Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

What is the right thing to do? Long post ahead

Status
Not open for further replies.

ZnarFs22

Novice
Advanced Member
Messages
28
Reaction score
0
Points
26
Hi gusto ko sana ishare yung story ng lovelife ko ngayon...

Nagtatrabaho na ako sa current company ko for almost 1 year. Nakilala ko si girl na katrabaho ko at first wala naman ako nararamdaman para sa kanya parang normal na workmate lang. But sooner or later nahulog ako. Nagstart ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya noong unang tumawag sya sa akin during duty ko at duty nya din since na magkaclose kami kaya ako yung tinawagan nya. Wala syang kasama sa office nun kaya naisip nya na makipagdaldalan muna sakin. After nun madalas na kami magusap sa text hanggang sa naging calls na. Si girl may bf at matagal na sila they stay together for almost 7 years pero ang relasyon nila ay hindi na ganun ka ganda nung nakilala ko sya. Nahuli nyang niloloko sya ng bf nya 6 times na alam ng lahat ng magkakatropa ang pinagdadaanan nila. Month ang nakalipas simula ng magkausap kami napagusapan naming dalawa ang relasyon nila. Oo lumalalim na ang aming paguusap lumalabas na din kami, nagdadate. Masaya sya kapag kasama nya ko masaya din naman ako sa improvement ng aming relasyon. 1 time nakwento nya na nahuli na naman bf nya sa messenger na niloloko sya for the 7th time talagang suko na sya ayaw na nya pero yung bf nya piangbabantaan sya na magpapakamatay sya, o kaya sasaktan sya ng bf nya kapag nagkahiwalay sila at umabot na din na bantaan ang pamilya nya. Oo binantaan na ni bf yung family nya na may masasaktan kapag naghiwalay sila syempre unaware yung family ni girl. Sa takot hindi nya nahiwalayan yung bf nya. Sinasabi din sa kanya ng kaibigan nya na tama na hindi maganda ang magiging buhay nya sa bf nya kapag pinagpatuloy pa nya ang kanilang relasyon. Pilit syang nakikipaghiwalay hanggang sa sinabi nya sa bf nya na nanliligaw na ako sa kanya, na lumalabas kami sa galit ng bf nya binantaan nya ako na may mangyayari sa akin (kay girl lang nya sinabi) kapag hindi daw ako pinigilan ni girl. That night nagtext sakin yung number ni girl na tumigil na ako sa panliligaw sa kanya at okay na daw sila ng bf nya. Since hindi ako naniniwala na sya yun dahil alam ko na hindi na sila magiging okay sila kaya inignore ko na lang hanggang si bf na mismo ang nagtext sakin na tumigil na ako at okay na sila ni girl. Syempre hinintay ko na manggaling na kay girl yung mga salitang yun pero hindi naman nya sinabi sakin at inamin nya na si bf yung nagtetext sakin nung gabi na yun. Pilit ko syang sinasabihan na tapangan nya at sabihin nya sa magulang nya lahat ng pagbabanta ng bf nya sa kanya. Sa kasamaang palad hindi nya nagawa.

Another month ang nakalipas lumalabas pa din kami ni girl. Meron time na nagleave sya tapos dayoff ko kaya lumabas kami, hindi alam ng bf nya na nagleave sya. Kaya nung hindi nagrereply si girl sa bf nya nagtanong yung bf nya sa kaibigan nya kung pumasok daw ba si girl. Ang pagkakamali namin hindi namin nainform yung kaibigan nya na hindi alam ng bf nya na nagleave sya. Ito yung time na nasaksihan ko kung panosya itrato ng bf nya. Nagtext at tumawag sa kanya yung bf nya, ang dahilan nya nagsimba sya ng baclaran na usually nama nya ginagawa magisa, hindi naniniwala si bf sa reason nya at nasaksihan ko na pinagmumura sya ng bf nya na parang hindi sila magkarelasyon, na para bang pagmamayari nya si girl at para bang hindi na babae ang kausap nya. Hinatid ko sya pauwi pero hanggang sakayan lang ako papunta sa kanila, during this time sinasabi nya sakin na ito na yung time na hinihintay namin ready na sya makipaghiwalay. Kinabukasan ng tinanong ko sya kung anong nangyari ang sabi na lang nya sakin ay may plot twist daw na nangyari hindi daw galit si bf paguwi nya kagabi. Para sa akin na nakaramdam si bf na tama ang hinala nya na kesa awayin pa nya si girl at baka maghiwalay sila, naging maamong tupa si bf kaya hindi daw nya nagawa yung mga sinasabi nya sakin. This time halos nabuo sa isipan ko na walang mangyayari samin ayaw nya pa din bitawan si bf at syempre dahil sa pagaalala ko para sa kanya at talagang nahulog na ako sa kanya kinalimutan ko yung idea na yun.

