Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng walang credit card

Re: update???

sir, bakit po ganito nalabas sa amazon account ko?

"Order Status:

Your payment revision required"

$22.49 po yung dapat kong bayaran, including shipping na po.
bale $22.49x45=1012.05

ang Gcash ko po ay P1294.94
tama naman po ang address na nilagay ko..
automatic po bang ibinabawas sa Gcash balance without any confirmation?
thanks po for help!
 
Last edited:

Sir, may email po bang sinend ang Amazon or Globe sayo? Ano na pong new balance nyo sa GCASH? Kasama na po ba sa computations nyo yung state tax ng US?

BTW, pag successful po yung transaction nyo sa Amazon, may darating na SMS sa Globe number mo sasabihin may nabawas na ganitong amount sa account mo sa ganitong araw and ito yung new balance mo. Nung nagcheckout ba kayo may natanggap kayong text?

Kung okay naman po lahat, suggestion ko lang magdagdag na muna kayo ng balance para may allowance lang yung order nyo.
 
ahhm, i will try to add my balance later..
magkano po state tax sa US?
mabilis po bang magsend ng text sa inyo after ng check-out niyo?

pwede po bang magbigay kayo ng sample computation, yung itemized po yung List Price, US Shipping Fee, US Tax, Myshopping box Shipping Fee, etc.
thanks po!
 
Hi ka-symb! Di ko alam yung exact rate ng state tax eh, parang 9% ata ng total before tax, pero makikita mo naman yun bago mo iplace yung order mo. Eto yung sample computation for Amazon (eto mismo yung lalabas dun):

Item(s) Subtotal: $XXX.XX < Yung amount ng orders mo
Shipping & Handling: $XX.XX < Yung shipping ng Amazon papunta sa US address mo. Pwede tong maging libre kung over $35 orders mo tapos Super Saver Shipping
Promotion Applied: -$XX.XX < Eto yung sinasabi ko na free shipping pag qualified yung items mo
-----
Total before tax: $XXX.XX < Yung total value ng items mo less promotions applied
Estimated tax to be collected $XX.XX < Parang 9% ata to nung value ng total before tax mo
-----
Grand Total: $XXX.XX < Total before tax + estimated tax to be collected. Eto na yung babayaran mo sa Amazon para ipadala nila sa US address mo yung orders mo.

Bale pag naplace mo na order mo, makakatanggap ka agad ng text from GCASH AMEX sinasabi nabawasan na ng ganitong amount yung GCASH balance mo. Yun dapat may sufficient funds ka.

Tapos sa My Shopping Box naman, depende sa bigat ng item mo. May sinasabi silang actual weight or volumetric weight. Pero kung maliit na item lang naman tapos hindi lalampas ng 1 pound, tapos maliit yung kahon na pinaglalagyan, mababa lang shipping nyan. Yung sakin madalas $5.99 or $8.50 lang. Eto basahin mo dito: http://www.my-shoppingbox.com/rates.php. Ayan na yung huling amount na babayaran mo, wala ka nang ibang babayaran after ng My Shopping Box.

Yung sample computation naman nito:

Storage Fee $0.00 < Magchacharge lang sila ng storage fee kung hindi mo pa inooauthorize delivery yung item mo after 15 days
Insurance $0.00 < Wala to. For items over $100 lang to or kung gusto mo painsure item mo
Shipping Cost $5.99 < Dito nagiiba iba yung charge. Pag sea shipping, mura lang pero matagal. Pag air shipping $5.99 pinakamababa pero mabilis.
Total Amount Payable $5.99
Gcash Net Discounted Total (3%) $5.81 < May discount sa mga GCASH AMEX users na 3%

Kung may question pa kayo sir ask nyo lang dito. You're welcome! :thumbsup:
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

goodevening sa lahat. excited na ako mag order thru online. para kasing ang mura ng price sa net. almost lahat ng tao ayaw bumili online because ayaw nilang ma scam. actually this is my first time na bibili online and i hope tulungan nyo ako. nakalist na kasi yung mga bibilhin ko then i went to globe customer service sa sm for kyc then yun success mag reregister na lang ako dun sa web baka bukas na. nagiipon pa kasi ng pambili haha ito po yung mga questions ko

1. pwede bang magpaship direct sa outlet ng LBC? malapit lang kasi yun samin kaya ako na lang pupunta. anong steps po?

2. pwede ba umorder sa ebay maliban sa amazon and other international online stores

3. pwede rin ba to sa ph online stores like lazada, sulit.com.ph etc.

