Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Plantsa or Flat Iron Complete Troubleshooting Guide By:Henyoboi

Henyoboi

Symbianize Shadow
Advanced Member
Messages
1,753
Reaction score
3
Points
28
Noong unang panahon my mag-asawang naninirahan sa di kalayuang kanto ng Quezon Ave, sa may bandang kanan ng J.P. Rizal, Ito ay sina Domingo Augusto Marikit Dimalasahan short for Joey at Maria Alicia Constancia Amerigue Pasubali Dimalasahan, short for Cloey, sila ay namumuhay ng tahimik at marangyang buhay bilang magasawa na may anim na anak,. Sila ay sina Procorpio, Lagdameo, Amador, Nicanor, Toriano at Silbio, pawang kalalakihan at walang alam sa gawaing bahay. Si Mang Joey ay matalinong tao at nagtapos ng kursong BSC, Bachelor of Sicence in Cosmetics, 6 months lang yun sa CEU, Cosmetic Engineering University, ngunit hindi nya ginampanan ang kanyang propesyon bilang manikurista at sa ngayon ay isa na lang panadero sa may malapit na bakery sa kanilang kanto at doon ay nagbebenta rin siya ng dyaryo. Araw araw syang nag bebenta ng dyaryo, ngunit sa hirap ng buhay ay walang bumubili ng kanyang paninda, ang mga nagdaraan sa bakery ay tinitingnan lang ang nilalalaman ng dyaryo at ang iba naman ay nakikibasa lang kayat nagugusot ang mga ito hanggang sa tuluyan ng hindi mabenta. Malaki ang nalulugi sa kanya dito kayat nagisip sya ng paraan upang mabenta ang mga dyaryo nyang gusot, Isang gabi, naisip nyang gumawa ng isang bagay na naglalabas ng init at kayang mag alis ng gusot ng kanyang dyaryo at tinawag nya itong tala-alisan ng gusot N-4 series, at dahil sa pagod ng gabing iyon ay natulog na sya. Nang sumapit ang bukang liwayway, ginising ni Aling Cloey ang kanyang mga anak upang pumasok sa eskwela, at noong panahon na yun ay wala pa talagang plantsa kayat mga gusot ang uniporme ng kanyang mga anak, ang di nya alam uso na noon ang plantsa na ang tatak ay Standard wala lang talaga silang pambili ng time na yun. Sa pagnanais na maging presentable ang kanyang mga anak ay humanap sya ng paraan upang maalis ang sobrang pagkakagusot ng damit ng kanyang mga anak at dito nya nakita ang tala-alisan ng gusot N-4 series at ginamit nya sa damit ng kanyang mga anak habang ito ay suot nila, Natuwa sya sa naging resulta, pulido at nawala ang mga gusot ng damit, ang hindi nya alam may 3rd degree burn na pala ang kanayang mga anak at nauwi ito sa kamatayn ng anim nilang anak. Dahil sa trahedya dito naisip ng magasawa na gumawa ng kabayo para magsilbing patungan ng mga paplantsahin, ito pala ay ang alamat ng kabayo at hindi plantsa. Sumunod na dito ang alamat ng plantsa, dahil sa pagkakaimbento ng tala-alisan ng gusot N-4 Series di naglaon ay marame na ang gumagamit nito at ginagamitan na rin ng kabayo kaya upang magbigay galang kay Mang Joey na syang umimbento nito ay ibinase ang pangalan nito sa mga first letter ng pangalan ng kanilang anak in order, at tinawag nila itong PLANTS. At hindi pa dito nagtatapos ang alamat, dahil sa kumakalat na balita na may babae itong si Mang Joey at may anak daw ito sa labas na nagngangalang Alfredo, idinugsong ang first letter ng pangalan ng kanyang anak sa labas sa kanyang naimbento na tala-alisan ng gusot N-4 series, kaya tinawag na ang PLANTS ngayon bilang PLANTSA.




View attachment 95597

Ito na nmn ang bago kung thread sana makatulong din ito sa inyong lahat simple lng ito pero napaka common ng gamit na ito kaya dapat sanay tu gumawa nito para hindi na tayo magbayad pa do with ur own risk.:)

Problem:No Power or Hindi Umiinit

View attachment 95597

View attachment 95598

View attachment 95599

View attachment 95600

View attachment 95601


Problem:Hindi Masyadong Maiinit or Sobrang Init


View attachment 95756
 

Attachments

  • DSC02987.JPG
    DSC02987.JPG
    117.1 KB · Views: 238
  • DSC02988.JPG
    DSC02988.JPG
    131.1 KB · Views: 508
  • DSC02989.JPG
    DSC02989.JPG
    187.9 KB · Views: 510
  • DSC02990.JPG
    DSC02990.JPG
    204.2 KB · Views: 482
  • DSC02991.JPG
    DSC02991.JPG
    218.3 KB · Views: 502
  • DSC02992.JPG
    DSC02992.JPG
    151.2 KB · Views: 523
Last edited:
jajaja ikaw nakauna mag post dito sir kala ko walang magpopost o magcoment man lng marami lng nagviviews hehehe!:thanks: sa pag up ng mga thread ko dami pa ako pwedeng e post kaya lng bc hehehe.
 
dami mo na thread sir....mahirap talaga asikasuhin lahat hehe
 
hahaha oo nga pero ok lng un sir mas maganda ung madami tu naiitulong kay sa tu ang tinutulungan dba?:)
 
sir yung plantsa ko...di masyadong nainit since nung nabili...okay ba yung last tut dyan na repair i apply?
 
sir yung plantsa ko...di masyadong nainit since nung nabili...okay ba yung last tut dyan na repair i apply?

oo sir pahitin mo ung thermostat niya pakunti kunti gang sa masatisfied ka sa init niya!:)
 
hahha meron po akong thread ng tc sir search mo nlng.;)
 
:clap::clap: may alamat ka pang nalalaman. salamat dito ts:thumbsup: galing
 
hahaha wag ka lng maingay sir atin atin lang yan..;)
 
good morning ts patulong po, sobrang init na ng plantsa namin, pagsaksak ko pa lang sa plug ng kuryente iilaw na yung light kahit hindi pa napihit yung knob or zero pa(naka-off) at yun iinit na at high talaga, ang masaklap hindi ko alam buksan eto po yung model sir, national model no. ni-075d1, 230v, 700w. matsushita electric, philippines. maraming salamat po.
 
good morning ts patulong po, sobrang init na ng plantsa namin, pagsaksak ko pa lang sa plug ng kuryente iilaw na yung light kahit hindi pa napihit yung knob or zero pa(naka-off) at yun iinit na at high talaga, ang masaklap hindi ko alam buksan eto po yung model sir, national model no. ni-075d1, 230v, 700w. matsushita electric, philippines. maraming salamat po.

hahaha madali lng yan sir buksan post mo ung screen shot para turuan kita kung paano buksan yan my problema ka sa switch kaya naka on agad yan mis align yan,:)
 
maraming salamat sir henyoboi, paano nga pala mag upload ng picture dito nahahanap ng 'http://' ba yun? hindi ba puwede galing nalang dito sa notebook i-uupload?
 
Back
Top Bottom