After ng nangyari hinahatid sundo na sya ni bf halos araw araw, natutulog na din sa kanila si bf gabi gabi. Para bang binakuran na nya si girl. Nakakapagkita at nakakapagusap pa din kami ni girl kapag nagnightshift si bf. Ilang linggo akong nagaalala para kay girl dahil sa tingin ko ay psychopathic na si bf kaya hindi mawala ang pagaalala ko sa kanya kapag magkasama sila. Lagi na lang sinasabi sakin ni girl na magiging maayos din ang lahat at sa susunod na pagkakamali ni bf ay tuluyan na syang makikipaghiwalay. Dumating ang araw na yun, for the 8th time nahuli nya ulit si bf na nagcheat sa kanya sa messenger, mas malala nga lang ngayon dahil nakikipagusap na ng malaswa si bf sa ibang girl. Pinalipas na muna nya ng ilang araw yung nalaman nya hindi na muna nya ito sinabi kay bf instead naghanap muna sya ng iba pang ebidensya na magpapatunay nun. Pero wala syang nakuwa kahit ang existence ng kalaguyo ni bf ay wala na din sa fb hindi mahanap kaya sinabi na nya kay bf yung nalaman nya. Ang dahila ni bf is dati na yun at katropa nya syempre hindi aamin kahit baluktot na ang dahilan. Gusto na makipaghiwalay si girl kay bf pero ayaw pumayag. Kaya pinalipas nya yung gabi at kinabukasan kinausap nya ako na ayaw nga pumayag makipaghiwalay ni bf sa kanya kaya pinilit ko sya na isumbong na nya sa magulang nya ang lahatng pagbabanta ni bf sa kanya.

Ginawa na din nya at sinabi nya sa mama nya na gusto na nya makipaghiwalay. Dahil hindi nya sinabi lahat sa mama nya yung mga pagbabanta ni bf ang naging suggestion ni mama nya ay pagusapan nilang dalawa para magkaayos sila. Nagkita kami that day ni girl dahil may pasok din naman si bf. Nang magkita kami pinilit ko sya na sabihin na lahat sa magulang nya ang kasalanan ni bf, inexplain ko din na nahihirapan na ako sa sitwasyon namin na kung hindi nya kayang sabihin mabubuo lang talaga yung idea na walang mangyayari sa aming dalawa kasi ito na yung time na hinihintay namin na makagawa ulit ng kasalanan si bf kaya sana huwag naman nyang sayangin ang pagkakataon. Pumayag si girl at sinabi na nya talaga sa mama nya yung mga kasalanan ni bf sa kanya pati ang pagbabanta. Syempre ininvolve na ang magulang kaya malala na talaga at kailangan ng wakasan anv relasyon nila, sa galit ng mama nya, paguwi sa kanila ni bf kinausap nila ito at tinuldukan na ang halos 7 years nilang relasyon.

That day binalita nya sakin ang nangyari, tinawagan nya ko. Mixed emotion ang naramdaman ko nung mga oras na yun. Oo masaya ako dahil finally "napalaya" ko na sya sa ex nya, at malungkot dahil that day ko lang naramdaman sa kanya ang ganung kalungkutan. That week halos sumuko na ako may mga araw kasi na hindi ko sya nakakausap o nakakatext man lang pero sa kabila ng kalungkutan at pagaalala sa kanya hindi ko sya sinukuan sinamahan ko sya araw araw hatid sa may sakayan papunta sa kanila. Sa breakup na nangyari nadamay ang aming relasyon naging malamig sya sakin. Minsan pumapasok sa isip ko na sana hindi ko nalang sya pinilit na makipaghiwalay kesa sa nakikita ko syang malungkot araw araw. Umaasa pa din naman ako na meron pa ding natitirang pagmamahal sa puso nya para sa akin.

Isang linggo nakalipas ang kanilang breakup ngayon nagtetext at nagkakausap pa din kami ni girl. Minsan pinipilit ko syang sunduin ko. Pero sa pagmomove on nya ngayon nakikita at nararamdaman ko na hirap na hirap sya. Nakokonsensya naman akong iwanan sya dahil alam mo na hindi nya kayang magisa at masakit sa akin na nagawa na namin ang gustong mangyari pero bakit pati yung sa amin nangyari ang hindi ko inaasahan. Oo lumalabas ako na rebound pero ikay lang sakin yun basta alam ko sa sarili ko na hindi ko sya susukuan kahit masakit din sakin na si ex palagi ang naiisip nya.

Pasensya na sa long post. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang aking gagawin. :help::weep::weep:
 
Last edited:
Well, I think if you will to read your post, you will already know what just happened and what to do.