4. sabi daw hindi na dumadaan sa customs. illegal ba to? kasi ang alam ko dapat icheck nila yung mga incoming packages sa ibang bansa para ma filter yung mga illegal's

big thanks po sa feedback :)
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

ts mas makakamura ba kung sa Amazon ako bibli ng tablet?
paano ang warranty?
 
1. Sir, di ko lang alam kung pwede, kasi either residential or office address lang ata tinatanggap nila. Tawag nalang po kayo sa opisina nila sa Paranaque, andun sa website ng My Shopping Box sir.

2. Alam ko sa ebay sir pwede, pero kailangan tignan nyong mabuti yung bawat seller. Unlike kasi sa Amazon, sa ebay iba ibang vendor, tapos yung iba ayaw na nagbebenta sa mga freight forwarder like MSB, kaya halimbawa bumili kayo tapos nakita nung seller na MSB gamit nyo, papacancel nila yung transaction. Bantay seller nalang po, piliin nyo yung mga nagshiship sa freight forwarder. Kung di kayo sure, email nyo yung seller tapos itanong nyo para 101% sure.

3. Hindi po pwede to sa local online stores sa pagkakaalam ko. Ginawa lang ata talaga sya ng Globe para pang-international.

4. Hindi sya ilegal sir, bale ang ginagawa kasi sa pagkakaintindi ko pinagsasama-sama lahat ng mga orders tapos shiniship na parang balikbayan box tapos nakadeclare as personal items. Hindi ko lang sigurado kung accurate yung sinasabi ko, pero ganun ang pagkakaintindi ko. Check nyo nadin yung website ng MSB for other info.

- - - Updated - - -

ts mas makakamura ba kung sa Amazon ako bibli ng tablet?
paano ang warranty?

Depende sir kung anong tablet. Gawin nating example yung Samsung Galaxy Note 10.1 N8000

Ayon sa Amazon, $397.99 sya. Tapos 1.31 pounds sya x $8.50 (air shipping for electronics per pound sa MSB) = $11.135. Plus US tax na 9% (estimate) $35.82. Nakasulat free shipping kaya wala ka na babayaran sa Amazon pagdeliver sa US address mo.

Bale $397.99 (item) + $35.82 (US tax) + $11.135 (shipping from US to Philippines via MSB) = $445.16 x PHP45 = PHP20,032.20.

Ayon naman sa Sulit (source 1, source 2), PHP23,000.00 ang brand new.

So P23,000.00 - 20,032.20 = PHP2,967.80 ang matitipid mo pag bumili ka sa Amazon. Kaso syempre mag aantay ka ng 10-12 days bago madeliver. Konti lang, pero kung sakto lang sa budget, malaking tulong na rin.

Sa warranty, yun lang ang di ko matitiyak sir. For sure kung galing US yan international warranty yan, hindi ko lang alam kung honored ng Samsung Philippines yun, yun eh kung Samsung tablet ang kukuhanin nyo. For other tablets, palagay ko ishoushoulder nyo yung cost of shipping pabalik sa kanila tapos papalitan nila ng panibago pag may damage, kasi isang report nyo lang sa Amazon sa seller or sa item na defective banned agad yung seller or papadalhan uli kayo ng bago eh.

Eto sir yung FAQs nyan > http://www.my-shoppingbox.com/faq.php

- - - Updated - - -

goodevening sa lahat. excited na ako mag order thru online. para kasing ang mura ng price sa net. almost lahat ng tao ayaw bumili online because ayaw nilang ma scam. actually this is my first time na bibili online and i hope tulungan nyo ako. nakalist na kasi yung mga bibilhin ko then i went to globe customer service sa sm for kyc then yun success mag reregister na lang ako dun sa web baka bukas na. nagiipon pa kasi ng pambili haha ito po yung mga questions ko

big thanks po sa feedback :)

BTW sir, may mga items pala na prohibited for delivery ha. Baka orderin nyo. Eto po yung mga bawal sabi sa website:

