Bagong pasa ako ngayong september at ayon sa aking karanasan at pagtatanong tanong, eto ang mga bagay na unique sa ilan sa mga yun.
Multivector : Hahasain kayo sa math at esas pero mas focus sa essas. Sa mga review materials namin halos kalahati ng exam sa math at esas namin lumabas sa board specially pagdating sa mga objective type questions. Sulit ang refresher at coaching. Ang mahirap lang dito ay mabilis ang pacing ng pagtuturo pero lahat naman ng items sa reviewer ay sinasagutan. Tsaka minsan mag-eextend kayo ng oras. Sa multi lang walang calcutech tsaka medyo madumi yung lugar at amoy aso. Wag kayo dito kung malala alergies nyo sa mga hayop.
Powerline: madadalian kayo a math dala ng calcu tech. Yung mga kaklse ko ng college na doon nagreview ay bihasa sa ganun. Ang sabi lang eh may mga pagkakataong even or odd lang sinasagutan sa mga handouts nila.
Powerhouse: spoonfeeding type ang pagtuturo. Detailed na detailed at pinapasimple nila. Ang sabi ng naman pagdating sa coaching isa lang daw lumabas sa kanila, or atleadt isa lang natandaan nung nagsabi sa akin. Hahahaha
ACES: mura na daw rate dun. Yung mga review materials nila na puro objective na malaking tulong talaga lalo na sa essas ay pwede ilabas ng review center at kasama na sa bayad. Sa vector kasi ay hinde.
Magpapalit na daw ng examiner sa september kaya huwag nyo na palagpasin yung april board exam. Alam kasi ng mga review center kung paano magpaexam ang mga examiner ngayon kaya malaking tulong sila. Choose wisely.
I agree sir! Laking bagay nga pala ng multivector no? may napagtanungan din ako na jan nag review. talaga daw madami nalabas sa refresher nila. halos kalahati daw.