Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Official Playstation 4 Discussion thread

Parang wala problema sa mga bumibili ng pirated pero ang nakakapag tataka may pambili sila ng napakamal na console?! Unless bigay o nakaw din lang! Ang problema talaga yung mga nagbebenta, tubong lugaw o halos walang puhunan na hindi naman sila tumulong sa production ng laro. Ang sakin lang talaga wala talagang problema sa mga tumatangkilik sa pirated pero habang buhay na lang ba na pirated ang mga laro?! Minsan mag contribute naman sa gaming industry,, hindi purus cheap o libre na lang. Nanggaling din ako sa pirated games sa pc at psp pero iba talaga pag ORIG lahat, minsan nasabi ko na lang, waw sulit yung 1,500 petot ko dahil sa mga trophies at mga online features na wala kanang iisiping maba-ban ka", Pag wala naman ako pambili ng brand new, bumibili na lang ako 2nd hand tas bebenta ko din hehe", Speaking of trophies, may cheats na din yan at pinagkakakitaan na din ng iba, lahat na ata pinagkakakitaan na haha.
 
Ano ba yang cheats na yan sa trophy?? Pa-tut nga gagawing kong 1000 plats sakin:evillol:
 
Ako gusto ko gawing 2000 haha, yung iba kasi may 1500 plats na haha, anu un hindi na natutulog at kumakain lol", Nabasa ko lang bro sa mga trophy sites, kung hindi ako nagkamali pati yung mga unrelease games yung iba na-plat na nila haha", Yung iba hacked account tas bebenta nila at yung iba pinapalaro nila sa ibang tao tas babayaran nila para lang dumami plats haha",

edit: ayos debate nyo dito ah kanina ko lang nakita, naglalaro kasi ako offline mode sa D3 hehe",
 
Last edited:
@hyperkeios,
Hindi lang naman mga Pinoy gamers ang nagpapa-sweldo sa mga developers na yan. Mas maraming gamers sa first world. Merong tinatawag na regional pricing. Ginagawa na yun ng ibang publishers, especially sa Russia. Ina-adjust nila ang pricing para kahit papaano, meron silang revenue kaysa pinipirata lang ang titles nila.

Wala akong problema sa mga exclusives na yan. Irrelevant yan sa usaping piracy. Kung wala sa PC o sa PS4, eh di wala.

I highly doubt that PC gaming thrives on F2P and microtransactions. Daming concurrent users sa Steam. Konti lang yata ang free to play dun sa top 100.

Ang microtansactions, hindi kasalanan ng pirata yun. Paano sila kikita sa pirata through microtansactions? Dun mo itanong sa investors nila kung bakit tila magandang ideya ang microtansactions. Tsaka di lang naman PC ang may ganyan eh.

-----------------------------------
giokun18
8th gen console games ang pinaguusapan natin, talagang wala ka at wala akong maibibigay sayong AAA title game na ang price range eh 50 pesos. and IMHO, masyado namang overkill ang 50 pesos mo for a AAA title game. kahit sa movie house wala ka mabibiling ticket worth 50 pesos. ewan ko lang din sayo, pero PARA SAKIN, sobrang mura na ng $9 for a AAA game na lalaruin mo hundred hours of gameplay.
Ikaw lang naman ang nag-iinsist ng 8th gen cosole AAA title na 50 pesos. Ang tinatanong ko sa iyo, at least 6 good games sa PSN na worth 50 pesos in total. Kasi sabi mo diba, halos libre na lang ang mga binanggit kong titles tuwing PSN sale? Mura sa iyo ang 500 pesos kasi puro dolyar ang nakikita mo.

Tungkol dun sa sinasabi mong smartfone. Once again, licensing model o yung business model ang punto ko. Pwede mong i-adopt yun sa iba't-ibang produkto, lalo na kung software.

-----------------------------------

Eto, bigyan ko kayo ng pangarap kong scheme para sa PSN PH. Libre lang namang mangarap eh. Example lang ang figures at assuming na walang security issues:

Basic Membership = FREE
  • Access to over 1000 PSN/3/4/Vita titles for 2 hours
  • Ad supported (video or banner ad displays at launch)

Premium Membership = 100 pesos per month
  • Full access to over 1000 PSN/3/4/Vita titles
  • Full access to the 7 featured games of the month
  • Multiplayer access
  • 100GB online storage for saves

Gold Membership = 500 pesos per month
  • Full access to over 1000 PSN/3/4/Vita titles
  • Full access to the 7 featured games of the month
  • Full ownership of the fgames of the month even if subscription expires
  • Guaranteed access (non-ownership) to brand new titles after 6-12 months
  • Multiplayer access
  • Unlimited online storage for saves
  • Priority support

Sabihin na lang nating halo-halong konsepto yan sa mga schemes ng Spotify, Netflix, EA Access, Office360, Adobe CC, Steam at Humble Monthly, etc. Then make PSN prepaid cards available via Bank deposit, 7-Eleven, PayMaya, PayPal, debit card, credit card, MOL/LoadCentral, cellphone credits, game stores, etc.

Maliit ba ang figures? Not if you can triple or quadruple your subscriber base. Kaya nga daming gustong pumasok sa China eh. Ibenta mo nang piso ang produkto mo sa isang bilyong customers, instant bilyonaryo ka.

Sa tingin ko, very little reason na mag-jailbreak pa ng unit sa ganyang scheme. Mas mabenta pa siguro ang download service kaysa sa pamimirata. Sino ba naman ang ayaw ng multiplayer support?

Liliit ba ang buyers ng day 1 titles? I doubt kasi meron din namang can-afford at atat na Pinoy gamers.

Ang punto ko, ang pamimirata ay may malaking kinalaman sa presyo at ang presyong Pinoy ay presyong tingi-tingi.
 
It’s not about the price kasi regardless ng schemes, kahit palugi man ang benta ng game publishers. Mas tatangkilikin pa din ng tao ang piracy kasi WE ALL WANT IT FREE:evillol: why pay if you can have it for free? E di mamirata .:clap:
 
Tama... khit pa ibaba ang price point ng games kung andiyan ang piracy, wala parin kwenta. Kung ikaw ang namulat sa pagiging pro-piracy then why pay when you can play it free... in the first place, why did you even pay for a console if you can't afford to buy games for it. Bakit di na lang ibaling sa ibang hobby? Don't give me "a gamer, is a gamer" BS kasi you can't call yourself a gamer when you don't support gaming as a whole. No matter how you see it, you are still nothing but a person who patronize thieves and stolen stuff.
 
I second this. You can spend $400 for a console pero sa game hindi kasi NAMAMAHALAN ka sa $50? Why? Kasi you know you can get it for free. Haha. Ay ewan.

Parang sa 3ds lang yan eh, mas madami pirated copy ko vs legit game carts. Kasi nung nagsimula ako maglaro ng 3ds, labasan na ang mga exploits. Kasi nga libre, kahit meron pang ilabas ang nintendo na 6 games worth $1 eh i wont bite it kasi nga FREE ko lang makukuha yun. Pero lahat naman ng fave series ko dun meron akong legit copy.
 
Ang problema kasi sa inyo, na-profile niyo na ang mga Pinoy gamers na skwater at mahilig sa libre - all because of your anecdotal evidence that 90% are already doing it. Kaya mababaw ang katwiran niyo pagdating sa piracy and you resort to morality issues instead.

Kung gusto ng taong mamirata, wala ka nang magagawa dun unless hahawakan mo sa leeg. Ang tanong: What are you going to do about it? Ipapakulong mo bawat isa? Itataboy mo? Aalis ka na lang? Tatalikuran mo ang problema?

Ito ang nakakatawa. Ibaling sa ibang hobby? Yan ba ang solusyon mo, hyperkeios? Anong pakialam mo kung gusto nila maging gamer? Sa iyo na yang "gamer" title mo. Kahit gawin mo pang hyperkeios: Genuine, Original Only, Self-Righteous, Morally Superior, Holier-than-Thou Gamer ang titulo mo, walang paki ang mga pirata sa iyo. After all, wala naman silang online access para makita ang superior gamer profile mo.

Yung mga motherhood statements mo na "nakakalungkot ang ps4 piracy" o "piracy is stealing" o "kawawa ang mga game developers", di tatalab sa mga pirata yan. Gamit na gamit na yan. Parang "world peace" sa beauty pageants.

As a publisher, you don't target people like giokun18 who pirates because he can. You earn nothing from him, not even a cent. Ang mga ganitong tao, sarado na at alam na nila kung paano mag-jailbreak o mag-crack o kung saan makaka-download ng warez nila, kaya no use ang pag-kumbinse sa kanila.

Instead, you win over those who pirate because they can't get access or a better price to the game. Sila yung mga may kakayahang bumili pero namamahalan. O kaya yung kayang bumili, pero di naman available sa region nila. O yung kayang bumili, pero walang credit card. Maraming Pinoy gamers that fit the profile.

Nabanggit ko na nga yung mga possible solutions. Ang resulta, kikita ka rin sa kanila. Bukod pa yun sa kita mo sa mga morally superior gamers tulad ni hyperkeios.
 
Ang problema kasi sa inyo, na-profile niyo na ang mga Pinoy gamers na skwater at mahilig sa libre - all because of your anecdotal evidence that 90% are already doing it. Kaya mababaw ang katwiran niyo pagdating sa piracy and you resort to morality issues instead.
apektado ka naman masyado sa word na "skwater". ako ngang 100% namirata ng mga ps2 at wii games eh di apektado. (well it's 2018 so what do you expect?) :lol:

Kung gusto ng taong mamirata, wala ka nang magagawa dun unless hahawakan mo sa leeg. Ang tanong: What are you going to do about it? Ipapakulong mo bawat isa? Itataboy mo? Aalis ka na lang? Tatalikuran mo ang problema?

actually i don't even care kung mamirata ka o hindi.

Ito ang nakakatawa. Ibaling sa ibang hobby? Yan ba ang solusyon mo, hyperkeios? Anong pakialam mo kung gusto nila maging gamer? Sa iyo na yang "gamer" title mo. Kahit gawin mo pang hyperkeios: Genuine, Original Only, Self-Righteous, Morally Superior, Holier-than-Thou Gamer ang titulo mo, walang paki ang mga pirata sa iyo. After all, wala naman silang online access para makita ang superior gamer profile mo.

Yung mga motherhood statements mo na "nakakalungkot ang ps4 piracy" o "piracy is stealing" o "kawawa ang mga game developers", di tatalab sa mga pirata yan. Gamit na gamit na yan. Parang "world peace" sa beauty pageants.

totoo naman. may kasabihan nga tayong "Habang maiksi ang kumot, matuto kang mamaluktot". learn to live within your means. kung alam mong wala kang kakayanan bumili ng $50 worth of game, wag kang bumili ng latest gen console. you can resort to OTHER PREVIOUS GENERATION CONSOLES(ps3 etc etc), HINDI YUNG MAKIKIPAGSABAYAN KA AT MAGYAYABANG LANG tapos mamimirata ka lang pala. get the point sir?

As a publisher, you don't target people like giokun18 who pirates because he can. You earn nothing from him, not even a cent. Ang mga ganitong tao, sarado na at alam na nila kung paano mag-jailbreak o mag-crack o kung saan makaka-download ng warez nila, kaya no use ang pag-kumbinse sa kanila.
you didn't get the point here. walang kwenta yang schemes na binigay mo kasi lahat ng tao gusto LIBRE. kahit yung mga ibang mayayaman gusto ang libre sa kahit anong produkto. yung mga nasa lower class pa kaya? Be REALISTIC at wag tayong maglokohan dito.

Instead, you win over those who pirate because they can't get access or a better price to the game. Sila yung mga may kakayahang bumili pero namamahalan.
the end doesn't justify the means sir. don't brag na nakabili ka ng 6 games worth of 50 pesos tapos namimirata ka din pala ng steam games kamukha nito oh:

attachment.php

then iju-justify mo, " eh kasi gusto kong price point eh tingi tingi lang, kung hindi de ok lang mamirata"

O kaya yung kayang bumili, pero di naman available sa region nila. O yung kayang bumili, pero walang credit card. Maraming Pinoy gamers that fit the profile.

naku sir palusot na masyado. KUNG GUSTO MAY PARAAN, KUNG AYAW( AT GUSTO LANG MAMIRATA) EH MADAMI TALAGANG DAHILAN wag ganun:bawal: region? payment? ang daming solutions sa mga sinabi mo, nakakatamad isa-isahin. mag backread ka na lang. spoon feed much.

Nabanggit ko na nga yung mga possible solutions. Ang resulta, kikita ka rin sa kanila. Bukod pa yun sa kita mo sa mga morally superior gamers tulad ni hyperkeios.

well kung talagang proactive ka, dapat sa PSN customer or feedback support ka nag su-suggest. wag dito at walang mangyayari. para kasi kayong activist na nag ra-rally sa mendiola.:peace:

tsaka parang napaka SELF-RIGHTEOUS mo din kung makapag post ng "ok, i have possible solutions to prevent piracy blah blah" pero namimirata ka naman na pala presently :laugh: nag yayabang pa ng nakabili daw ng 50 pesos worth of pc games(na ang luluma naman na):lol:

at kung talagang win-win solution yang naiisip mo, sana matagal ng na implement yan.

anyways last post na to. kung mamimirata lang, wag ng mag ingay. sa gbatemp meron ng tut on how to play backup files, check mo na lang ok? :yes:

#legitGamer4ever
 
Attachments

  • pirata mode sya oh.png
    pirata mode sya oh.png
    20 KB · Views: 103
Last edited:
Sige paps gabotron, kung san ka masaya eh di good luck na lang sayo. Hope masaya ka sa ginagawa mo. :salute:
 
eating popcorn... :popcorn:

I don't care kung napirata o hindi as long as kung no cheating sa gaming.

yeah still cheating ang pamimirita but it's a developers problem. Kung may kakilala or na notice kayo na may namirata then inform them.

Peace all.
 
basa basa.. :D

basta ako ok lang ako sa jailbreak..di na ko magpapakabanal at ipokrito na sasabihin suportahan yang mga developer or kung sino man..kasi kahit sa mga songs or movies man minsan nagddl din ako ng di ko binabayaran kaya kung nagddl ka ng kanta na di mo binabayaran or mga applications na crack,mga movies na nandito..

di ko makita yung wisdom ng nagsasabi na support developer,support blah blah pero wagas kung makapagdl ng mga crack applications sa pc,haha..parang ganyan lang din yan eh same scenario..

tong si hyperkeios.hindi supported yung piracy pero may thread ng mga games na pirate..isa isahin ko pa ba?

http://www.symbianize.com/search.php?searchid=63535669

wag na tau magmalinis dito naglolokohan na lang tau dito eh..hahaha..

wala ka karapatan magmalinis kasi di mo din naman binayaran ung mga singer,producer or developer ng mga nadownload mo..wag na magmalinis..lahat naman tau ganun..chill lang kayo at magmahalan lahat naman kayo nagdl na ng crack or unpaid apps..hindi niyo din sinuportahan ang developer..even ikaw giokun kaya hayaan mo na lang sila maghabol sayo..sige sige maglibang..haha

:lmao: :lmao: :lmao: :lmao:
 
That was before... bata pa ako nun di ko alam ang hirap at pagod na ginagawa ng mga developers para lang makagawa ng application/programs/games. Ngayon I understand kasi I myself is a software developer. You will never understand unless you are in our shoes. Bakit di mo rin ipost kung KELAN ko ipinost yung mga yun. Those were ages ago. You think I will be embarassed you tried posting my previous posts? :lol: No sir... Hindi ako mapapahiya dahil never ko sinabi na di ako nagresort to piracy before. You're just showing how immature you are and show everyone how jackass you are. You are a hipocrite as you say if you say, never in your life did you download mp3s/movies/apps/games for free on the internet. That's a different story if until now, may trabaho, asawa't anak ka na, pirata ka parin.

We all do stupid things as a kid, especially walang pambili ng games kaya nagreresort to piracy. Pero iba na ngayon, since I now have a job and I CAN SUPPORT NG HOBBY. I don't even download songs dahil may premium spotify ako. Movies? Di ako mahilig sa movie, di ako nagdadownload ng movies. Did you even contemplate the hard work the developers pour into that game you play? You probably didn't. Pro-legit na ako and it will stay that way forever. Period.

Wala naman problema sa akin kung mamirata kayo diyan, my point is, unless you leeches stay on that same kind of mentality, console gaming will never grow here in the country. (di kasali pc gaming kasi the most popular ones are ftp)
 
Last edited:
apektado ka naman masyado sa word na "skwater". ako ngang 100% namirata ng mga ps2 at wii games eh di apektado. (well it's 2018 so what do you expect?) :lol:
actually i don't even care kung mamirata ka o hindi.
Wala ka naman palang pakialam eh. Bakit ka sumasagot sa mga posts ko tungkol sa piracy eh hindi ka naman pala apektado? Pero salamat kasi kahit di mo nakuha ang mga punto ko, binasa mo pa rin.

