Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Wala Pa Ring Malaking Pagbabago sa Mindanao sa Administrasyong Duterte

xDigoyx

The Devotee
Advanced Member
Messages
324
Reaction score
1
Points
28
Ginawa ko itong listahan para malaman natin kung properly distributed ba ang mga projects sa Administrasyong Duterte, specially sa Mindanao na matagal ng napabayaan. Tingnan natin kung magkaroon ba talaga ng maraming jobs at ito ba ay short, medium, long term:

Lopez disclosed that the $15 billion worth of investment projects signed were as follows:

1. Subic-Clark railway project by Bases Conversion and Development Authority (BCDA) and China Harbour Engineering Co. - for Luzon

2. Bonifacio Global City-Ninoy Aquino International Airport Segment of Metro Manila Bus Rapid Transit-EDSA project by BCDA and China Road and Bridge Corp. - for Luzon

3. BCDA-China Fortune Land Real Estate project (memorandum of understanding); - not certain

4. Safe and smart city projects for BCDA by BCDA and Huawei Technologies - for Luzon/Visayas/Mindanao

5. Transportation and logistics infrastructure at Sangley Point by Cavitex Holdings, International Container Terminal Services Inc. and China Harbour Engineering - for Luzon

6. Joint venture agreement of Jimei Group of China and Expedition Construction Corp. for infrastructure projects - for Visayas

7. North Negros biomass and South Negros biomass project by North Negros Biopower and Wuxi Huaguang Electric Power Engineering - for Visayas

8. Globe Telecom projects to improve network quality and capacity - for LuzViMin

9. Jin Jiang hotel room capacity expansion from 1,000 to 2,000 by Double Dragon Properties and Hotel of
Asia Inc. - not certain

10. Joint development project on renewable energy by Columbus Capitana and China CAMC Engineering - for Luzon or Visayas

11. New Generation Steel Manufacturing Plant by Mannage Resources and SIIC Shanghai International Trade HK; - for Mindanao

12. Joint venture on steel plants by Global Ferronickel and Baiyin International - for Mindanao

13. Renewable energy projects by Xinjiang TBEA Sunoasis - for Visayas

14. Davao coastline and port development project by Mega Harbor Port and Development and China Harbour Engineering; - for Mindanao (Davao)

15. Manila Harbour Center reclamation by R-II Builders Inc. and China Harbour Engineering - for Luzon

16. Cebu International and Bulk Terminal project by Mega Harbour Port and CCCC Dredging Company - for Visayas

17. Cabling manufacturing facilities by MVP Global Infrastructure Group and Suli Grp Ltd. - for LuzViMin

18. Manila EDSA Bus Transportation program by Phil State Group and Yangtse Motor group and Minmetals International - for Luzon

19. Hybrid rice production by SL Agritech and Jiangsu Hongqi Seed Inc. - for Mindanao

20. Bus manufacturing facility by Zhuhai Bus and Coach Co. - for Luzon

21. Banana plantation project by AVLB Asia Pacific and Shanghai Xinwo Agriculture Development Co. - for Mindanao

22. 300MW Pulangi-5 Hydro Project by Greenergy Co. and Power China Guizhou Engineering Corp. - for Mindanao

23. Pasig River, Marikina River and Manggahan Floodway bridges construction project by Zonar Construct and SinoHydro; - for Luzon

24. Ambal Simuay sub-river basin flood control project by One Whitebeach Land Development and Sino Hydro; - for Mindanao

25. Nationwide island provinces link bridges by Zonarsystems and PowerChina Sino Hydro; and - for LuzViMin

26. Railway project (study) by MVP Global Infrastructure group and China Railway Engineering Corp. - for Luzon

For Luzon: 13
For Visayas: 9
For Mindanao: 11

Sa 11 projects para sa Mindanao, ito ang analysis ko:

