Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Taga Call Center if Pinutol ni Duterte Ang Relasyon sa Amerika?

Iyon ba yung tsimis na magkakaroon daw ng world war 3 between China and US? Papaano iyon? E diba mas gusto ni Duterte ang China nang ipinagmalaki niya na keyso ano naman kung mag alisan raw ang mga investor sa Pinas, meron naman daw China at Russia.

Ala. Ano kaya mangyayari? Ayoko na isipin.
 
Iyon ba yung tsimis na magkakaroon daw ng world war 3 between China and US? Papaano iyon? E diba mas gusto ni Duterte ang China nang ipinagmalaki niya na keyso ano naman kung mag alisan raw ang mga investor sa Pinas, meron naman daw China at Russia.

Ala. Ano kaya mangyayari? Ayoko na isipin.

kwentong barbero kc ehh...
 
Let us say, binastos ni Duterte ang Amerika then naisip ni Duterte na putulin ang relasyon sa Amerika then yung mga business process outsourcing (bpo) from Amerika katulad ng mga Call Center (Hindi ko kabisado ang lahat ng name ng call center) ay tinanggal?

Anong magiging work niyo o ano ang gagawin mo?

Sabi sa balita, parang nag iisip si Duterte na putulin ang relasyon ng Pinas sa Amerika? Anong gagawin niyo o kung ano work niyo?

Marami na nag alisan investor sa Pilipinas, ang amerika na ata ang susunod. So ano ang balak niyo?

Parang nagdadalawang isip ako mag apply sa call center. E kase para saan ba ang pag apply ko, kung malaman laman ko na wala na pala ang call center na ininvest dito sa Pilipinas?

Iyon lang ang hinahabol ko dahil iyon lang ang alam ko no age requirement at iyon lang ang alam ko. Undergraduate lang ako e.

May nakikita akong implication sa ganun sitwasyon. Sa oras ang pinutol ang relation niya sa America, of course mag-aalisan na ang mga Amercian investors dito sa Pilipinas papunta sa ibang bansa para mag-invest especially BPO industry.

What's comes next? UN Sanction? How?

US ay makapangyarihang bansa at malakas ang influence niya sa UN. Sa oras na mahanapan ng US ang butas na sistema dito Pilipinas ay irereport ito sa UN. Ang UN naman ay gagawa ng action para bigyan ng Economic Embargo ang Pilipinas. Anu mangyayari kapag economic embargo? No more OFW's. Lahat ng OFW's nasa ibang bansa ay ipapadeport forcely pabalik dito sa bansa. Dahil konti ang job opportunities dito ay maraming maghihirap na Pilipino at pwede tayo matulad sa North Korea.
 
Di po America mismo ang nagdala ng BPO satin. Ano yan utang na loob na naman sa kanila? Humanitarian lang ba ang BPO? Hindi. Yang BPO dala yan ng mga malalaking investors na may tiwala sa kakayahan ng Pilipino di dahil allied tayo ng US. Bukod pa sa talento ng mga Pinoy e mas mababa ang pasahod dito kumpara sa ibang bansa kaya naman mas gusto nilang mamuhunan dito. Kahit kumalas pa sa US kung gusto naman ng investors dito na mamuhunan e may magagawa ba? Sila ang mawawalan hindi tayo kaya di nila basta-basta bibitawan ang BPO dito. Baka naman yung mga nagaalisang investors e yun yung may mga kaugnayan sa drugs, baka natakot masabit. Haha. Yung iba pa dyan e yung may ari ng online gumbling or e-games pati na yung mining companies, talagang maglalayasan yan dahil pinatigil na yung mga gawain nila dito sa bansa natin dahil di sila nakakatulong, mas nakakasira lang sila sa Pilipinas.

"We are in a very good spot," said Antonio Moncupa Jr., president and CEO of East-West Banking Corp, one of the top 10 lenders in the country. "The pronouncement of government prioritising infrastructure spending, accelerating it and cutting red tape, solving peace and order, I think all point to very good prospects ahead."