First, she must be pretty for you to fall for her from just having a few conversations. Actually, that is normal and your only fault was, you continue courting her even after you found out that she has a bf. You should have been a friend to her instead of continue pursuing her after you found out because I'm sure you are aware that she's in a vulnerable state and the good times and attention that she showing you was a result of her vulnerability and weakness. In short, she needed an outlet from what she's going through that time and you were the right person that time because you're showing her some affection that she badly needed.

Now, everything is out in the open and you realized that she's no longer herself after they broke up. Why? Because in a way she really love her bf and she's hoping for him to come around thus she's hesitant to really break up with him. The threat to her and her family were just secondary I believe, otherwise she should be happy now that she's finally free but she's not.

What you should do right now is to pick up the pieces and move on. At this point in time, it's not a good idea to have a relationship with her because there's a great risk that you'd end up as a rebound and it will just hurt you more when that happens. you can still communicate with her if you can change your mindset to being just friends in order to save yourself from misery. If you can't then it's better to just let her be and let her move on first. Next time, you find yourself in a similar situation, try to find out more about the person who you are interested in. I don't mean to befriend them first but do a quick check if they are in a relationship or just broken up so you'll know whether you should stop (which is the right choice) or to continue (if you just want to take advantage or score). So treat this as a learning experience.
 
Good day motoro After reading your comment, nung una hindi talaga ako naniniwala sa rebound kaya nagresearch ako kung maganda ba sa relasyon ang rebound and I found out that may exception naman. Okay lang ang rebound kapag ang past relationship is short term lang, sa case nya hindi talaga applicable yung rebound. And I come up with this solution, kaninang umaga sinabi ko na sa kanya na naiintindihan ko na sya kung bakit sinasabi nya sakin na gusto na muna nya magisa at sinasabi nya na ayaw nya akong madamay. Pilit ko mang sinasabi sa kanya na titiisin ko lahat ng sakit. But again narealize ko na nagiging selfish na pala ako, hindi ko na sya iniintindi. Nahihirapan na ako at lalong nahihirapan na sya. Kaya for the mean time binigyan ko na sya ng space wala na muna yung dati sa amin. Pinagkatiwalaan ko na sya na maayos nya ang sarili nya ng magisa. Ang sarap sa feeling nung sinabi ko sa kanya kanina. Naramdaman ko din na kahit papaano na nakahinga din sya ng maluwag. Nagpromise din sya na babalik syang positibo at relaxed ��. Thank you for enlighting me motoro, first relationship ko kasi if ever kaya naging tanga lang hahahaha
 
Sa ngayon ang pinaka mainam na dapat mong gawin ay ipag patuloy lang yung communications ninyo ni girl, naging malamig sya hindi dahil parang ayaw na nya sayo kundi gusto lang nya ng time para sa sarili nya to be alone and makapag move on sa past nya syempre hurt parin sya kahit pa ginaganun sya nung praning nyang ex bf.

Speaking of rebound hindi mo pwedeng i-apply in general kung ano man yung nabasa mo para sa lahat either its for short-term or long-term pa yan dahil iba-iba parin ang ugali at katangian ng bawat tao, at iba-iba parin ang resulta nyan, may kawork ako same story sayo yung gf nya niloloko nung ex bf before kaya ganyan din pinayo ko sa kanya na ituloy lang nya yung communications nila at sa awa ng dyos ay mag asawa na sila at may isang anak hindi na nila inisip yung rebound term na yan, pero gaya nga ng sinabi ko hindi parin natin pwedeng iapply to para sa lahat dahil maaring mag iba parin ang resulta, naishare ko lang din naman sayo para bigyan ka lamang ng idea.

Have a nice day ;)
 
Thank you sa advice @exaflare, hindi naman sa in general yung about sa rebound syempre iba iba pa din ang resulta, parang yun kasi yung standard sa mga ganitong sitwasyon kaya ko ginawa to, proven and tested naman. Sa ngayon may communication pa din naman kami ni girl at yun talaga ang iniingatan ko. And congrats nga pala sa workmate mo. Sana all hahahaha
 
In other words isa kang Third Party. Congrats nakuha mo yung gusto mo.

Not in the way na its a bad thing pero still, you stole her away from him. Is it for her own good? Maybe. Depende siguro sayo.

Ang maipapayo ko lang saiyo ay siguro ituloy mo lang ang pagiing mabait na tao hindi lang dahil gustong gusto mo si girl. Palipasin nyo muna bago kayo maging official. Pero eto lang din ang warning ko sayo "What comes around goes around" kasi kahit baliktarin mo man ang mundo, sumabit ka sa babaeng may karelasyon. Una pa lang na lumalabas kayo, nagcheat na yung girl. At ikaw yug third party.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom