Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

VECTOR X Vexel help

Status
Not open for further replies.

tatalouie

The Devotee
Advanced Member
Messages
374
Reaction score
1
Points
28
hi mga sir at maam baka pwede nyo po ako matulungan gusto ko po sanang matuto mag vector x vexel frustration ko talagang matuto nyan ever since kaso yung mga nakikita kong tutorial ambibilis di po ko magets karamihan puro speed vexeling kaya hindi ko masundan
may mga napupulot naman ako sa ibang tutorial lalo na po sa vxvph thanks to them kaso yung iba di ko makuha gusto ko sana ma master or magawa ng meo maayos na output sana matulungan nyoko baka po may full tutorial kayo jan hindi ko po kasi alam pano yung process sa skin tone pag para sa mapuputi or kayumanggi na portrait may sinundan ako tutorial na naka posterize kaso nalilito padin ako sa process :
eto po yung gawa ko gusto ko po sana kaso kitang kita yung shape na trinace ko :(
(View attachment 287936

eto naman po yung gawa ko na ginaya ko sa youtube kaso ang problem pag gagawa nako ng sarili ko ang panget na ng output :(

View attachment 287937
View attachment 287938View attachment 287939

yan po lahat yan ginaya ko lang sa youtube sana matulungan nyoko or kahit pag gagagwa po kayo baka pwede irecord nyo then upload nyo iintindihin ko nalang po kung pwede lang naman po maraming salamat
 

Attachments

  • jhen.png
    jhen.png
    279.5 KB · Views: 24
  • hihab.png
    hihab.png
    283.4 KB · Views: 27
  • vector.png
    vector.png
    1.6 MB · Views: 23
  • final.png
    final.png
    560.2 KB · Views: 19
boss pwede paturo din paupload din nyan mga gawa mo gusto ko din matuto ng ganyan..:salute:
 
naghahanap nga din po ako ng full tutorial eh

- - - Updated - - -

Patulong po please
 
maganda naman gawa mo ah, bale nag gaganyan din kasi ako, at kasali din ako sa group ng vxvph. magaganda gawa nila, mdaming inspirasyon, sa totoo nga nyan brad mas daig mo ko kasi maganda tracing mo sa buhok, 1 year na ako nag gagawa ng ganyan, payo ko lang sayo, gawa lang ng gawa, hirap din ako sa skin tone nung una basta practice lang ng practice base sa mga natutunan mo sa youtube di mo mapapansin di mo na kelangan mag posterize para lang maka pag skin tone, maayos na gawa mo, maganda na, pag ibayuhin mo na lang at practice pa tayo goodluck sa atin ka pentool.
 
practice ka sa iisang style lang.. ulit ulit lang hanggang magamay mo wag pabago bago .. habang ginagawa mo matututo ka rin nyan.. pm mo ko may isend ako na tutorial sa'yo madali lang intindihin ung tut. tutal tagalog din naman ung instructions..
 
Watch mo yung Tutorial ni sir Gian Agabon .. tpos kung sa youtube ka na nunuod ng Speed Vexel try mo i DL sya tpos i play mo sya sa VLC sa vlc may settings ng speed so ikaw na bahala mag set-up para ma panuod mo ng maayos .. yun langs :) ayan lang din ung inadvice sken nung taga VXVph eh :)) haha
 
bilang isang digital artist since 2011, isa lang ang maipapayo ko sayo at panigurado narinig mo na 'to sa iba:

PRACTICE.

practice, practice, practice.

pagdating sa vectoring/vexeling, WALANG SHORTCUT dyan.
importante talaga na mag-practice ka lagi. gumawa ka lang nang gumawa. wag kang titigil.
ngayon, kung nakakaramdam ka na ng pagsawa, it's either art exhaustion na yang nararamdaman mo OR hindi lang talaga sapat ang passion mo for art. kasi sobrang importante din talaga ang pagkakaroon ng passion sa anumang bagay na gusto mong gawin... tulad niyang pagve-vector.

kasi sinasabi ko sayo, kung nagsimula ka lang mag-vector dahil "na-aastigan" ka sa mga digital artists na gumagawa nyan, then ngayon pa lang tumigil ka na dahil hindi sapat na dahilan yan para i-pursue ang vectoring. napakababaw na dahilan nyan.

pero kung alam mo sa sariling mong gustong-gusto mo talaga, then good. it means may passion ka talaga. from passion, dyan magmumula yung drive mo na gumawa ng mga artworks. sa passion mo nanggagaling ang lakas mo para gumawa ng mga obra.

now, technical-wise, obviously marami ka pang pwedeng i-improve.
pero continue what you're doing. pasasaan din at gagaling ka din sa paggawa :approve:

------------

eto pa ang tips ko para sayo... hopefully makatulong bro...