Jollibee Foods Corp, the biggest fastfood chain in the country, plans to open 200 more domestic stores this year. So does Robinsons Retail, taking its total to over 1,500. BDO Unibank Inc, the country's biggest lender, plans to open 50-100 new branches this year.

"We are supportive and encouraged by the new administration's socio-economic agenda, which has a holistic approach for the benefit of all, including JFC," said Jollibee investor relations officer Cossette Palomar.

"Business will be good under this administration," BDO Unibank executive vice-president Luis Reyes said of Duterte. "Concerns center more on the extra-judicial killings."

"I believe infrastructure is going to grow very fast and it will have a double or triple effect," said Henry Schumacher of the European Chamber of Commerce in the Philippines. "Money will be available. An iron fist is going to be behind it."

Source: http://cnnphilippines.com/business/2016/08/23/Duterte-Philippine-economics-business.html
 
Last edited:
So mas gaganda ang iron fist and/or communist country-ganun ba iyon? Ahh. Ang ibig sabihin pala nun uunlad ang bansang Pilipinas, kapag meron iron fist na leader? Ang nakikita ko, ang gusto lang ni Rodrigo Duterte, tumayo mag isa ang Pilipinas na walang allied country o ano. Kung baga, kanya ang batas, kanya ang lahat ng disisyon, lahat. Hindi siya kase natatakot kahit mag alisan ang investor. Sabi niya, kaya naman tumayo ng sariling paa ang Pilipinas then meron naman China at Russia.

Then the reason why malakas ang charisma ni Rodrigo Duterte ay dahil sa pagmumura niya at ang mahanghang na salita niya. Same kay Adolf Hitler na the reason why malakas ang charisma nito ay dahil kung magsalita siya ay bigay na bigay.

Sabi ng mga mahihilig kay Hitler ay ang ganda-ganda daw ng bansang Germany kaya marami gusto sa kanya. Katulad kay Marcos na maraming gusto sa kanya dahil diktatoryan.

Depende lang talaga sa tao kung ano ang maunlad sa kanila kung democratic country ba or tao na meron iron fist -- either socialist, communist o democratic or whatever, basta iron fist.

Ganun din ang sinabi ni Hitler na ang democratic country ay messy raw so parang sinasabi niya na to have an iron fist is so good.


O diba? Feel na feel niya at nagpapakatotoo siya sa sarili niya. Emotional na emotional na emotional sobra, na ang kulang na lang ay lumipad sa langit na sobrang emotional.

Uy. Emotional din kaya si Duterte lalo na kapag galit na galit. Talaga kapag nabwiset, kung ano ang mahanghang na salita niya, doon lalabas talaga and iyon ang numero uno na gusto ng mga tao dahil nagpapakatotoo daw siya.

================================================================

Gusto ko si Hitler. Promise. Noon iyon ha? Ngayon, hindi na. Naiinis kase ako sa bansang Pilipinas noon. Hindi ko alam kung bakit ganun ang way of thinking ko. Tapos nagbago ako ng beliefs nang nag try ako once ng meditation. Then nanood ako ng mga anime. Pangarap ko mabago ang Pilipinas pero nang nagbago ako ng perception, dumating si Duterte ay huli na talaga siya. Siguro, kung maaga siya dumating, bobotohin ko siya to the max. Sobra. Magiging fans ko na rin ata siya. Hindi biro. Magiging fans ko siya dapat kung maaga lang siya dumating.

...pero hindi ko maalis sa isip ko, sikat pa rin si Hitler! Hahaha. Patay na nga siya. Sikat pa rin siya noh? Pati ako napapafans din. Joke. Mga diktatoryan talaga, nakakaakit. Joke. Meron sila something ideal na mapapa oo talaga tayo pero at the same time, oooppss-isip isip muna. Malakas talaga ang mga charisma ng ganoon tao.

Sa kanila facepalm sa panahon ni Hitler. Sa atin fist talaga. Iniangat diba ni Rodrigo Duterte ang kamay niya na fist kapag sinasalubong siya ng mga tao? Ang lakas talaga ng charisma niya kaya belib ako, na marami nga bomoto sa kanya.

