Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Vpn ang Katotohanan

Lets wait fir a time na di na krlangan ng von kasi mabilis na ang net sa pinas
 
Para sa ikatatahimik ng aking isip, ask ko lang if ang internet na binebenta halimbawa ni arcade vpn ay legal or illegal. Ang alam ko kasing gamit ng vpn is for security lang eh. Please answer. Alam ko legal ang vpn. Pero pano po ung pagbebenta ng murang internet. Thank you.

Legal kasi me kasama ng advertisement yun ang ang bayad mo kapag mura
Kung mahal naman o VIP o premium walang advertisement
 
Simplehan lang natin. Kung globe user ka, at gagamit ka ng vpn para maka unli internet, kaninong ISP at kaninong bandwith at infrastructure ang talagang ginagamit mo? Hindi ba yung infrastructure ng globe? Kung naka free net ka na at unlidata na kase na bypass mo na ang system ni globe, kaninong infrastructure ang ginagamit mo? Pag sinabing infrastructure, ito yung signal towers, antenna, routers, underground cables, electricity, bayad sa maintenance engineers, bayad sa lisensya sa pag gamit ng airwaves pag transmit ng mobile signal, di ba globe lahat magbabayad nyan?

Lahat ng iyan, at marami pang ibang hindi natin nalalaman, ang binabayaran ng mga lehitimong gumagamit ng internet. Sinisingil ng globe yan sa mga nakasubscribe sa prepaid mobile data plans, postpaid data plans, wired internet plans, at kung ano ano pang plans KAPALIT ng serbisyo nila na magbigay ng internet connection sa subscribers.

Kung vpn user ka at nag bayad ka sa nagsetup ng vpn service para maka avail ka ng internet GALING SA GLOBE, GAMIT NG INFRASTRUCTURE NG GLOBE, legal ka bang user? Wala bang karapatang maningil ang globe sa pag gamit mo ng infrastructure nila? Bakit hindi ka pwede singilin? Dali binaypass mo sila? Na libre ka na sa obligasyon mo dahil butas ang system nila?

May hose ng tubig ang maynilad pero hindi super strong ang tubo ng tubig na ginamit nila. May nakakita sa weekness ng tubo at naisip nya gumawa ng aparato para samantalahin ang kahinaan ng tubo ng tubig. Gamit ang imbensyon nya, makakakuha ka na ng libreng tubig ng hindi na kailangan magbayad ng monthly water bill sa maynilad.

Yung gumagamit ba ng aparato, lehitimong subscriber ba sila o hindi?

Legal ba yung ganoong gawain oh hindi?

Simple lang. Itanong mo sa bata kung legal ba ang gumamit ng jumper, mag tap sa kuryente ng kapit-bahay, di na nila kailangan pag isipan ng matagal ang sagot.

- - - Updated - - -

Applications, depending on their intended purpose, can be legal or illegal.

VPN apps like Hotspot Shield are perfectly legal in its unaltered state, and when used according to its intended use: to surf securely over an insecure connection like public wi-fi for example. When you alter the configs of HS such that you can use it to hack/circumvent/bypass an ISP's paywall, then the application becomes a tool for the crime, vpn usage will then become illegal.
 
Wlang laws na nagsasabing illegal. ang Telco's nga sabi unlimited pero hindi tlga unlimited (especially call) . Kung sa bandwith nmn "VPS server ang gngnmit mo pag connected ka sa VPN) un nga lang mkikidaan k kung anong sim gmit mo like TM/globe. pero di k nmn iba block ng telco kasi business yan , dami bibili ng sim + promo = profit sa kanila. In my opinion lang yan :-P
 
illegal yan mga tol, pag ginamit mo para magka free internet ka. ang VPN mismo ay hindi illegal pag ginamit mo lang ito para ma hide yung ip mo at hindi mo ito ginamit para magka free internet.


kung ikaw si globe payag kaba gamitin yung company mo para makapag free internet kami? ahahaha
 
Last edited:
Marami na yatang nakasagot nito, pero sasabihin ko pa din.(medyo tinamad na ko magbasa hanggang sa last page. lol)

Anu po ba ang VPN?
Virtual Private Network.
Para saan po ba ito?
It encrypts your data and unblock the sites that you have with your current IP address.
Does it consume data?
Yes. In fact, it consumes data more than usual because of the VPN headers when it connects to the servers.
Where does the data/bandwidth come from?
It comes from your telco, which means you are still using your telco's bandwidth

Kahit ano pang opinion ang sabihin nyo, ang VPN ay para lang mag encrypt ng data at mag unblock ng sites with your current IP address. Wala sa kahit anong general description ng VPN ang mag provide ng data over sa telco plan. kayo na po sumagot kung legal or hindi. :salute:
 
in my own,legal sya in a way na binibili nila yung server nila,dun sila legal pero illegal yung way nila ng paggamit,kasi minomodify nila ung papasukin ng server nila,ex. si jofom,lahat ng bandwith ng server nila dun nila ipapasok kasi nga that time free access ang jofom kung nakaavail k sa promo ng tm,yun ang hindi pinahihintulutan ng mga telcos,
 
Simple lang answer nyan!!

VPN = legal (in A way na maging anonymous ka sa internet world)

Globe/Smart = Nakastate sa terms and conditions nila na bawal(illegal) and pagamit ng tools or any other program na nakaka modify sa kanilang service(Example: Fair Use Policy)

So in short VPN is Legal unless you use it for network or service provider that bypass their terms and conditions.(free Internet)
 
Pero pagnanakaw naman ang ginagawa ng mga telcos natin. The magic word UNLIMITED. UNLIMITED nga ba? Hindi ba pagnanakaw yun sa taong bayan using the word unlimited as false advertising pero pag nagkaron ka na ng capp or limitation message tsaka mo malalaman na hindi ka pala unlimited. Ipapakita na nila sayo yung FUP? (Fair Usage Policy) and other Terms and Conditions. In other words na iscam ka.

Kung postpaid ka naman or may monthly plan/wired connection? Yung plan ba na 3mpbs mo umaabot ba dun. Hindi ba nakalagay (up to 3 mbps) lang? Kahit walang connection or may sira ang system nila for a few days or sometimes a week kung kupal ang serbisyo. Nahihinto ba ang pagbabayad or may bawas ba sa babayaran mong monthly bill? Wala dba?

Kaya naglabasan ang VPN na nagbybypass sa internet connection natin. Dahil alam nila ang pain ponts ng tao.

• Mahal na internet (per gb ang bentahan)
• Kupal na serbisyo
• False Advertising (Unlimited daw)

Kaso hindi mo maitatanggi pagnanakaw din ang ginagawa nila. Nagtatake advantage yung may mga knowledge na developers at gumagawa sila paraan para ma-bypass at gawan ng paraan yung loophole sa system ng telcos natin na magnanakaw din. Binebenta ng mura at pinagkakakitaan nga lang without paying tax. Marami naenganyo kasi ito na yung sagot sa tao na unlimited internet no capping kaso ang problema galing din sa nakaw. Why? ginagamit mo pa rin ang data / telco bandwidth para makapag internet. 150-200 pesos ang singil nila dyan. Kung iisipin mo sobrang nakatipid ka diba kesa sa 50 pesos a day na promo ng telcos na unlimited daw pero may cap. PERO GALING PA RIN SA NAKAW

DITO NA PAPASOK ANG MORAL METER NATIN. Iba iba tayo ng moral. Depende yan kung pano ka lumaki at pano ka pinalaki. Kung kinalakihan mo magnakaw normal lang sayo magnakaw at sasabihin mong wala naman masama magnakaw sa mga nagnanakaw din sayo.

Pero kung lumaki kang matino at pinalaki kang matino alam mo na ang NAKAW may bad karma yan. At hindi ka komportable na tumangkilik ng nakaw dahil labag yun sa dignidad mo.


Willing ako magbayad ng fiber connection na mabilis and no cap at maayos ang service kesa dyan sa mga telcos na yan na walang ginawa kundi magnakaw both prepaid and postpaid subscribers. Kung implemented na yung ganung klaseng internet sa atin, ang gamit na lang nyan na VPN sakin is to hide my IP. Nothing else.

Sana magkaron naman ng henyo na Pinoy na makakadiskubre ng internet na magiging masaya ang lahat both telcos business owners and normal users.

Hanggat hindi lumalabas itong ganitong sistema ng internet dito sa Pinas. Tuloy tuloy lang ang nakawan. Ngayon magtanong ka bakit hindi umasenso ang Pilipinas. Tayo tayo mismo ang nagnanakawan.
 
Last edited:
in my opinion legal po yan at may karapatan po silang magbenta kasi binibili po nila ang mga SERVERS na gamit nila. ang advantage mo lang once naka-subscribe ka sa paid vpn ay hindi mo na kailangang problemahin kung paano pagaganahin dahil sila na ang naghahanap ng WAY para makakonek ka. all you have to do is PAY them. besides napakamura ng price niyan kesa sa PROMO ng TelCo's.

P.S. make sure lang na su-subscribe ka sa VPN na walang SCAMMER. may mga VPN seller kasi na nanloloko lang. recommended ko is BLUEVPN matagal na akong subsciber and maganda ang service.

May china Server ba si Bluevpn, at may free trial ba yan?
 
Para sa ikatatahimik ng aking isip, ask ko lang if ang internet na binebenta halimbawa ni arcade vpn ay legal or illegal. Ang alam ko kasing gamit ng vpn is for security lang eh. Please answer. Alam ko legal ang vpn. Pero pano po ung pagbebenta ng murang internet. Thank you.

Para sa akin legal yan. May gap kasi sa security features na ginagamit ng Telco dito sa atin. Wala nman tayung nilabag na Statement sa "terms of Agreement" ng telco. They should invest in upgrading their security features kung ayaw nila na may nakakalusot sa kanila.

:lol:
 
Back
Top Bottom