) nahihirapan pa rin yata kayo sagutin. bakit? kasi maski ikaw mismo, di mo maintindihan. nalalabuan ka kaya di mo mapaliwanag.

marami pa ako gusto sabihin kaso nabanggit ko na dati. kaya dito ko lang sa tatlo finocus. backread na lang kayo.
anti/pro-marcos/aquino, fact checking at tsismis, meron kaming mga napag-usapan at mga links sa mga past convo.
pasensya na kung napahaba. huling hirit ko naman na.

nagpapasalamat ako sa mga admin/mod at hinayaan niyo kaming ipagpatuloy yung thread kahit minsan parang may mga nagkakapikunan na ata, buti walang na ban.

nagpapasalamat din ako sa iba yung mga kandidato (not leni or bbm) ang sinusuportahan at nagbigay kayo ng input niyo. naiparating niyo sa amin ang mga rason bakit wala kay leni o BBM ang napili niyo. dahil wala kayong kinikilingan sa dalawang nabanggit ko, mas naipahayag niyo kung bakit hindi sila yung dapat maupo.

nagpapasalamat din ako sa leni supporters. salamat sa pagtindig! malamang mga naging basehan niyo rin, malinis na track record at achievement. kung palarin man si leni, maging kritiko at wag maging panatiko.

nagpapasalamat lalo ako sa BBM supporters na sumasagot at nagpapaliwanag ng maayos kung bakit sa kabila ng lahat ng isyung nakadikit sa kanya, BBM pa rin choice niyo. napagbigyan niyo ako makita kung "bakit BBM" sa perspective niyo.

nagpapasalamat ako sa lahat ng nakibahagi dito.

kung manalo man si BBM, gusto ko mapahiya sa inyo. gusto ko mapatakbo niya ng maayos ang pilipinas. sana maging priority niya ang mga pilipino at hindi yung "paglinis" lang sa pangalan nila. sana tama kayo, sana mali kami.

kung manalo man si leni, malaki chance na magbago ang pilipinas. takot yung ibang politiko sa kanya dahil magkakaroon na full disclosure policy. mas magiging transparent na ang mga transaksyon ng gobyerno at mas madaling makikita sino ang mga kurakot. kung siya man ang palarin. purihin ang tama, punahin ang mali. hindi porket siya sinuportahan ko ngayon, magbubulag-bulagan ako kung may gawin siyang di maganda.

kung manalo man ang ibang kandidato, ok din kasi BAGO. hindi masasabing dilaw na naman daw at wala ng kaba tungkol sa pagbabalik ng mga marcos. si pacman at ka leody pinaka-sinserong nakikita ko na gusto tumulong sa mahihirap at mangggawa. pero parang mas ok si isko at ping, may mga nagawa na at pinakamalalawak ang politikal na karanasan.

kung gusto mo ng gobyernong mababa ang kaso o walang korapsyon, wag ka maghalal ng lider na may mga isyu ng katiwalian.
kung gusto mo ng gobyernong honest, wag ka maghalal ng lider na alam mong ugaling magsinungaling.
kung gusto mo ng gobyernong matapang, wag ka maghalal ng lider na tago ng tago kahit sa kapwa pilipino mismo.

wag ka sa dilaw kung ayaw mo lang sa pula. wag ka sa pula kung ayaw mo lang sa dilaw.
ang daming competent sa mga batch ng kandidato bilang presidente ngayon!

paano mo makakamit yung klase ng gobyernong gusto mo, kung wala naman yung mga katangiang yun sa kandidatong nais mo?

at the end of the day, NAGKAKAISA naman na tayo. ang gusto nating lahat, yung ikabubuti ng pilipinas. kaya nga natin pinagdidiskusyunan. iba2x lang talaga tayo ng anggulo na tinitingnan kaya iba2x rin ang pananaw.

sa pagboto niyo, sana kaya niyo sabihin sa sarili niyo na hindi lang PUSO ginamit niyo, di lang kayo nagpadala sa hype, sa sabi ni lolo/lola/tito/tita/kamag-anak/kapit-bahay, sa facebook post, sa tiktok/youtube videos. sana nag-research din kayo sa mga gusto at sa mga ayaw niyong kandidato. wag isa lang ang tingnan niyo. wag niyo rin gawing news source/fact checker ang mga yan lalo na facebook dahil puno ng misinformation dyan. kapag may nakita kayong usapin, hanapin niyo sa google, check if reliable ang site at doon niyo tingnan.

di pa huli lahat, wala pang shade sa balota mo. may oras pa para magbasa-basa ulit at pag-isipan ng maigi. sino ba ang talagang karapat-dapat?
basta itong boto ko, di basta para sa ikapapanalo lang ng kandidato. yung boto ko para sa naniniwala akong ikakapanalo ng bawat pilipino. kasama ka.

