Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • End

Prologue

MRT Araneta-Cubao Station

Ambilis ng tibok ng puso ko. Likod pa lang natakot na akong baka ikaw na nga. Nakaupo ka sa pangatlong hakbang ng hagdanan, samantalang nasa tuktok naman ako. Isang hakbang pababa, napatigil na ako kaagad. Kinakabahan kung ikaw ba talaga 'to. Paano? Imposible. Pero simula nang iwan mo ako wala na akong ibang hiniling kundi bumalik kang muli, na kahit sa panaginip gabi-gabi kong hinahangad na makita ka. Pero heto na nariyan ka, kung ikaw nga ba ito.

Itinuloy ko ang paglapit sayo. Paglapit na tutupad sa kagustuhan kong makitang kong muli ang mukha mo, ang mga mata mo, kung paanong nawawala ang mga ito tuwing ngumingiti ka. Ang ngiting nagpapanginig sa buong pagkatao ko. Mahawakan kang muli na nagpaparamdam sa akin na parati kang andyan at hindi mo na ako muling iiwan.

Nakakatuwang isipin na sa lugar ding ito tayo unang nagkita. MRT Araneta-Cubao Station. Kung paanong tadhana ang nagpakilala sa ating dalawa. Kung paanong ang pagkakakilala natin ang bumuong muli sa pagkatao ko noong malungkot ako't nag-iisa.

Ilang hakbang na lang ang layo ko mula sayo, at sigurado na akong ikaw na nga ito, hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong bigkasin muli ang pangalan mo, "Japhet," sabay hawak ko sa balikat mo.
•••




•••




Author's note,
FEEDBACK and THANKS would be greatly appreciated.
 
Last edited:
Need You Now: IMYLC2 • Chapter 1

Chapter 1 - Perfect Memories

"Polaris," turo mo sa langit kahit hindi talaga ako familiar kung ano ba talaga sa mga stars sa langit ang tinuturo mo. Nakahiga tayo sa garden habang may tent sa tabi natin.

"Saan," bigla kong tanong nang mawala ka sa pagkaakap ko. Napatayo ako kaagad, "Japhet?" paglinga ko sa kaliwa't kanan, wala ka.

"Japhet!" madilim ang kwarto ko, in-unlock ko ang CP ko, 11:11 PM, gabi pa. Hindi na bago ito, hindi na yata ako makaka-recover. It's been like what? 3 years? Tatlong taon na nang iwan niya kami, ako. Bibitawan ko na sana muli ang cellphone ko nang tumunog ito, "Justin sent you a sticker," kumakain na emoji, "late dinner, kumain ka na?"

Malamang. Alas-onse na. Ila-lock ko na ang phone nang tumunog muli ito, "or tulog ka na? Hehe."

"I'm still up," reply ko.

"Sorry if ngayon lang ako naka-reply, kinulong kami sa board meeting kanina, haggard. How's your day?"

"Ok lang, maraming tao kanina, pero kasama ko naman si Carl sa clinic kaya na-assist naman namin sila."

"Sipag naman, I'll visit tomorrow. Coffee or tea?"

"Hmmm..." "Coffee & Flowers."

"Okie, see you tomorrow."

Ilang buwan na rin kaming magka-chat ni Justin. Yes, Justin De Castro, the guy I met sa POEA at SM North EDSA. He's fine, we hang out sometimes. Kung kami na, hindi, o hindi pa. Pero kung magkakaroon ng kami, hindi ko sigurado.

Bumangon na ako dahil alam kong hindi na ako muling makakatulog pa, lumabas ako ng kwarto para sana pumunta sa kusina pero tila may magnet na humihila sa akin papunta sa guest room. Sa kwartong minsang tinulugan ni Jaf.

Pagkahawak ko pa lang sa doorknob may tumawag na kaagad sa akin.

"Marj, gising ka pa?" si kuya Lino.

"Ang aga mo," alam kong napatingin si kuya sa kamay ko habang nakahawak sa doorknob, "ah, kukuha lang sana ako ng extrang unan."

"Naka-lock na yan," sabi niya, "pina-lock ni Dad. Tara sa kwarto ko, hiramin mo muna unan ko," talikod niya.

"Hindi, wag na..."

"Sumunod na..." utos niya.

