Netbook user here with Windows 8 Enterprise.
1024 x 600 talaga ang recommended screen resolution nitong akin kaya nung nag-upgrade ako (Windows 7 Ultimate ang OS ko before) and knowing na
1024 x 768 ang minimum requirement to run apps and Windows Store...
...medyo nag-hesitate ako dahil nga sa limitation na yan na imposed ng Windows 8.
Nagawa ko namang mapataas itong akin to 1024 x 768 (up to 1152 x 864) at naa-access ko ang Windows Store at yung mga apps din. Ang masasabi ko lang,
viewable and "tolerable" naman siya at this resolution. Siyempre nasanay ako doon sa dating 1024 x 600 pero maliit lang naman yun na sacrifice in exchange for being able to use at mapakinabangan ang features nitong Windows 8 (na nabanggit sa taas) sa netbook ko.
Yung "snap" feature for apps, yun ang hindi ko magawa. Dahil
1366 x 768 ang minimum requirement para naman doon.
Hope this helps.