#4 partnership ng Huawei, at MVP Co. na pang real state application o pang subdivision.
#8 Globe telecom application na pang enhance ng ISP nila. Sa atin magre reflect ang utang at tayo ang magbabayad.
#11 Steel generation, bubuhayin ang National Steel ng Iligan, pero malabo dahil sa mahal ng kuryente.
#12 Steel plants, pero malabo dahil sa mahal ng kuryente, posibleng mining concession.
#14 Davao coastline and port development. Papogi para maraming mag open ng business offices.
#17 MVP Cabling (Smart) na pang enhance ng ISP nila. Sa atin magre reflect ang utang at tayo ang magbabayad.
#19 Hybrid Rice Production, parang GMO para magka kanser ang mga tao; meron na tayong mga varieties, palagay ko di na kelangan
#21 Banana Plantation project, run by oligarchs, issue dito ang aerial spraying, pollution, contamination, at land conversion. limited jobs.
#22 300MW Pulangi-5 Hydro Project, maganda pero ang problema pag nag El Nino baka ala na at parang IPP pa ata.
#24 Ambal Simuay sub-river basin project pang kontrol ng baha.
#25 Link Bridges, maganda pero saan kaya ilalagay?

Sa nakikita ko walang industrialization sa ginawang loan, so walang pang long-term jobs ang mage generate. May infrastructure development pero pang private application, rehabilitation at hindi pang generate ng long term jobs.

Yong steel plants ay medyo malabo mag sustain dahil sa mahal ng kuryente sa atin, may steel plants na sa atin dati pero nagsara, kaya posibleng minahan or recycling plants ata.

May pang agrikultura pero rice at saging lang ata hindi diversified ang industry sector na to, kaya marami pa rin ang ma underemployed o unemployed. Issue din dito yong aerial spraying, pollution, contamination ng tubig at land conversion.

Yong hyrdo-electric power plant, problema pag nag El Nino. Dapat sana may linkage ang power grid ng Mindanao sa Malampaya, para hindi mahirapan sa supply ng kuryente.

Yong davao coastal at port development, ay pedeng pang business application, pero limited pa rin ang generation ng jobs dahil walang mga bagong industries. Kaya tagilid pa rin ang Mindanao.

AT saka meron pala ako gusto idagdag, kaya pala walang nagrereact. Hahaha.... Ito yong mahalaga:

Kung titingnan nyong maigi yong mga projects sa taas, makikita nyo na ang malaking portion ng loan ay gagamitin ng mga pribadong sector para sa pag-upgrade ng kanilang negosyo gaya ng Smart, Globe, MVP Holdings, Greenergy, AVLB Asia Pacific, etc. Anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin ay sila ang gagamit ng perang ni loan at tayong lahat ang magbabayad.

Ito ang definition ng 'External Debt' ayon sa Wikipedia,

External debt (or foreign debt) is the total debt a country owes to foreign creditors, complemented by internal debt owed to domestic lenders. The debtors can be the government, corporations or citizens of that country. The debt includes money owed to private commercial banks, other governments, or international financial institutions such as the International Monetary Fund (IMF) and World Bank.
https://en.wikipedia.org/wiki/External_debt

Klarong klaro na ang debtors pala ay hindi lang gobyerno natin, pede pala corporations o mga indibidwal na mga Filiipino ang pede mangutang sa ibang bansa, at ipapasa ang utang at pagbabayad sa ating lahat. Ang problema lang kasi tayo na nga ang magbabayad sa utang na yan, tapos, sa mga negosyo ng mga pribadong negosyante na yan ay tayo pa rin ay pagbabayarin ng mahal ng kanilang mga produkto o serbisyo (gaya ng internet). Kaya para tayong ginisa sa sarili nating mantika.

Kaya tama yong sinabi ni Abdul Ampatuan sa kanyang thread, na ayaw nya ng utang utang ang gobyerno kasi nga ang nagbebenepisyo lang ay ang mga bigtime na negosyante na may kapit sa gobyerno. Ito pala ang nangyari sa panahon ni Marcos na tinatawag na 'Cronyism' na ang nagbebenepisyo ay yong mga kaibigan niyang negosyante na kumita ng malaki sa mga projects ng gobyerno at tayo ang hanggang ngayon ay nagbabayad pa rin ng mga utang na yan.
 
Last edited:
Ginawa ko itong listahan para malaman natin kung properly distributed ba ang mga projects sa Administrasyong Duterte, specially sa Mindanao na matagal ng napabayaan. Tingnan natin kung magkaroon ba talaga ng maraming jobs at ito ba ay short, medium, long term:

For Luzon: 13
For Visayas: 9
For Mindanao: 11

Sa 11 projects para sa Mindanao, ito ang analysis ko:

#4 partnership ng Huawei, at MVP Co. na pang real state application o pang subdivision.
#8 Globe telecom application na pang enhance ng ISP nila. Sa atin magre reflect ang utang at tayo ang magbabayad.
#11 Steel generation, bubuhayin ang National Steel ng Iligan, pero malabo dahil sa mahal ng kuryente.
#12 Steel plants, pero malabo dahil sa mahal ng kuryente, posibleng mining concession.
#14 Davao coastline and port development. Papogi para maraming mag open ng business offices.
#17 MVP Cabling (Smart) na pang enhance ng ISP nila. Sa atin magre reflect ang utang at tayo ang magbabayad.
#19 Hybrid Rice Production, parang GMO para magka kanser ang mga tao; meron na tayong mga varieties, palagay ko di na kelangan
#21 Banana Plantation project, run by oligarchs, issue dito ang aerial spraying, pollution, contamination, at land conversion. limited jobs.
#22 300MW Pulangi-5 Hydro Project, maganda pero ang problema pag nag El Nino baka ala na at parang IPP pa ata.
#24 Ambal Simuay sub-river basin project pang kontrol ng baha.
#25 Link Bridges, maganda pero saan kaya ilalagay?

Sa nakikita ko walang industrialization sa ginawang loan, so walang pang long-term jobs ang mage generate. May infrastructure development pero pang private application, rehabilitation at hindi pang generate ng long term jobs.

Yong steel plants ay medyo malabo mag sustain dahil sa mahal ng kuryente sa atin, may steel plants na sa atin dati pero nagsara, kaya posibleng minahan or recycling plants ata.

May pang agrikultura pero rice at saging lang ata hindi diversified ang industry sector na to, kaya marami pa rin ang ma underemployed o unemployed. Issue din dito yong aerial spraying, pollution, contamination ng tubig at land conversion.

Yong hyrdo-electric power plant, problema pag nag El Nino. Dapat sana may linkage ang power grid ng Mindanao sa Malampaya, para hindi mahirapan sa supply ng kuryente.

Yong davao coastal at port development, ay pedeng pang business application, pero limited pa rin ang generation ng jobs dahil walang mga bagong industries. Kaya tagilid pa rin ang Mindanao.

AT saka meron pala ako gusto idagdag, kaya pala walang nagrereact. Hahaha.... Ito yong mahalaga:

Kung titingnan nyong maigi yong mga projects sa taas, makikita nyo na ang malaking portion ng loan ay gagamitin ng mga pribadong sector para sa pag-upgrade ng kanilang negosyo gaya ng Smart, Globe, MVP Holdings, Greenergy, AVLB Asia Pacific, etc. Anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin ay sila ang gagamit ng perang ni loan at tayong lahat ang magbabayad.

Ito ang definition ng 'External Debt' ayon sa Wikipedia,

https://en.wikipedia.org/wiki/External_debt

Klarong klaro na ang debtors pala ay hindi lang gobyerno natin, pede pala corporations o mga indibidwal na mga Filiipino ang pede mangutang sa ibang bansa, at ipapasa ang utang at pagbabayad sa ating lahat. Ang problema lang kasi tayo na nga ang magbabayad sa utang na yan, tapos, sa mga negosyo ng mga pribadong negosyante na yan ay tayo pa rin ay pagbabayarin ng mahal ng kanilang mga produkto o serbisyo (gaya ng internet). Kaya para tayong ginisa sa sarili nating mantika.

Kaya tama yong sinabi ni Abdul Ampatuan sa kanyang thread, na ayaw nya ng utang utang ang gobyerno kasi nga ang nagbebenepisyo lang ay ang mga bigtime na negosyante na may kapit sa gobyerno. Ito pala ang nangyari sa panahon ni Marcos na tinatawag na 'Cronyism' na ang nagbebenepisyo ay yong mga kaibigan niyang negosyante na kumita ng malaki sa mga projects ng gobyerno at tayo ang hanggang ngayon ay nagbabayad pa rin ng mga utang na yan.

Sagot ng corporations ang utang nila, walang kinalaman ang citizens. Ang government-incurred debt (national external debt-inutang lang ng gobyerno) ang kelangan mong data, hindi yung total external debt na kasama binilang ang utang ng corporations. Kailangan sa accounting ng national balance of payments (BOP) ang lahat ng klase ng debts kaya sya mahalaga. Hope this helps.

