Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

GIRLS, any questions tungkol saming mga BOYS? we're here to answer you

Thank you sa answers ninyo mga sir :salute:

I am just confused if forgiving him is the right thing to do kung sa loob loob ko eh ayaw ko magpakaplastic at sabihin sa kanyang pinapatawad ko na siya. If he did was only flirting, medyo may possibility yung isip ko na patawarin siya. Pero iba kasi eh, when I caught him asking some girl to have sex with him - it really tore my heart. What more when I found out that he already did it.

It's just that, I loved him too much but he hurt me so much and I honestly know that I don't have to be treated that way. Not anymore.

Kung papatawarin ko siya, makakamove on ba talaga ako sa sakit na ginawa niya sa akin? Would it heal the wound inside of me? Tama ba talagang ganoon gawin ko kung hanggang ngayon eh ramdam ko pa din?

Ang daming questions sa isip ko but I assure you, somehow natauhan din naman ako na hindi na tamang maging kami ulit. So I told him that and he just asked for forgiveness and friendship na hindi ko na masagot.

"Kung papatawarin ko siya, makakamove on ba talaga ako sa sakit na ginawa niya sa akin?"
- Sabi nga nila, forgive but don't forget. Makaka-move on ka in time, don't worry.

"Would it heal the wound inside of me?"
- It will, of course. It's gonna be hard. But eventually, it will. Time will heal your wounded heart. We have to move forward no matter how hard it is.

"Tama ba talagang ganoon gawin ko kung hanggang ngayon eh ramdam ko pa din? "
- Either magpapakatanga ka sa kanya at may chance sya na gawin ulit yun sayo, or press the delete button and remove him out of your life. Natural lang yan. Hindi naman agad-agad mawawala yung sakit na nararamdaman mo.

"Ang daming questions sa isip ko but I assure you, somehow natauhan din naman ako na hindi na tamang maging kami ulit."
- Good. Kahit mahirap, kailangan mong maging matapang. Remember, hindi lang sya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Meron dyang nag-hihintay sayo. Mas deserving kesa dyan sa ex-boyfriend mong nagawa kang tarantaduhin. Yung mamahalin ka, aalagaan, hindi sasaktan, ganun.

"He just asked for forgiveness and friendship."
- Forgiveness? Yeah, right. Again, like i've said. Forgive but don't forget. And about sa friendship? Heck NO! Buti sana kung nag-hiwalay kayo na walang samaan ng loob or issue kagaya nyang sa inyo. Pwede pa siguro. Pero sa case nyo, advice ko sayo na 'wag. Tsaka opinion ko lang ha. Mahirap din makipag-kaibigan o maging kaibigan ang taong minsang naging karelasyon mo. Hahaha.

Sya nga pala. Sana naman kahit na ganyan ginawa ng ex-boyfriend mo sayo, wag mo sana i-generalize ang mga kalalakihan dahil dun. Hahaha! :lol:
 
Tanong ko lang, bakit may mga lalaki pa ring torpe? Nagbigay ka na ng motibo't lahat lahat. Wala pa rin. Para-paramdam lang ganun, nagpapapansin. Hanggang dyan na lang ba kaya niyong gawin? :ranting: Hay! Buhay. :upset:
 
pag sinabi niyo bang biro-biro lang ay biro lang talaga?
 
Most likely just an excuse
to get off the question. :yes:
 
Tanong ko lang, bakit may mga lalaki pa ring torpe? Nagbigay ka na ng motibo't lahat lahat. Wala pa rin. Para-paramdam lang ganun, nagpapapansin. Hanggang dyan na lang ba kaya niyong gawin? :ranting: Hay! Buhay. :upset:

baka d lang nya type kaya ganun or may obligation pa sya or something na may hinihintay syang iba.
 
Tanong ko lang, bakit may mga lalaki pa ring torpe? Nagbigay ka na ng motibo't lahat lahat. Wala pa rin. Para-paramdam lang ganun, nagpapapansin. Hanggang dyan na lang ba kaya niyong gawin? :ranting: Hay! Buhay. :upset:

Bakit may mga lalaki pa ding torpe? Being a torpe myself, hindi ko din alam kung bakit kami nag-eexist. Hahaha. Baka naman akala nung taong yan eh nangti-trip ka lang? Alam mo yun, mixed signals / false alarms. Ang hirap kaya mag-assume at umasa sa mundong 'to na punong-puno ng pa-fall. Tsaka, hindi naman sa hanggang dito na lang kaya naming gawin. Sabi nga nila, its easier said than done. Gaya ko, kahit na confident ako sa ibang bagay, nato-torpe naman ako sa babaeng gustong-gusto at mahal na mahal ko ngayon.

pag sinabi niyo bang biro-biro lang ay biro lang talaga?

Depende sa biro at binibiro. Tsaka, jokes are half meant, hahaha.
 
Turn off ba pag girl ay unang nagsasabi na gusto ka niya o ang nagpapakita ng motibo? Do u find the girl na easy?
 
Turn off ba pag girl ay unang nagsasabi na gusto ka niya o ang nagpapakita ng motibo? Do u find the girl na easy?

turn off? hindi naman.
di siya turn off para sakin lalung-lalo na kung yung girl na nagbibigay ng motibo sakin eh gusto ko rin naman in the first place. hayahay na ang buhay pag ganun haha just kidding :lol:

also, i don't find girl like that easy in general. yung tipong kahit sino na lang ang manligaw sa kanya eh mabilis siyang bibigay? no. pero syempre at the end of the day, eh depende pa rin yan sa personality nung babae. at masasabi mo lang yun about her once you get to know that girl.

pero yes, i find it easy in a way na kapag naisipan ko siyang i-pursue eh malamang less effort na yung magagawa ko para i-please siya or mapasagot siya since may gusto nga siya saken at siya na ang nagbibigay ng motibo.

:hat:
 
Last edited by a moderator:
Turn off ba pag girl ay unang nagsasabi na gusto ka niya o ang nagpapakita ng motibo? Do u find the girl na easy?

IMHO, kapag gusto mo din yung babae syempre hindi. Kapag hindi naman, medyo awkward pero never naman na turn-off. Nakaka-gulat lang kasi syempre hindi typical sa mga babae yung ganun, although meron naman. Yung pagpapakita naman ng motibo, ang perspective ko dyan bilang isang lalaki eh pa-fall moves. Hahaha, sorry. And do I/we find the girl easy? Again, kung gusto ko yung babae, well medyo. Pero wala na akong pakialam dun kasi pabor naman sakin. Pero kapag hindi ko gusto, hindi naman. Unless kakaiba yung personality niya. Yun bang may pagka-haliparot talaga. Hahaha.
 
Turn off ba pag girl ay unang nagsasabi na gusto ka niya o ang nagpapakita ng motibo? Do u find the girl na easy?

Turn off? No.
Do i find those girls easy? No.

Isipin mo na lang. Walang nagbabawal na i express kung ano nararamdaman ng tao, including affection towards opposite sex. As long as hindi makakasama sa iba.

And pls do think about how you approach the guy.

Mas malaman ung una kong sagot pero di ko alam bakit hindi na post kaya express answer na lang. :rofl:
 
Last edited:
I think a girl being easy is more of how she carries herself
despite having already told the guy she likes how she feels about him. :yes:

so in my opinion :giggle:
Girls are easy if you can make them do what you want them to without much effort
so easy that you don't actually have to make them your girl for you to have the privileges
that mostly only boyfriends can have. :evillol:

and yes, there are people who actually does this not only guys.
 
ya, ganyan din sabi ng friend ko hindi turn off if girl yun nagiging open about sa feelings nagiging totoo lang daw , sa culture kasi natin lalaki ang expected na open sa feelings sa girl parang nakakahiya lang sa aprt ng girl if sila yung mag oopen sa boys
 
ako din gusto ko itry! haha :)

mag 10 years na kame ni bf. bata pa naman kame. 24 y/o.
napag-uusapan naman na namen yung marriage.
pero walang paramdam na magppropose na si koya.
Ready naman na ko if ever na ayain niya ko ngayon at ngayon din. hahaha
ang kinakatakot ko lang is baka pag ready na siya, tska nmn ako na yung hindi pa pala? haha

ask lang po, kelan niyo ba nalalaman mga grown up men na ready na kayo? :)
 
Mga pre lalaki ako, need ko lang ng opinion nyo. Tingin nyo ba GIRLFRIEND or WIFE material ang isang babae kung EASY GIRL sya? Yung tipong mabilis mong napasuko ang bataan kahit hindi naman kayo.
 
Mga pre lalaki ako, need ko lang ng opinion nyo. Tingin nyo ba GIRLFRIEND or WIFE material ang isang babae kung EASY GIRL sya? Yung tipong mabilis mong napasuko ang bataan kahit hindi naman kayo.

Honestly pare, wala yan sa nagawa ng babae kung Girlfriend o Wife Material siya. :yes:

Kasi minsan depende rin sa kung anong uri ng Lalaki tayo kaya sila ganun sa atin.. :approve:

Para sa akin,

ang GIRLFRIEND material ay yung mga babaeng okay na okay na girlfriend
-Maalaga
-Mapagmahal
-Loyal
-Maalalahanin
-Mabait (sa lahat ng tao)

Ang WIFE material ay yung babaeng okay na okay na asawa
-Marunong sa Bahay
-Marunong magluto
-Marunong mamalengke
-marunong mag alaga ng bata
-marunong mag alaga ng Mister

So kita mo ang difference nila sa perspective ko?
pwedeng Girlfriend Material pero hindi Wife Material and vice versa.

So Honestly, how she considers things in her own point of view decides it
and how we perceive those answers or her actions:yes:

Kasi minsan sa ganda na rin lang ng pagkakataon at bangis natin bilang lalaki
ay nakukuha natin agad ang isang babae na halos magpakamatay ang iba para makuha.

or minsan tayo yung T@rant@d#ng lalaki na sadyang nakukuha natin ang gusto natin sa babae
sa pamamagitan ng mahuhusay na galawan natin na di sila familiar :lol:

Conclusion? :lol:

Di porke easy to get, hindi na sila girlfriend material.
unless eh sadyang malandi siya (which I think eh hindi girlfriend material factor)

Minsan sadyang mahal lang talaga tayo at tiwala sa atin
ang isang tao kaya nila naibibigay ang mga bagay
na hindi nila basta basta binibigay sa ibang tao

mag 10 years na kame ni bf. bata pa naman kame. 24 y/o.
napag-uusapan naman na namen yung marriage.
pero walang paramdam na magppropose na si koya.
Ready naman na ko if ever na ayain niya ko ngayon at ngayon din. hahaha
ang kinakatakot ko lang is baka pag ready na siya, tska nmn ako na yung hindi pa pala? haha

ask lang po, kelan niyo ba nalalaman mga grown up men na ready na kayo?

:lol: :rofl: :lmao:

sabi ng tito ko
"You'll never be too prepared for marriage and family.."

So sa tingin ko lang, we are never too prepared for marriage.
and sa panahon ngayon, mas iniisip na ng mga tao ang future
than just getting married. :yes:

yung bang, gusto pag nagpakasal may sarili na bahay
ganito at ganyan etc..

why? Ma-pride kaming mga lalaki gusto namin maging
okay na providers sa mapapangasawa namin.

and not get into something we are not prepared at all.

--------------------------

So paano mo kami mapipilit magpakasal?

Di ko alam :lol: pero siguro yung assurance na whatever may come
ay may taong makakasama kami saluhin ang ano mang hirap na darating
ay malaking reinforcement para sa amin.

at syempre pondo para sa pagpapakasal :lol:

(minsan kailangan na rin ng risk na involved para mapilitan)

------------------------------

Madalas eh di pa rin graduate sa pagkabinata kaya ayaw pa pakasal.
:)
 
Last edited:
ako din gusto ko itry! haha :)

mag 10 years na kame ni bf. bata pa naman kame. 24 y/o.
napag-uusapan naman na namen yung marriage.
pero walang paramdam na magppropose na si koya.
Ready naman na ko if ever na ayain niya ko ngayon at ngayon din. hahaha
ang kinakatakot ko lang is baka pag ready na siya, tska nmn ako na yung hindi pa pala? haha

ask lang po, kelan niyo ba nalalaman mga grown up men na ready na kayo? :)

any married men here? Ms. isabellaruth needs help here :lol: i think sila yung mas appropriate na magbigay ng advice sa department na 'to :ashamed: :lol:

pero here's my take na rin:

siguro, mararamdaman mo na lang yun eh. tingin ko, hindi lang yan nakadepende sa kung financially secured na ba kayo o kung gaano na kayo katagal. as in, mararamdaman mo na lang talaga. parang feeling lang talaga siya.

yung tipong bilang lalake, hindi mo na ma-imagine yung sarili mo sa piling ng ibang babae. yung tipong yung GF mo na lang talaga ang gusto mong makasama hanggang sa huli. tapos yung relasyon niyo is deep at matured na. yung tipong hindi na kayo tulad ng mga teenager na pabebe at konting kibot lang eh nagtatampuhan o nag-aaway na agad. yun bang kilalang-kilala niyo na ang isa't isa. may mas malalim na kayong pagkakaunawaan sa isa't isa. yung alam niyo na ang strengths and weaknesses niyo and despite of each other's flaws eh tanggap niyo pa rin ang isa't isa. kaya dahil dun eh comfortable ka at gusto mo yung feeling na makasama mo yung partner mo hanggang sa pagtanda.

so like i said, i guess mararamdaman mo na lang yun bilalang lalake. isang araw, darating na lang sayo yung feeling or realization na gusto mo nang mapangasawa yung girlfriend mo. it will come naturally at hindi siya forced.

so in your case, no choice ka kundi hintayin na lang ang BF mo lol. hindi mo rin naman siya pwedeng pwersahin dahil lang sa gusto mo na ngayon. hayaan mo na lang siguro na kusang dumating sa kanya yung kagustuhan na yun.

:hat:

Mga pre lalaki ako, need ko lang ng opinion nyo. Tingin nyo ba GIRLFRIEND or WIFE material ang isang babae kung EASY GIRL sya? Yung tipong mabilis mong napasuko ang bataan kahit hindi naman kayo.

well, one thing's for sure – sa ganyang sitwasyon, nagagawa lang naman ng mga babae yan kung gusto niya talaga ang isang lalake.

so, dahil lang ba sa nakagawa si girl ng isang bagay (na out of the norm dito sa society natin) para sa isang lalakeng gusto niya eh pwede na nating kwestiyonin ang worthiness niya para maging isang girlfriend o asawa?

para sakin, lahat ng naman ng babae eh worthy na maging isang girlfriend or asawa at least once in their life. karapatan nila yun bilang babae, at bilang tao. hindi natin pwedeng alisin sa kanila yun.

i guess nakadepende na lang yan sa personal preference mo bilang isang lalake. kung para sayo eh hindi dapat ginagawang girlfriend o pinapakasalan yung mga ganun babae eh di ayos. walang basagan ng trip. pero kung open-minded ka namang tao at marunong umunawa ng mga bagay-bagay eh di go, syotain mo or pakasalan mo na rin sa tamang panahon.

basta para sakin lang, lahat ng babae, may karapatan :approve:

besides, sa tingin mo ba, husband material din ba yung mga lalakeng nanlalandi at nakikipag-torjakan sa mga babaeng nami-meet nila kahit hindi naman sila? it actually goes both ways, di lang sa mga babae. lol. :)
 
hahahaha! hindi ko nmn siya sinasabihan na gusto ko na :)
pinaparamdam ko lang na I'm here. and I am ready to be his wife :)
thanks po sa mga sumagot! hahaha :)
 
hahahaha! hindi ko nmn siya sinasabihan na gusto ko na :)
pinaparamdam ko lang na I'm here. and I am ready to be his wife :)
thanks po sa mga sumagot! hahaha :)

no, i didn't meant it that way! :lol:

pero that's good though. at least nabibigyan mo siya ng signals kahit papano. then that means the ball is in his court now. hintayin mo na lang talaga siya. :)
 
ako din gusto ko itry! haha :)

mag 10 years na kame ni bf. bata pa naman kame. 24 y/o.
napag-uusapan naman na namen yung marriage.
pero walang paramdam na magppropose na si koya.
Ready naman na ko if ever na ayain niya ko ngayon at ngayon din. hahaha
ang kinakatakot ko lang is baka pag ready na siya, tska nmn ako na yung hindi pa pala? haha

ask lang po, kelan niyo ba nalalaman mga grown up men na ready na kayo? :)

magkakaiba sa kada tao. Ung mga isinagot dito may not be the same case sa kung sino man.
Anyway. Share ko na lang din ung mga alam ko sa mga kakilala ko. (Some of these may be cheesy, too.good.to.be.true or something along those lines, pero yan ung mga nakwento nila.)

Pag gusto na magkapamilya. Tipong bumuhat ng baby iba tapos dun narealize gusto na din magkapamilya ksama ung gf nya.

Pag sadyang nakabuo na ng pamilya.

It just happened. Tipong nagising na lang tapos gusto na pakasal. Hahaha

Satisfied na sa sarili. Nagawa na lahat ng goals para sa sarili nya, then its time for a different goal, which is ung pagpapamilya na nga.

Pinwersa na daw ng pamilya nya. (Di ko alam kung nagbibiro lang ba tropa ko dito pero yan tlga lagi nyang sagot. )

And ung pinakatanggap kong sagot, at ung sa tingin ko e magiging case ko pag nagkataon: it just felt like it's the right time.
Mahirap na mabago ang isip ng isang lalaki kapag nakapagdesisyon na talaga siya sa sarili nya.

Un lang po.
 
Mga pre lalaki ako, need ko lang ng opinion nyo. Tingin nyo ba GIRLFRIEND or WIFE material ang isang babae kung EASY GIRL sya? Yung tipong mabilis mong napasuko ang bataan kahit hindi naman kayo.

Sinusuko ang bataan dahil kumportable sila sa isang tao or nahulog na ang loob nya sayo.
Mabilis napasuko ang bataan means may ginawa kang paraan para ibigay nia sau yun.
Kung ano ang pagkakakilala mo sa girl un dapat ang maging batayan mo.
Kung paano mo rin sia tatratuhin ganun ang magiging tingin mo sa kanya.
Pero kung papasok ka in relationship sa kanya dapat kalimutan mo yun kase baka sa huli magkaroon ka din ng doubt dahil mabilis syang bumigay.

Good luck bro.
 
Back
Top Bottom