Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

sa mga BBM, bakit siya ang gusto niyo?

Status
Not open for further replies.

xnekuen

 
Professional
Advanced Member
Messages
153
Reaction score
73
Points
58
nasabi ko sa kabilang thread, si BBM lang ang wala akong rason para iboto.
alam ko marami na kayong BBM at di niyo naman kailangan yung isang boto ko.
pero usap2x lang tayo dito, paano mo ako kukumbinsihin na BBM ang dapat maging bagong presidente?
gusto ko rin kasi magkaroon ng magandang rason para iboto siya para pantay2x sila na meron.

bakit si BBM ang napipisil mo iboto sa darating na eleksyon?
sana po walang sasagot na konektado yung sagot sa tatay niya, na magaling tatay niya.
kasi tatay niya po yun, hindi siya. si BBM lang bida dito.

wag din po sana yung "kasi magaling siya", "kasi matalino siya", "kasi mabait siya".
maging mas malinaw. sana specific bakit mo nasabi yan. kasi pwede rin gamitin yang description na yan sa kahit sinong kandidato if ganyan lang ilalagay.

wag din po sana ikumpara sa nagawa ng mga Aquino vs nagawa ni Marcos Sr. anti-aquino rin po ako at irrelevant sila sa usapan dito.

at kung pwede, wag din po sana sumagot ng tungkol sa unity. magkaisa. pagkakaisa. pagkakaisahin. narinig at nabasa ko na po yan.

yung mga Leni, Isko, Ping, Pacman, next time na kayo. basahin muna natin bakit BBM.
kung may sinabi sila at gusto niyo debunk, pwede naman. with evidence sana. searchable sa google, hindi yung na-tsismis lang.

eg. may sumagot na project ni BBM yung Bangui Wind Farm sa ilocos, pwede natin sabihin na NorthWind Power Development Corporation (NPDC) ang may pakana nun hindi si BBM, at pwede nila i-search.

kung umusad man itong thread na ito, wala sanang mag-aaway. healthy discussion lang. salamat agad sa mga makikibahagi dito!



--------------------------

Moderator Note:
Thread already served its purpose. :lock:
 
Last edited by a moderator:
Mga lods. Isa sa mga dahilan bakit naiiwan parin ang Pinas is because we are very divided.
Isipin mo nalang kung ang Presidente natin sinusupportahan instead na ginagawan ng mali (I am not saying na hindi na pde mag criticize, pero dapat sana yung constructive criticism, hindi yung destructive na yung gusto nilang i down yung government natin.
Real talk lods, marami sa atin na imbes na pinagmamalaki yung Pilipinas, pinuput down pa.
We need unity. We need a leader na gustong maging united ang bansa. hindi yung leader na paninira lang ang palaging sinasabi sa mga campaign nila pra ma feel lang nila na umaangat sila.
WE NEED UNITY AS A WHOLE.
Hindi tayo uunlad kung tayo din nag aaway away.
So far, si BBM lang ang may vision na ganyan. A united people.
All candidates have their respective platforms, agenda, and plans for the future pero aanhin mo yang plans na yan if marami din sasalungat sayo?
We are a democratic country kaya all the plans ng leaders natin need din na approve tayo pra mag take effect or ma put into action diba?
Yan lang po.

pwede naman ako MAKIPAGKAISA suportahan ang magiging bagong pangulo, kahit di siya ang kandidato ko, walang problema.

pero kung ihahain mo sa akin ngayon ay isang kandidato para maging pangulo ay kagaya ni BBM,

- na 60+ years old na pero nasa anino pa rin ng tatay niya kaya popular
- yung mga supporter niya handang makipag-debate para sa kanya habang nagtatago siya
- di napaunlad sarili niyang probinsya pero gusto paunlarin ang buong pilipinas, kahit ayaw nila magbayad ng tax
- namemeke ng degree pero pinipilit na totoo kahit sa eskwelahan na mismo galing na HINDI
- nagsisinungaling at maspipiliin pa magluto para sa isang tv show wag lang dumalo ng interview/debate
- pinaka pinagmamalaki project yung Bangui wind farm pero di naman pala niya proyekto
- may kaso at pwedeng hulihin kapag tumapak sa Amerika
- nagpa-book pa sa kaibigan ng first class sa eroplano kasi nahihiya siya sumakay sa ordinaryo lang nung uuwi na dito sa pinas matapos nila tumakas
- hindi nire-recognize mga biktima noong martial law na para lang silang mga karakter sa isang piksyunal na libro
- ayaw isoli yung yaman na nakaw ng tatay niya at hanggang ngayon pinapakinabangan nila
- at wala halos ibang bukambibig sa mga political sorties kundi "MAGKAISA"

hirap lunukin niyang hinahain mo lods. di ko pwede kainin at tanggapin yang ganyan.
walang paninira dito. ang PANINIRA ay HINDI TOTOO. pero etong mga nabanggit ko, katotohanan lahat.

