hi meron din pala mga kagaya ko dito binasa ko muna 1st pages hanggang last pages at nakaka lungkot dahil di lang pala ko ang meron gantong problem..isa din po ko sa mga taong nagkaron ng nakakahiyang sakit na badbreath dekada na ata yung problema kong to at malaki ang naging epekto talaga sakin nito lalo na yung nag aaral pako sa ngayon 27 y/o nako ay napaka laki pa din ng epekto sakin nito nakakalungkot man isa din to sa dahilan bat hiniwalayan ko ang aking matagal na girlfriend dahil sa kahihiyan pati sa mga trabaho na aking pinasukan...nag umpisa kong nalaman ang nakaka hiya kong sakit nung 1st high school palang ako hanggang ngayon di pa din ako maka hanap ng lunas sa sakit na to.. tuwing aalis ako di mawawala sakin ang towel or panyo pang takip ng bibig chewing gum at toothbrush/toothpaste hay nakaka lunggkot lang kasi kahit gano ko ka linis sa bibig ko di talaga matanggal ang nakaka hiyang amoy... sa ngayon medyo nabawasan naman ang dating matapang na amoy at napapansin ko naman yun dating pag dumidighay ako ay amoy na amoy ko ang mga kinain ko at kada mag sasalita ako ay napapa kamot sa ilong ang kausap ko kahit malayo medyo nalang ahahaha pero di pa din naman nawawala ang nakakahiyang sakit na to na sumira ng malaki sa aking buhay...kahit kelan di ko pa din nagawang magpa tingin sa specialista kasi tingin ko di lahat sila makaka tulong sa sakit ko kaya ako nalang gumawa ng sarili kong paraan
eto po ang ginagawa kong orasyon:
1.napansin ko ang gamit namin talagang brand ng toothpaste ay colgate at closeup 1 day naubusan bumili ako ng sachet hapee naman ng ginamit ko napansin ko yung mouth ko medyo ok di gaya ng pag gumagamit ako ng colgate or closeup maya maya lang nag iiba na naman ang amoy ng mouth ko... kaya ginawa ko nagpalit ako ng ginagamit na brand ng toothpaste kaya medyo nabawasan ang amoy
2.madalas ko linisin sinus ko sa pamamagitan ng tubig parang ganto
https://www.youtube.com/watch?v=e22Ta7iRgks medyo effective naman kasi kada matatapos parang gumiginhawa pag hinga ko at nagiging ok ang breath ko
3.eto din ginagawa ko
https://www.youtube.com/watch?v=y6F_t4mVxCU nakaka tulong naman minsan
4.eto may nabasa din ako oil pulling pero di ko pa nagagawa
https://www.youtube.com/watch?v=gQe8etKJ9a4
5.ginagawa ko din pinapa labas ko plegm ko lumabas minsan may buo buo sya na medyo brown na na pag inamoy ko mabaho siguro isa din yun sanhi bat bumabaho ang aking breath
6.pag nag shoshower ako tumitingala ako at pinupuno ang aking ilong ng tubig napapansin ko meron ako ibang amoy at panlasa na nadadama parang lasang malansa na pag lumabas ay nakikita ko plegm at pag lumabas na yun ay nawawala ang amoy ng aking bibig na parang bagong toothbrush
7. madalas tinitignan ko tonsil ko kung meron tonsil stone: parang ganto
https://www.youtube.com/watch?v=KFdcsdSrP8g
8. naglalagay ako ng castrol oil gabi gabi bago matulog sa tonsil pinapahid ko sa pamamagitan ng aking daliri parang oil pulling din napapansin ko naman pag gising ko ok naman ang mouth ko di gaya ng dati na pag gising ay may amoy talaga
sana makatulong din kahit papano ang aking mga ginagawa sa mga kagaya ko pero di pa din ako nawaalan ng pag asa na balang araw ay mawala ng tuluyan ang nakaka hiyang sakit na to... salamat sana may mag update lagi at matulungan tayo ng specialista sa mga gantong sakit