- - - Updated - - -

Sa parte ng Mindanao development, talagang kaawa-awa ang sitwasyon ng Mindanao compare sa Visayas man lang, lalo na sa Luzon, lalo na kung iisipin mo ito ata ang pinakamaraming resources na region sa Pinas (not sure), at pinakabalanced ang klima.

Si FVR ang kauna-unahang presidente alam ko na sumubok iaddress ang disparity ng growth/development, na di rin pinagpatuloy ng mga sumunod sa kanya. Si D30 ang may sinasabing plan, ewan ko kung san patutungo to.
 
Lahat po ng borrowings ng isang bansa sa ibang bansa ay credited yan sa gobyerno nung nangutang na bansa. Pag malakihang loans po kasi, walang matinong bansa ang magpapautang sa kahit sinong korporasyon ng isang bansa kung walang basbas ng kanilang gobyerno. Ano ba ang ibig sabihin nito? Kung ang isang korporasyon ay mangungutang, ito po ay ginagarantiyahan ng kaniyang gobyerno o ang gobyerno ang nagiging 'guarantor'. Tanong? Kung hindi mababayaran ng mga korporasyon yong utang nila sa mga foreign creditors, ano ngayon ang mangyayari? Sino po ang hahabulin ng mga creditors? Please remember po, na ang mga foreign creditors ay walang 'sovereign rights' para manghimasok sa 'affairs' ng isang bansa. So, ang mangyayari ili liquidate ng Bangko Central ang lahat ng financial aspects (ex. assets, liabilities, etc.) nung 'insolvent o bankrupt' na korporasyon, at dahil ang gobyerno ang guarantor, ang lahat ng mga bayarin ukol sa na loan ng korporasyon ay kargo na ngayon ng gobyerno at ito naman ay ipapasa sa mga 'citizens' nito. Kaya nga tama ang ibinigay na definition ng Wikipedia about external or foreign debt na kasama ang korporasyon na sinasabi,

The external debt is the amount of debt a country owes to foreign or international creditors.
The debtors can be the government, corporations or citizens of that country. The estimated Philippines foreign debt under the Aquino administration in early 2016 was $70(US$70 billion). External debt was aprox. 70 billion in early 2016.

Yon namang Balance of Payments (BOP) ay talaan ng mga transaksyon ng mga aktibidad pang ekonomiya (economic activities) ng isang bansa, dito usually nakasaad yong 'export-import performance'. At ito ay may praktikal na gamit gaya ng pag monitor kung nagkakaroon ng 'deficit' o 'surplass' sa sinasabing economic activities. Kung 'surplus', it means na maraming pera ang dumadating sa bansa. Dito din malalaman ang demand and supply ng 'currency' ng isang bansa na ginagamit sa foreign exchanges nito. Ito din ang isa sa mga nagiging basehan ng mga 'foreign creditors' kung papautangin o maglalagak sila ng pera para sa mga 'investments'.

The Balance of Payments (BOP) is included within the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Annual Report which shows the difference of the total value of payments into (credit) and out of (debit) the country. Also known as the Balance of International Payments, the yearly published BOP contains all transactions between the residents and non-residents, including the trade of goods and services, income, investment, debt services and financial instruments. Having recorded the monetary credit and debit, the total asset and liabilities should zero out. But, in practice, the BOP shows the deficit or surplus and from where it is coming from.
https://en.wikipedia.org/wiki/External_debt_of_the_Philippines

Developing countries use external borrowing as a mechanism to address the gap between domestic savings and desired investment and the export-import gap.
https://en.wikipedia.org/wiki/External_debt_of_the_Philippines
 