- - - Updated - - -

Pinutol na ata ni Rodrigo Duterte ang relasyon ng Pilipinas sa Amerikano. Paki double check na lang kung totoo ang balita na kahit call center na basta landmark ng Amerika ay gusto niya tanggalin. Pati mga imported products from Amerika ay gusto rin ipatanggal ni Duterte.

Hanggang october o november na ata sila. Kung totoo man iyon, hindi naman basta mawawala ang call center dahil dahan-dahan siya mawawala. Hindi naman biglaan.

Hirap nun a. Sabi na nag analyze tungkol doon na parang impossible na lahat tatanggalin dahil matagal na sa atin ang relasyon ng Amerika.

Ayoko nga maniwala e. Sinabi lang sa akin. Ayoko lang maniwala o hindi lang ako makapaniwala.
 
Last edited:
Sa tingin ko bluff lang yan ni du30,para maisip ng mga kano kung gaano sila kawalang silbe patungkol sa siguridad ng bansa natin wag nating kalimutan na me kinalaman din to sa kasong sinampa natin sa china.Kahit panalo na tayo sa kaso wala parin silang magawa(us eu).Hinde naman basta na lang papayag ang US na mawalan ng alyansa sa atin kasi napaka strategic ng bansa natin sa asia pacific....
 
Mag aapply ako on Monday sa call center dahil more than twice ako na reject. Ayoko mag give up. Nag aral ako at nag training. Lahat na ata. Tapos yung ready na ako ay bigla ko pa naman nahagilap ang ganun balita. Na paranoid tuloy ako kung mag aapply ba ako o hinde. Pero sayang naman na nagpractice-practice ako ng spoken english kung malaman-laman ko lang naman na ang aapplyan ko call center ay mawawala rin pala. Saan ako mag aapply kung ganun? Sa local call center?

Nakita ko ata sa job requirements nila ng local call center na kailangan graduate ng college. Maraming requirements ba? Ganun. Undergraduate lang ako. Naisip ko na Japanese call center na lang, kaya lang, mag aaral na naman ako. Haha.

Ano ba iyon? Haha.

Nabasa ko sa news na meron iba Pilipino na Anti-America na gusto nila palayasin sa Pilipinas ang mga Amerikano talaga. Ang gusto nila maging independent ang Philippines. Gusto nila maging socialism. Iyon ata ang rason kung bakit binoto nila si Duterte dahil si Duterte, sabi niya, kaya daw maging independent ang Philippines.
 
Last edited:
Di naman sinabing puputulin ng tuluyan ang relasyon ng Pilipinas sa US. Ang gusto lang niya ipatigil e yung mga panghihimasok ng US sa bansa natin gaya ng EDCA saka pakikialam sa EJK na masyado nilang pinalaki na di naman dapat puputok ng ganung kalala dahil nun pa man e may mga ganun na sa Pilipinas. Masyado silang halatain na nung si Duterte lang ang namuno e bigla nilang inungkat yung issue na yan. Ibig sabihin lang nyan na ayaw nila sa pamumuno ni Duterte kaya ganyan silang mang dikta. Ganyan ang ginawa nilang pagpapatalsik at pagpatay sa mga leader sa Middle East na ayaw makisama sa kanila. Lahat ng tulong nila may katapat na kapalit yan. Gagastos ka ba ng bilyong dolyar sa kapakanan ng ibang bansa kaysa sa sarili mong bansa? Syempre hindi, makikinabang ka dapat at dapat tumubo ka pa ng doble o higit pa. Tapos sasabihin nyo dami naitulong ng US satin pero di nyo alam patago na nila tayong ginagatasan o nilalamangan. Kaya di umaalis yang mga dito dahil sa mga tagong yaman ng Pilipinas.Kaya malabong bitawan tayo ng mga yan kahit ipagtabuyan sila dito satin. Yung Middle East karamihan ng bansa dyan dapat mauunlad gaya ng Saudi kaso anong ginawa nila? Gumawa sila ng digmaan para ma explore nila yung lugar para makapag mina ng langis. Puna sila ng puna sa EJK dito pero libo-libong inosente ang pinapatay at milyon-milyong mamamayan ang dinadamay nila dahil sa gyera sa Middle East.
 
Last edited:
Hindi tayo magiging Cuba, kahit yung Cuba ngayun nag open na sa USA. Yung mga current issue regarding DU30 vs the World parang intimidation game lang yan, maliit lang epekto nyan sa relationship natin sa mga taga ibang bansa.
 
Wag kasi masyado magpapaniwala sa media lalo na kung alam natin tong mga media na ito ay may connection sa mga kalaban ni Duterte. Hehe. Mas pinapasama lang nila ang tingin ng iba sa pangulo di nila alam buong Pilipinas dinadamay at pinapahamak nila dahil sa mga maling balita nila. Magkaroon tayo ng sarili nating pag aanalisa o pagaaral tungkol sa totoong nangyayari. Kung ano ba talaga ang mga totoong dahilan at punot dulo ng lahat kung bakit may mga ganyang issue ngayon.

Yung pagkukumpara naman niya kay Hitler e bakit nila seseryosohin yun. Napaka obvious naman na di nya kayang tapatan ang lahat ng mga ginawa at naabot ni Hitler. Di tanga ang presidente para pumatay siya ng 3 million na Pilipino para lang maikumpara siya kay Hitler. Konting common sense na lang lalo na sating mga Pilipino. Wag tayo maging masyadong literal.
 
Last edited:
God has plan for duterte...kung bakit siya naging presedente...we must pray for him....instead of judging him...

- - - Updated - - -

.
 
Last edited:
@ Kaito

Kumukuha sila ng inpormasyon dahil trabaho iyon at walang personalan. Binabayaran sila. Democratic po kase tayo. If ayaw ng mga tao na meron negative news from presidente ay mas mainam ay eban ang lahat ng media which is equivalent siya sa panahon ni Ferdinand Marcos na binan niya ang lahat ng media noon.

Promise. Hindi naman puros papuri na papuri sa leader na katulad sa North Korea. Bawal ang mga journalist o mga media doon na puros negative sa namumuno. Puros positive ang lahat na sinasabi sa namumuno pero ekonomiya ng North Korea ay mababa. Mas mataas ang South Korea.

Sa North Korea, meron nakakalusot from other countries na edocument ang loob nito. Discreet lang. Nakuhanan nila na ang mga bata doon hanggang highschool ay wala sila ipinag aralan kungdi president. Puros president lahat.

Unlike sa atin at ibang bansa na meron subject na economics, about sa country, about computer or marami iba pa.

Then sa isa channel ata (hindi ko sinasabi kung ano channel) ay puros positive kay Rodrigo Duterte na kung paano siya naging successful sa mga drug lord daw or whatever. Wala na nga ako nakita sa channel na iyon kung ano na nangyayari sa Pilipinas, na kung bumaba na ba o tumaas ang ekonomiya dahil puros positive lahat kay Duterte.

Sa akin, parang similar siya sa North Korea but magkaiba pa rin. Naiinis na nga si Duterte sa media noon diba? Deep inside, ang nakikita ko sa kanya ay kahit media, pwede niya eban. Siguro, hindi niya magawa dahil alam naman natin ang mga Pilipino ay baka kung ano isipin.

Feel ko nga democratic country ang atin pero yung pagiging socialism or whatever type of government pa iyan ay parang discreet, kaya ang dami agree kay Duterte. Ewan ko lang ha. E kase parang hindi napapansin ng mga tao.

O ako lang ang nakakapansin. Nakakabenefit kase ang mga tao sa Pinas like same sex marriage ata? Then divorce, then eliminate all evil like drug lord, drug pusher or drug adik pero unaware ata sila or they do not care basta ang mahalaga ay matupad ng tao masa ang gusto ng desire ng puso nila. Ganun.

Parang husband na tatlo kabit at one original wife. Mayaman si husband. Unaware ang wife na niloloko na siya at puros magaganda salita ang ibinibigay sa wife, mahalaga lang sa wife ay meron siya malaki pera na natatanggap sa mayaman niya husband. She does not care kung niloloko siya o marami kabit si husband dahil discreet ang ginagawa ni husband sa wife niya.

---------------

Kay Hitler naman ay hindi naman literal Hitler si Duterte. Si Duterte lang meron kase beliefs na ang killings is better like mata sa mata. Marami namatay nang ganoon implementation, kahit inosente ay nadamay na without due process.

Parang araw araw ay meron patayan na naririnig sa balita.

Kay Hitler ay ganoon din. Killing ang solution niya just to wipe out jews dahil meron siya bad experience sa jews noon so he perceived jews na evil o salot, so pinatay niya lahat ng jews.

Same kay Duterte, na salot ang drug adik at drug pusher kaya na implement niya ang ganun. Evil kung baga sila para ma reduce ang crime sa Philippines.
 
Last edited:
Kaso masyado namang obvious ang media dito satin. Merong iilan media parin na fair magbalita at di puro kasiraan lang ng Pilipinas ang binabalita kundi may maganda parin namang nangyayari at mas marami yung mgagandang nangyayari na yun kaysa problema sa EJK na yan. Hehe. Sa loob ng 3 months 3K ang namatay dahil sa drugs, sa US 36K ang namatay dahil sa drugs ayon yan sa senado mismo. So meron din silang kailangang solusyunan at ayusin sa loob ng bansa nila. Bakit kailangan tayong diktahan. Di kaya sila ang tunay na diktator? Di ba? Iba ang concerned sa nangdidikta. :)
 
Last edited:
Binoto ba talaga ng mga tao na kamay na bakal at killings is the only thing para maabot ang kapayapaan? Dapat in the first place ay namuno na lang si Ferdinand Marcos bilang diktatoryan at hindi na lang nag people power. For how many years ay wala ganun, talaga, derecho na wala except Marcos then sa tagal na years ay bigla nag shift agad ang mga tao sa iron fist---na weirduhan lang ako sa psychological ng mga tao as a whole kung bakit nagkaganun.

Kung baga, simula bata hanggang binata ay conservative pero in one click of the finger ay bigla shift agad ang binata sa pagiging liberated within 24 hours and 7 days. So kung ganun lang pala, dapat in the first place ay liberated ang lalake simula bata hanggang binata dahil there is something psychological sa lalake kung bakit bigla nagbago agad. Sa akin lang iyon.

Baka nga nakatikim ang tao masa na wala iron fist then nagsawa sila, kaya naisip nila na kamay na bakal na lang. Napagod kung baga sa nakikita ng mata nila. Emotional din kase ang tao na ika nga ang Pilipino ay masyado personalism raw.

Isip-isip lang naman.

=============

Kaso masyado namang obvious ang media dito satin. Merong iilan media parin na fair magbalita at di puro kasiraan lang ng Pilipinas ang binabalita kundi may maganda parin namang nangyayari at mas marami yung mgagandang nangyayari na yun kaysa problema sa EJK na yan. Hehe. Sa loob ng 3 months 3K ang namatay dahil sa drugs, sa US 36K ang namatay dahil sa drugs ayon yan sa senado mismo. So meron din silang kailangang solusyunan at ayusin sa loob ng bansa nila. Bakit kailangan tayong diktahan. Di kaya sila ang tunay na diktator? Di ba? Iba ang concerned sa nangdidikta. :)

Ang truth sa media ay kung ano ang pangit ay iyon ang ikinukuha nila. Halimbawa ay saksakan, patayan, rape---doon kase sila binabayaran. Trabaho na walang personalan. Kapag puros magaganda ang ikinukuha ng media ay mababa ang bayad. I mean kung ano talaga ang catchy ay iyon ang ikinukuha nila.

Alam ko ito dahil inopen up ng mismo na nag oorient sa amin noon nag aaral ako. Dati siya journalist at hindi niya nakayanan ang trabaho. Hindi dahil sa mabigat o ano pero kung ano ang pangit na pwede ibalita like trahedya at violence (actually kung ano ang mas violence) ay iyon daw ang mas malaki bayad, kaya nga risky ang mga reporter at mga journalist dahil pwede sila mapatay dahil hahalungkatin nila ang pangit at bigatin na balita talaga.

Ang pangit na inpormasyon ay idinadala sa tao masa para maging aware sila kung ano nangyayari talaga. Trabaho lang ang ginagawa nila. If gusto talaga na puros magaganda ibabalita as in na no defienciency sa mga leader o ano ay iyon na lang ang solusyon na eban na lang sila.

Katulad sa North Korea na bawal ang media, reporter at journalist dahil kapag meron ang mga nun ay puros pangit ang ilalabas na balita so mainam na huwag magkaroon ng media reporter o journalist sa bansa, kaya nga puros papuri ang mga iba tao sa leader ng North Korea. Walang pangit. Kapag ininterview ang mga family na gusto sa leader ng North Korea ay sobrang high sila sa pagpupuri. Sobrang mahal nila. Iniiyakan nila. Ganun sila. Parang die hard fans sa sikat na celebrity. Ganun sila.

Si Aquino naman din kaya. Anong issue iyon? Negative din ang ibinalita tungkol sa kanya galing media na meron nangyari masama sitwasyon sa Pilipinas. Na curious ako minsan ngayon kung bakit meron special treatment si Duterte galing tao at gusto ng iba tao ay puros positive lahat kay Duterte.

Kaya nga sa thread topic ko isa ay napatanong ako kung bakit meron Duterte fans. Para siya magnet. Meron Duterte bracelet, meron Duterte song, meron Duterte games--for me parang something fishy pero democratic country naman tayo.

Ganun lang naman.

Alam niyo feeling na nasa democratic country tayo na parang communist na hindi naman, na parang discreet na ewan na hindi natin malaman kung kamay na bakal ni Duterte is something fishy na nangyayari na hindi alam ng tao o alam ba nila, mga ganun ang feeling.

Pati ako ay hindi ko malaman kung democratic tayo o hinde dahil naguguluhan na rin ako dahil meron war on drugs sa pamamagitan ng killings at pagkatapos ay meron ng bawal at curfew, at pagkatapos sa province raw ay bawal ang babae na nakashort at bawal din ang videoke then pinutol ni Duterte ang relasyon sa Amerika then, hinayaan ni Duterte ang mga investor sa Pinas na mawala at pagkatapos ay kumapit at ipinili ni Duterte na makipagtie sa China at Russia pero lahat ng mga tao ay sabi democratic naman tayo, na kung baga ay confusing dahil hindi natin malaman kung ano tayo talaga.

Ang kulang na lang ay eban ang media at magdeclare ng martial law.

Pagbabago nga.

Pati ako ay naconfuse na rin kung ano type of government ba tayo talaga? Democratic country pa ba tayo o hinde na? Na confuse na ako.

Plus meron death penalty pa. Na confuse na ata si Mother Philippines. Hindi na niya nakilala ang sarili niya. Kung baga meron na siya gender identity crisis.

=========
 
Last edited:
Let us say, binastos ni Duterte ang Amerika then naisip ni Duterte na putulin ang relasyon sa Amerika then yung mga business process outsourcing (bpo) from Amerika katulad ng mga Call Center (Hindi ko kabisado ang lahat ng name ng call center) ay tinanggal?

Anong magiging work niyo o ano ang gagawin mo?

Sabi sa balita, parang nag iisip si Duterte na putulin ang relasyon ng Pinas sa Amerika? Anong gagawin niyo o kung ano work niyo?

Marami na nag alisan investor sa Pilipinas, ang amerika na ata ang susunod. So ano ang balak niyo?

Parang nagdadalawang isip ako mag apply sa call center. E kase para saan ba ang pag apply ko, kung malaman laman ko na wala na pala ang call center na ininvest dito sa Pilipinas?

Iyon lang ang hinahabol ko dahil iyon lang ang alam ko no age requirement at iyon lang ang alam ko. Undergraduate lang ako e.


hmmmm I actually doubt this. this is actually not the first time that lumabas ang balitang ito. sa totoo lang hindi naman padalos dalos si duterte sa mga decisions nya. maanghang lang tlga ung dila niya pero hindi pa naman natin siya nakitaan ng maling decision pwera na lng siguro sa pag papa libing ke marcos sa mga libingan ng bayani. pero kung tlgang ganun ang gusto niyang gawin ito ang mga haharapin nya at dapat gawan nya ng solusyon:

- milyong milyong tao ang mawawalan ng trabaho at kelangan niyang hanapan ng alternative na trabaho ang mga taong ito

- babagsak ang economiya ng sobrang laki

- posibleng tumaas ang crime rate, etc

you get my point... but if it ever happens ill go back to my profession.
 
