Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

ACCOUNTANCY! - The OFFICIAL THREAD -

pahingi naman po ng solution manual ng financial accounting volume 2 2011 edition ni valix. deed ko po ngaung sem. please please please. [email protected]. pwede niyo po email sa aqn or attach nyo nalang dito sa forum para maka.dl din ung iba :D TIA sa magbibigay :D
 
WOW...pa subscribe nga dito...hirap ng accounting nohh???meron po ba kyo nung basic accounting made easy by ballada,yung latest edition....pashare naman po kasi ang mahal pag bibilhin ko ehhh......pandagdag reference kasi...TIA

cnu po may manual nang Fundamentals of Accounting by Rafael Lopez 2011 - 2012 edition?? pakishare po,here's my email add: [email protected]
TIA!!!!!
 
Last edited by a moderator:
auditing theory jekell salogsacol, michael tiu 2011

the new income tax, law and accounting-virgilio reyes 2012


enge naman po manual key nyan.., please salamat po!


o kahit anong editon po meron kayo..,


[email protected] papasa po..,
 
Last edited:
Siguro ako na ang pinakabata dito... Freshman Student po ako ng BS Accountancy! Thanks for the links na nandito. At tips naman po para mapadali or mas mapa-easy ang accounting!
:wave:
 
^read read and read lang :)

madali lang accounting basta alam mo yung process..
 
hello guys. ngayon ko lang 'to nakita ah. BSA-2 na ako. diba 5 years and BSA? sa amin eh 4 years lang kasi may summer class kami. ang problema ko lang sa pagte-take nito eh, kapag tapos na ang test/major exam ay makakalimutan ko talaga yung mga hindi tumatak sa isip ko tapos hindi pa ako nag a.advance reading :D
pero nakaraos din kasi may konti akong background sa debit/cr sa hayskul(para sa acctg1.1) tapos yung acctg 2.2 eh sarilig sikap nalang..hahaha

yun lang.. GOOD LUCK SA ATING LAHAT!

May tanong din pala ako, ano po yung three years, pagkatapos makapasa sa board exam, na kailangan mong magtrabaho(Public/Private) na may kasamang taxation bago mo makuha ang license mo? P.S. Hindi ako sure dito, may nabasa lang akong ganito at yung pagkaka-recall ko nalang po gamit ko rito.
 
Last edited:
^ ang alam ko after 3yrs magrerenew ka na ng license mo hehe

ibibigay ang license sa oath taking
 
BSA student also here. accounting101 na ko ngayon. hehe. sana pumasa at grumaduate this october.
 
cost accounting philippine edition by raiborn and kinney solutions manual naman po. thank you!:pray:
 
،thank a lot. pwd mag-ask. miron po ba kayong alam sa mga materials about sa law. kasi balak ko proceed ng collage of law eh. if may alam ka pwd paki PM nalang. tgans sa thread. nakatulong ng malaki to sa akin. ishareko to sa anty ko na accounting graduate. May God bless you po. and don't forget po sa requist ko if may alam you na mga materials non. thanks talaga. sana PM me nalang.
 
paTAMBAY sa thread na to,

i'm 3rd year regular BSA student! :salute:
 
Hello guys. I have some questions here na gusto kong malaman na nahihiya akong itanong sa mga kaklase ko at lalo na sa mga teachers ko. The following questions may sound stupid coming from a BSA-2 student currently taking the subject Financial Accounting (Part 1). Ang book po namin ay Financial Accounting Vol. 1 2011/2012 Edition by Valix and Peralta. So, here are my (stupid) questions:

1. What do CPAs really do?
As of what I have learned now, nagjojournal pa rin ba ang mga CPAs or mas 'relax' at hindi stressful ang work nila? (Please consider kung fresh passer pa lang o matagal na na CPA). I know na ang mga CPA ang gumagawa ng mga F/S, di ba?

2. In connection to #1, does all the work already uses the PC?

3. Madali lang ba ang mga work papers pag talagang naisapuso mo almost all ng mga lesson mo?

4. Ano ang range ng sweldo pag bago pa lang sa trabaho at sa bawat 'level' ng positions (i.e., controller, auditor, etc.)?

5. Madali lang ba makakuha ng trabaho sa mga known companies (nationally or locally) kung hindi ka top notcher sa board exam?

6. How hard is the board exam?
Multiple choice ba? Yung tipong pare-pareho ang mga choices gaya ng mga book sa Acctg?


P.S. I am asking these questions kasi wala po talaga akong idea. I don't have any relative na CPA nor may kilala na CPA (SERIOUSLY!).

The reason I took this course is simply because it 'suits' me well. Sabi kasi nila na kailangan ng math skills ito, eh medyo madali lang akong maka-gets ng mga math formula + medyo 'good' din naman sa analysis. Okay lang naman sa akin ang pag-aaral gabi-gabi (pero hindi naman nagagawa kasi sa sobrang daming subjects na rin).
Hindi ko kinuha ang Med-related course dahil slow ako sa Science. Engineering/Architecture naman, medyo bad ako sa drawing at sobrang hirap daw ng math (sure akong hindi ko yun makakaya). Tourism/HRM/Mktg/Education naman, hindi naman ako marunong magsalita sa public (pero ok lang sa classrooom). And sa other courses, wala kasi akong alam sa kanila. May background na kasi ako sa debit/credit sa high school.
P.S. Extra lang yung unang P.S para mailabas ko na itong nararamdaman ko. :D I'm dead serious considering that I'm asking stupid questions. Hahaha.
 
Last edited:
^ ang alam ko after 3yrs magrerenew ka na ng license mo hehe

ibibigay ang license sa oath taking

every 3 years sa araw ng birthday mo. pareho lang ng drivers license.
Sa unang renewal kahit wala pang exact 3 years basta birthday mo na sa ika 3rd year kelangan na magrenew.
sa oath taking ibibigay ang license. Kahit di ka umattend ng oath taking ibibigay pa rin yan. kunin mo sa prc office.
 
Last edited:
Hello guys. I have some questions here na gusto kong malaman na nahihiya akong itanong sa mga kaklase ko at lalo na sa mga teachers ko. The following questions may sound stupid coming from a BSA-2 student currently taking the subject Financial Accounting (Part 1). Ang book po namin ay Financial Accounting Vol. 1 2011/2012 Edition by Valix and Peralta. So, here are my (stupid) questions:

1. What do CPAs really do?
As of what I have learned now, nagjojournal pa rin ba ang mga CPAs or mas 'relax' at hindi stressful ang work nila? (Please consider kung fresh passer pa lang o matagal na na CPA). I know na ang mga CPA ang gumagawa ng mga F/S, di ba?

2. In connection to #1, does all the work already uses the PC?

3. Madali lang ba ang mga work papers pag talagang naisapuso mo almost all ng mga lesson mo?

4. Ano ang range ng sweldo pag bago pa lang sa trabaho at sa bawat 'level' ng positions (i.e., controller, auditor, etc.)?

5. Madali lang ba makakuha ng trabaho sa mga known companies (nationally or locally) kung hindi ka top notcher sa board exam?

6. How hard is the board exam?
Multiple choice ba? Yung tipong pare-pareho ang mga choices gaya ng mga book sa Acctg?


P.S. I am asking these questions kasi wala po talaga akong idea. I don't have any relative na CPA nor may kilala na CPA (SERIOUSLY!).

The reason I took this course is simply because it 'suits' me well. Sabi kasi nila na kailangan ng math skills ito, eh medyo madali lang akong maka-gets ng mga math formula + medyo 'good' din naman sa analysis. Okay lang naman sa akin ang pag-aaral gabi-gabi (pero hindi naman nagagawa kasi sa sobrang daming subjects na rin).
Hindi ko kinuha ang Med-related course dahil slow ako sa Science. Engineering/Architecture naman, medyo bad ako sa drawing at sobrang hirap daw ng math (sure akong hindi ko yun makakaya). Tourism/HRM/Mktg/Education naman, hindi naman ako marunong magsalita sa public (pero ok lang sa classrooom). And sa other courses, wala kasi akong alam sa kanila. May background na kasi ako sa debit/credit sa high school.
P.S. Extra lang yung unang P.S para mailabas ko na itong nararamdaman ko. I'm dead serious considering that I'm asking stupid questions. Hahaha.


e2 comment ko..

