Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapa

gud eve po..tanong ko lang po ts kasi yung board license ko po ay iba ang apelyedo sa step father ko at sa BC ko ay sa mother ko ..bali yung mother ko nagkaasawa ng iba at iligetimate child ako, pinapagamit kasi ng mother ko na apelyedo yung sa bago nyang asawa nung bata pa ako kaya yun na sinunod ko hanggang sa board license ko..wala pa kasi ako alam noon eh...

anu po ba dapat gawin ts???plzz help...thanks in advance sana masagot mo ts...
 
Re: Birth certificate,

gud day po...my problem po aq sa BC ng anak ko, di kmi kasal nung tatay nia kaya nung pinanaganak sya apelyido ko muna nilagay den ngpkasal kmi pra mgamit nia ang apelyido ng tatay nia...so ang alam ko apelyido n ng tatay nia ang gamit pero nung high skul xa kumuha ako ng NSO apelyido ko pla nsa NSO nia...pumunta ako sa NSO pra maayos with documents na gling sa municpyo pero nlaman ko na natrace pla nila na nkarehistro pla ang kasal ko sa unang asawa ko, so kelngan dw my maipakita akong documents na bgo ipanganak si bunso ko ay annulled ang kasal ko or patay n unang asawa ko pero existing pa po ung kasal nmin kya di nila maipoprocess ang legitimation, ung R.A 9255 dw po ang ang iaaply nila pra mgamit ung apelyido ng tatay niya, pero bago dw nila iprocess ung RA 9255 kailangan daw po na mgfile ako ng petition for cancellation to cancel the annotation of legitimation and the registered affidavit of legitimation through court...ANO PO BA UN AT PAANO KO MAPPROCESS? ANO PO BA ANG MGA STEPS? kwawa nman po ang bunso ko kasi problema nya yn pg mgaaply na sya trabaho or maagbroad..sana po matulunga niyo ako maraming salamat po...

mgkano po mgagastos dto?
 
Sir/Maam, Tanung lang po! marami kasing mali sa BC ko gaya ng Maiden Initial ko dapat "C" yung Centillas tapos naka lagay sa akin is "Sentillas" yung maiden Initial ng Papa ko Dapat Bustamante pero nakalagay is "Bostamante" tapos ngayun lahat ng document record ko po ay naka base doon sa BC. ano bang mas mabuting gawin papalitan ko ba or as if na lang? paano pala yung mga benefits gaya ng SSS PHILHEALT at iba pa? baka mahihirap ako pag dating ng araw? at mag kano po ba gagastuhin kung sakaling aayusin ko to?
 
ask ko lang po anong kelangan gawin kung may mali sa middle name ng asawa ko sa marriage certificate namin. ano po mga hakbang na gagawin para ma correct namin. Maraming salamat po.
 
good day!!!

may problem po ako sa marriage contract namin, kinasal po kami nitong July lang po. nakuha na po namin marriage certificate from civil registry nalaman namin mali po yung apelyido ko. sabi po nila 6months bago lumabas yung arriage contract from nso. mahahabol pa po kay yun? saka kung di namin maagapan ano po pwede kong gawin? please i need your help immediately! thanks :)
 
Good morning po.. patulong naman po ako..
Ikinasal po kami ng asawa ko nitong July 5, 2014 lang.. Civil wedding po kami, ginanap sa tirahan ng asawa ko..
Tanong ko lang po, kung kailan po kami pwedeng makakuha ng aming NSO Marriage Contract copy.. 2 months na po ang nakalilipas.. Ang meron lang po kami ay yung Marriage Contract Personal copy.. Sana po matulungan nyo ako.

Maraming salamat po.. God bless.
 
tanong lang po..

panu ayusin yung sa BC ko., kasi yung SURNAME ko dun e nagkabaligtad ng letter..,

example:

JUAN DALE CRUZ dapat JUAN DELA CRUZ pero simula nagstart ako mag-aral e JUAN DELA CRUZ na ung gamit ko..

panu ayusin ung ganito??, at kapag naayos ko ba to, everytime na kukuha ako e yung fix na name na ang makukuha ko??
 
hi mgndang araw po..ita2nong q lng po sna prob q about my BC s NSO i found n mei prob po ang married name q s NSO BC q..mgkaiba po kc ang name q s BC q at s authenticated BC s NSO?maapektuhan po b ang married q?thank u po s sa2got
 
Huwag na pong magtatanong at wala ng sasagot. Taong 2013 pa hindi sumasagot ang may-ari ng sinulid na ito. Sayang lang po ang gagawin ninyong paghihintay at pag-asa sa sagot na hindi naman darating. Salamat po.
 
Ask ko lang po. Yung marriage contract po namen ng asawa ko, wala pong marriage license number sa baba, date and place of issued, wala din po. Ibig sabihin po ba nun, di valid ang kasal namen, di ko rin po matandaan kung kumuha kame ng marriage license noon pero pagkakaalala ko po, hindi po kame nkakuha. Thanks po
 
tanong lng po ts..
tungkol sa birth crtfcte ng cousin ko..uncle ko father nia..mga parents nia kasal..pinanganak sya ng mother nia sa leyte (di kasama uncle ko)...dahil hindi mahigpit (siguro) sa birth crtfcte ang school dun sa elementary kaya nakapag-aral sya kahit wala nito ...gamit ang surname ng uncle ko(since anak naman talaga sya)... then di na bumalik ung asawa ng uncle ko..nawalan na sila ng communication..after ilang years nabalitaan namin, nagkaroon sya(ung girl) ng kalive-in dito sa maynila...kinupkop (nung lalaki) ung cousin ko...pero natigil sya sa pag-aaral (baka financially short) magha-high school sya dito..kinailangan ng birth certifcte..wala pa pala syang birth certifcte (di alam ng cousin ko,natural bata pa sya)...
nung kinukuha na sya ng uncle ko para mapag-aral dito dahil matagal na atang nai stop..hiningi nya sa mother nya ung birth crtfcte nya...nalaman namin na pina-late reg pala sya nung mother nia at sinunod sa pangalan ng kalive-in nia..nagkaroon ngayun ng conflict.. sa school records surname ng uncle ko gamit..sa birth crtfcte surname nung kalive in nung girl....walang choice madalian.. ngpagawa sila sa tabi- tabi( di ko sure kung saan, basta nakapgpagawa ng birth crtfcte gamit surname ng uncle ko, (nakalusot) graduate na sya ng high school.. ngayon dapat college na sya..alam ko di na uubra ung pinagawang fake na birth crtfcte at mas lalong di uubra sa pagtatrabaho...mas mahigpit sa college at dito sa manila pagdating sa ganyang mga records ..kawawa naman cousin ko di makapag-aral..di rin makapagtrabaho..conflict birth crtfcte nia sa school records nia...ngayon ts gusto ko pong itanong ung procedure kung saan at kanino kami dapat unang lumapit...at mga magkano kaya ung estimate na magagastos namin kasi mahirap lang din kami..kaya kelangan mapag ipunan muna namin at gusto namin ung talagang legal..sana po matulungan nio kami...ung unang birth crtfcte ng cousin ko n gamit ung surname ng step father nia gawa pinagawa daw sa bulacan dahil tga dun ung lalaki. thank you in advance po..sana masagot po ninyo kami
note: ts may prof po aq dati, na fiscal sa manila ngayon friend ko sya sa fb..matagal ko ng gustong magtanong sa kanya tungkol dito kaya lang baka kako wala naman syang kinalaman pagdating sa ganitong kaso...iniisip ko kasi di ba ang mga lawyer may kanya kanyang forte na tinatawag.
 
hi

ask po me ng help at yung birth certificate ko na latest at kulang ng number 2 imbes 26 at yung dati ko pong kopya 26 nakalagay, 100000 kasi ask para sa pubication e mali nmn ng civil registry sa city of manila kami mamobrelema , ayaw po kasi iprocess passport ko sa dfa dahil mali binigay ng civil registry sa manila city hall,maawa po kayo senior citizen na parents ko at di n kaya help me,need ko po maayos eto
 
Sir Magandang Gabi, malayo ata tong tanong ko sa topic pero tungkol po ito sa ellegitimate . Pwede ba mag abroad kahit walang middle Initial? Need ba talaga mag Middle initial? Thank you in Advande.
 
