Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[H] * The Food and Beverage Thread * (Look for Change logs)

Nakatulong ba tong thread sayo?.

  • Oo..

    Votes: 27 87.1%
  • Hinde..

    Votes: 5 16.1%

  • Total voters
    31
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

@edsonkalbo: nyahaha, uo masarap nga bsta marami ang sibuyas.

@buttercup20: haha, kulang pa nga yan. :rofl:

Recipe: Humba Espesyal

Brief explanation: Humba is very popular sa south side ng pilipinas, lalo na dito sa cebu.. Madaming variations neto, pero lahat naman masasarap..

Ingredients:

• pork pata (sliced and without feet trotter)
• saging saba o cardava
• hard boiled eggs
• azucena o banana blossoms
• bay leaves
• garlic
• white onions (mas marami mas malasa)
• spring onions (pampalasa at pampabango rin to)
• brown sugar (para sa tamis ng humba)
• vinegar (konti lang, tama na yung humalo lang yung lasa nya sa sauce.)
• black beans
• soy sauce
• water
• salt and pepper

Procedure:

• sa isang malaking kaldero, pakulaan ang pork pata sa soy sauce, garlic, tubig at bay leaves.
• pakuluan hanggang sa malambot na yung baboy.
• pagkalambot ng baboy, ilagay ang saging, hard boiled eggs, black beans, azucena, at white onions.
• i-simmer ng 10 - 15 mins or hanggang sa lumabas na yung mabangong amoy.
• isunod ang vinegar, hayaang kumulo at wag haluin para di mahilaw yung suka.
• pagkakulo, timplahan ng sugar at salt and pepper na naayon sa panlasa.
• pahinaan ang apoy, at pakuluin lang hanggang sa maging sticky ang sauce nito.
• ilagay ang spring onions sa ibabaw bago i-hain.

Note:

• masarap ang humba kapag bahaw na, nanunuot kasi ang sarap sa laman neto..
• kapag nagpapakulo ng baboy, alisin yung foam-like thing na nasa ibabaw..
• masarap paresan to ng any fried items, like for example - fried fish or torta..
 
Last edited:
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

puro mamaw matakaw kumain dito ah haha..try ko yung iba pag may budget haha
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

Recipe: Binacol na Manok

Brief explanation: Para lang tong tinolang manok, un nga lang may kasamang sabaw at laman ng buko.. Masarap din to, pramis..

Ingredients:

• native chicken (cut into bite size)
• green papaya
• lemon grass o tanglad
• ginger
• onions
• buko juice and meat
• spring onions
• rufina patis
• salt and pepper
• oil

Procedure:

• igisa ang ginger, onion at lemon grass.
• isunod ang manok at pakuluin hanggang sa lumambot ang manok.
• pagkalambot neto, alisin ang lemon grass at ilagay ang green papaya.
• pakuluin hanggang sa maluto ang green papaya.
• kapag luto na, ilagay ang buko juice at meat.
• pakuluin ng konti, timplahan ng naayon sa panlasa.
• i-lagay ang spring onions before i-serve.

Note:
• dapat malambot na ang manok before ilagay ang natitirang ingredients. kasi, ma-o-over-cook ang vegetables sa tagal maluto ng manok..
• ang lasa neto ay medyo matamis due to buko juice..
 
ayos to ah! BINAKOL? :lmao: matry nga magBINAKOL at mukhang masarap e :lol: :thumbsup:
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

bah, salamat sa pagbisita preng manuel. :salute:

Recipe: PorkChop Chanterelle

Brief explanation: Pangalan lang ang maganda dyan.. Hahaha.. Madali lang syang lutuin.. Eto yung niluto ko nung may food festival nung highschool.. At biruin mong nanalo ng grand prize.. Hahaha..

Ingredients:

• porkchop (iba-iba ang laki at nipis neto, kung gusto mong sulit ang kain mo - piliin mo yung 250 grms each slice.. kung nagtitipid ka naman pwede na yung 100 to 150 grams per slice)
• liver spread (isang lata sa kada isang kilo ng porkchop, argentina lang para makatipid. :))
• mushroom (either button or wet shitake mushroom)
• water
• soy sauce
• onions (slice into onion rings)
• red and green bell pepper
red wine (para sa tangling taste nya, optional lang to)
• brown sugar
• salt and pepper
• oil

Procedure:

• i-arrange lang yung pork sa isang kaldero. pagkatapos nun, ilagay ang mga ingredients except yung onions, bell peppers at mushrooms.
• pakuluan hanggang sa lumambot ang pork.
• sa isang kawali, igisa ang onions, bell peppers at mushrooms.
• paglumambot na yung pork, hinaan ang apoy at ilagay narin yung sinaute mo dun sa kawali. timplahan ng naa-ayon sa panlasa.
• haluin at hintaying maging sticky or ma-reduce yung sauce.

Note:

• kung marunong kayo mag flambe - pwede nyong isama yung red wine sa pagsasaute..
• para rin tong humba, mas lalong sumasarap kapag kinabukasan siniserve..

ano yung flambe?
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

images

Flambe - isang teknik kung saan inaalis yung alcohol content ng wine para maka-dagdag sya ng flavor sa food. ang saktong wine or liquor na safe para sa flambeing is from 40% to 80% alcohol content.

Note:
• wag direktang maglagay ng wine galing sa bottle neto, pwede kasing mag-stream ng apoy papunta sa bottle at sumabog..
• di gagana ang flambeing kung hinde mainit ang pan, make sure that the pan is hot before doing it..
• i-serve agad ang food pagkatapos mawala nung flame.. to retain the taste..
 
ayos ah! kaso katakot, anong wine recommended mo duhast :noidea:
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

ayos ah! kaso katakot, anong wine recommended mo duhast :noidea:

any liquor - ranging from brandy, cognac or rum. basta may medium content ng alcohol. di nagana yung mga wine tulad ng champagne, at table wine - and beer rin.
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

pengeng recipe ng escabecheng sirena at tinolang penguin..tnx..
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

amf, wala ka talagang napopost na matino georgie. nyahahaha.
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

di ba sabi mo kailangan magpost ako? O ayan na..hahaha
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

hahaha, ewan ko sayo. kahit san talaga. haha.
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

pag isipan mo yung hinihingi kong recipe..pag nagawa mo yun..that will be your road to stardom..hehehe
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

pengeng recipe ng escabecheng sirena at tinolang penguin..tnx..

:wow: ang cool... gusto ko tong matikman ha..bago sa panlasa...

ms. georgie, san ka naman kukuha ng iluluto?

@Master Duhast, wait ko po recipe mo for this. :D
 
Last edited:
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

yan nga tinatanong ko kay pareng duhast para me bago naman akong makain..
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

` wow nice thread :thumbsup:
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

images

Flambe - isang teknik kung saan inaalis yung alcohol content ng wine para maka-dagdag sya ng flavor sa food. ang saktong wine or liquor na safe para sa flambeing is from 40% to 80% alcohol content.

Note:
• wag direktang maglagay ng wine galing sa bottle neto, pwede kasing mag-stream ng apoy papunta sa bottle at sumabog..
• di gagana ang flambeing kung hinde mainit ang pan, make sure that the pan is hot before doing it..
• i-serve agad ang food pagkatapos mawala nung flame.. to retain the taste..

buwis buhay pala to. haha katakot.. :D
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

` wow nice thread :thumbsup:

salamat sa pagbisita labs.

@mint: hinde naman, actually nakakatulong yan. :salute:
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

nice ito. I'm a food lover also!
 
Back
Top Bottom