(PS: kung may idadagdag pa kayo, sabihin niyo na bago ma-close yung thread. sa request ko kasi, May 8 or 9. di ko sure kailan maga-grant. tapos na purpose ng thread na ito. baka huling reply ko na dito. maraming salamat ulit!)

jedr

Novice
 
Advanced Member
Messages
29
Reaction score
28
Points
38
wala na yang dilawan at patay na yung mga aquinos, sino ba namumuno sa kanila si kris aquino?hahaha wala ng ibang choice?pwede naman si isko or packyaw?or lacson? kung ayaw niyo kay leni lugaw hahaha
BAM Aquino?, afaik yan adviser ni Leni
Post automatically merged:

di pa huli lahat, wala pang shade sa balota mo. may oras pa para magbasa-basa ulit at pag-isipan ng maigi. sino ba ang talagang karapat-dapat?
basta itong boto ko, di basta para sa ikapapanalo lang ng kandidato. yung boto ko para sa naniniwala akong ikakapanalo ng bawat pilipino. kasama ka.
I 2nd demotion, pag aralan nyo bawat kandidato.. wag magpadala sa hype, I stand with same principle of sir @xnekuen ..
 
Last edited:

LoremIpsum

Web Designer | WordPress | Gamer
 
Prime Member
Advanced Member
Messages
354
Reaction score
441
Points
208
Power Stone
Soul Stone
Time Stone
Reality Stone
Siguro kung hindi LP ang nasa likod ni Leni mula noong 2016, sa track record niya maganda rin sana e.. Malamang hindi niya kinailangang kontrahin ng kontrahin yung ginagawa ng PRRD admin dahil hindi siya connected sa LP. Kaya lang naging leader kasi siya ng opposition eh.. (or leader nga ba talaga? kasi may mga sabi sabi si Drilon o Kiko ang leader ng LP talaga eh). Tama si jedr, nasa news din naman na sinabing si Bam Aquino ang adviser ni Leni ngayon. Remember, sabi ni Lacson kaya umalis si Alvarez kasi hindi niya nabigay yung 800m pesos na hinihingi, kinabukasan napunta na siya kila Leni. Wala namang ganong kalaking pera si Leni e, san niya kukunin yun? Kaya talagang kahit hindi kamaganak ni Leni ang Aquino/Coangco, ang nasa likod parin niya talaga ay Dilaw at Oligarchs. At kung may ganyang kalaking perang ibinigay sa ibang group, paano nila babawiin yun? Ewan natin. Pero kung manalo nga si Leni, sana nga talagang hindi siya maging puppet ng dilaw at ituloy parin yung projects ng BBB

Si BBM, pag sa scheduled interview parang ang husay kasi niya sumagot. Honestly, yung interview niya sa CNN may ibang okay din na sagot siya. Pero yung sa "pagkakaisa" na tanong, malabo rin talaga sagot niya. Kaso lang kasi, sa mga ambush interview at debate makikita kung gaano katalino sumagot at katotoong alam ng isa yung ginagawa/gagawin/sinasabi niya, at yun ang hindi naipakita ni BBM. Madami tuloy naiwang tanong sa kaniya yung mga tao.

Sa mga BBM supporters, sana naging bukas din ang isip niyo kung bakit matanong masiyado ang mga tao sa kandidato niyo. Kasi kung sumasagot lang sana si BBM sa mga tanong, kahit ilang ulit pa yan, eh wala sana problema. Ganon talaga, nag a-apply siya ng position eh. Hindi yung pag may kumuwestiyon kay BBM ay iisipin niyo na agad "aahh hindi mo kasi mage-gets dahil hindi ka loyalist".. Or "aahh negative campaining.. naninira". Kaya yung mga sumagot ng maayos dito eh salamat sa inyo.