Pagkapasok ko pa lang ng kwarto binato na niya kaagad ako ng unan.

"Amoyin mo ang panis na laway ko!" tawa niya.

"Eww... Kadiri ka!" dinampot ko kaagad ang unan at ibinatong pabalik kay kuya, hindi ko pa naihahagis may tumama nang muli sa aking mukha, "IMPAKTO KA!" sinugod ko na siya. Tawa lang ng tawa si Kuya, "anlakas ng trip mo 'no?!"

"I can stay for the night," biglang seryoso niyang sabi.

Napatingin lang ako't natigilan sa balak sanang pagpukpok sa kanya ng unan.

"You can sleep here with me, hindi naman na ako kailangan sa ospital eh. Is there something you want to talk about?"

"What's with the sudden shift of mood?" ihahampas ko na sa kanya ang hawak kong unan nang pigilan niya ako.

"Kuya mo ako, kung may gumugulo sa isip mo, sabihin mo."

Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba kay kuya, when in the first place alam naman niya kung bakit ako nagkakaganito.

"Three years na nakalipas. Don't you think it's about time for you to let go of the past?" malumanay na sabi ni kuya, "the past na wala nang paraan para maibalik mo pa?"

"I don't want to talk about this," tumayo na ako at aalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko. In that instance hindi ko alam kung bakit, pero umiiyak na ako.

"Okay lang na torture-in mo ang sarili mo sa kalungkutan, but not this long. Alam mong hindi ito ang gusto niya para sayo. Hindi niya gustong nahihirapan ka ng ganito."

"Kung hindi pala niya gusto 'to eh di sana hindi niya ako iniwan!" sigaw ko, "hindi niya ako iniwan ng ganito!" bumitiw na ako sa pagkakahawak ni kuya at tumakbo nang palabas nang may sabihin muli si kuya.

"It wasn't his decision, hindi niya ginustong magkasakit siya."

Pumasok na ako sa kwarto ko, "tama na..." punas ko sa luha ko, "ayoko nang umiyak... Please tahan na..."
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 1

more!!!

looking forward for updates. :')

galing mo talaga ts...
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 1

Chapter 2 - Shattered

"Good morning girl," bati sa akin ni Carl pagkapasok ko pa lang ng clinic.

"Good morning," balik ko sa pagbati niya.

Tinitigan niya ako sandali, "hindi ka ba nakatulog? O, umiyak ka?"

"Both."

"Aminado na ang gaga!" nang sabunutan niya ako, "hobby ate? Napakaswerte na sa isang linggo kung tatlong araw ka lang ganyan. Minsan binubuo mo ang linggo, pati sunday wala kang patawad."

Tahimik lang ako.

Tumakbo na si Carl pabalik sa station niya, "Bea! Ganun pa rin ang bruha!" sabi niya sa harap ng naka-charge niyang iPad, "at ikaw pumunta ka sa backstage at mag-ayos ka! Baka matakot ang mga patient mamaya!"

Napangiti na lang ako sa mga sinabi ni Carl. Hindi ako iniwan ni Carl after graduation, tatlo dapat kaming pupunta sa New Zealand para magtrabaho, pero nang magbago ang isip ko hindi na rin tumuloy si Carl. Si Bea umalis siya dahil kailangan nila financially pero halos 24/7 naman kami mag-videochat kaya close pa rin kaming tatlo. Hindi na nga lang nakakapag-girls night out pero masaya pa rin.

"Siraulo ka Carla!" Nagku-curl na ako nang eyelash nang masabunutan ko ang pilikmata ko nang kalampagin ng gaga ang pinto ng CR, "ansakit!"

"Si Andrew 3.0-slash-Japhet 2.0 mo andito na!" sigaw niya.

"Huh?!"

"Magmaganda talaga?! Si Justin nasa lobby!"

"Susunod na kamo!" sigaw kong muli.

"Talaga?! Ako muna sa kanya?! Bago ikaw?! Thanks girl!"

"Malandi ka! Baliw!"

"Lumabas na kasi!" sigaw niyang muli nang buksan ko na ang pinto. "yan na yun? Maayos ka na sa lagay na yan?" pagkadismaya niya sa itsura ko.