Lahat po ng borrowings ng isang bansa sa ibang bansa ay credited yan sa gobyerno nung nangutang na bansa. Pag malakihang loans po kasi, walang matinong bansa ang magpapautang sa kahit sinong korporasyon ng isang bansa kung walang basbas ng kanilang gobyerno. Ano ba ang ibig sabihin nito? Kung ang isang korporasyon ay mangungutang, ito po ay ginagarantiyahan ng kaniyang gobyerno o ang gobyerno ang nagiging 'guarantor'. Tanong? Kung hindi mababayaran ng mga korporasyon yong utang nila sa mga foreign creditors, ano ngayon ang mangyayari? Sino po ang hahabulin ng mga creditors? Please remember po, na ang mga foreign creditors ay walang 'sovereign rights' para manghimasok sa 'affairs' ng isang bansa. So, ang mangyayari ili liquidate ng Bangko Central ang lahat ng financial aspects (ex. assets, liabilities, etc.) nung 'insolvent o bankrupt' na korporasyon, at dahil ang gobyerno ang guarantor, ang lahat ng mga bayarin ukol sa na loan ng korporasyon ay kargo na ngayon ng gobyerno at ito naman ay ipapasa sa mga 'citizens' nito. Kaya nga tama ang ibinigay na definition ng Wikipedia about external or foreign debt na kasama ang korporasyon na sinasabi,

Sinasali lang ang private corporations debt sa list, pero usually ang problema ng government yung sariling debts niya lang. May sariling mechanics ang pangungutang ng privately owned corporations, and companies have their own credit ratings outside of their own country (NG debt). Tumingin ka sa history ng debt payment natin kung nagkaron na ba ng problema ang Pilipinas brought about by the debt of a private company outside. Maraming protections ang foreign creditors against private companies, and mostly international commercial banks act as guarantor before the government. For one thing, the government would not allow its financial position to be put at risk by unhealthy private corporations. The financial system is almost shockproof pagdating sa ganyan, so mostly unwarranted yung fears natin sa issue ng part ng corporations debt sa total debt ng Pilipinas.
 
Naku ang labo nyo naman pala. Sinabi na nga ng Wikipedia ang definition ayaw nyo pang maniwala, tapos, dina justify nyo pa yong sa inyo. Ibig bang sabihin mas magaling pa kayo sa Wikipedia o Investopedia?

Anyway, ito pala ang basis yong sinasabi kong ginagarantiya ng gobyerno ang foreign loans para sa mga korporasyon at ibang financial institutions natin dito sa bansa. Sa panahon ni Marcos, ito yong Presidential Decree 1080 http://www.lawphil.net/statutes/presdecs/pd1977/pd_1080_1977.html, at na amendahan naman ng tenth Congress noong 1998 na tinatawag na Republic Act 8494 http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1998/ra_8494_1998.html.

Natatawa naman ako sa inyo sa mga pinagsasabi nyo. Nasa banking sector po ba kayo? Kasi kung nasa banking sector kayo ay marahil alam nyo ang takbo ng mga 'foreign loans', saan napupunta, at iba pa. Ang tanong, kung kaya naman pala ng mga private corporations na yan na makipag transact sa ibang bansa directly, e, bat sumama pa sila kay President Duterte? Kung masasagot mo yan, marahil magaling ka nga.

Ito yong mga sampol na bangko na nagsara dahil bankrupt at dumaan ng liquidation https://www.pdic.gov.ph/index.php?nid1=63&lcb=1
Kung masasagot mo kung bakit sila nagsara at ano ang epekto nitong pagsara baka sumaludo pa ako sayo at masasabi nga nating ang problema ng private sector e, problema nga lang nila. Yong mga corporate industries na nagsara o bankrupt, ibibigay ko sa susunod.

Ito naman yong kinatatakutan ng Indonesia dahil sa laki ng private sector external debt, magandang reference din yan http://www.indonesia-investments.co...rces-companies-to-hedge-foreign-debt/item2573
 
Ang sabi ko walang problema sa guarantee ng bansa sa foreign creditors. Yung mga pinakita mo links, ano ang relation nun sa usapan na foreign credits? Yung mga bankong nagsara puro local banks, ano relation nun sa usapan natin? Ang sinasabi mo kase delikado na tao ang nagbabayad sa utang ng philippine corporations sa utang nila sa labas ng bansa. Hindi support sa argument mo yung list ng local banks na nagsara, lalo na di naman galing sa foreign creditors ang capital nun. Ang kailangan mo ipakita yung local company na capitalized by foreign credits nagsara na tao ang nagbayad. Yung unang dalawang links basic na sa nag-aaral ng local banking and economics 101 yan, pero di yan mga support sa arguments mo. Linawin natin yung claims natin versus supports sa arguments. At sana paliwanagan lang to di dalhin sa samaan ng salita. Lahat nakikinabang sa maayos na paliwanagan.