1. May mga work na relax lang ang mga CPA like AR/AP accountant kung sa private company nagttrabaho pero may mga stressful din naman like audit staff/assosciate or auditor kung nagwowork sa audit firm..

2. Mostly ang trabaho naman sa computer na..

3. Madali lang basta aral lang ng aral :)

4. Sweldo siguro mga 15k na pinakamataas pag bago lang... it depends dn sa company na mahihire ka..

5. Well sabi nla mahirap dn makakuha ng mgndang trabaho pero sipag at tyaga lang yan :)

6. It depends sa examiner minsan may mdali lang na part sa board exam minsan may mahirap kaya dpat habang nasa undergrad pa lang kelangan matibay na foundation mo sa accounting..
 
Hello guys. I have some questions here na gusto kong malaman na nahihiya akong itanong sa mga kaklase ko at lalo na sa mga teachers ko. The following questions may sound stupid coming from a BSA-2 student currently taking the subject Financial Accounting (Part 1). Ang book po namin ay Financial Accounting Vol. 1 2011/2012 Edition by Valix and Peralta. So, here are my (stupid) questions:

1. What do CPAs really do?
As of what I have learned now, nagjojournal pa rin ba ang mga CPAs or mas 'relax' at hindi stressful ang work nila? (Please consider kung fresh passer pa lang o matagal na na CPA). I know na ang mga CPA ang gumagawa ng mga F/S, di ba?

2. In connection to #1, does all the work already uses the PC?

3. Madali lang ba ang mga work papers pag talagang naisapuso mo almost all ng mga lesson mo?

4. Ano ang range ng sweldo pag bago pa lang sa trabaho at sa bawat 'level' ng positions (i.e., controller, auditor, etc.)?

5. Madali lang ba makakuha ng trabaho sa mga known companies (nationally or locally) kung hindi ka top notcher sa board exam?

6. How hard is the board exam?
Multiple choice ba? Yung tipong pare-pareho ang mga choices gaya ng mga book sa Acctg?


P.S. I am asking these questions kasi wala po talaga akong idea. I don't have any relative na CPA nor may kilala na CPA (SERIOUSLY!).

The reason I took this course is simply because it 'suits' me well. Sabi kasi nila na kailangan ng math skills ito, eh medyo madali lang akong maka-gets ng mga math formula + medyo 'good' din naman sa analysis. Okay lang naman sa akin ang pag-aaral gabi-gabi (pero hindi naman nagagawa kasi sa sobrang daming subjects na rin).
Hindi ko kinuha ang Med-related course dahil slow ako sa Science. Engineering/Architecture naman, medyo bad ako sa drawing at sobrang hirap daw ng math (sure akong hindi ko yun makakaya). Tourism/HRM/Mktg/Education naman, hindi naman ako marunong magsalita sa public (pero ok lang sa classrooom). And sa other courses, wala kasi akong alam sa kanila. May background na kasi ako sa debit/credit sa high school.
P.S. Extra lang yung unang P.S para mailabas ko na itong nararamdaman ko. :D I'm dead serious considering that I'm asking stupid questions. Hahaha.



in my opinion:
1. tanong mo sagot mo... haha, well as far as i know naka focus ka sa journalizing and analyzing of fs ng company. kung ikaw ang head accountant more on analyzing and pirma pirma na lang.
management accounting naman (well isama natin sila since branch sila ng accounting) cost analyzing, planning. kumbaga sila taga gastos, at taga analyze kung profitable ang isang bagay na gagawin ng company at accountant ang taga record sa madaling salita.

2. oo siguro but i bet others are using manual pa rin. who knows right? pero may softwares na for accountants^^

3. madali lang yan basta naiintindihan mo. common sense lang at analization need mo. ako kasi kahit di ko napagaaralan lesson nakakasagot ako ng problems basta unawain ang bawat salitang nilalaman ng problems. at syempre dapat alam mo mga iccredit at iddebit at ang isasama na cocomputin sa hinahanap since accounting problems maraming panggulo. para syang riddles^^.

4. kapag nagsisimula ka pa lang don't expect na mataas. above minimum naman siguro.depende sa company. kung gusto mo mataas agad mag masteral ka agad^^

5. kahit di ka top notcher basta pasado hired ka agad^^
ni hindi na sisilipin TOR mo.

6. all board exams are multiple choice. shade shade lang ng sagot sa papel. mahirap kung sa mahirap, wala namang exam na madali eh di lahat na sana CPA. pero ang alam ko pinadali na nila ngayon exam. ayon sa statistics 48% na ang pumapasa ngayon dahil na confront tayo ng ibang countries na sobrang hirap ng exams natin for CPA's. natatalo na natin ang EUROPE.

Actually magtiwala ka lang sa sarili mo. magagaling pinoy, in demand ang CPA's natin sa europe at all over the world. simula ngayon US GAAP na gagamitin natin kasi close ang america at pinas ngayon which is an advantage.

I'm a 3rd year BSA student^^
 
Hello guys. I have some questions here na gusto kong malaman na nahihiya akong itanong sa mga kaklase ko at lalo na sa mga teachers ko. The following questions may sound stupid coming from a BSA-2 student currently taking the subject Financial Accounting (Part 1). Ang book po namin ay Financial Accounting Vol. 1 2011/2012 Edition by Valix and Peralta. So, here are my (stupid) questions:

1. What do CPAs really do?
As of what I have learned now, nagjojournal pa rin ba ang mga CPAs or mas 'relax' at hindi stressful ang work nila? (Please consider kung fresh passer pa lang o matagal na na CPA). I know na ang mga CPA ang gumagawa ng mga F/S, di ba?

2. In connection to #1, does all the work already uses the PC?

3. Madali lang ba ang mga work papers pag talagang naisapuso mo almost all ng mga lesson mo?

4. Ano ang range ng sweldo pag bago pa lang sa trabaho at sa bawat 'level' ng positions (i.e., controller, auditor, etc.)?

5. Madali lang ba makakuha ng trabaho sa mga known companies (nationally or locally) kung hindi ka top notcher sa board exam?

6. How hard is the board exam?
Multiple choice ba? Yung tipong pare-pareho ang mga choices gaya ng mga book sa Acctg?


P.S. I am asking these questions kasi wala po talaga akong idea. I don't have any relative na CPA nor may kilala na CPA (SERIOUSLY!).

The reason I took this course is simply because it 'suits' me well. Sabi kasi nila na kailangan ng math skills ito, eh medyo madali lang akong maka-gets ng mga math formula + medyo 'good' din naman sa analysis. Okay lang naman sa akin ang pag-aaral gabi-gabi (pero hindi naman nagagawa kasi sa sobrang daming subjects na rin).
Hindi ko kinuha ang Med-related course dahil slow ako sa Science. Engineering/Architecture naman, medyo bad ako sa drawing at sobrang hirap daw ng math (sure akong hindi ko yun makakaya). Tourism/HRM/Mktg/Education naman, hindi naman ako marunong magsalita sa public (pero ok lang sa classrooom). And sa other courses, wala kasi akong alam sa kanila. May background na kasi ako sa debit/credit sa high school.
P.S. Extra lang yung unang P.S para mailabas ko na itong nararamdaman ko. :D I'm dead serious considering that I'm asking stupid questions. Hahaha.
1. Stressful naman talaga karaniwan ang work ng accountant. Madalas ang journal at pag generate ng FS kpg bookkeeping o general accounting ang linya mo. Marami ng accounting software ngayon. input mo lang yung entry, matik ng gagawa ng FS.
2. Bihira n ang manual ngayon. S private halos lahat gumagamit n ng software. Sa pagawa ng report computer generated n. May back up n soft copy para sa mga files maliban sa hard copy. Sa government may mga manual pa rin pero bihira n. madalas yung mga matatanda n ayaw matuto ng computer. may DOS base p nga yata (ayon sa tropa kung nagwork sa isang water service) computer p rin.
3. Sa actual konti lang magagamit mo mula sa mga lessons mo. Maraming pagkakaiba, maraming bago n di mo naman pinagaralan, maraming practice na taliwas naman sa pinag aralan mo. Habang tumatagal nakakalimutan mo n mga pinag-aralan mo, maliban siguro if nasa education ka (updated);). Pero dahil CPA kn s time na yun :clap:, nakatatak na sayo yun, ndon sa yung pagiging accountant mo kaya madali n. Madalas if mgakakaprob ka man s work mo, dahil sa ibang dahilan e.g. magulong flow ng system, prob sa internal control, lack of skills ang mga kawork mo, etc.
4. Sa mga baguhan iwasang tumangap ng bababa s 12k n starting salary. May mga company n nag-aalok ng 18k pataas sa mga baguhan. The next is.............nakdepende na yun sa experience at skills mo para magdemand ng sahod. BIG TIME N:excited:
5. Malaking factor syempre ang pagiging top notcher. pero hindi naman kelangan top notcher k. kaya nga pare pareho ang hitsura ng lesensya ng top notcher at hindi. hindi naman nakalagay sa license if top notcher ka. di naman nakalagay if ano rating mo sa exam. ibig sabihin pareho lang kayong CPA. Gandahan mo application mo at galingan mo lalo na s interview.
6. Multiple choice ang exam. Seryosohin mo lessons mo, hirap humabol sa review. May kakilala ako hindi nagreview (review center) pero pumasa. Seryoso n kasi nong under grad pa lang. Tlagang aim nya maging CPA. Yung isa (Paeasy easy nong estudyante pa lang nagkukumahog naman sa review. Kung pwede nga lang kain at tulog lang ang pahinga). Sa lawak ng coverage ng exam hindi mo alam if ano ang itatanong ng examiner sa mga yun. Ang pagpasa nakadepende sa examinee kung gano sya kaprepare sa exam. (Mas mainam if huwag aasa lang sa mga materials from the review center. Dpat may sarili kang kumpletong review materials per subject. At time management)
GOOD LUCK!:salute:
 
Last edited:
^^^
wow. ang dami kong nalaman. :clap: mang-mang pa talaga ko tungkol sa pagpa-practice na ng accounting. Salamat po sa inyo. :salute: Magsisipag na talaga ako, lalo na sa financial acctg, ito daw pinakamahirap, ang bababa pa ng scores ko T_T.

Ngayon ko lang natanto, sa mga salita pala na nasa questions ako madalas nagkakaproblema. May mga 'bank' terms kasi na hindi ko alam anong ibig sabihin at nature nila, hindi ko pa makita sa business dictionary o kahit sa google man lang. Meron po bang dictionary for accounting or bank terms? For PC or for CP o kahit sa internet, pahingi naman po. :)
:excited:


May tanong din pala ako, ano po yung three years, pagkatapos makapasa sa board exam, na kailangan mong magtrabaho(Public/Private) na may kasamang taxation bago mo makuha ang license mo? P.S. Hindi ako sure dito, may nabasa lang akong ganito at yung pagkaka-recall ko nalang po gamit ko rito.

At para sa tanong ko na ito, pang-accreditation lang pala ito kung mag-papractice ka ng public accounting. Ngayon ko lang naintindihan ang sabi ng book. Hehehehe. :upset:
 
Good morning mga JPIAN's, ask ko lang anung prefer niyo review center for undergrad?? ReSA or PRTC?? and anu ba advantage kung ano sa kanilang 2 ang choice mo to enroll??
 
Nice meron palang thread na para sa Accountancy Students

4th Year BS accountancy student po ako, iregular nga lang kasi pa easy easy lang ako nung una, kaso nung natikman kong bumagsak eh natuto ko nang mahalin ang accounting, pahirap nang pahirap pero kakayanin naman hehe

mabuhay tayong lahat JPIANs!
 
Back
Top Bottom