-------------------------------

sa iba dito na dahilan eh magaling na leader kasi tatay niya, tandaan natin, HINDI si marcos sr. itong kandidato, si BBM po yung tatakbo na malayong malayo sa galing at talino ng tatay niya. hindi niya namana yung mga ganoong katangian sa tatay niya. ang namana niya lang eh yung mga ninakaw na yaman.

di ako makiki-isa sa taong gusto mahawakan ulit ng angkan nila ang pinakamataas na pwesto para maabswelto sila sa mga kaso at malamang ay makapaghiganti sa mga "umagrabyado" sa kanila.

tandaan niyo, hanggang 2025 pa babayaran ng mga Pilipino yung utang ng pilipinas na sa bulsa naman nila napunta, pero sila di makapagbayad ng buwis man lang.
di pa nga tapos bayaran, gusto niyo na naman dagdagan? dagdagan yung kaban ng marcos at dagdagan utang ng bansa? tapos magrereklamo bakit mahirap dito sa Pinas.

-------------------------------

sabihin niyo, "bat nagtanong ka pa dito, di ka naman pala namin makukumbinsi mag-marcos?"

kasi umaasa ako na may maganda kayong maidadahilan kung bakit siya ang napili niyo. yung magagandang bagay na nakita niyo sa kanya na sa sobrang ganda, natabunan yung mga kaso nila at mga biktima noong martial law. na sa sobrang ganda, ok lang may mga nawala ang buhay at di masasabing nasayang lang. na sa sobrang ganda, ayos lang na ninakawan tayo at magbayad ng napakalaking utang at gusto pa natin dagdagan. na sa sobrang ganda, gusto niyo ng PART 2. umaasa lang ako na sa may sobrang gandang dahilan, para si marcos ang lagyan ko ng shade sa balota ko sa May 9. may isang buwan at ilang araw pa tayo para mag-isip at mag-desisyon kung anong klaseng leader ang gusto natin. minsan kasi yung gusto nating katangian sa isang leader, wala naman talaga sa gusto nating kandidato.

kung may gusto po kayo i-debunk sa mga nabanggit ko, very welcome po. baka may mali sa nabanggit ko pala at para madagdagan din yung nalalaman ko.
pero kung dadaanin niyo po ako sa magkaisa na lang tayo para kay BBM. pass po. magkaisa para wag siya makaupo, pwede pa.

napahaba yung sasabihin ko. dito ko na siguro muna tatapusin 'to. kalmado lang ako. sana yung mga makakabasang BBM rin.
 
Last edited:
Ako undecided pa rin pero I don't want BBM to win, meron pa namang 9 candidates to research. Here's my take: Kunwari ikaw yung pinaka-fit dun sa trabahong gusto mong pasukan pero yung pinili ay hindi dumaan sa prosesong pinagdaanan mo (interview, screening, background check), anong mararamdaman mo? The problem with us Pinoys is that we are selfish --- selfish to the point na okay lang maghalal ng magnanakaw pero takot tayong manakawan sa kalye. We are voting here for the long run; for the future of our country, , but still, some (from all classes) are willing to vote someone who is already slapping us in the face with proven lies and deceits.

What BBM needs is to prove that he can handle the pressure of leading our country; his absences on the debates shows that he can't even face the skeletons of his own closet. Also, about this UNITY spiel that people keep on raving about, kahit anong gawin natin that would never happen. You may be the greatest human to ever set foot on earth but you'll still have haters, doubters and enemies --- which makes his UNITY argument null. Alam naman natin kung kelan talaga nagkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino di ba --- it was to bring down a tyrant because we just had enough.