Anyway, sa tanong bakit kailangan mangutang ang Pilipinas kahit healthy ang foreign reserves natin, ito ang sagot. I will try to post a more elaborate explanation for that in my other thread about international debt.
 
Sinong "nyo" at "kayo"?? Isang kasymb lang naman kausap mo.. :noidea:

Mas maayos ang pakikipag-argumento kung hindi babahiran ng mga ganyang sentimyento..

Tama naman pareho ang sinasabi niyo, nag-iiba lang sa sitwasyon na ginagamit ninyo sa mga "kung". Dito na pumapasok ang sari-sarili ninyong opinyon..
 
nice one papsi ;)
 
Kung masasagot mo kung bakit sila nagsara at ano ang epekto nitong pagsara baka sumaludo pa ako sayo at masasabi nga nating ang problema ng private sector e, problema nga lang nila. Yong mga corporate industries na nagsara o bankrupt, ibibigay ko sa susunod.

Ang sabi ko walang problema sa guarantee ng bansa sa foreign creditors. Yung mga pinakita mo links, ano ang relation nun sa usapan na foreign credits? Yung mga bankong nagsara puro local banks, ano relation nun sa usapan natin? Ang sinasabi mo kase delikado na tao ang nagbabayad sa utang ng philippine corporations sa utang nila sa labas ng bansa. Hindi support sa argument mo yung list ng local banks na nagsara, lalo na di naman galing sa foreign creditors ang capital nun. Ang kailangan mo ipakita yung local company na capitalized by foreign credits nagsara na tao ang nagbayad. Yung unang dalawang links basic na sa nag-aaral ng local banking and economics 101 yan, pero di yan mga support sa arguments mo. Linawin natin yung claims natin versus supports sa arguments. At sana paliwanagan lang to di dalhin sa samaan ng salita. Lahat nakikinabang sa maayos na paliwanagan.

Anyway, sa tanong bakit kailangan mangutang ang Pilipinas kahit healthy ang foreign reserves natin, ito ang sagot. I will try to post a more elaborate explanation for that in my other thread about international debt.

sir xDigoyx, time to salute sir Stomer0628 :D
 
Maraming nagsasabi na lawless land parin ng Mindanao, expected na yan sa isang multi-cultural at multi ethinic society at sa pagkalaki na isla. Balita din yung massive vote buying sa Mindanao every election at sikat na mga political dynasty. IMHO tlgang mabagal ng usad nang progress sa Mindanao dahil nasa Luzon ng karamihan sa mga business at economic zone.

Dito sa Visayas kasi mismo yung provincial government at local government nag take nang initiative, mismo yung governor namin yung nag hihikayat nang mga investment. Ngayun d2 sa Negros sa tulong nang Governor namin madaming call center jobs at meron din d2 tech hub libre yung training sa call center no questions asked through TESDA founded by provincial government. We shifted from an agricultural province to IT BPO.
 
Sa Cebu ka ba? Kung makakapunta ka lang dito sa Mindanao makikita mo talaga na peaceful naman. Pwera na lang doon sa Basilan at Sulu Province. Halos lahat naman ng mga lugar dito ay wala namang problema kahit multi-cultural o multi-ethnic man. Yong mga MILF ay nasa ARMM lang yan, pero kung natupad yang Bangsamoro Basic Law baka nga magkaroon ng lasting peace. Maraming mga lugar naman talaga dito na may malaking potensyal at kontrolado ang peace and order, gaya ng, Davao Region, Bukidnon, Agusan, Cagayan de Oro, Iligan, Zamboanga, at ibang parte ng Sultan Kudarat at North Cotabato. Ang problema kasi mali lang yong mga perceptions ng karamihan ng mga tao sa Luzon at Visayas. Alam ko talaga kasi parati kong napupuntahan ang mga lugar na nabanggit ko kasi parte ng aking trabaho.

