Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • End

Prologue

MRT Araneta-Cubao Station

Ambilis ng tibok ng puso ko. Likod pa lang natakot na akong baka ikaw na nga. Nakaupo ka sa pangatlong hakbang ng hagdanan, samantalang nasa tuktok naman ako. Isang hakbang pababa, napatigil na ako kaagad. Kinakabahan kung ikaw ba talaga 'to. Paano? Imposible. Pero simula nang iwan mo ako wala na akong ibang hiniling kundi bumalik kang muli, na kahit sa panaginip gabi-gabi kong hinahangad na makita ka. Pero heto na nariyan ka, kung ikaw nga ba ito.

Itinuloy ko ang paglapit sayo. Paglapit na tutupad sa kagustuhan kong makitang kong muli ang mukha mo, ang mga mata mo, kung paanong nawawala ang mga ito tuwing ngumingiti ka. Ang ngiting nagpapanginig sa buong pagkatao ko. Mahawakan kang muli na nagpaparamdam sa akin na parati kang andyan at hindi mo na ako muling iiwan.

Nakakatuwang isipin na sa lugar ding ito tayo unang nagkita. MRT Araneta-Cubao Station. Kung paanong tadhana ang nagpakilala sa ating dalawa. Kung paanong ang pagkakakilala natin ang bumuong muli sa pagkatao ko noong malungkot ako't nag-iisa.

Ilang hakbang na lang ang layo ko mula sayo, at sigurado na akong ikaw na nga ito, hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong bigkasin muli ang pangalan mo, "Japhet," sabay hawak ko sa balikat mo.
•••




•••




Author's note,
FEEDBACK and THANKS would be greatly appreciated.
 
Last edited:
Re: [Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 11

PART 12!!! :popcorn:
 
Re: [Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 11

holy s*** kahit gaano pa katagal ang update nito aabangan ko ito.. ang ganda sir! i :salute: you!
 
Re: [Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Cha

ts okay na ulit ang symb. may reason ka nang gumawa ng update. hahaha :laugh: :peace:
 
Last edited by a moderator:
[Novel] Need You Now: IMYLC Sequel • Chapter 12

Chapter 12 - I Need You Now

"Hindi naman talaga 'to ang dahilan kung bakit gusto kong mag-usap tayo," sambit ko sa kanya.

"You're leaving?"

"Who told you?"

"Carl."

"Impakta yon..."

"Please tell me your plans," sabi niya sa akin. I can feel the please on his tone.

"I don't have any."

"Then I'm going too."

Napatingin na lang ako sa kanya. He's going, with me?

"I can't let you leave without me," dugtong niya sa sinabi niya, "you can't go without any direction. Let me guide you. Let me be your Polaris."

"I don't want you to do this. I don't want to be unfair to you anymore."

"Hanggang kailan mo ba ako ipagtatabuyan?" tanong niya sa akin.

"Justin..."

"Stay or leave the country with me? Kasi kung aalis ka lang para layuan ako, stay. Ako na lang ang lalayo sayo."

"Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako aalis."

"Anong dahilan mo?"

"Dahil kay Japhet! Dahil sa memories niya!" he just stared at me, "kahapon, that same spot kung saan ka nakaupo, doon siya dati nakaupo. At alam mo kung anong una niyang kinain habang nakaupo siya doon? Prawns! Of all food na maaari niyang makain that day, prawns! He's allergic to any seafood pero kinain niya pa rin yon dahil sinabi kong kainin niya ang iluluto ng nanay ko, kahit, inutusan ko siya kahit tatlong araw pa lang kaming magkakilala! Halos ikamatay niya yung ginawa niyang yon pero ginawa niya pa rin. Pero ikaw?! Ikaw! Tuwang-tuwa ka pa!"

"Hindi ako si Japhet..." marahan niyang sagot.

"Tama ka... That's probably the reason why I can't be with you. Kasi hindi ikaw si Jaf. You can never be Jaf. You can never be like him..." this time, ang kanina ko pa hinihintay na luha ay dumating na.