And please stop piggybacking on his father's achievements just to make him look good.
 
lahat tayo biktima ng nakaraan.Lahat tayo tinakluban ng kasinungalingan.Mas ok ngayon dahil marami kang choice sa pagsasaliksik eh.Nasa sayu yan kung panu ka magsaliksik.At kung papabiktima ka sa fake news.Iba na po ngayon.
Ayun na nga ang masama e. Yung mga lumalabas na information ngayon, kung sino sino lang. Walang matibay na batayan.
Lumabas yung Kingmaker, sa mga bibig na mismo lumabas yung sa interview pero paninira pa din. Ayaw lang tanggapin ng mga panatiko ang katotohanan.

Anyway, BBM nalang sana manalo. May titulo na yung tito ko pag nanalo sya. Hahahahaha. Pulpolitika nlang.
 
Galit kayo sa Elite at Oligarchs eh number one na Elite ng bansa ang mga Marcos.
Post automatically merged:

Di ba nakapagtataka na sinusuportahan siya ng mga convicted na kurap like Erap, GMA, Enrile, Jinggoy
 
yes sir alam ko naman na anti-marcos sir sir TS ok lang yon ganoon talaga, meron ayaw sa marcos meron namang gusto, para dutarte lang yon dati daming ayaw na dilawan sa kanyan ,
pero noon nakita nila nag mas porsigido pa si dutarte sa inakala nila, nag balat sibuyas na agad sila, " ika nga walang panindigan"

sakin kahit anong mangyari BBM ako,

dahil alam kung si LeNi ay tuta ng mga aquino, kahit sabihin pa na mgaling mag tago alam naman sa strategy nya,
kay lacson okay sya maging isang president kaso wrong timing yong pag takbo nya, ganoon rin si isko at paquao di nila panahon ngayon

kung si paquao ay tumakbo ulit ng senador mananalo sya
ganoon rin si lacson

pero ngayon sa pulso ng tao at kahit anong gawin nilang paninira kay BBM walang silang magawa lulusot si BBM sa malakanyang

tingan mo ngayon ang pahayad ni LENI ? harap harapan sa media na paninira nya sa katungali nya,
kung saan ganoon rin ang strategy ng mga Aquino dati at pinalabas pa nila sa TV "ABS CBN "

Sinasabi ko lang ang salubin ko,

no offend sa mga leni suporter,
Mas mataas pa yung position ni Isko sa survey kay Leni according sa Tanghere. 2nd si Isko at 3rd si Leni. Pinalalabas lang ng media na malakas si Leni.

Meron pang mas deserving sa Malacañang na hindi yellow kung yan lang pala ang dahilan mo sa pagpili kay Marcos Jr. Sa mga sumagot ng dahilan nila kung bakit gusto nila si bbm, wala ko nakitang solid reason. Kung hindi "pagkakaisa" na hindi naman alam ng bbm supporters o mismong si bbm kung pano ipapatupad yang pagkakaisa na yan, e ang dahilan nila "mabait" daw o kaya ayaw kay sa dilaw.

Napakababaw na dahilan. Di gaya noong si Duterte sa 2016, kaya siya pinili ng tao dahil "maganda kasi ginawa niya sa Davao" or "naayos niya kasi ang Davao kaya magagawa niya sa buong bansa yan".

Kung ayaw niyo ng dilaw, may option pa na mas deserving na parang si Duterte ang datingan. Napakababaw ng dahilan. Kawawang pinas 😀


"Ang sagot sa kahirapan, ang sagot sa gutom ng pamilya mo, ang sagot sa pagiging jobless mo, ay PAGKAKAISAAAAA! At kapag nagkaisa na tayo, sisikat tayooo!" - bbm

Looool. Grabe dalang dala kayo sa ganyang plataporma. Hehe. Motherhood statement. Walang proof 😂
 
BBM! wala namang nangyari sa dalawang aquino n umupo e. napapanahon lang na ibalik ang dapat.

#MarcosPaRin
nagbigay na ng early notice yung nagpost. to be exact with your STATEMENTS, AQUINOS helped the country to somehow uplift the economy. One of the main reason bakit sobrang lubog ang PILIPINAS sa UTANG is because of the past administration which two Aquino's were able to cope with the DEBT ng PILIPINAS SA WORLD BANK AT IMF. IF YOU WERE NOT ALSO AWARE THAT DURING THE TIME OF PNOY, we were once hailed by the WORLD BANK AS THE RISING TIGER OF ASIA (you can search it on google) because of PNOY's good handling in economy. Sa panahon lang ni PPRD lumubog ulit sa utang ang PINAS. FOREIGN POLICY ni PPRD? ehh bakit hindi kayang gamitin ang napanalunan natin sa INTERNATIONAL TRIBUNAL?
 