Talagang maganda yong ginawa ng Governor nyo dyan kasi andyan yong MEPSA at umuusbong na rin yong call center industry. Dito sa amin sa Mindanao, may mga call centers naman, yong sa Davao mas umusbong yong business development hindi dahil kay Duterte sa pagkakaalam ko, yong dating Mayor nila na si Ben de Guzman ang nagsimula, natalo lang daw ng sumunod na eleksyon kasi dahil sa pagtutok niya sa business development and infrastructure ng Davao, nalimutan niya ma maintain yong peace and order at umusbong na naman daw yong kriminalidad kaya yon ang naging isyu. Naging isyu din yong sports complex na hindi natapos kasi ayon kay Duterte ay hindi daw 'safe', malapit na sanang matapos, kaya lang natingga at ni lumot na lang. Sa pagkakaalam ko rin, sabi ng kaibigan kong taga Davao, hindi naman daw mahilig sa industriyalisasyon si PD30, kasi nang magtayo ng planta ang San Brewery sa Davao ay hinarangan ito, kaya natayo doon sa probinsya ng Davao del Sur. Sabi pa niya, wala ka talagang makikitang mga bagong industriya sa Davao, kundi mga luma at maliliit. Kung magagawi ka nga naman puro 'malls' lang naman talaga ang makikita mo at ang mga bagong tayong mga 'condominiums' na halos lahat ng bumibili ng mga flat o room ay mga bigtime na taga Maynila, na kapag bumabagyo doon, ay dito sila nagsisitungo.
 
Last edited:
heheh.. gaano ba ka liit ang pilipinas para mabilis ang pagbabago nito..
 
Aba, ang liit talaga ng Pilipinas magkasinlaki lang ata tayo ng Taiwan, Japan o New Zealand sa laki, pero tayo ay napag iiwanan nila. Yong Singapore na sobrang liit kesa sa atin grabeng asenso, yong Hongkong eh kulilat noong una eh bumabaha na ngayon ng pera at namamasukan yong mga Pinay. Yong South Korea na hindi naman gaanong kalakihan at sobrang pobre noong una dahil sa gyera nila sa mga komunista at grabeng korupsyon ay maasensong maasenso na. Tayo ang umaasenso lang ata sa atin ay ang pagtaas ng populasyon, paglala ng korupsyon, at ang pagiging mas panatiko ng mga Pilipino.
 
Tama kayong lahat walang patutunguhan ang kahit sinong pangulo hanggang nananaig ang interes ng mga burukrata kapitalista at mga imperiyalistang us sa pilipinas.... ang ]gobyerno ay walang pakialam sa hinaing ng mga tunay na naghihirap at nagbubuwis para masa... Rebolusyon!!!!!! at armadong pakikibaka yan lamang ang landas sa tunay na kalayaan mula sa mapang-aping naghaharing uri.
 
Walang ginawa US dito, tayo mismo gumawa nang sarili nating problema. Kung US tlga my kasalanan d2, edi yung Japan at Korea pareho parin satin ngayun? :)
 
Mahigit tatlong buwan palang ang Presidente, ang pag unlad ay hindi instant. Hanggat wala padin kapayapaan sa Mindanao at andiyan padin ang MNLF, MILF at Abu Sayaff ay magdadalawang isip padin ang mga investor na mamuhunan doon.

Ilang buwan palang ang presidente pero and haba na ng listahan mo ng gusto niyang ipagawa. At napansin kong sa bawat proyekto na nakalaan sa Mindanao ay may negatibo kana kaagad na reaksyon.

Maging positibo naman po tayo. Sa palagay mo ba kung hindi siya ang nanalo ay may proyekto ng ganyang kadami na nakahanda sa puntong ito ng kanyang pamumuno?

Sa malamang ay nakikipag girian padin tayo sa China sa Panatag sa ngaun.
 
Very good.

My hope is for this administration to really make a deep impact in Mindanao. But less than six years will not be enough. Masama pa diyan ang issue ng continuity. May masimulan man maganda tong administration na to, paano yung susunod, malamang di na ipagpapatuloy, gaya ng nangyari kay FVR na pinasimulan buksan ang Mindanao pero nabalewala rin ng mga sumunod na pamahalaan. Nasa headline ang Bangsamoro, ewan ko lang kung sapat na ito para maging daan sa final solution sa Mindanao. Maraming structural issues sa lugar. Kung ang national government nga marami, isa pa din sa Mindanao, at mukhang mas malala pa.
 
Last edited:
Back
Top Bottom