Sana kung sino man ang manalo, yung mga secretary na maganda ang performance gaya ni sec Art Tugade e i-retain kung hindi pa sila mag resign, dahil NAPATUNAYAN na nilang KAYA nila yung trabaho.

Take note sa dalawang bold na salita na yan. Lahat ng kandidato ngayon ay mga walang experience sa pagiging presidente natural. Kaya ang basehan talaga dapat jan ay kung MAY NAPATUNAYAN ba talaga sila na KAYA nila yung trabaho? That's why sabi ni PRRD noon na sana yung magiging susunod na president ay naging MAYOR (gaya niya) at lawyer. Kasi pag yung city pinalaki, Pilipinas na yon. Ibig sabihin yung pamamahala ng Mayor. Out of all candidates, isa lang naman ang naging Mayor jan, at NAPATUNAYANG KAYA pala maging maayos ang Maynila.

Anyway, salamat din TS at sa mga sumagot. Kung medyo nagkaasaran sa pagsagot sa comment o kung may naasar sa akin dito (wag naman sana wahahaha) ay humihingi rin ako ng pasensiya. :LOL:😊
 
Last edited:

ronsmash

Novice
Advanced Member
Messages
22
Reaction score
5
Points
28
Bakit BBM?

5 POINTERS LANG PO!
1. Malinaw na may plataforma - Agriculture, Build Build Build, Infrastructure at iba pa
2. UniTeam - No Fliptop - di nakikipagdebate sa iba
3. No crabmentality - di naninira para umangat
4. Endorse ng mga kilalang group / personality - Nur Misuari, Juan Ponce Enrile, CBCP, Iglesia ni Cristo, Uniteam, at marami pang group
5. Hinde nangangalap ng money donation, siya ay nangangalap ng suportang BOTO sa lahat ng Filipino

Hope makaconvince ito :)
 
dummya248

Recruit
Basic Member
Messages
7
Reaction score
12
Points
28
Bakit BBM?

5 POINTERS LANG PO!
1. Malinaw na may plataforma - Agriculture, Build Build Build, Infrastructure at iba pa
Kapag sinabing "malinaw", dapat nasagot nito yung tanong na HOW?
2. UniTeam - No Fliptop - di nakikipagdebate sa iba
Pero yun na nga yung point sir eh, part ng due process and pakikipagtalastasan bago magawa at ma implement ang mga batas sa bansa. Otherwise it's just DICTATORSHIP
3. No crabmentality - di naninira para umangat
Hindi nga ba? or hindi lang siya yung directly gumagawa?
4. Endorse ng mga kilalang group / personality - Nur Misuari, Juan Ponce Enrile, CBCP, Iglesia ni Cristo, Uniteam, at marami pang group
Applicable to all candidates.
5. Hinde nangangalap ng money donation, siya ay nangangalap ng suportang BOTO sa lahat ng Filipino
Nangangalap, counted ba dito yung vote buying? kasi broad daylight ng nangyayari
Hope makaconvince ito :)
Hope mabalikan mo to in the future, and maconvince mo yung sarili mo na tama yung vinote mo.

Yung theme ng campaign ni BBM is to avoid debates unless all the aspects are in his favor, be as general as possible (kasi walang malinaw). Use the words pagkakaisa as much as possible and let the trolls do the dirty work.

Kalimutan na natin yung MARTIAL LAW, Alisin na din yung mga KULAY. Kunwari di natin sila kilala. Ipasa nalang nila yung mga resume nila, alisin din natin yung pangalan nila baka kasi achievement ng magulang nila yung i consider natin eh.

Yung matitira lang dapat yung educational attainment, work experience, accomplishment, essay kung anong magagawa nila para sa bansa as specific as possible. Sagot nila sa interview, at mga red flags nila na ikaw mismo yung nag effort tumingin. Tingin mo si BBM pa din ba yung maboboto mo?

Kasi dapat simple lang yung nangyayari eh, TRABAHO ANG PAGIGING PRESIDENTE, MGA APPLIKANTE SILA.

Something TWISTED and UNNATURAL is happening. SANA PAGISIPAN NYO.
I won't tell anyone who to vote, free will and intelligence is given for a reason, lahat meron nyan magkakaibang level pero lahat meron.
 
Status
Not open for further replies.
Top