"Dapat ba naka-gown ako? Teka magpapahatid ako sa driver," biro ko sa kanya.

"Ok na yan," hila niya sa akin sabay ipagtulak-tulakan ako, "masamang pinaghihintay ang bisita, ayaw ni kerokeroppi niyan."

"Baliw..." tigil ko sa pagsasalita nang makita ko ang buong clinic.

"Flowers?" biglang sambit sa akin ng taong nasa gilid ko na may hawak na isang full bloom red rose, si Justin. Napakasimple lang ng suot niya, bright blue na polo shirt at shorts na khaki at boat shoes, ideal guys look.

Tinanggap ko ang bulaklak, "Jazz, sayo galing lahat 'to?" pagmamasid ko sa buong clinic na punong puno na mga bulaklak, may mga naka-basket sa lobby, naka-vase sa steps, naka-bouquet na nakasalansan sa magazine rack namin, pots sa tabi ng mga upuan. Andaming bulaklak, iba-ibang kulay. Napakaganda.

"Hindi, ibinaba na lang yan bigla galing truck kanina eh," ngiti niyang sabi, "pipigilan ko sana kaso I think you deserve all this." sabay abot pa niya ng isang bouquet na punong puno ng rosebuds na may card sa gilid.

"Go to lunch with me." nabasa ko sa loob ng card.

Tinignan niya lang ako, hindi ko alam ang isasagot.

"Ako nang bahala sa bago nating business na flower shop," biglang singit ni Carl na kanina pa nga palang nasa likod ko, "sumama ka na bago pa magbago ang isip niya't ako ang i-date. Ikaw na ang pinagpala sa babaeng lahat."

Napatingin na lang ako kay Carl, nang bulungan niya ako, "huwag ka nang pakipot 'te, if I know kilig na kilig ka na niyan, kurutin kita sa singit eh..." Si Carl na ang sumagot para sa akin, "she'll be going with you, di ba?" pandidilat niya sa akin.

"That's great, you can have these then," biglang abot ni Justin ng apat na coffee tumblers kay Carl.

"Papasok naman si Jessa, kami na lang muna aattend sa mga patients mo," sabi niya habang pinagtutulakan kaming dalawa ni Justin palabas, "have fun!" kaway niya sa amin.
 
Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 3

Chapter 3 - Reaching For

"I am really surprised with the flowers, sabi ko kagabi kape at bulaklak lang eh," sambit ko kay Justin habang nagda-drive siya.

Napangiti siya ng bahagya na naging dahilan para magpakitang muli ang dimple niya, "sabi mo, 'flowers,' you did not mention kung ilan."

"But these are too much na," pagtukoy ko sa hawak kong mga rosebuds.

"You think so?" seryoso niyang tanong sabay saglit na napatingin sa akin bago niya binaling muli ang mga mata sa kalsada.

Anong ibigsabihin niya sa sinabi niya? 'You think so?' Na kulang pa 'tong mga bulaklak na 'to? Na I deserve more? Eh halos magmukhang float na sa Baguio every Panagbenga Festival yung clinic. O kulang pa siya para sa akin? Na nalalamigan siya sa pakikitungo ko sa kanya?

"Have you tried flower salad?" bigla niyang tanong.

Napailing ako kaagad.

Natawa siya sa biglang reaction ko, "no, I won't let you eat some. Don't worry. Just, random thoughts."

He speaks more like Jaf, though mas maraming english.

Pumasok kami sa isang gate, "truth is, we have a family gathering, and I'm taking you, here," biglang tingin niya sa akin.

Huwaaat?! Family occasion?! Agad-agad?! As in ngayon na?! Hindi pwedeng maghanda muna ako? Ni hindi ko pa nga naku-curl yung lashes ko sa kanang mata ko?! "ngayon na?" pilit na malumanay kong tanong.

"Hmm..." maigsi niyang sagot sabay tigil sa kotse.

"As in?"

"Hmm..." sagot niya sabay unlock niya sa pinto ng kotse, "we're here."

"Ah..." mala-ewan kong ngiti, "pwede saglit lang? Mag-ready lang ako?"

"Why? You look fine..."

Fine?!! Fine lang?! Ayon sa vocabulary ng mga boys, ang 'fine' ay below so-so, hindi okay, kumbaga, 'pwede na yan...' and I cannot accept 'fine' as my look bago ako makita ng family niya "bababa rin ako ng kotse, just give me, hmmm... 5 minutes?"