Last edited:
Kahit siguro dun na lang sa latest OCTA Research Survey ang basehan naten. Di ba mga data research din naman nila tayo naka-base sa lagay ng covid sa bansa.

View attachment 2993

eto yung hinahanap ko, yung nasa notes #3 ng survey table mo.

(3) Likely voters are registered voters who intend to vote and with high chance of voting in May 2022

so mga voter nga ang sinasabi nilang sumagot sa mga survey not sure sa iba pero dito sa OCTAresearch alam natin medyo mas reliable. thanks!

about sa "magkakagulo kapag di siya nanalo?", kaung napanood mo mabuti ang presscon, reporter mismo ang nagtanong nun kay isko. Na-real talk lang talaga ni isko si leni na marami talagang may ayaw sa dilaw kahit magpalit sya ng kulay. Kaya nag came up sya sa idea na bakit di nlang si leni ang magwithraw yun ang tunay na supreme sacrifice.

balik sa topic.. well pag nanalo si BBM, magkakaroon tayo ng reason na wag magbayad ng tax kasi mismong leader natin tax evader e kaya win win situation din talaga

thanks for clarifying yung part na reporter yung nag-open up na magkakagulo at sumagot lang si isko. i need to rewatch that part.

regarding sa di "natin" pagbabayad ng tax kasi tax evader mauupo, unfortunately hindi pwede sa atin noh. alam ko nagjo-joke ka lang kaya may joke rin ako.
para lang yan naririnig kong joke sa mga nakilala ko from catholic schools nung elementary sila. required clean cut.
kapag mahaba na buhok nila at nasita ng teacher/admin, di nila pwedeng isagot na "si jesus nga long hair bakit kami hindi pwede?"

pribelehiyo ng may kapangyarihan ay di magiging pribelehiyo nating mga ordinaryong mamamayan.
bayad pa rin tayo tax at sila makikinabang. eto ang hindi na maganda, hindi pa joke.

i can't believe na people would expect clean governance mula sa hindi clean na candidate.
so i'll assume na lang na they tolerate corruption na since yung mga nakaraang umupo, corrupt din.
nakasanayan na. ayaw na baguhin kahit hinain na yung mga "possible" chance na mabago.

Hahahahha. Low key yung pagpaparamdam ng dayaan pag natalo BBM. Hahahahaha.

Hirap talaga pag tanggol ni BBM no?

Tanggapin na lang natin na malalang corruption pag nanalo si BBM. Kaya hanap na din kayo ng backer nyo sa munisipyo. Hahahaha. Pakinabangan na naten.

unang requirement ata dyan, dapat yung mayor, allied with BBM. baka kasi magkasitahan kapag hindi eh. hahahaha.
 
Magandang thread din ito,

Isko can be 2nd duterte,
Ping has the will to change the country,
Norberto gonzales is a veteran
Leni has those so called resibos,
Manny being patriotic to God and country,

I mean... why bbm anong meron sa kanya?
Kung napanood mo lang yung SMNI 2nd round. Mas qualified pa nga si Gonzales kaysa sa mga nabanggit mo :ROFLMAO:
 
sa mga tumatakbo ngayon na pangulo marmaing pagpipilian pero ang mas angat sakin

BBM

gusto ko ang plataporma nya, di tulad sa iba na halos pabalik balik ang lang mga sinasabi at inuulit lang nila ang mga sinasabi ng mga dating pangulo , pag na ihalal na di na kilala ang mga mahihirap

at ayaw ko talaga sa mga babaeng pangulo,

why ?

sa lumipas na panahon tested na ang mga babaeng leader pag dating sa precedential position malambot,

Tanong lang po sir.. Ang plataporma po ba sir ni bbm na sinasabi mong gusto mo ay yung "Magkaisa"?
 
Hindi dahil taga Ilocos Norte ako kaya ko iboboto si BBM. Iboboto ko dahil sa kanyang plataporma. Siya lang ang may pinakamaliwanag na plataporma sa lahat ng mga precidential candidate. At siya lang ang may karisma sa kanilang lahat.
 
Hindi dahil taga Ilocos Norte ako kaya ko iboboto si BBM. Iboboto ko dahil sa kanyang plataporma. Siya lang ang may pinakamaliwanag na plataporma sa lahat ng mga precidential candidate. At siya lang ang may karisma sa kanilang lahat.

Tanong lang po sir.. Ang plataporma po ba sir ni bbm na sinasabi mong gusto mo ay yung "Magkaisa"? Yan po kasi yung paulit ulit niyang sinasabi

Isa pa pong tanong uli sir.. Ano po nagawa niya sa Ilocos Norte? Bakit po yung Ilocos ay parang probinsyang probinsya parin yung datingan?

Nagtatanong lang po :)
 
mas okay ng hindi sinasabi plataporma try tonwatch smni kesa panay ka sabi ng plataporma pag naka akto kana nga nga naman tyaka hindi siya yung buhat sa sariling bangkko kung mangamanpanya

I see.. salamat po. Natanong ko lang po kasi ang sabi po ng iba ay siya lang ang may "malinaw" na plataporma. Tapos tanong ko lang po ay kung "ano yung malinaw na plataporma" na sinasabi niya, yun po ba ay yung "Magkaisa"? Pero gaya nga po ng sagot po sir ay wala nga po siya sinasabing plataporma pala kundi "Magkaisa".

Hindi siguro masasabing "pagbubuhat ng bangko" yung kandidatong sinasabi niya yung mga "nagawa niya sa nasasakupan niya". Pinapakita lang non na "may proof siyang kaya niya gawin" yung sinasabi niya. Tama po ba?

Tanong ko lang po uli.. paano daw po gagawin ni bbm yung sinasabi niya para pagkaisahin daw yung mga tao? Nasabi na po ba niya yun?
 
ayoko pa sana mag-comment ulit dito. may mga nagustuhan akong sagot. meron din namang mga paulit-ulit lang, may generic saka meron din irrelevant.

kaso nakakabasa na ako ng puro plataporma. sa mga nagsabi ng maganda ang mga plataporma, pwede po bang magbigay kayo kahit isang specific example lang ng plataporma ni BBM pinaka tumatak sa inyo.
mas ok sana yung mga di pa nabanggit dito kagaya ng pagpapatuloy ng BBB, pagsulong ng federalismo, pagpapalit ng constitution..

wag niyo na po kami panoorin ng SMNI debate. alam naman po nating lahat na yung nag-organize nun, si quiboloy, na may kaso sa amerika, eh si BBM ang ine-endorso.
di niyo siguro ako masisisi kung iisipin ko na naibigay ng advance yung mga tanong at napaghandaan. saka entrance pa lang ng mga participant, kita yung pagka-bias.

ayun po ulit, hihingi lang po sana ako ng halimbawa ng kahit isang specific na plataporma lang po na tumatak sa inyo.

PS. kalma lang po tayo wala mag-aaway ah. manatili tayong disente sa ating mga sasabihin. masaya magbasa ng mga insight ng walang nagbabardagulan di kagaya sa FB ang toxic na dun.
 
ayoko pa sana mag-comment ulit dito. may mga nagustuhan akong sagot. meron din namang mga paulit-ulit lang, may generic saka meron din irrelevant.

kaso nakakabasa na ako ng puro plataporma. sa mga nagsabi ng maganda ang mga plataporma, pwede po bang magbigay kayo kahit isang specific example lang ng plataporma ni BBM pinaka tumatak sa inyo.
mas ok sana yung mga di pa nabanggit dito kagaya ng pagpapatuloy ng BBB, pagsulong ng federalismo, pagpapalit ng constitution..

wag niyo na po kami panoorin ng SMNI debate. alam naman po nating lahat na yung nag-organize nun, si quiboloy, na may kaso sa amerika, eh si BBM ang ine-endorso.
di niyo siguro ako masisisi kung iisipin ko na naibigay ng advance yung mga tanong at napaghandaan. saka entrance pa lang ng mga participant, kita yung pagka-bias.

ayun po ulit, hihingi lang po sana ako ng halimbawa ng kahit isang specific na plataporma lang po na tumatak sa inyo.

PS. kalma lang po tayo wala mag-aaway ah. manatili tayong disente sa ating mga sasabihin. masaya magbasa ng mga insight ng walang nagbabardagulan di kagaya sa FB ang toxic na dun.

Onga po sir. Ako po gusto ko malaman kung paano ba gagawin ni bbm yung sinasabi niyang plataporma niya na "Magkaisa"? Sana may sumagot po :)
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom