Magandang gabi po mga ser/mam. Baguhan lang po ako sa LG G2 kakabili ko lang nung friday. Kaya naman po sobrang nagulat ako na bigla nalang nagfactory reset yung phone ko kanina. Nagback-up naman po ako kaninang umaga, kaso nung irerecover ko na, "no backup files" po yung nakalagay. May paraan pa po ba para marecover ko yung files ko? Kelangan ko po kasi talaga yung mga yun. Salamat po sa mga tutulong!