"Yes. I can never be like him. But that doesn't mean that I can't be better than him. Please let me love you the way I know, the way I can. Please let me be a part of you kung saan hindi mo na ako kinukumpara sa kanya."

"I don't know if that's possible."

“Then I’ll show you how it’s possible,” he just said it. Said like he really meant it. Niyakap niya ako at pagkatapos noon hindi ko na alam kung ano pang mangyayari. Na parang sinuko ko na lahat sa kanya, na hinayaan ko na siyang masunod sa buhay ko.

After that long-warm hug he gave me we bid our goodbye, goodbye for the night, goodbye for what happened, and to me, hopefully, a goodbye to the past. I don’t even know if that is really possible, but I hope things would turn out good pagkatapos.

When I reach my bedroom binuksan ko kaagad ang drawer ko hanggang matanggal ang mismong drawer, kinuha ang isang maliit na wooden box na nakatago sa kasuluk-sulukan ng cabinet ko. Umupo na ako sa kama dala ang maliit na bagay na ito, “please, atleast for the last time,” pagkabukas ko pa lang ng kahon hindi ko na mapigilang maluha, it’s like unstitching a fresh-deep wound in my heart. This is Jaf’s belonging, everyone thought that after he died all his stuff were placed in the casket, what they didn’t know is yung kahon lang ng phone ang inilagay ko doon and I kept this phone until this very day. I tried switching it on pero ayaw, ganoon na ba ako katanga? Tatlong taon no’ng huli naming ‘tong buksan and I am expecting it to have power to utilize the phone? Dumbass.

Luckily uso na sa Nokia noon ang microUSB charging, hindi na ako naghanap ng small-pin na charger which is not present for E7. Agad-agad ko siyang sinaksak and I wait for quite some time, mga 2 minutes. Sige na, 30 seconds lang ako naghintay. How can I wait any longer? Magpapaalam na ako sa kanya for the last time. Nag-vibrate ang phone nung binuksan ko siya. I immediately browsed the gallery and found his, mine, our pictures. My heart broke, hindi ko alam na napakarami pala naming pictures dito. Pictures that triggered a lot of memories with him, most of them, sad.

Sila kuya Lino at tatay ang kasama ni Jaf noong mga last moment niya, they didn’t want me in for the reason that I don’t know, malamang si Japhet ang may pakana noon, kaya si kuya din ang nag-play nung video na pinanood namin when Jaf is dying in the ICU. When Japhet died I locked myself in my room, from that moment no single tear came out of my eyes hanggang sa nailibing na siya. I was strong because he was beside me, though lifeless, he is with me. Tears start flowing when we got home from Pangasinan kung saan inilibing si Japhet, because from that moment I knew na I’m on my own nang muli.

As I reached the bottom of the gallery where I found the only video, it’s not playing. “PLEASE!” sigaw ko sa loob ng kwarto. Wala na akong pakealam kahit magising sila Mom at malamang nasa akin pa rin itong cellphone, I need to see him, I need to say goodbye, I need him.

Matapos ang napakaraming attempts na i-play ang video, ayaw pa rin. Nag-search na ako ng Nokia Service Center at tinawagan ko kaagad, “alam kong hindi na ‘to covered ng warranty, what I’m asking is if it’s possible to retrieve a corrupted file?”

“Maaari po…” marahang sagot ng operator na alam kong natatakot na sa paghi-hysterical ko.

After that very long night of waiting for a mall to open and so with the service center sinugod ko kaagad sila at sinigurado kong first in line ako. “Tatlong taon ang lumipas para marinig ko ulit ang boses niya at makita siyang masaya, so please,” hindi ko alam kung nahabag si kuyang nasa desk sa pagmamakaawa ko o naaalarma siya sa eyebags ko. Inasikaso naman nila ako kaagad, maybe because hindi nga ito covered ng warranty meaning magbabayad ako ng certain fee pero wala akong pakealam, I really need him.

Nu’ng tinawag na ako para lumapit muli sa harapan, pinapirma niya ako ng mga papers at siningil as expected.

Mabilis ang explanation sa akin ni kuya sa desk, “bale po 37 files po ang na-retrieve natin, 35 of them are images, 2 are videos.”

“2 videos?”
 
Re: [Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • 12

ayus! bitin amft! :upset: hahahaha
 
Re: [Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • 12

scandal ata nila chito & wally yung dalawang video... hehehehe :evillol:
 
Re: [Novel] Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • 12

^ patay hahahahaha :rofl:
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • 12

Bitin!
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • 13

Chapter 13 - I Don't Know

"Marjorie?” tawag sa akin ni Tatay. Hindi ko talaga alam kung paano ako papasok sa loob ng fishery, kung paano ako magha-hi sa tatay ni Jaf. The last time I saw him eh noong 1st death anniversary pa ni Japhet.

“Kanina ka pa ba dyan?” tanong niyang muli habang unti-unting lumalapit sa kinatatayuan ko.

“Kararating ko lang din po,” pagsisinungaling ko. Tirik pa ang araw nang dumating ako dito, papalubog na ang araw ngayon. Sa tagal nung huling beses ko siyang nakita, ibang-iba na ang itsura ni Tatay, pumayat siya, sobra, “kamusta po?” tanong ko sa kanya.

“Maayos naman, tara sa loob.” Paanyaya niya sa akin.

Pagkapasok ko pa lang sa loob nakita ko na kaagad ang picture nila ni Japhet nung graduation niya, masaya, hindi ko na rin maalala kung anong itsura nitong fishery nung huli kong punta, pero isa lang hindi maaalis sa isip ko, napakaayos ng buong lugar. Naalala ko tuloy kung gaano din kaayos yung tinitirhan ni Japhet noon kahit napakaliit lang nung inuupahan niya.

“Kamusta ka na iha?” tanong sa akin ni Tatay pagkabalik niya galing sa kusina dala ang isang bote ng fruit soda at skyflakes, “bakit ka napadaan.”

“Mangangamusta lang po talaga ako,” ngiti ko sa kanya, I don’t know, hindi kami ganoon ka-close, probably because saglit lang kami nagkasama since Jaf, well, yun na lang yun.

Sa bawat tanong at sagot na sasambitin namin, mahabang katahimikan ang pumapagitna doon.

“Nangungulila ka pa rin ba sa kanya?” biglang tanong ni Tatay.

“Kayo po ba?”

Napangiti siya saglit, “nangungulila, nanghihinayang. Sana nanatili na lang ako sa tabi niya.”

“Gusto niya rin po sana yun,” tugon ko sa sinabi niya, “gusto niya rin pong kayo ang kasama niya noon pa hindi yung tiyahin niya.”

“Sayang…” sambit niya, pero napakatatag niyang hindi siya napapaiyak sa pinag-uusapan namin, “kung alam ko lang.”

“Bakit po… sorry po, gusto ko lang din po kasing malaman, bakit niyo po ba hinabilin si Jaf sa tito’t tita niya?”

“Naghahanda ako,” maigsing sagot niya na lubos nagpataka sa akin. “Simula noong mamatay ang kapatid niya at magkasakit ang asawa ko, ramdam ko noon pa lang na mawawala rin si Apeng sa akin kaya ang iniisip ko noon kailangan kong mag-ipon, kasi ang akala ko magkakaroon din ng gamot, na may gamot talaga sa sakit nila ng ate niya hindi lang namin mabili dahil mahirap lang kami. Lahat ng trabaho bukod sa pangingisda ginagawa ko na sa Pangasinan, karpintero, kargador, hardinero kahit ano, makaipon lang.”

Gusto kong lamunin na lang ako ng lupa, ayokong umiyak sa harap ni Tatay dahil baka mag-iyakan lang kami.

“Pero noong mismong gabi na nakausap namin ang kuya mo, wala pa rin pala talagang gamut sa sakit niya, na kahit gaano pa kalaki ang malikom kong pera hindi ko rin pala iyon magagamit. Noong mismong araw din yong, gumuho lahat ng pag-asa ko, ang mundo ko. Kasi wala eh. Parang nagpakahirap ako sa isang bagay na imposible, na sinayang ko yung mga panahong sana sinamahan ko na lang siya, na hindi ko siya pinabayaan sa ate ko. Ang hirap, nagpakatanga ako sa isang bagay na hindi ko akalaing wala rin palang silbi,” tumulo man ang luha ni Tatay agad niya itong pinunasan at pilit pinipigilang wala nang luhang tumulo pang muli.

“Hindi niyo man po siya napalaki sa piling niyo, naging mabuti naman po siyang tao,” lumapit ako sa kinauupuan ni Tatay at niyakap siya, “at alam ko pong hindi tayo iniwan ni Japhet na may sama siya ng loob sa inyo…”

Nang mahimasmasan kami ng kaunti sa pag-iyak, inilabas ko na ang cellphone ni Japhet, napangiti na lang si Tatay nang makita niya ito, “nasa iyo pa rin pala yan…”

“Alam niyo po?”

Tumango lang siya.

“May nalaman po kasi akong meron pang isang video na ginawa si Jaf,” paalam ko sa kanya.

“Alam ko din.”

“Paano? Alam niyo po?”

“Hindi alam ni Apeng pero nakita ko siya habang ginagawa niya ang mensahe niya para sa atin, at narinig ko rin ang anak ko nung sinabi niyang hindi na kailangan ng personal na mensahe para sa iyo. Pero kinatok ko siya sa kwarto niya at tinulungan ko siya sa mensahe niya para sa iyo, pero sa huli inayawan niya pa rin ang ideya at ang alam ko ay binura niya yun.”

Kitang-kita sa thumbnail ng video na totoo yung sinasabi ni Tatay dahil iisa lang ang t-shirt na suot ni Japhet sa dalawang video.

“Kung nakita mo ang isa pa, mabuti,” sambit niya sa akin.

“Hindi ko pa po napapanood.”

“Marahil ito na ang ikagagalit sa akin ng anak ko,” tawa niya, “pero ang payo ko sayo, panoorin mo. Dahil alam kong totoo lahat ng sinabi niya doon. Na lahat ng katotohanang yon dapat mong marinig galing sa anak ko.” Hinawakan ako ni Tatay sa aking kamay, “mahal ka ng anak ko.”
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 13

Huwaaaw!Super ganda ng update!Di pa 'ko nkapag feedback s chapter 12,May bonus na agad na update!Chapter 13 na :)Anu nga ba ang laman ng 2nd video ni japhet?Hmm..?Ilabas mo na ung chapter 14 kuya heinriq. :) please..:D2 chapters worth na ung teaser for that controversial video...Nakakabitin maki-moment kay marj...
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 13

wew.. tiis tiis lang malalaman din nten yung 2nd video na yan hehe ;)
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 13

Huwaaaw!Super ganda ng update!Di pa 'ko nkapag feedback s chapter 12,May bonus na agad na update!Chapter 13 na :)Anu nga ba ang laman ng 2nd video ni japhet?Hmm..?Ilabas mo na ung chapter 14 kuya heinriq. :) please..:D2 chapters worth na ung teaser for that controversial video...Nakakabitin maki-moment kay marj...

humuhugot pa ng emotions. hehehehe...
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 13

for sure, we're in for a rollercoaster ride of emotions pag lumabas na ung chapter 14 nito..

kayang kaya mo yan kuya!
ikaw pa!

eh isa ka sa masters of twist and turns.

forte mo kaya yan.!

twisting emotions in an artful and artistic way.
tapos very natural ung delivery at dating ng scenario.

I'll be right here waiting for that update ;)

clue : may 'something funny' na ginawa or sinabi si jaf sa farewell video message nya kay marj. kaso awkward, kaya binura nalang nya. kung anu un, wala pa akong idea.

hula ko lang. :)

pano ko nagets?

kasi, nung ni-recall ng tatay ni jaf ung actions ni jaf nung ginawa nya ung video, napangiti/tawa siya with the mere thought of remembering his son while doing that video. out of the blue, mula sa pag - iyak, bigla nagshift ng mood,kahit slight lang. :)

pero sigurado, tear-jerker din to once na matapos ung video message.

a well-mixed balance of laughter and tears.

can't wait to read what will happen next.

aabangan ko yang update mo kuya :D
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 13

ang ganda.. salaamt po ts!!!
 
Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 14

Chapter 14 -The Way You Did Before

Noong una kitang nakita, alam ko sa sarili kong hindi ikaw yung tipo ng babae na magkakagusto ako. Amoy alak ka nun, sumusuray-suray, nagsisisigaw. Tapos saan ka ba naman nakakita na sinampal kaagad ng babae ang isang lalaki sa una nilang pagkikita? Meron siguro yung mga nambabastos na mga lalaki, pero ako? Nakaupo lang ako sa MRT Station no'n eh, ni tignan ka takot akong gawin kasi nga, lasing ka.

Estranghera ka pero hindi kita pinabayaan. Sumama ka sa akin kahit hindi mo ako kakilala. Parang hindi mo aasahan na mangyayari yun sa dalawang taong hindi naman alam ang pagkakalinanlan ng isa't-isa. Anlalim talaga? Hehehe...

Ahm... Tay? Pwedeng ako na lang? Naasiwa kasi ako. Hahahaha... Pramis tatapusin ko 'to...

Bye...

Yan... Ako na lang... Hoooh. Ok... Nasaan na ba ako? Ah, nung umpisa alam kong hindi tayo seryoso. Na kinailangan mo lang ako kasi gawa ng mga sitwasyong alam kong hindi mo ginusto. Pero kahit na, kasi may kung ano sa loob ko na nagsabing hindi kita dapat pabayaan, hindi kita dapat bitawan, hindi dapat kita... ...iwan.

Yung mga pangugulo mo sa akin, yung mga utos, tawa, braces... Nakasama talaga yung braces eh... Hahaha... Lahat yon napakasaya, kasama family mo, sa bahay niyo, prawns... Hehe... Masaya... Ansaya...

Lahat ng bagay na namagitan sa atin simula umpisa, lahat ng tao, si Carl, si Bea, si MOM, dad, kuya Lino... Lahat yun babaunin ko sa memories ko. Kung pwede lang lahat ng bawat segundong nakasama kita ay maalala ko sa pag-alis ko at maaalala ko habang wala na ako sa tabi mo.

Aaminin ko, napakalaking pasasalamat ko't ako yung napili mong makatabi nun. Na kung mauulit uli lahat sa umpisa, mananatili akong nakaupo sa tabi mo sa Araneta Station. Na kahit alam kong sasampalin mo lang ako't mapapahiya mo, tatanggapin ko kasi alam kong worth it lahat yunpagkatapos. Na yun yung kumbaga start ng napakasayang parte ng buhay ko.

Walang araw na hindi ko hiniling na sana makabalik ako doon. Ano ba?! Sabi ko nang hindi ako iiyak eh... Whoooh... Gabi-gabi dinarasal ko na pagkamulat ko kinabukasan maulit lahat. Tapos maulit muli. Endless cycle... Paulit-ulit.?Pangako hindi ako magsasawang makasama ka, sadistahin mo, asar-asarin. Promise hindi ako aayaw. Pesteng luha 'to ha... Tatabi parati ako sayo, sasamahan kita palagi.

Hindi ako galit, sa tadhana, sa Kanya. Hindi, kasi kung papipiliin ako sa sitwasyong ok ako pero wala ka kesa sa ganito ako pero nakasama kita, mas pipiliin ko pa ring makasama ka, pero mas gusto ko sana na alam kong may sakit ako bago pa tayo nagkakilala, para hindi tayo umabot sa ganito, na iiwanan kitang alam kong ayaw mong bumitiw sa pagkakahawak sa akin. Gwapo ko eh 'no? Heartthrob? Pero seryoso, kilala na kita kahit saglit pa lang tayo magkakilala.

Kaso, eto na eh. Alam ko sa loob ng ilang araw, linggo, buwan, hindi na ako magiging normal. Na kahit sabihin ko lahat ng mga sinasabi ko rito hindi ko na magagawa. Kaya hayaan mo sanang gawin ko 'to, pero hinihiling ko rin na sana hindi mo na 'to mapanood. Kasi kung gaano kahirap sa akin na bitawan ka at sabihin na sana maging masaya ka na wala ako, alam kong sa huli mas mahihirapan ka. You are so vulnerable. You tend to stop when you're hurt.

Anlalim ko ata talaga magsalita ngayon... Hahahaha...

Pero hindi na yun pwede ngayon, malaki ka na. Dapat marunong ka nang tumawid, tumawid sa kabilang banda ng kalsada na wala ako, na mag-isa. Na tutuloy kang tahakin ang kalsadang para sayo. Sa kalsada kung saan makakakita ka ng ibang makakasama mo. Na sasamahan ka at hindi ka iiwan katulad ng mangyayari sa atin... Kung may hihilingin lang ako sayo sa pagpatuloy mo sa paglakad mo sa daang tatahakin mo, sana lingunin mo ako minsan... Kahit saglit lang... Kahit ilang beses lang... Kahit isang sulyap lang. Ang hirap na...

Alam kong napakamakasarili ng hinihiling ko sayo, pero kahit na nililingon mo ako gusto kong magpatuloy ka, hanggang sa makalimutan mong may isang Japhet Dela Cruz na nang-iwan sayo. Na sinaktan ka't pinabayaan ka. Kung paano kong hinihiling na sana bangungot lang lahat ng 'to at pagkagising mo ituturing mo lang akong masamang panaginip na iyong makakalimutan...

Hindi ko gustong saktan ka... Pangako, hindi ko sinasadya... Kung may pagpipilian lang ako. Pero Siya na yung nagdesisyon eh. Hanggang dito lang. Pero kahit saglit lang 'to, I'm very thankful, kasi nakilala kita.

I'm sorry... Mahal kita... Mahal kita kaya pinakakawalan na kita... Mahal kita Marjorie Pineda... Love again.


Liwanag, kadiliman.
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 14

hanep..!

I'm speechless..
teary-eyed while reading this..

can't help but laugh when I've read about MOM :)

nice depiction and full of symbolism..
especially that part about Marj having to cross the road alone..

ansikip sa dibdib pag ninamnam mo ung pain ni jaf habang nirerecount nya lahat...


you really are something, kuya Heinriq!!
I salute you..
you should pursue this..:)
galing talaga ng wits mo kuya..
tamang tama ang timpla..

thank you and congratulations for being successful in giving us another heartwarming story...:) <3
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • Chapter 14

aw.. grabe. imba sir!!:D
 
Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • End

Chapter 15 - End

Maingay. Random voices. Iba-iba ang sinasabi.

Tumawag kayo ng tulong!

Stretcher! Stretcher dito!

Hawakan mo 'to and press it to her.

She will be fine, Mom.

Pulse's receding.

All clear.

Clear.


Long flat tone.

Nagising ang diwa ko sa ingay ng tren. MRT Araneta Station. Maraning tao. I'm usually like this, wala sa sarili. Saan ba ako galing? Nakaharap ako sa hagdan pababa kaya malamang I have to go down, pero bakit? I took the first departure without even rethinking where am I headed to. ?Pa-U ang hagdan kaya i turn to my right para makababa pa and then in an instant you are there, o should I ask myself "ikaw ba talaga 'to?"

Nakaupo ka sa hagdan, nakatalikod ka sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero andyan ka. Parati kong hinihiling na makita kita uli. Kahit sa panaginip lang. Kahit saglit lang. Pero ngayon, andyan ka.

Sinimulan ko nang humakbang pababa ng hagdan papalapit sayo, gusto kong isigaw ang pangalan mo't tawagin ka pero walang salita ang lumabas sa bibig ko, para bang na-trap silang lahat sa lalamunan ko. Pagkalapit ko, I know I can never be wrong. Ikaw 'to. Sigurado ako.

Hinawakan ko ang balikat mo, "Japhet."

Lumingon ka. Ikaw nga.

"Galing ka sa taas? Kanina pa ako andito sa baba. Hindi naman kasi sinabi sa akin kung saan magkikita, malaki-laki rin kaya 'tong MRT," sabi mo sa akin.

Hindi ko na napagilan agad kitang niyakap, "you're warm. Buhay ka."

"Ahm... Hindi tayo pwedeng magtagal dito, tara sa taas..." bawi mo sa yakap ko. Napakasaya kong kaharap kita ngayon. Kung pwede ko lang ikwento kaagad lahat kung gaano kita na-miss.

Hinawakan niya ang kamay ko habang umaakyat kami ng hagdan, I can't help but think that dreams really do come true. Tinitignan kita, kasama kita. Finally.

"Ticket mo, hindi ka naman lasing para buhatin kita't isang ticket lang ang gamitin natin ulit," tawa ni Japhet habang inaabutan ako ng card.

Umupo kami habang naghihintay ng tren.

Hinawakan ko ang mukha niya, dinama kung anong pakiramdam nito noon,?"nananaginip ba ako?"

"Hindi," kinuha niya ang kamay ko't hinalikan ang mga ito.

"Panaginip lang ang lahat??Na namatay ka?"

"Hindi."

"Niloloko mo ba ako?"

"Hindi."

"Ano bang nangyayari?"

"Hindi mo naaalala? Pagkatapos mong panoorin yung video?"

"Totoong may video? Totoong patay ka na?"

"Technically, ako oo, ikaw hindi pa."

Ano bang nangyari? Video... Love again... Umiiyak ako tapos... May sumakit sa akin noon pagkatapos, maingay, may nabasag na salamin, mula sa likod ko, sa loob ng taxi. "Naaksidente ako? Sinusundo mo ako?"

"Sa MRT? Seryoso?" tawa niyang muli. Gusto kong mainis kaso nakita kong muli kung paanong nawala ang mata niya ngayong nakangiti't tumatawa siya.

"Anong ginagawa ko dito?"

"Nakaupo?"

"Sige mamilosopo ka pa..."

"Ganyan mo ba ako na-miss?"

"Kung alam mo lang..."

Natigilan siya't naging seryoso, "alam ko." Hinawi niyang bahagya ang buhok ko hanggang sa aking tenga, "I'm sorry."

Hinalikan ko siya. Parang walang nangyari. It's the same kiss we had. Yung naiwan siyang nakapikit after, "I really love you."

"You just kissed a dead person..."

"That's eww."

"Ganito ang mangyayari, may tatlong tren na darating, ang ikatlo ay ang last trip, since anong oras na't magsasara na ang MRT. Each train will help you decide," paliwanag ni Japhet.

"Parang gameshow...? Decide what?"

"Hawak mo ang buhay mo ngayon Marj, alam kong hindi magandang ideya 'to pero ganito ang gusto Niya. Yung ticket, isang beses mo lang pwedeng gamitin. Sasakay ka sa tren at ipagpapatuloy ang biyahe mo o lalabas ka ng station and it's the end."

"This really sound like a gameshow now," hindi ko ma-absorb kung anong mga nangyayari.

"First train."

"Agad? Hindi pwedeng mag-isip muna?"

"Dumarating naman parati ang tren sa MRT, kahit minsan ayaw mo pang sumakay..."

Huminto ang tren, bumukas ang pinto. Si Daddy... Si Mommy... Kuya Lino? Nakaupo si Mom, she's crying. Si Dad nakasandal lang sa pader, walang imik. Si kuya Lino palakad-lakad, pabalik-balik.

Pasara na ang pinto nang mapatayo ako, "they're worried..."

"Sobra, noong lumabas ka ng station you died for about a minute. Malamang ngayon you're in a coma," sambit ni Japhet. Kitang kita ko ang unease sa mga mata niya.

Umandar nang palayo ang tren.?Humarap ako kay Japhet. I want to stay, kahit sandali pa. Umupo ako sa harap niya, nakaupo siya sa bench habang ako nakaupo sa mga paa ko. At hinihiling ko na sana ganito na lang kami habang buhay, magkasama.

May dumating muling tren, bumukas ang pinto. Lumingon ako, si Justin? Tumatakbo siya sa gilid ng mga sasakyan sa kalsada, pawis na pawis, hingal na hingal. "Where the hell is his car?!"

"Iniwan niya sa EDSA," sagot ni Japhet, "trapik naman parati sa EDSA."

Dumating ng ospital si Jazz, pagod na pagod. Tinakbo niya ang emergency room at doon sinalubong siya nila kuya. And then... Then he knelt down, his face on the floor. Crying and shouting. Dad came to him and hugged him.

"Justin..." before I knew na umiiyak na ako, pinupunasan na ni Japhet ang mga luha ko.

Sumara na ang pinto, umandar papalayo, napasunod ako ng ilang hakbang. Nilingon ko si Japhet, ngumiti lang siya.

Lumapit ako sa kanya niyakap siyang muli.

"Mahal ka talaga niya," bulong niya sa akin, "at alam kong may gusto ka na rin sa kanya."

"Jaf..."

"Ok lang sa akin," tumawa siya, "hindi ako magseselos..."

Third train, the door just stopped right in front of us, bumukas ito. Wala, walang kahit anong image na lumabas.

"Alam kong hindi ka makukumbinsi ng dalawang nakita mo kaya hiniling ko talagang magkaroon ng ikatlong tren," sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Sinamahan niya akong makapasok sa loob at pinaupo niya ako, bumitiw siya sa pagkakahawak sa akin, "hindi mo ako sasamahan?"

"Hindi pwede," maigsing sagot niya.

"Then I'm staying."

"Don't be selfish."

"You are selfish."

Hinawakan niya ang kanang kamay ko, "hetong kamay na 'to, hawak yan ngayon ng taong mahal na mahal ka," tinignan niya lang ako pagkatapos.

Hinalikan ko siya, yinakap niya ako.

Lumayo na siya, at kasabay ng paglabas niya ng pinto ang pagsara nito. Umandar na ang tren. Napatayo ako’t agad lumapit sa pinto ng tren at nakita ko kung paanong tinakbo ni Jaf ang platform para lang matanaw ako. Kumakaway siya.

Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko at liwanag na ang nakikita ko. Liwanag at stand ng dextrose sa kaliwa ko. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero may pumipigil sa paggalaw ng kanang kamay ko, "Justin..."

After the accident wala akong pinagkwentuhan ng encounter ko with Japhet. Masaya akong nakita ko siya noon, na masaya siya para sa akin. At mas magiging masaya siya ngayong pinili kong magpatuloy kasama ang taong pinagkatiwalaan ni Jaf.
 
Last edited:
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • End

aw... tapos na...

ganda ng ending... nakakahawa yung lungkot :lol: :clap:
 
Re: Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel • End

nice. ganda ts.. :D
 
Back
Top Bottom