PROHIBITED GOODS
Lithium batteries
Illegal drugs, chemicals or substances
Substances that are not packed in commercially labeled consumer packs
Contraband and other goods and materials prohibited by law
Currencies, cash, checks, money orders and other negotiable instruments
Explosives and combustible items
Firearms/Bladed Weapons, ammunition, re-loaders, firearm parts and accessories
Flammable materials, liquids/fluids, fuel, thinners, petroleum based paints, varnishes
Gambling materials
Gas cylinders and items containing compressed air or gas, flammable gas, fire extinguishers
Goods in commercial quantity
Lubricants and other petroleum based products
Human remains
Jewelries, precious metals, high value wrist watches and others personal accessories
Goods classified as "Valuable Cargo". These are goods whose value is over $2,000.00 or those with a pro-rated value per package of over $450.00 per pound.
Live plants and animals, including stuffed animals
Perishable foodstuff and beverages
Poisonous, toxic substances, pesticides
Pornographic materials
Replicas of guns and firearms, including toy guns, air-soft guns, air-guns, tools and accessories
Tobacco, Cigars and cigarettes
Flammable nail polish, colognes, eau de toilette, perfumes, and similar products
Other goods and items without proper documentation, clearance, permit, and packaging
 
Last edited:
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

thanks sa feedback ts nahirapan pala ako sa pagregister sa AMEX nagrereg kasi ako via web tapos may error tapos may nakita akong reg sa *143# sa AMEX yun triny ko at success siya. narecieve ko na yung mga details. regarding pala dun sa mga tanong ko

1. palagi kasing walang tao sa bahay pano yan? mas sure kasi kung kukunin ko sa outlet.

2. parang complicated, dun na lang muna ako sa amazon. hindi kasi ako marunong tumingin dun tapos parang walang feedbacks tsaka reviews about the products ng mga bumili.

buti nasabi mo yung about sa prohibited

1. Substances that are not packed in commercially
labeled consumer packs
-ano to?

2. Human remains
-haha meron nito? siguro yung mga remains na tooths tapos pinapa implant

3. Jewelries, precious metals, high value wrist
- bawal kahit anong jewelries kahit mura?

4. watches and others personal accessories
- aww may nasa list ko na watch bawal ba talaga?

5. Live plants and animals, including stuffed animals
- aww bawal ang teddy bear

6. perfumes, and similar products
- bawal din ang perfume hayst

thanks in advance ts :)
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

Suggestion ko kausapin mo nalang yung LBC na malapit sa inyo, tanong mo kung pwede magpareceive dun para ideliver ng MSB dun, o tawag ka sa MSB tanong mo kung pwede yung ganun. Or kung wala parating tao sa bahay, padeliver mo nalang sa office nyo. Di ko lang talaga sure, mahirap na baka mawalan pa kayo ng package.

1. Substances that are not packed in commercially
labeled consumer packs
-ano to?

- Halimbawa umorder ka ng hair wax sa ibang bansa, tapos nilagay lang nila sa ordinaryong supot. Hindi tatanggapin yun. Kailangan commercially packaged tapos may label, yung makikita kung ano yung pangalan ng produkto at yung ingredients. Yung parang mga pack sa supermarket. Lahat yun commercially packaged tapos may label.

3. Jewelries, precious metals, high value wrist - bawal kahit anong jewelries kahit mura? 4. watches and others personal accessories - aww may nasa list ko na watch bawal ba talaga?

- Pwede po ang jewelries and watches basta hindi high-value, yung tipong nanakawin in transit. Halimbawa Rolex na worth PHP 500,000, yun hindi nila tatanggapin. Pero yung mga G-Shock lang na worth $100, $200, pwede yun. Pero para makasigurado ka, tawag ka nalang sa Paranaque office ng MSB. Nasa website nila yung number.

5. Live plants and animals, including stuffed animals
- aww bawal ang teddy bear

- Pwede po ang stuffed toys. Stuffed animals po ang bawal. Yung tipong mga patay na hayop tapos inalis yung lamang loob tapos sinuksukan ng bulak para maging pangdisplay sa bahay. Yun po yung bawal.

6. perfumes, and similar products
- bawal din ang perfume hayst

- Eto lang talaga pangit. Bawal ang perfumes. Iniisip ko kasi baka may magpuslit ng pampasabog sa bote ng perfume.

No problem ka-symb! Basta pag may malabo tanong mo lang sakin. :thumbsup:
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

good day, salamat sa reply ts nga pala na process ko na yung MSB registration mag oorder na lang yes! haha medjo excited. bukas magdedeposit then magoorder na. yung bibilhin ko 600 pwedeng 700 lang ihulog ko kasya na kaya yan? tsaka may nakita pala ako sa Amazon yung amazon prime membership may free trial 1month daw then $79 ang pag renew a year ata yun ewan para san yun? nakita ko siya sa settings then pwede bang mag email sa support dun sa my shopping box dun sa product na bibilhin kung pwedeng iship? kaka email ko lang kasi ngayon dun kung pwedeng iship yung bibilhin kong product para sigurado. thanks :)

Edit:
may nakita ulit ako yung amazon student free for 6months daw ano yung $10 referral bonus totoo ba yun?
 
Ka-symb I suggest na tawag ka muna or email sa MSB support kung pwede iship yung bibilhin mong product. Pag pumayag sila, deposit ka ng mga 800 or 900 para lang may allowance ka, kasi yung item mo halimbawa worth 600 pero may tax pa yun at US shipping (yung idedeliver nung Amazon yung item mo sa US address mo) kasi below $35 yan. Pag kasi halaga lang nung item dineposit mo idedecline lang ng Amazon yan. Bukod pa dito yung shipping fee ng MSB.

Tapos dun naman sa Amazon Prime, gagawin nilang priority delivery lahat ng orders mo, parang 1 - 2 days delivery lang ata pag nakaprime ka tapos wala ka nang babayaran except yung $79 annual fee. Pwede mo sya itry, pero siguraduhin mo na maguunsubscribe ka sa loob ng 1 buwan kasi kung hindi autocharge sa GCASH AMEX mo yun, PHP 3,500+ din yun na automatic na bawas.

Yung sa Amazon Student free ata talaga for students, pero parang need ata ng valid ID. Di ko masyadong kabisado yung sa Amazon Student eh, sorry ka-symb hehe.
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

Good day po!

sir, sa amazon po DELIVERED na daw po yung inorder ko pero nung tingnan ko po sa my-shopping box wala pa po yung item.. may mali po ba?

dun po sa zip code 91505 lang po dapat pero nung tingnan ko sa pagkakakaorder ko 91505-3037 po nakalagay..
 
Last edited:
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

Umorder ako ng segunda mano na itim na unlocked iPhone 5 2 weeks ago sa Amazon, kadarating lang kahapon. $442.69 nagastos lahat lahat, kasama na shipping saka taxes. Ginamit ko lang yung Globe GCASH AMEX ko. Ang maganda pa dito, di na dumaan sa customs saka sa post office, derecho sa bahay, tapos 2 weeks lang halos delivery. Di ako natakot na nanakawin, lapit pa naman na magpasko haha!

[url]http://s22.postimg.org/c5gam7x65/IMG_20130927_113112.jpg[/url]

Kung ganito lang pala kadali umorder online, eto na uli siguro gagamitin ko sa susunod na order ko. Pag bibili ako ng S4 Orochi! Kung gusto nyo din magavail o kaya pag may tanong kayo, post ka lang, try ko sagutin. :thumbsup:

EDIT: Nalaman ko lang sa friend ko pwede palang bumili ng genuine na iOS saka Android apps sa App Store saka sa Play Store gamit tong GCASH AMEX na to. Subukan ko tapos add ko update dito mga kasymb.

EDIT: Gumawa ng guide inadd ko na sa main post

[TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng walang credit card

Sorry bossing ngayon ko lang nabasa post mo. Bale sige, eto try ko gawing detalyado.

1. Kung Globe postpaid/prepaid subscriber ka, sign up ka muna for GCASH. Libre lang yun basta may SIM ka, dial mo *143# may makikita ka dun na "8. GCASH" (magkaiba yung GCASH sa GCASH AMEX)

2. After mo magregister, may gagawin ka yung tinatawag nilang "Know Your Customer" (KYC). Papakita ka lang sa Globe Store tapos dala ka na ring ID para sigurado para maverify na ikaw yung user na account na yun. Bale pag na-KYC ka na, maaalis na yung limit mo ng sending saka receiving ng pesos sa GCASH (parang katulad nung sa Paypal)

3. Edi tapos nun after nila maconfirm sayo na verified ka na, punta ka dito https://mygcash.globe.com.ph/gcashamex tapos register ka na para sa GCASH AMEX. Eto na yung step na after mo matapos, bibigyan ka na ng sarili mong GCASH AMEX virtual card, US address, saka automatic enrolment sa My Shopping Box service.

- Yung GCASH AMEX virtual card numbers, yun yung ipapasok mong details sa mga online shop na bibilhan mo
- Yung US address mo, yun yung gagamitin mong mga billing address sa mga pagbibilhan mong shop
- Yung My Shopping Box, sila yung tatanggap ng mga deliveries mo galing US tapos ipapadala nila dito sa address mo sa pinas

4. After nun, punta ka sa http://www.my-shoppingbox.com tapos fill-upan mo yung mga required information. Kailangan mong ilagay yung address mo sa pinas dito kasi sila nga yung tatanggap ng item mo from halimbawa, sa Amazon, tapos ipapadala straight sa bahay mo.

- May free 1-month trial ka sa My Shopping Box, tapos pag nagustuhan mo yung serbisyo, pwede ka magparenew, P250 lang, isang taon na yun. Pwede rin ata P140 for 6 months.

5. Tapos nun, pag kumpleto mo na lahat, pwede ka na umorder sa Amazon o sa ebay.

Sa Amazon, punta ka sa Add a Credit or Debit Card:

- Sulat mo pangalan mo
- Sulat mo yung US address na galing sa My Shopping Box
- Sulat mo yung card number na galing sa My Shopping Box
- Sulat mo yung telephone number na galing sa My Shopping Box

6. Ngayon ready ka na umorder. Siguraduhin mo lang na may balance yung GCASH AMEX mo, kundi failed transaction yan. Halimbawa bibili ka ng headphones na worth $50.00, convert mo x P44 kailangan at least may balanse kang mga P2,200 or mahigit pa.

7. After mo maorder yung item mo sa Amazon (or kung saan ka bumili), papadala nila sa US address mo within 3-5 days. Pag dumating na sa US address mo yung item galing sa Amazon, magpapadala yung My Shopping Box ng email sayo.

8. Tatanungin ng My Shopping Box ka kung "Authorize shipment" na yung item mo. Eto yung papadala na nila sa Pilipinas sa address mo (or sa opisina mo kung gusto mo). May bayad to. $2.99 pag Sea Shipping, $5.99 pag Air Shipping. Pag by air, mas mabilis ang dating ng item mo dito. Pag sea, mga isang buwan. Ibabawas din yung bayad dito sa GCASH AMEX mo, kaya kailangan may extra ka parati kundi di madedeliver sayo. Ang maganda dito, di na dadaan sa Customs saka sa Post Office kaya wala ka nang babayarang iba, saka di ka kakabahan na nanakawin yung inorder mo.

9. After mo maauthorize, lalabas na dun sa My Shopping Box na yung item mo "Left the US", ibigsabihin pinadala na dito. After siguro mga 10 days, darating na yung item mo sa opisina nila sa Paranaque, tapos papadala na nila sayo.

Bale eto pala yung itsura ng packaging nya (di ko na nakuhanan yung sakin, credits to noypigeeks blog for the photo)

View attachment 844066

Ganun lang kadali! Medyo matrabaho lang yung pupunta ka pa sa Globe store para magpa-KYC pero okay na din. May inorder ako sa Amazon nito lang October 22, dumating sa My Shopping Box October 26, inauthorize payment ko mga October 30, tapos dumating dito sa bahay ko November 12. Di kasama weekends saka holidays sa bilang ng date of arrival, kaya pag umorder kayo ng maraming holidays, baka matagalan ng konti ang pagdating.

Haha! Haba pala nitong post ko. Sana sir makatulong. :)
bookmark muna....maya ko basahin sa bahay..................
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

Good day po!

sir, sa amazon po DELIVERED na daw po yung inorder ko pero nung tingnan ko po sa my-shopping box wala pa po yung item.. may mali po ba?

dun po sa zip code 91505 lang po dapat pero nung tingnan ko sa pagkakakaorder ko 91505-3037 po nakalagay..

meron bang nag email sayo about sa item mo?kasi pag di yan na deliver ng courier mag eemail sila sayo pero ang naka lagay sa Amazon account mo delivered na. saturday and sunday ay closed po ang MSB.
i already experience this one kaya pinareschedule ko sa USPS
View attachment 152481
 
Attachments

  • usps.jpg
    usps.jpg
    86.6 KB · Views: 35
Last edited:
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

Ay Bookmark to. Gusto ko to. May gusto kasi ako product which is hindi available dito sa pinas. Good thing nakita ko ang thread na to. Ang bait pa ni TS sumagot sa mga tanong kahit na sobrang haba. Ang sipag mag explain.
 
Re: [TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng

meron bang nag email sayo about sa item mo?kasi pag di yan na deliver ng courier mag eemail sila sayo pero ang naka lagay sa Amazon account mo delivered na. saturday and sunday ay closed po ang MSB.
i already experience this one kaya pinareschedule ko sa USPS
View attachment 872605

nasa my-shoppingbox account ko na po.
bale 1-2 days clearing po pala bago mapalagay sa account although delivered na sa amazon account..

yung -3037 po pala ay extension ng California zip code..

thanks TS! saludo ako sa tiyaga mong mag-explain, more powers!! God bless!
 
Back
Top Bottom