Ano ba yung icchange na 2 instead of 26? Birthday ba yun? Natry mo na ba magfile ng petition sa Local Civil Registry niyo? If clerical error lang yan, papagawa ka lang sa lawyer ng verified petition to correct the clerical error in your birth certificate tapos present ka ng supporting evidence na "26" nga yung sinasabi mo such as school or medical records, baptismal certificate, ID to support your claim.. tapos tama ka, you have to publish your intent to change an info in your birth certificate.

Clerical error lang yan kaya mas simple yung process. But I don't agree na 100,000 talaga babayaran mo sa publication. Siguro around 10k pa pwede.

Sir Magandang Gabi, malayo ata tong tanong ko sa topic pero tungkol po ito sa ellegitimate . Pwede ba mag abroad kahit walang middle Initial? Need ba talaga mag Middle initial? Thank you in Advande.

Illegitimate minor ba to?
 
Last edited:
Ask ko lang po. Yung marriage contract po namen ng asawa ko, wala pong marriage license number sa baba, date and place of issued, wala din po. Ibig sabihin po ba nun, di valid ang kasal namen, di ko rin po matandaan kung kumuha kame ng marriage license noon pero pagkakaalala ko po, hindi po kame nkakuha. Thanks po

To constitute a valid marriage, ito ang requirement ng batas:

Essential requisites of marriage- (1) both parties must have the legal capacity to enter into marriage, and (2) the consent must be freely given, meaning gusto niyo talaga pareho na mag enter into marriage and not for any other reasons.

As to formal requisites of marriage naman, you will need (1) the authority of the solemnizing officer (meaning the priest or the judge solemnizing your marriage must be a legal one), (2) valid marriage license which you will have to obtain in your Local Civil Registry and (3) the marriage ceremony itself in presence of at least 2 witnesses of legal age.

Absent any of these requisites, your marriage is VOID-- meaning, it is as if walang marriage na nangyari dahil kulang ng requirements.

In your case, medyo naguluhan lang ako na sabi mo walang marriage license number, date and place of issuance.. Tapos sabi mo hindi kayo nakakuha? Since kulang kayo sa formal requisites (marriage license), considered VOID ang kasal niyo, so meaning hindi valid ang marriage niyo.
 
hi mgndang araw po..ita2nong q lng po sna prob q about my BC s NSO i found n mei prob po ang married name q s NSO BC q..mgkaiba po kc ang name q s BC q at s authenticated BC s NSO?maapektuhan po b ang married q?thank u po s sa2got

Since clerical error lang yan, pwede ka magfile ng petition to correct the clerical error entered in your Marriage Certificate. Kailangan mo lang ng verified petition na kailangan notarized, at the same time supporting evidences such as ID mo na married name na ang nakalagay, and other evidences to support the petition. You will have to file this in your Local Civil Registry. Prepare ka lang ng filing fee which is around P1k lang naman ata.

tanong lang po..

panu ayusin yung sa BC ko., kasi yung SURNAME ko dun e nagkabaligtad ng letter..,

example:

JUAN DALE CRUZ dapat JUAN DELA CRUZ pero simula nagstart ako mag-aral e JUAN DELA CRUZ na ung gamit ko..

panu ayusin ung ganito??, at kapag naayos ko ba to, everytime na kukuha ako e yung fix na name na ang makukuha ko??

Kung clerical errors lang yan, same process din file a verified petition in the Local Civil Registry to correct errors in birth certificate, tapos support your claim na DELA CRUZ ang ginagamit mo talaga. Pakita mo IDs mo, attach them as photocopy pero upon filing dalhin mo padin original.

good day!!!

may problem po ako sa marriage contract namin, kinasal po kami nitong July lang po. nakuha na po namin marriage certificate from civil registry nalaman namin mali po yung apelyido ko. sabi po nila 6months bago lumabas yung arriage contract from nso. mahahabol pa po kay yun? saka kung di namin maagapan ano po pwede kong gawin? please i need your help immediately! thanks :)

Kung hindi pa naeenter siguro pwede pang maihabol yan, if not you will need to file a petition to correct the clerical error in your marriage certificate. File ka sa Local Civil Registry ng petition to correct the entry in your MC then supporting evidences na mali nga yung apelyido mo. You can show your ID na married name na nakalagay, and other possible evidences to support your claim.

ask ko lang po anong kelangan gawin kung may mali sa middle name ng asawa ko sa marriage certificate namin. ano po mga hakbang na gagawin para ma correct namin. Maraming salamat po.

If it's a clerical error lang (misspelled word, nagkamali lang sa entry) you have to file a verified petition in the Local Civil Registry along with supporting evidences to support your claim. Same din sa procedures above.. basta misspelled, and it will not change your status ganun lang din yung process.

Sir/Maam, Tanung lang po! marami kasing mali sa BC ko gaya ng Maiden Initial ko dapat "C" yung Centillas tapos naka lagay sa akin is "Sentillas" yung maiden Initial ng Papa ko Dapat Bustamante pero nakalagay is "Bostamante" tapos ngayun lahat ng document record ko po ay naka base doon sa BC. ano bang mas mabuting gawin papalitan ko ba or as if na lang? paano pala yung mga benefits gaya ng SSS PHILHEALT at iba pa? baka mahihirap ako pag dating ng araw? at mag kano po ba gagastuhin kung sakaling aayusin ko to?

As far as I know P1k lang ang filing fee to process your petition to correct clerical error in Birth Certificate. Pakibasa nalang process above-- file a verified petition in your Local Civil Registry to correct the misspelled errors in your birth certificate; along with evidences na "Centillas" ang ginagamit mo at "Bustamante" ang apelyido ng papa mo.. You can show your ID, school and medical record, pati din records ng father mo na Bustamante nga ang gamit niya.
 
Last edited:
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapa

gud eve po..tanong ko lang po ts kasi yung board license ko po ay iba ang apelyedo sa step father ko at sa BC ko ay sa mother ko ..bali yung mother ko nagkaasawa ng iba at iligetimate child ako, pinapagamit kasi ng mother ko na apelyedo yung sa bago nyang asawa nung bata pa ako kaya yun na sinunod ko hanggang sa board license ko..wala pa kasi ako alam noon eh...

anu po ba dapat gawin ts???plzz help...thanks in advance sana masagot mo ts...

Since illegitimate child ka sa first husband ng mother mo, kailangan mo talaga i-adapt yung apelyido ng mother mo.

Pero since nagkaasawa na yung mother mo ng bago (which is your step father), your father will then have to adopt you para maconsider kang legitimate adopted child nila. In that case, hindi mo na kailangan ipaayos yung PRC license mo kasi may adoption na na nangyari.

Of course, this is provided na yung marriage between your mother and your step father is a valid one.
 
Last edited:
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapa

Wow! buti napadaan ako sa thread mo TS. Baka po matulungan nyo po ako sa aking problema. Ganito po kasi yun. Negative po nung kukuha sana ako ng NSO para sa birth certificate ko po, tapos pinahanap ko po sa lugar namin kung saan ako pinanganak (LCR) kung may record po ako doon. Sinabi po na wala po talaga akong record sa kanila. Ano po ba ang dapat kung gawin. May hinawakan akong birth certificate pero photocopy po yun. Wala na po kasi mga magulang ko kaya nababahala na po kasi ako kung ano po yung gagawin ko. Sana matulungan nyo po ako sa aking problema. :thanks: po. Nice thread po ts.
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapa

^ Nagrefer ka ba dun sa place of birth na nakalagay sa photocopied birth certificate mo?
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapa

TS Ask ko lang. Paano kung nagkabaliktad yung Lastname and Middlename? pwede pa kaya maayos yun?
 
Back
Top Bottom