totoo naman. may kasabihan nga tayong "Habang maiksi ang kumot, matuto kang mamaluktot". learn to live within your means. kung alam mong wala kang kakayanan bumili ng $50 worth of game, wag kang bumili ng latest gen console. you can resort to OTHER PREVIOUS GENERATION CONSOLES(ps3 etc etc), HINDI YUNG MAKIKIPAGSABAYAN KA AT MAGYAYABANG LANG tapos mamimirata ka lang pala. get the point sir?
Hindi ko naman sinabing hindi totoo. Ang sinasabi ko, di naman tatalab sa pirata ang pang-beauty pageant mong katwiran. Hindi realistic, tulad ng motherhood statement mo ngayon. Sa tingin mo ba may makukumbinsi kang pirata sa sinabi mong yan? Ay oo nga pala, wala kang pakialam.

you didn't get the point here. walang kwenta yang schemes na binigay mo kasi lahat ng tao gusto LIBRE. kahit yung mga ibang mayayaman gusto ang libre sa kahit anong produkto. yung mga nasa lower class pa kaya? Be REALISTIC at wag tayong maglokohan dito.
Basta para sa iyo, wala nang pag-asa kasi lahat ng tao gusto libre. Put yourself in the shoes of those who are selling the games. Ang realistic na tao, naghahanap ng solusyon. Matagal na sanang nalugi ang publishers kung katulad mo silang mag-isip. Ay oo nga pala, wala ka kasing pakialam kaya walang kwenta sa iyo ang mga suggestions sa isang diskusyon.

the end doesn't justify the means sir. don't brag na nakabili ka ng 6 games worth of 50 pesos tapos namimirata ka din pala ng steam games kamukha nito oh:

then iju-justify mo, " eh kasi gusto kong price point eh tingi tingi lang, kung hindi de ok lang mamirata"

naku sir palusot na masyado. KUNG GUSTO MAY PARAAN, KUNG AYAW( AT GUSTO LANG MAMIRATA) EH MADAMI TALAGANG DAHILAN wag ganun:bawal: region? payment? ang daming solutions sa mga sinabi mo, nakakatamad isa-isahin. mag backread ka na lang. spoon feed much.
Di ko maintindihan kung bakit hinukay mo pa ang mga posts ko sa ibang threads. Simula nung mag-post ako tungkol sa usaping piracy, ni minsan di ko sinabing malinis ako at hindi ako namimirata.

Yung mga suggestions o solutions na binanggit ko tungkol sa piracy, ginamit mo laban sa akin para sabihing nagmamalinis ako? Classic straw man. Ako na nga ang nagbibigay ng solusyon, ako pa ang hypocrite. Kunsabagay, di mo talaga maintindihan kung wala kang pakialam.

Bragging ba yung sinabi ko na makakabili ako ng 6 games worth 50 pesos, pero sa PSN hindi? Pinaghahambing ko ang mga deals sa iba't-ibang platforms at yun ang ipinakita kong halimbawa. Ang sinabi ko pa nga, give them an offer they can hardly refuse. Nasaan ang pagmamayabang sa paghahanap ng better deals?

Napasubo ka lang kasi di mo nahanap yung sinabi mong "halos libre na lang yan sa PSN tuwing Sale". Yun ang pagmamayabang na hangin ang kinalabasan.

well kung talagang proactive ka, dapat sa PSN customer or feedback support ka nag su-suggest. wag dito at walang mangyayari. para kasi kayong activist na nag ra-rally sa mendiola.:peace:
Diskusyon ang ginagawa natin. Hindi kailangan ng kung anumang aksyon. Alam mo naman na nasa Internet forum tayo.

Ang punto ko, may kikitain pa rin ang publisher sa mga piratang di katulad mo. Ang rebuttal mo: i-suggest sa PSN support. Bakit mo ipapasa sa iba ang argumento ko para sa iyo? Wala ka nang maisip na counter argument?

Kunsabagay, ganun talaga kung wala kang pakialam. You'll find a convenient way out by diverting the topic.

tsaka parang napaka SELF-RIGHTEOUS mo din kung makapag post ng "ok, i have possible solutions to prevent piracy blah blah" pero namimirata ka naman na pala presently :laugh: nag yayabang pa ng nakabili daw ng 50 pesos worth of pc games(na ang luluma naman na):lol:

at kung talagang win-win solution yang naiisip mo, sana matagal ng na implement yan.

anyways last post na to. kung mamimirata lang, wag ng mag ingay. sa gbatemp meron ng tut on how to play backup files, check mo na lang ok? :yes:
#legitGamer4ever
Hindi self-righteousness ang pagbibigay ng solusyon. Bagkus, ito ay nakakapag-palago ng diskusyon. Malayo yata ang pagka-intindi mo ng self-righteous.