"Okay, I'll wait for you outside."

Anong binabalak ng impakto na 'to? Infairness dinaig niya si Japhet sa mga ganitong pabigla-biglang lakad. I got 5 minutes para magmukhang fresh at maganda, which is the complete opposite as per Carl kaninang umaga. What to do?!

Tinutok ko sa mukha ko ang rearview mirror nang may nakita akong magandang babae na lumapit at nagbeso kay Jazz, matangkad, maputi, maganda. But they don't have any similarities kaya I doubt kung related sila. Hindi ako nagseselos, nakita ko lang kasi siyempre may mata ako.

After mga 15 to 20 minutes lumabas na din ako ng kotse dala ang bouquet of rosebuds, mabuti na lang at bagong blouse ang sinuot ko ngayong araw, nilugay ko na lang ang buhok ko at pinahanginan ng bongga sa aircon ng kotse ni Justin para magka-volume ng very very light. Powder lang saka konting blush on dahil kakain lang naman, hindi naman siguro ako lalakad sa red carpet para mag-shine ang pagmumukha ko sa kanilang lahat. "Matagal ba?"

Umiling siya.

'Sinungaling,' bulong ko.

"Come, they're waiting na for sure," pag-abot niya ng kamay niya sa akin.

"Tara," ngiti ko sabay abot sa kanya ng mga bulaklak. I know, I think, I'm playing a bit awkward with Jazz. I just don't want to be attached to him so well.

Naglalakad na kami sa ilalim ng mga puno, nakapila sila by two, parang endless love ang dating, "parang cherry blossoms," sambit ko nang humangin at umulan ng red petals mula sa mga puno.

"Fire trees."

"Fire trees?" ulit ko sa sinabi niya.

Tumango lang siya tapos ay tumingin din sa akin, "bulaklak yan ng fire tree," tukoy niya sa mga nahuhulog na pulang petals, "tulo na laway mo..."

Expression niya na parati yan, parang si... Change topic, asan na nga ba kami? Umandar na naman ang directionless sense ko, hindi ko alam kung nasaan kami. Tonta, kapag iniwan ako ni Justin dito malamang mag-taxi ako pabalik, "nasaan tayo?"

"Don't worry, nasa Manila pa rin tayo," sagot niya, "dito nakatira sila papa."

"Bakit parang ang layo na ng nilalakad natin, wala pa akong nakikitang bahay? Wala bang nakatira masyado dito sa village niyo?"

"Malapit na tayo," sabi niya habang nakatingin lang sa nilalakaran namin.
 
Last edited:
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 3

I've got two words to describe your work.

surreal.

superb.

tipong pag "ninamnam" ung buong scenario habang binabasa, feeling mo nasa loob ka na ng kwento. parang nakikita mo yung nangyayari while you're 10 steps away from them. :)

para kang nag-walkthrough sa loob ng libro.

nice. 2 thumbs up for you ts.!

more power! :)
 
Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 4

Chapter 4 - Can't Fight

Pagkatungtong pa lang ng paa ko sa hall natahimik na lahat ng tao. Napatigil tuloy ako at naiwan sa pace ni Justin. Gano'n siguro ako kaganda at natulala sila.

"Come on," paanyaya ni Jazz sa akin and this time, tinanggap ko na ang kamay na kanina niya pa inaalok sa akin, malamig. Nang tignan ko si Justin makikita mong very unease ang tingin niya sa mga tao sa paligid, para bang any moment may magsisimula ng rebolusyon at susugurin kaming dalawa.

Tahimik pa rin sila habang nakatingin sa amin, natatakot na ako. Mga vampires ba sila? Nasa Twilight ba ako? Ako bilang si Bella? Kapag may nag-abot sa akin ng regalo at na-paper cut ako sa pag-unwrap no'n lokohan na 'to.

Sa dami ng iniisip ko sumobra ako ng isang hakbang kay Justin na kasalukuyan na palang tumigil sa paglalakad, napaatras ako nang magbless si Jazz sa isang medyo matandang lalaki tapos ay ipinakilala ako, "dad, si Marjorie po."

"Good morning po," agad kong bati sa kanya nang alokin niya ako ng pakikipagkamay.

"Welcome to the family Marjorie," sabi niya sa akin.

"Welcome po..." bigla kong sagot, ?"po? Welcome?" tanong ko habang nakahawak pa rin siya sa mga kamay ko.

"Dad..." awat ni Justin.

All of a sudden gumagalaw na lahat ng tao sa paligid, parang may stop-dance kani-kanina lang.

"I'm expecting my apo from you Marjorie," tawa ng Dad ni Justin, "finally, magkakaroon na nang magpapatuloy sa apelido ko..."

Apo? Agad-agad? Hindi ba pwedeng maging kami muna ni Justin? Ni-kiss nga walang namamagitan sa amin, apo kaagad? May lakad ka? Sa dami n'yang nasa utak ko ngayon, "po?" lang ang nasambit ko.

"Unico Hijo ko yan si Justin," sagot naman ng lalaking kaharap namin, at ang pronunciation niya ng Justin ay Hustin, very primitive, "puro babae ang mga kapatid ng anak kong 'to kaya sasakupin ng ibang apelyido ang apo ko sa kanila." Tumawa siya nang ituloy niya ang sinasabi niya, "hmmm... But I expect a lot from my boy. Unang apo, lalaki ha!"

How am I suppose to handle this situation? My goodness! Hindi ko na kinakaya.

"Dad, wala pa kami doon," sagot ni Hustin, este Justin sa tatay niya, "we're taking things slowly."

Tama! Hindi pa nga 'kami,' apo kaagad ang hinihingi?

"Tama na yan Eduardo," biglang sambit ng isang babae sa likuran namin.

"Ma," bati ni Jazz pagkatapos ay nagmano rin sa kanyang nanay, "Ma si Marjorie," pakilala sa akin ?ni Justin.

"Marjorie po," bow ko sa kaharap. Tinitigan niya lang ako. Hindi kasing warm ng 'welcome' ng dad ni Justin ang bati sa akin ng nanay niya.

"Tara na at kumain na tayo, mahuhuli daw ang ate Althea mo't na-delay daw ang flight ng bayaw Oliver mo, on the way pa lang sila," mahabang paanyaya ng mom ni Jazz bago kumain.

Kumukuha na kami ng pagkain nang mapansin kong puro kanin lang ang laman ng plato ni Justin, "bakit mo nililipat yung kanin sa plato mo?"

"Ssshhh..." sabay lingon nito kung may nakatingin sa aming dalawa habang sumasandok ng kakainin, "tara..." bulong nito.

"Are you sure nasa Manila pa tayo?" tanong ko kay Justin habang nasa gazeebo kami sa pampang ng isang pond.

"Well the mountains are Rizal's," turo ni Justin sa mga bundok sa kabilang dulo ng pond, "kain na."

"Bakit ba puro kanin lang ang laman ng plato mo?"

"Kasi nandito ang ulam ko..." sagot ni Jazz nang ilapag niya ang isang plastic container sa mesa, hindi ko napansing may nakaipit na ganoon sa kilikili niya.

"Hipon..." tanging nasabi ko nang buksan niya ang dala niya.

"Yup... Tiger Prawns..." sabay subo niya ng isang buong piraso nito, "I'm usually like this every family gathering, kinakalahati ko parati yung mga naka-serve na seafoods like lobster, crabs," putol nito sa sinasabi ng sumubo muli ng isa pa, "prawns... Sarap..."

I want to act as normal as possible. Normal. Marjorie, hindi si Japhet ang kaharap mo, na kahit gaano pa karaming prawns ang kainin niya hindi siya mamamaga dahil hindi nga siya si Japhet. Hindi lahat ng tao allergic sa seafood. Hindi lahat ng tao si Japhet.

"This is Mama's specialty, breaded tiger prawns, you should try it," alok ni Justin tapos ay nilagyan ako sa sarili kong plato, "parati akong tumatakas dala ang mga 'to tapos sosolohin ko lahat yun dito sa pwestong 'to."