TRY TO EXPERIMENT

- maganda din kung paminsan-minsan, mag-iisip ka outside the box. hindi porket nakita mo sa isang tutorial na dapat, ganito ang gawin mo, ganyan ang gawin mo eh ganun mo na lang talaga siya gagawin. maganda din kung mag-eexperiment ka paminsan-minsan ng mga iba't ibang bagay. for example, try mong gawing mas darker yung kulay ng mga shape layers mo sa skin shadings mo para mas umangat yung contrast ng mga kulay. tapos based sa sinabi mo sa taas, parang ayaw mo na nahahalata yung pagkaka-"trace" ng shape layers?? ba't di mo i-try na gamitan ng blur tool o ng gaussian blur kung sa Photoshop ka gumagawa para smooth ang edges niya o kaya try mong gamitan ng gradient kung sa Illustrator ka naman gumagawa para may fading effect yung edges niya. yung mga ganyang tipo.


LOOK FOR INSPIRATIONS

- ito ang isa pa sa mga importanteng gawi ng isang artist... ang tuming ng likha ng iba pang artists. :)
para sakin, dalawa ang pwedeng maging epekto nyan eh, either makakuha ka ng inspirasyon (concept, coloring style, paraan ng paggawa, etc.) or makakuha ka ng gana. oo, gana. kasi dadating ang time na makakaramdam ka ng art exhaustion. yan yung feeling na parang wala ka nang ganang gumawa dahil nasobrahan ka na sa paggawa. yung tipong wala ka nang maisip na concept, tapos tinatamad ka nang gumawa ng vector artworks, basta yung mga ganyan. pag nangyari yan, either magpahinga ka or, yun nga, maghanap ka ng inspirasyon na pwedeng magpagana ulit sayo. alam mo yung feeling na ginaganahan ka kapag nakakakita ka ng soooobrang lupet na artwork? yun yon. learning experience din kasi ang pagtingin sa artworks ng ibang artists. kaya kung wala ka pang Deviant Art or Behance account, ngayon pa lang, gumawa ka na. maraming magagaling na artists sa buong mundo...


sana makatulong yan sayo brad. tapos kapag nasa advance levels ka na, tsaka ka na maghanap ng sarili mong style/identity. kasi kung nagsisimula ka pa lang, mahihirapan ka dyan dahil hindi ka pa naman yata kasi bihasa sa tools ng software na ginagamit mo eh. once you're on that level na magaling ka na, yung tipong hindi mo na kelangang tumingin sa mga tutorials dahil maning-mani na lang sayo ang vectoring/vexeling [kahit na alam mong time consuming siya at medyo matagal gawin depende sa artwork lol], eh madali na lang yan. yan kasi yung tipong magsi-stick ka sa isang pamamaraan ng paggawa ng artworks.... yun ang tinatawag na sariling style. kaya tignan mo, pag naghanap ka ng mga artworks online, may mga digital artists ka na makikitang may kanya-kanyang style... kasi dun sila komportable at yun ang gusto nilang dating ng artworks nila. yan ang halaga ng style. hopefully makaabot ka sa ganun brad. wag kang susuko. tiyaga-tiyaga talaga yan.
 
Last edited by a moderator:
practice ka sa iisang style lang.. ulit ulit lang hanggang magamay mo wag pabago bago .. habang ginagawa mo matututo ka rin nyan.. pm mo ko may isend ako na tutorial sa'yo madali lang intindihin ung tut. tutal tagalog din naman ung instructions..
sir nag pm po ako sayo

- - - Updated - - -

maraming salamat samga tips nyo mga idol
 
it takes time para gumaling sa paggawa ng vector, try mo i vector yung mga anime character na di masyadong madugo ang drawing don kasi ko nagpractice dati saka last year lang ako natuto kasi matagal ko na gusto matuto gumawa ng vector which is nakaka-addict pala :lmao:


eto yung sample vector ko

View attachment 288795

View attachment 288796
 

Attachments

  • mandy copy.jpg
    mandy copy.jpg
    362.8 KB · Views: 3
  • inline copy.jpg
    inline copy.jpg
    544.7 KB · Views: 2
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom