Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • End

Prologue

MRT Araneta-Cubao Station

Ambilis ng tibok ng puso ko. Likod pa lang natakot na akong baka ikaw na nga. Nakaupo ka sa pangatlong hakbang ng hagdanan, samantalang nasa tuktok naman ako. Isang hakbang pababa, napatigil na ako kaagad. Kinakabahan kung ikaw ba talaga 'to. Paano? Imposible. Pero simula nang iwan mo ako wala na akong ibang hiniling kundi bumalik kang muli, na kahit sa panaginip gabi-gabi kong hinahangad na makita ka. Pero heto na nariyan ka, kung ikaw nga ba ito.

Itinuloy ko ang paglapit sayo. Paglapit na tutupad sa kagustuhan kong makitang kong muli ang mukha mo, ang mga mata mo, kung paanong nawawala ang mga ito tuwing ngumingiti ka. Ang ngiting nagpapanginig sa buong pagkatao ko. Mahawakan kang muli na nagpaparamdam sa akin na parati kang andyan at hindi mo na ako muling iiwan.

Nakakatuwang isipin na sa lugar ding ito tayo unang nagkita. MRT Araneta-Cubao Station. Kung paanong tadhana ang nagpakilala sa ating dalawa. Kung paanong ang pagkakakilala natin ang bumuong muli sa pagkatao ko noong malungkot ako't nag-iisa.

Ilang hakbang na lang ang layo ko mula sayo, at sigurado na akong ikaw na nga ito, hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong bigkasin muli ang pangalan mo, "Japhet," sabay hawak ko sa balikat mo.
•••




•••




Author's note,
FEEDBACK and THANKS would be greatly appreciated.
 
Last edited:
Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 7

Chapter 7 - For Me

"Hi Japhet..." bati ko naman sa cute na batang nasa harap ko. Tinanguhan ko lang si Carl. I can handle this. Kaya ko.

"Ipapa-check ko sana yung baby teeth niya, baka kasi maging cause yun ng pagsungki ng ngipin eh."

"Okay, sit still little Japhet ha. Let me check your teeth, say ah..." mabait naman siya at binuka agad ang bibig niya, may tono yung 'ah' niya and I know what's that tune, "twinkle, twinkle little star. How I wonder what you are. Up above the world so high, like a diamond in the sky..." pagsabay ko sa 'ah' ni Japhet. "Okay, tapos na." tumigil na rin siya sa pag-hum.

"Is it painful?" turo ng bata kay Carl na kasalukuyang may niru-root canal na patient na napaka-intense ng paghawak sa chair with matching nangingilid na luha.

"I'm sure it's quite painful," sagot ko sa kanya. Kitang-kita ko ang unease sa tingin niya, "pero I'm not doing that to you I promise."

"Promise?" tanong niya, sa sobrang ka-cute-an niya hindi mawala sa mukha ko ang ngiti ko.

"Just promise me one thing."

"Anything."

"Visit me always and let me check your teeth para you wont end up like him," turo ko sa patient ni Carl na nag-spit na ng blood.

"Promise!"

Saglit lang at may hinila lang akong dalawang baby teeth sa kanya and how I ended up laughing nang mag-make-fun siya sa itsura niya habang wala na siyang two-front teeth, "another teeth will show up anytime soon, remember your promise ha."

Most of the kids I'm handling usually cries whenever bunutan ko sila ng ngipin lalo na kapag sa unahang part, ibang-iba sa case ni Japhet. He's happy. That kind of happiness na parati kong nakikita kay Jaf.

Nag-smile siya uli, "we'll visit then lets sing again po." Paalam niya sa akin. Nag-wave din siya kay Carl bago sila tuluyang lumabas ng clinic.

Lumapit sa akin si Carl at, "Is that for the good or to worsen your..."

"He's just a kid, patient. Nothing more nothing less," sagot ko sa kanya, "and besides, hindi naman si Jaf lang ang may karapatan sa pangalang yun di ba?"

"O, wala pa akong sinasabi ha... Bakit defensive ka na?"

"Maldita ka talaga? Kapag hindi ako nagsalita 'emotera' ang itatawag mo sa akin, kapag ganyan 'defensive,'"

"Pwede mo naman kasing sabihin lang na cute yung bata, na cuddly siya, adorable. Ikaw 'tong madaming sinasabi..."

"Movie?" biglang sulpot ni Justin sa likod ni Carl.

"Sssshhh..." patahimik ko kay Carl habang nakatingin ako kay Jazz.

Napalapit na lang sa akin si Carl, "movie?" tanong ni Carl.

"May darating pa kasi akong patients eh, pwede..."

"It's okay, dito na lang ako, antayin kita matapos," ngiti niya.

"Hindi..." sabi kong muli nang putulin ako ni Justin.

"Okay lang. Wala naman akong gagawin ngayong araw."

Wala na akong magawa, kung babae lang si Carl ipapasa ko na sa kanya si Jazz, wala talaga ako sa mood magsine. "3:00pm pa darating yung last patient ko."

"Hmmm... Wala pa namang ibang tao di ba? Ako muna..." sabi niya sabay upo sa station ko.

"Magpapa-extract ka?" tawa ko.

"Hindi ah, matutulog lang ako."

Pinalipat ko siya sa couch sa tapat ng station ko at doon niya nga tinuloy ang binabalak niya, natulog talaga siya.

Past lunch na nang gigisingin ko na sana si Jazz, kakaalis lang din kasi ng patient ko at kumain na sila Carl at Jessa kanina pa. He's sound asleep. As I watch him sleeping I can't help but be guilty na pinasok ko siya sa buhay ko ngayong kahit ako hindi ako sigurado kung ano bang gusto ko. I was about to touch his face nang dumilat siya, "lunch?" mabilis kong tanong.

"Alas dos na pala..." sabi ni Justin sabay pagbangon.

"Tara, I'm sure gutom ka na," yaya ko sa kanya. Tumayo naman siya kaagad at sumunod sa akin.
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 7

An update! :yipee:


Finish reading though, and this is all I can say..

B.I.T.I.N! More more! :excited:
 
Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 8

Chapter 8 - It Happens


"Are you sure you want this?" pag-aalangan ni Jazz sa tinuro kong panoorin.

Ang available kasing movie, apat na romance, dalawang comedy, isang action at isang horror/ thriller.

"White House Down for the first movie date?" tanong niyang muli sa akin.

Tumango lang ako. As I said, I don't want to be that attached to him, kung horror ang panonoorin namin baka mag-akapan lang kaming dalawa sa takot, horrors. If comedy naman we'll be at ease with each other, magiging light na kami and no awkwardness. Watching a romance film will just trigger us to fall inlove with one another which hindi ko sigurado kung gusto ko. Kaya action na lang, a movie you can watch alone or with friends, but never with the one you love.

Inabot sa akin ni Justin ang tickets at cards nang ilabas na ito ng automated ticket machine, "I'll just get something to eat, anong gusto mo?"

"Popcorn na lang, salted."

"And?"

"Water?"

"And?"

"Yun lang naman," sagot ko.

"Paano ako? Ayaw mo akong isama manood?"

Baliw ba 'to? "Hehe..." pilit kong tawa sa joke niya, kung joke nga ba yun.

"Teka lang ha..." paalam niya.

Bakit ba ako sumama? I never wanted this, naipit lang ako dahil hinintay niya talaga ako na dumating yung mga patients ko kanina, tapos pinagkanulo pa ako ni Carl nang tanggihan niya ako nung niyaya ko siyang sumama. Gosh! Pwede bang i-rewind yung kahapon, dapat pala sinagot ko hindi ako nanonood ng sine, na may phobia ako sa dilim. Ano ba?! Pwede pa akong umalis... Tingin sa kanan, sa kaliwa, wala. Pahakbang na ako nang may humawak sa balikat ko.

"Ayaw mo yata talaga akong isama," sabi yan ni Justin na nasa likod ko na pala.

"Tara..." walang kabuhay-buhay kong sabi.

The movie's nice, hindi ako fan ni Channing Tatum and the film is quite boring pero benta sa akin yung mga comedic scenes. Muntik ko na ngang makalimutang may kasama akong manood dahil walang kaimik-imik yung katabi ko. Nakaupo lang siya. Both hands on the armrests.

Nasa kaliwa ko siya and his right arm is occupying half of the armrest, before it hit me napatingin na siya sa akin. He is saving the other half of the armrest sa kaliwa ko sa pagbabakasakali sigurong ilagay ko din ang braso ko doon at mag-trigger na mahawakan niya ang kamay ko. Nuknukan ako ng kagandahan para mag-assume di ba?

"I..." panimula niya.

"Mag-restroom lang ako saglit ha," prepared ako sa moment na 'to. I'm not there yet, please, slowly.

"Ihatid na kita..."

"No, hintayin mo na lang ako, you'll miss some scenes sa movie," paalam ko sa kanya at inabot ang popcorn bago tuluyang tumayo at lumayo.

Nasa loob na ako ng restroom at nakaharap sa salamin. I knew it, hindi magandang idea 'tong movie date na 'to. Bakit ba kasi antagal matapos? Gusto ko nang mapag-isa. Baka wala talagang pag-asa. Baka hindi pa siya. Little Japhet, that cute kid, I can spend the whole day with that boy than with Justin.

Pagkabukas ko ng pinto palabas ng restroom nakita ko na agad si Jazz, still holding the bucket of popcorn at two bottled water, "done?"

"Hinintay mo ako dyan?"

"Nope, the movie ended five minutes ago."

Ilang minuto ba ako sa banyo? Hindi ko namalayan ang oras.

"Tara na?" matamlay niyang sabi.

Nakalabas na kami ng cinema nang magtext si mom, "the prawns are ready, what time ka uuwi? Antayin ka namin ng dad at kuya mo."

"May dinner pala kami," bigla kong nasabi nang maaalala ko na nagpaluto nga pala ako ng prawns kagabi.

"Tara, ihatid na kita."

He's very lifeless, hindi katulad kanina bago manood ng sine. Weird.

Hinatid niya ako sa bahay, the whole ride was very easy dahil tahimik siya. Hindi ko kailangang i-adjust ang pakikinig ko para unawain mabuti yung mga sasabihin niya.

Kabababa ko lang ng kotse niya nang bumukas ang gate namin, si dad.

"Is that him? Invite him for dinner," biglang sabi ni dad.

"Good evening po," bati ni Justin na nakababa na din pala ng kotse, lumapit siya kay dad at nakipagkamay, "Justin po."

Tinanggap naman ni dad ang kamay ni Jazz, "so you're Justin, tara, we're having a dinner. Come join us."
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 8

nice kuya heinriq...

ang galing mo talaga sa scenario...
very natural ung pagkaka-depict.

two thumbs up!

sana may update na ulit. :)
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 8

Waley pa ring update? :noidea:
 
Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 9

Chapter 9 - Time


"Lino pare," pakilala ni kuya kay Jazz.

Nasa dining table na kami nila kuya at dad habang hinahanda ni mama ang pagkain. Maya-maya, may pangyayari sa buhay ko na mauulit muli. First family dinner with the guy I am dating plus prawns for dinner. De javu.

"I'm happy I finally meet you tonight, it was only last night nang sinabi sa amin ni Marjorie that she's dating," sabi ni Dad na kaharap kaming dalawa ni Justin, the same spot where me and Japhet used to sit before.

Saglit ay dumating na si Mom dala ang specialty niyang prawns, "I hope you'll like my ginataang sugpo sa kalabasa," sabi niya kay Justin na asikasong-asikaso niya't nilapitan at sinandukan ng dalawang prawns nang biglang matigilan siya, "ay teka, allergic ka ba sa seafoods?"

Natahimik kaming lahat at napatingin kay mama. That is very insensitive. And I hate the fact that it is Japhet, no one else, whose she is pertaining to.

"Hindi po tita," sagot ni Jazz kay mom na kasalukuyan naman ding natahimik sa kanyang sinabi kanina.

"That's good news, I guess..." sabi naman ni Mom.

"Let's eat," paanyaya ni Dad pagkaupo ni Mom sa tabi niya.

"Truth is, favorite ko po ito, prawns, crabs din po kumakain ako," sambit ni Jazz sa tabi ko, "di ba Marj?" tabig niya sa akin.

Tumango na lang ako. I want to be normal, atleast hanggang sa matapos man lang 'tong dinner na 'to. I can't stand na may ibang tao nang umuupo sa pwesto ni Japhet. I love him so much.that I can't let go of him. Na sa tuwing kakain kami parati kong ini-imagine na andyan siya sa tabi ko, humihikab dahil kulang siya sa tulog gawa ng trabaho niya. This is so difficult na may iba nang taong pumapalit sa kanya pero nire-resist ko dahil siya pa rin ang gusto ko, no one but him.

Sumubo na si Justin ng prawns, and all I want to see is Jaf swallowing that food habang nakatingin sa akin na parang nagmamakaawang pigilan ko siya dahil allergic siya dito. Kung paano siya namula at tumaob sa upuan habang umuubo. But all I'm seeing is Jazz, who's actually enjoying his food right now, talking about how much he loves this dish to my mom who's very much pleased that our guest loves her dish this time.

"I'm sorry," binitiwan ko na ang kutsara't tinidor ko, hindi ko sinasadya pero napalakas ang bitaw ko't nahulog ang isa sa mga kobyertos sa sahig, natigilan ako saglit at napatingin sa lapag, "I... I really can't do this, I'm sorry..." tumayo na ako naglakad palayo.

"Marj?" tawag nilang lahat sa akin. I don't want to do this but I just can't stay there anymore.

"Please don't be like this," si kuya, hinabol niya pala ako sa labas ng bahay, "nag-aalala na kami eh."

"I don't need your concerns," pagkaharap ko sa kanya

Lumapit pa siya sa akin, "we're trying to cope with your sadness pero this is too much na. Kung nagsta-struggle ka sa pagkawala niya, ganun din kami dahil nagkakaganyan ka." He is so close na kaharap ko na siya.

No. I wont break out. No. Hindi ngayon. "Kuya..." I ended up hugging him while crying, "ang hirap... Ang sakit... I thought I'll be okay after a while that he's already not beside me... Pero hindi..."

"Just let it out..." yakap naman sa akin ni kuya Lino.

"I miss him..." walang tigil na ang luha ko sa pag-agos, "how I wish he's still with us... With me... Loving me... Kuya gusto siya makita, mahawakan, makausap... Kahit isang araw lang... Kahit saglit lang... Is that too much to ask?"?

Wala nang imik si kuya.

"Japhet... Walang ni isang gabi na hinihiling ko na sana magising ako sa mga panahong nakakasama ko pa siya, na maulit lahat ng mga nangyari sa amin. Simula sa MRT hanggang sa convenience store, hanggang sa bahay, sa kusina, sa golf course, lahat... I miss him... I'll go crazy just to be with him."

"I know what you're going through right now, and I hate the fact na wala akong magawa para matulungan ka," biglang sambit ni kuya, "sa stages ng loss, what you're doing is going around an endless cycle of denial."

"Kuya... Hindi ko kaya..."

"You need to pass through that and deal with acceptance."

"I love him, and I cannot erase that fact."

"Hindi ba ang sabi niya 'never lose direction?' hindi ka nga naliligaw pero hindi ka naman umuusad. You're wasting your time missing him that you forget na andito ka with us, na nagpapatuloy ng buhay namin, habang ikaw andyan, hindi maka-move-on."

I was about to say something again until I saw him, standing in a distance, "Justin," tawag ko sa kanya. Hindi ko malaman kung ano bang reaksyon niya sa mga narinig niya kung meron man. Pero alam ko, maraming bagay na magbabago simula sa gabing ito.
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 9

kala ko sh*t happens yung title ng chapter 8. namalikmata lang pala. great read! :)
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 9

Ayus ts salamat po sa update :) keep on sharing..
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 9

hanep talaga!!!

ang lupet mo kuya!
wagas sa galing...
sulit sa paghihintay ng update...

tear-jerker na naman 'tong chapter mo.
dinama ko na naman
at ninamnam ung pagbasa.

it's really hard to cope up with a great loss
especially when the one you've lost
is the person you loved the most.
anchakheeeet...:'(

keep on sharing...
I'll be around waiting for an update ;)
 
Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter10

Chapter 10 - Quarter After One

1:43am, hindi ko alam kung bakit pero gising pa rin ako. Justin and I, we're dating, kung wala siyang alam tungkol kay Japhet it is because that is something that a couple would share with one another, telling their moments with their ex-es. Eh hindi pa kami.

Kaya alam ko sa sarili ko wala akong pagkukulang kay Jazz. Pero bakit hindi siya nag-p-pm? Or stickers? Line message. I started typing, "Good evening Justin, tonight," hindi ko na madugtungan, until I ended up deleting what I just typed. 1:45am. This is non-sense, I'm waiting for nothing.

Kinaumagahan, wala silang lahat sa bahay kaya dumiretso na ako sa trabaho only to see the flowers outside our clinic, pagkapasok ko wala pa sa kalahati ang naiwan sa loob, yung mga nasa vase na lang.

"Ang lungkot talaga?" bungad sa akin ni Carl, "bulaklak yan teh...
Kung tao nga natutuyot yan pa kaya?"

Nginitian ko na lang siya.

"Yan, yan ang kailanman hindi malalanta, yung ganyang plastic na smile. Si Justin ang malalanta sayo eh, natitiwangwang yung tao dahil pinapaasa mo..."

"Hindi ko siya pinapaasa..."

"Anong tawag mo sa ginagawa mo?" tanong niya, "nirereserba?"

"Alam na niya."

"Ang drastic ng pag-change topic ha... Anong alam na niya."

"Kilala na niya si Japhet," nang sabihin ko yun kinaladkad na niya ako sa station niya nag-videocall kay Bea at doon nila ako tinanong kung paano. Kinuwento ko lahat simula sa movie date, sa paghatid sa bahay, sa dinner with my family, sa walk-out scene hanggang sa confrontation with kuya at nang matapos ako mabigat na ang mga sinabi nila sa akin.

"Ginagago mo pala talaga yung tao eh," biglang sabi ni Carl.

"Buhay si Justin, kasama mo, nasa tabi mo. Wala namang nagsasabi sayong kalimutan mo si Japhet eh, ang amin lang sana isipin mo rin naman na nandito kami, nandito si Justin. Naghihintay yung tao. Umaasa," sambit ni Bea.

"True," dagdag naman ni Carl, "ambait nung tao, pinupursigi ka, ume-effort. Siguro hindi sa time pero kung magkita naman kayo parating bongga di ba?"

"Three months na kayong dating..." sagot ni Bea nang sumingit si Carl.

"Three months and three weeks."

"Oh, girl... Alam naming napakabait na tao ni Jaf when he's still with us, pero wala na siya eh. Why not give Justin a chance. Di ba ikaw na rin nagsabi na he'll be guiding you unto finding the perfect guy for you? Ayan na siya," dagdag pa ni Bea.

Tahimik lang ako, wala akong maisip na isagot. Tama sila, I should move on with my life. "Hindi niyo lang alam kung gaano ko kagustong maging ok ulit. Pero tuwing uuwi ako sa bahay, tuwing kakain, tuwing papasok ako sa kwarto ko, siya parati ang nakikita ko," hindi pa pala ako pagod sa kakaiyak ko kagabi, "ang hirap ng hinihiling niyo sa akin, hindi ko magawang hindi siya isipin. Kasi yung totoo, siya na yung naging buhay ko, naging ako."

Inakbayan ako ni Carl, "girl, torture ang tawag diyan eh. Pero sa lahat ng tino-torture ikaw ang hindi masanay ha... Three years na ang nakalipas,?

"Alam ko na kung paano ka magiging ok..." biglang sagot ni Bea.

Pagkauwi ko ng bahay inisip ko na lahat ng options ko, tama si Bea sa suggestion niya, ata. Tinitimbang ko kung tama ba ang magiging desisyon ko o kailangan kong ikunsidera pa ang ilang bagay.

"Dinner's ready," sabi ni Mama pagkatapos niyang kumatok sa nakabukas ko nang pinto ng kwarto.

Kumpleto kami, si Dad, si Mom at si kuya Lino. Ang hirap simulan. Ang hirap sabihin sa kanila ng napagdesisyunan ko. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila.

"Pang-day shift na ako sa Monday," paalam ni kuya kay mama.

"Mabuti naman, nagsawa ka na sa kaka-laro mo ng video games sa ospital 'no?" pang-aasar ni mama.

Tumawa lang si kuya, "ginagawa ko nang arcade yung office ko doon, bihira naman kasi ang patients unless emergency, pero madalas tunganga lang."

Bigla akong sumingit sa usapan nila. Napayuko ako bago ako magsalita, mas mabuti nang alam nila kesa bigla na lang akong mawala,?"I'll be working with Bea in New Zealand."
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 10

nice update kuya...
as always...

buti nagcheck ako kung may update bago ako matulog...

nice.. worth reading before I sleep.
there goes the update,
normal depiction of day to day turmoil
then suddenly, you've dropped a bomb.

you've left me thinking
what would be happening after that big decision.

looking forward to the next update ;)
good night. :)
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 10

wala pa po ba ung update d2??? update pa po..:clap:
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 10

Kuya heinriq?
update mo na po?
please?...
 
Re: [Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 10

uyyy may sequel! :lol:

ayos.. may bagong babasahin nanaman. :approve:
 
Re: [Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 10

update na TS! grrr.. haha
 
Re: [Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 10


Ang hirap na sundan ng #NeedYouNow kasi medyo totoo na yung story. Akala ko therapy ang mangyayari, sadism pala. LOL.

^ nasa FB page ni otor.

kaya mo yan! hehe.. :lol:
 
[Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 11

Chapter 11 - All Alone

They were hesistant at first, pero nang ipaliwanag ko ang mga dahilan ko naintindihan din naman nila ako. I'll never be okay while staying with the things that'll just remind me of him. Hanggang may mga nakikita akong mga bagay na may koneksyon sa kanya malabong maka-move-on nga ako.

They suggested giving me a condo unit para malayo man ako sa bahay atleast madalas naman nila akong makikita, but when I said that I already have my decision, wala na silang magawa.

One condition nila before letting me leave the country, sabihin ko ang mga plano ko kay Justin.

"I would like to," panimula ko sa ite-text ko kay Jazz, maya-maya binura ko, para kasing napaka-casual na parang walang nangyari, "pwede ka ba buk," binura kong muli, be more gentle, "good evening," tama, good start. Send.

One minute, hindi pa siya nagre-reply. Two minutes. Three. Wala pa rin. Why is he like this? Kung galit siya, eh di magalit siya, pero sana naman sabihin niyang galit siya, I know it's pointless pero how will I be able to know kung gaano siya kagalit sa akin.

Tumunog bigla ang CP ko, "I'll call you later, I'm in the middle of a meeting."

All my doubts were gone. He will be calling me, I guess that's a good sign na okay na siyang kausapin ako after what happened.

Halos dalawang oras ang lumipas bago tumunog ang CP ko. "Meet me outside."

Napatayo ako kaagad at napadungaw sa bintana ko, andoon siya, nakatayo sa tabi ng kotse niya, hawak lang ang cellphone niya at tahimik na naghihintay. Nasa ibaba ang taong magpapatunay kung gaano ako kabobo, nakikita ko siya't nawawaring napakatanga ko't gusto ko siyang layuan.

Bumaba na ako't sinalubong niya ako ng ngiti pagkabukas ko pa lang ng gate, "tara sa loob," paanyaya ko sa kanya.

"Dito na lang tayo, gabi na masyado baka tulog na sila Dad mo."

Saglit ay tumahimik ang gabi sa aming dalawa. Napakalapit lamang namin sa isa't-isa pero parang may malaking pader na nakaharang sa amin. Magsasalita na ako nang mauna na siya.

"I'm sorry kung umalis ako bigla kagabi at hindi na ako nakapagpaalam sa'yo," paumanhin niya.

Bakit ka ganyan? Bakit hindi ka magalit? Bakit hindi mo ako awayin? Bakit hindi mo ako sigawan? Bakit napakabait mo sa akin?!

"I don't really want to intrude with your past, wala akong karapatang gawin yun. Kaya igagalang ko kung may mga parte pa rin noon ang hindi mo mabitiwan."

"Justin..." bigkas ko sa pangalan niya.

"Gusto ko lang malaman, maaari ko ba siyang makilala?"

"Bakit? Bakit pa?"

"Gusto kong malaman kung sino ba 'tong tao na 'to at bakit napakahirap para sa 'yong kalimutan siya."

Ako ang may sasabihin pero parang siya na ang nagmamaneobra ng usapan, "do I really need to do this?"

"... For me," sambit niya habang nakatingin sa mga mata ko. Those two words, maaring napakasimple, pero nang binigkas niya yun damang-dama ko ang pangangailangan niya sa mga sagot ko. We're just dating pero parang sobra pa doon ang turing niya sa akin, like there is something to resolve as if we're already in a relationship.

And that left me no choice but tell him a fairytale-story turned worst-nightmare.

"It all started three years ago, two days before my seventeenth birthday, nasa MRT ako headed home, drunk because I caught my 'then' boyfriend cheating on me. There's this guy sitting beside me, malamang naghihintay din ng tren, all that I remember that night is I slapped him. I really can't remember na ginawa ko yun and why did I do it, pero kahit ganoon ang nangyari, from that very moment, he never leave my side."

Kanina ko pa hinihintay na tumulo ang luha ko pero wala kahit pagngilid man lang. "After that?" tanong ni Justin. He's so serious na parang pagkakautang ko sa kanya ang buong storya, pero nakangiti siya, it's like I'm telling a very interesting story.

"Ok... Please, can I cut it from there? I'm not really comfortable with me telling my tragic story. Wala na siya, hindi na siya babalik. Kahit gaano ko kagustong mangyaring makita siyang muli, imposible. He's gone," sabi ko.

"You still love him."

"Yes."

"That's not a question."

Katahimikan.

"You don't want to forget him because you're afraid that one day, one day it'll be hard for you to remember him."
 
Re: [Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 11

At first, na-surprise akong na-transfer ang thread sa Original Lit section. Pero mas nagulat ako sa nag-tag nito as "Novel." Ambigat, nobelista na pala ako. WOW. I deserve a Nobel Prize Award #NuknukanNangKorningJoke

Thanks for the recognition, I know who you are and I still salute you as one of my greatest idol in literature. Thank you and I'm sorry about the past. :)
 
Last edited:
Re: [Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 11

update po ulit
 
Re: [Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 11

waaah...!

nice update kuya!

you never fail to amaze me...

tagos sa puso na naman!

yung last line pamatay!!!!

update na po ulit :)
 
Back
Top Bottom