meron ako both Razer Kraken saka Hyper X Cloud II bro, pero yung Kraken ko yung ePanda Hooligan edition, ok naman sound nung kraken basta maganda din yung source player saka source files (hindi na ako gumagamit ng mp3 files puro FLAC saka DSD na), gamit ko for portable music listening yung digital audio player ko FiiO X3 tapos yung PC ko naman may Asus Xonar Essence STX na soundcard, ibang iba yung sound ng Razer Kraken ko sa built in sound input ng motherboard ng PC ko compared dun sa Asus STX soundcard ko, masyado kasi sa bass yung Kraken nalulunod yung ibang sound details, pero kung may dedicated soundcard ka or DAP na may function na DAC gaya nung X3 ko maganda yung sound nya kasi mas na-ba-balance, pagdating sa Cloud II naman tama lang yung bass mas natural sounding pero malakas parin kaya mas prefer ko sya, sa sound staging naman parang mas wide yung sound stage ng Kraken ko compared sa Cloud II kaya mas prefer ko yung Kraken pag dating sa sound stage,
sa overall quality mas gusto ko yung Cloud II for gaming and music listening, lamang din yung Cloud II sa build quality metal kasi yung band nya tapos may kasama pa sya na pampalit ng earcups kung incase na mag-bakbak na yung faux leather, yung Kraken ko kaya hindi ko na ginagamit kasi hindi ko pa napalitan yung earcup pangit na madami na bakbak, problem naman wala ako mahanap na pampalit dito, ayaw ko naman magpa-ship ng ganun lang, kaya vote ko sa Hyper X Cloud II
http://i.imgur.com/dMtnhfBl.jpg