Pinapanood ko siya habang kumakain, hindi siya si Jaf. I should keep that in mind. The sooner I learn that, the better.
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 4

gandang basahin neto...asan na po ung chapter 5???hehehe
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 4

I've got two words to describe your work.

surreal.

superb.

tipong pag "ninamnam" ung buong scenario habang binabasa, feeling mo nasa loob ka na ng kwento. parang nakikita mo yung nangyayari while you're 10 steps away from them. :)

para kang nag-walkthrough sa loob ng libro.

nice. 2 thumbs up for you ts.!

more power! :)

Thanks sa feedback. Flattered naman ako sa compliments mo. Hehe. Maraming salamat. :)

gandang basahin neto...asan na po ung chapter 5???hehehe

Update ko po siya everyday (cross fingers) hehe. Maraming salamat po. :)
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 4

wala pa po ung update??hehe inaabangan ko un..lol mganda kasi
 
Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 5

Chapter 5 - Wonder If

Maraming ikinuwento si Justin habang kumakain kami, at ni isa sa mga yun, walang pumasok sa isip ko. Ngingiti ako tuwing tatawa siya, magtataka tuwing magtatanong siya ng, "yung ganun?" Para akong gagong customer na hinahayaang magsalita ang isang salesman.

"Bored ka?" tanong niya na nagpabalik ng presensya ko, si Jazz ang kasama ko pero ibang tao ang nasa isip ko. Just imagine how am I so unfair to him.

"I'm fine," ngiti ko sa kanya, "na-tense lang siguro ako sa mga sinabi ng dad mo," palusot ko.

Tumawa siya, "he's usually like that. Porket nagsi-asawa na lahat ng mga ate ko gusto na rin niya mag-asawa na rin ako."

"What's stopping you?" bigla kong tanong, o di ba? After ko na sabihin yan saka ko lang na-realize na napaka-gaga ko, parang niyayaya ko na siya. Na kulang na lang lumuhod ako at sabihin na, "will you marry me?" O sinasabi ko na humanap ka na lang ng iba dahil hindi ako interesado sayo.

"Ang hirap ng tanong mo ha," tawa niyang muli.

Buti na lang he did not take it seriously.

"What's stopping you?" tanong niya sa akin nang mapawi na ang ngiti sa kanyang mga labi.

Natahimik ako.

"May pag-asa ba ako?" tanong niyang muli.

Wala akong maisagot.

"We've been like this for quite sometime now, not that nagmamadali ako, pero may dapat ba akong asahan Marj?"

"I thought, we're taking things slowly..." wala na akong masabi.

Ngumiti lang siya, and for the very first time, ngayon ko lang napansin, nawawala din ang mga mata niya kapag ngumingiti siya. Niyakap ko siya bigla. Mahigpit. I guess this is my assurance to him na merong pag-asa, just, take these things slow, very slow.

Bumalik kami sa hall pagkatapos namin kumain, nang lumapit muli yung magandang babae kanina na nagbeso kay Justin, "Marj, this is Catherine, bestfriend ko," pakilala sa akin ni Jazz.

"Marjorie," abot ko ng kamay bilang pakikilala sa kanya ng tanggapin naman niya ito. Alam ko nakatingin siya sa bouquet of rosebuds na hawak ko.

"Cath..." pakilala naman niya sa akin, "ingatan mo yang si Hustin..." pang-aasar ni Catherine kay Justin. Sabay kaming natawa habang si Jazz napapakamot na lang ng ulo. Nag-usap silang dalawa, at nagtapos sa beso muli. Promise, hindi ako nagseselos, truth is wala akong nararamdaman. They look fine, at sa itsura nilang dalawa I doubt kung friendship lang talaga ang namagitan sa kanila before.

Past 4:00 PM na nang umalis kami sa bahay nila Justin, niyaya niya ako for a movie pero I denied, "if it's ok, bukas na lang sana, medyo pagod na ako eh." Napakawalang kwentang dahilan pero yun talaga ang nararamdaman ko. Ayoko munang kumilos, nakakatamad, ayoko muna siyang kasama. Grabe, ang tindi ng mood--swings ko.

Nakaka-drain yung mga bagay na si Jaf ang naiisip ko. Na halos lahat ng nasa paligid ko siya pa rin ang hinahanap ko. Bakit ba kailangan maging ganito kahirap? I'm tired of being like this. Sad.

Pumasok na ako ng gate pagkatapos kong magpaalam kay Justin na hinatid ako pauwi. Pahawak na ako sa doorknob nang bumusina si Jazz, wine-wave niya yung phone niya agad ko naman kinuha yung cp ko, "I'll be right here waiting," text niya. Napatingin akong muli sa kanya and this time bumaba na siya ng kotse at lumapit sa gate namin.

Sinalubong ko siya at pinagbuksan ng gate, "may nakalimutan ka?"

Umiling lang siya habang tinititigan ako.

Hala, may nakalimutan ba ako? Kiss? Beso? Handshake? Hindi naman namin ginagawa yun. Then all of a sudden may inilabas siya mula sa likod niya, yung mga roses.

"I'm sorry..." tanggap kong muli sana sa mga rosebuds ng ilayo niya ito sa akin.

"You want these?"

"Ofcourse, that's mine!" sigaw ko sabay pag-agaw ko naman ng bouquet na pilit naman niyang itinataas para hindi ko maabot.

"Just say yes and you can have me."

Nakasagot na ako ng "yes" bago ko nanamnam ang tanong. At saglit ay napatigil sa pagtalon kakaagaw sa bulaklak.

Nangiti siya bago niya iabot sa akin ang mga rose, "how I wish I can be these flowers," tinignan niya lang ako.
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 5

ayiiee..

nice update ts..
ngaun ko lang nabasa..
di ako nakapag online kagabi eh..

sana bukas may update ulit..

what i've read inspired me and fueled me
to set my thinking gears into motion.

i'm currently suffering from a writer's block
and I've got to work on something with a deadline...

hopefully, I'll be able to finish this in the nick of time..(>_<)
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 5

ayiiee..

nice update ts..
ngaun ko lang nabasa..
di ako nakapag online kagabi eh..

sana bukas may update ulit..

what i've read inspired me and fueled me
to set my thinking gears into motion.

i'm currently suffering from a writer's block
and I've got to work on something with a deadline...

hopefully, I'll be able to finish this in the nick of time..(>_<)

Deadline's aren't supposed to be writer's problem. Hindi dapat uso ang deadline dahil yan ang sumisira sa story. As per PadrePio hindi mo dapat pinipilit ang ideas, pumapangit ang kalabasan. Joke. Thank you for the feedback parati. Hehehehe.
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 5

hi kuya

akala q naman may update na :D
excited magbasa. hehe

ok na po ung ginagawa ko.
naayos ko na.
di naman po ung deadline
yung naging prob ko talaga.

kinailangan kasing irevise ung ginawa ko
dahil mali ng relay sakin ng info
tungkol sa instructions.
almost back to square 1.
nagawan ko naman ng paraan.

may gusto akong irelease na kwento dito.
kaso nahihiya pa po ako. hehe :)
 
Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 6

Chapter 6 - Crossed

From the very first time I saw him alam kong siya, siya yung taong tinulak ni Japhet para mabangga ako't inisin nung araw na 'yon. Na kung hindi pa ako masasaktan gawa ng dala niyang case ng telescope ay hindi ko siya papansinin. Ang taong nagturo sa akin ng Polaris pagkatapos ni Jaf.?Isang taong napakalaki ng pagkakaiba kay Andrew tulad ng ipinangako niya. Pero bakit kailangang ibang tao pa? Pwede namang siya na lang ulit? Na siya na lang uli ang makasama ko. Three years. Ganito pa rin ako.

"If you don't like the food I'll prepare you anything," biglang sabi ni mom, "patapos na kaming kumain ikaw hanggang ngayon pinaiikot-ikot mo lang yang pagkain mo."

Kanina pa yata sila nakatingin sa akin.

"Marjorie, anak," paumpisa ni dad ng gabi-gabi niyang pangaral sa akin na move-on with my life.

"I'm dating," walang kabuhay-buhay kong sabi.

"Talaga?" biglang reaksyon ni kuya. He was never like this since Andrew and Japhet, na parang mas excited pa siyang magka-lovelife ako.

"Who's this guy?" tanong ni dad.

"Justin de Castro," maikli kong sagot.

"Justin? J pa rin? Japhet tapos Justin...?" pahina nang pahinang sambit ni mama habang tinititigan siya nila dad at kuya Lino, "change topic, what does he do for a living?" biglang segway mi mom habang pangiti-ngiti.

"He's a finance manager sa family company nila."

"Of what?" tanong ni papa.

Binitiwan ko na ang kutsara't tinidor at sinalinan ng tubig ang baso ko, "construction firm."

"Wow..." tanging nasabi ni mom na umani muli ng mata sa dalawa ko pang kasama.

I know it's not a big deal na I'm dating after 3 years, pero alam ko para sa kanila it's a big leap from my depression, that's what they think of me, depressed. Depressed ba ako? Hindi, I'm just sad. Lonely, which is I guess makatwiran naman dahil ako yung naiwan.

"Gusto kang makita ni tatay mo, I think you should pay a visit sa fish-pen," biglang sambit ni dad, he's pertaining to Jaf's father.

"Tara, last year pa ata ako huling nakapunta doon," sabat naman ni kuya Lino.

Napatingin ako sa kaliwa ko, the seat where Japhet used to sit whenever we're having dinner with him. He might spent just a little time with my family but he already gain a spot on our home.

"Ma, bakit hindi ka na nagluluto ng prawns?" biglang pagpalit ko ng topic, "that's your specialty, di ba?"

Natahimik sila na kani-kanina lang eh nagkakayayaang mag-fishing sa tinayong business ng tatay ni Japhet nang iniwan niya kami.

"My doctor told me to stay away from cholesterol-rich foods such as seafood and pork," sagot ni dad.

"Oo nga, I miss eating prawns..." suporta naman sa akin ni kuya.

"Papatayin niyo naman dad niyo sa p..." putol sa sabi ni mom nang hawakan ni dad ang kamay niya at tumango, "I'll serve prawns tomorrow."

"I'll go to tatay's pen whenever hindi busy sa clinic. I'll go upstairs na, medyo napagod ako sa lakad namin kanina eh." Nagpaalam na ako sa kanila at agad na nahiga sa kama and that night, i didn't have a dream of him. Odd.

"Welcome to Carla's flowershop," bungad sa akin ni Carl habang naglilipat ng ilang bulaklak.

Napangiti ako, either dahil sa kanya or sa mga flowers. They're still fresh as if they're just picked this morning. "Good morning."

Biglang lumapit si Carl sa akin, "Eyebags? X! Sore-y eyes, X! Improvement! Pinaligaya ka ba ni Papa Justin kagabi?"

"Baliw!" tawa ko sa mga pinagsasasabi niya. Matapos ang maigsing chismisan pumunta na ako sa station ko, free ako ngayong umaga base sa sched ko nang bigla naman akong sinabihan na may walk-in, at dahil wala akong patient ngayong unaga, malamang sa akin na ito.

Nang makita ko ang patient ko, I can't help but smile. Ang cute-cute niya, he's a little boy na maputi slightly chubby cheeks at clean cut na buhok, "how old are you?"

"I'm four..." bibo nitong sagot nang biglang tumalon sa upuan at mag-full smile sa akin nang titigan naman siya ng kasama niya na I guess is his mother.

"What's your name baby?" smile ko din sa kanya.

"I'm Japhet and I'm not a baby..." malakas na sagot ng bata na naging dahilan para tumigil ang tunog ng handpiece na hawak ni Carl at mapatingin sa akin.
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 6

nice ts..

as always,
you never ceased to fascinate me
with your stories.

ang ganda nito pag ginawang movie.
bea - john lloyd pa rin.
ayiie.. :D kilig much..
naexcite mag imagine..:)

parang napi picture ko na sa mind ko
ung itsura ni bea habang pinu portray
si marj jan sa dinner scene na yan.

patulog na dapat ako.
naisipan ko magrefresh ng tab kung may update.
boom!
may update nga!

my sleep can wait 15 more minutes...

I can't bear to sleep knowing may update
pero ipagpapaliban pa ung pagbasa
before i sleep.

more power.!

sana bukas meron ulit. :)
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 6

Update na po :)
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 6

grrr my bago na naman akong susubaybayan :))))))
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 6

I will be waiting for an update. Good job TS

:clap::clap:

Edit: Ito pala yung kasunod nang story :)

Sorry, I read this one first, but anyway.. NICE!​
 
Last edited:
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 6

kuya, update mo na po :)
 
Back
Top Bottom