Ano ngayon kung namimirata ako? I welcome piracy. Katulad nga ng isa sa binanggit kong punto, nakakapag-patino ito ng isang industriya.

Kung ang kausap mo nga naman ay magdadala ng hasty generalizations, diversion at straw man arguments, mahirap talaga maging matino ang usapan.

Sa tingin ko, di mo naman talaga nagiba ang mga posisyon ko tungkol sa piracy. Basta't para sa iyo, wala kang pakialam.

Idaan mo na lang sa tawa, kasi yun ang pinakamalaki mong kontribusyon sa usapan.

- - - Updated - - -

That was before... bata pa ako nun di ko alam ang hirap at pagod na ginagawa ng mga developers para lang makagawa ng application/programs/games. Ngayon I understand kasi I myself is a software developer. You will never understand unless you are in our shoes. Bakit di mo rin ipost kung KELAN ko ipinost yung mga yun. Those were ages ago. You think I will be embarassed you tried posting my previous posts? :lol: No sir... Hindi ako mapapahiya dahil never ko sinabi na di ako nagresort to piracy before. You're just showing how immature you are and show everyone how jackass you are. You are a hipocrite as you say if you say, never in your life did you download mp3s/movies/apps/games for free on the internet. That's a different story if until now, may trabaho, asawa't anak ka na, pirata ka parin.

We all do stupid things as a kid, especially walang pambili ng games kaya nagreresort to piracy. Pero iba na ngayon, since I now have a job and I CAN SUPPORT NG HOBBY. I don't even download songs dahil may premium spotify ako. Movies? Di ako mahilig sa movie, di ako nagdadownload ng movies. Did you even contemplate the hard work the developers pour into that game you play? You probably didn't. Pro-legit na ako and it will stay that way forever. Period.

Wala naman problema sa akin kung mamirata kayo diyan, my point is, unless you leeches stay on that same kind of mentality, console gaming will never grow here in the country. (di kasali pc gaming kasi the most popular ones are ftp)
Preach all you want, but piracy has existed since the ancient times, continues to exist and will exist in the future. Hanggang sa hindi mo matanggap ang realidad na iyan, di mo mahahanap ang solusyon.

If morality is what keeps you in the business, then by all means keep on dreaming.

Ito ang 18-year stock chart ng Sony. It once dominated the portable music market. Sony also holds the top 2 positions for the best-selling home game console of all time. The Playstation 2, released in 2000, sold more than 155 million units during its lifetime. The Playstation, released in 1994, sold 102 million units. Sony managed to achieve this, despite the fact that both consoles faced rampant game piracy.

The Playstation 3 only sold over 83 million units during its lifetime. It was only jailbroken towards the end of its life.

js23LTY.png

-------------------------------------

Meanwhile, this is Microsoft's 32-year stock chart. Araw-araw nilang pagkain ang Windows piracy. Xbox and Xbox 360 faced rampant game piracy as well. They dealt with it head on. Currently, they're not turning a profit on each Xbox One sold, but they're growing Xbox Live and Windows 10.

DKx93JF.png

Ang punto ko: Piracy is here to stay. If you don't innovate and adapt, you will lose.
 
even ikaw giokun kaya hayaan mo na lang sila maghabol sayo..sige sige maglibang..haha
even me? meaning? di ko nagets. sino hahayaan ko maghabol sakin? mga chicks? FBI ba? CIA? tao ba to o hayop?
 
Hhaahaha... Jologs lang tol. Na ExB ka. Di ko rin alam ang connect pero FYI yung bar na yan excerpt from "Hayaan Mo Sila" ang new gen ng "Stupid Love" ng Salbakuta at "Di ko kayang tanggapin" by April Boy Regino :lmao: :lmao: :lmao:. You already know what kind of a person this guy is hahahaa.
 
Sayang ang multiplayer kapag na jailbreak

Oh well, sino na ready sa god of war 4 next month?
 
Back
Top Bottom