naramdaman mo na ba minsan na kahit anung gawin mo "hindi ka sapat sa pagmamahal ng taong mahal mo?"
well para sayo ang kwentong to...
Nangyari to ilang buwan palang ang nakakalipas. habang nasa kalagitnaan ng pagpapahinga galing sa trabaho ay nakita kong nagriring ang cp ko. "Eto nanaman" sabi ko sa aking sariling naiirita. kailangan ko nanamang gawin yung obligasyon ko bilang isang bf. sa totoo ang medyo nabobored na ako at gusto ko namang mabago yung routine ko. sa cp nalang kasi nagkakausap ng gf ko dahil magkaiba kami ng schedule. call center sya na pang gabi, kaya tulog sya sa umaga, ako naman nagtatrabaho. although 3 years na kami, tumakbo ng ganun na parang naging routine nalang ang lahat. isang araw, naglabas sya ng sama ng loob sakin kasi hindi na raw kami nagkakausap ng personal. sa cp na nga lang parang magsasabi lang na "papasok na ako" or something. naiintidihan naman daw nya na ganun talaga ang sitwasyon dahil sa sched namin. minsan pa kung kelan day off nya, hindi ko sya masamahan kasi nagkakataon na busy ako masyado at after work, pagod na ako. kaya habang tumatagal, lumalayo na yung loob nya sakin. paunti unti parang dumadalang na lalo yung usapan namin, sa text man o sa tawag. isang araw, nagtext sya. "usap tayo mamaya". hindi ko alam kung bakit pero at that point kinabahan na ako. siguro mga 2pm nagtext na sya uli, nagulat ako kc maaga pa. usually kasi ang gising nya is 4pm pa kaya yung kaba ko max limit na. at maya maya pa, dumating na yung text na kinatatakutan ko. "magcool off na muna tayo" text nya. hindi ako naimik sa kinauupuan ko. "hindi ko kasi kaya yung ganito eh, parang wala ng tau eh, puro sakin lang yung effort" dagdag nya. maya maya pa may text uli "nahihirapan na kasi ako eh, lagi tayong ganito. busy ka na. wala ka ng time para sakin. kapag kelangan kita wala ka." "alam mo sa totoo lang, sa iba ko pa nararamdaman yung mga bagay na dapat ikaw yung nagpaparamdam sakin" sunod sunod na text sakin. para akong tinatamaan ng mga bloke ng simento sa muka. umabot na sa puntong napuno na sya. maya maya pa.. "mas mainam na sigurong ganito at hanapin muna nating yung mga sarili natin". dun ko napagtanto na umabot na ko sa katapusan. wala na akong sinabing iba kundi magsumangayon sa sinabi nya. and to this day, masaya na sya dahil napupunan na yung mga bagay na hindi ko napupunan. masakit, sa totoo lang. pero cguro nga mas ok na yun kesa naman itrap ko sya sa cycle ng relationship namin..
anyway, sana may natutunan kayo sa kwento ko.
salamat sa pagbabasa...