Basta ang huli ko balita ay tumaas ang dolyar. Bumaba ang pesos. Noon, nagreklamo ako. Sabi ko, bakit ang baba ng dolyar. Nakakainis. Noon iyon. Bumaba kase ang dolyar sa Pinas sa administrasyon ni Aquino. So kapag na convert iyon ng peso ay hindi siya mataas. Then meron nagsabi sa akin na ano pa daw ang ipinag-iisip ko. Kapag bumaba daw ang dolyar sa Pinas, ang ibig sabihin nun ay umaangat ang ekonomiya ng Pinas. Nasa developing country na daw ang Pinas. Malapit na daw tayo sa tuktok. Hindi ko alam kung ano tuktok iyon. Hindi ko pa kase alam ang dolyar at pesos na iyan (please, yung mga anti Aquino diyan, huwag kayo magalit sa akin at atakehin na keyso taghirap ang mga Pilipino sa administrasyon ni Aquino, na keyso its not true or whatever noh---dahil remember noh, hindi ako yellowtards na symbolize as Aquino. Meron pa pala label-label na ganyan.)

Sinasabi ko lang naman. Hindi lang ramdam ng Pinoy. Pati ako, hindi ko ramdam dahil hindi ko alam ang pasikot-sikot ng ekonomiya o ano at saka hindi naman ako nag-aral ng economics so malay ko. Saka ko lang naunawaan na meron nagbigay sa akin ng kaunti knowledge tungkol doon. Kaunti lang naman.

Mataas na ang dolyar sa Pinas.

Sa akin, thumbs up talaga ako kay Rodrigo Duterte kung kaya niya talaga panindigan ang sinasabi niya na walang aid sa foreign countries na keyso kaya daw tumayo ng sariling paa ang Pinas--talaga kay Duterte ako. Ay. Meron pala tayo kakampi. China at Russia.

Sana malaman ko kung ano ang future natin kapag tie na tayo sa China at Russia. Ano mangyayari kaya? Magkakaroon tayo ng mga Chinese call center? Mga ganun? Nag isip e noh? Haha. Tapos magsasalita na tayo ng mga Intsik o ano? Ano ano na ang ipinag iisip ko. Joke lang iyon.

Wala ako alam. Sana malaman ko in the future.

Papaano kung may gyera? Ang takbuhan natin ay China pagkatapos kaaway natin ay America? Mga ganun? E kase medio misunderstanding ata ang China at America. Matatanggal ba tayo sa United Nations o ano? Hindi ko alam. Parang ang gulo na. E kung matatanggal tayo at magsasarili, e papaano ang utang natin sa World Bank? Malaki daw ang utang natin doon.

Nabaon diba tayo sa utang dahil noon pamumuno ni Ferdinand Marcos?

Bakit ganun kaya?

Then meron signatory ang Pinas sa United Nation na hindi magvaviolate ng human rights ang Pinas pero nag war on drugs naman tayo na halos karamihan ay wala due process--e naging extra judicial killing na. Then si Duterte pa ang nagalit sa United Nation dahil bakit raw siya pinapakailaman.

Okay naman siya dahil meron siya ginintuan puso sa mga Pilipino people kaya nga siya tumakbo pero parang ayaw niya makipagtulungan at saka ayaw niya na pinapakialaman siya.

Parang ako na hindi ako makapagconnect sa tao at lagi nagsasarili. Ngayon ko lang na realize na para maging successful ako ay kailangan ko ng connection sa mga tao. Ganun. Nakakarelate ako kay Duterte as in. Nagiging emotional na rin ata ako.

Sana makipagconnect din siya sa ibang bansa. Diba kapag marami connection sa mga tao---ay mali---I mean kapag marami connection sa iba ibang bansa, andoon ang nagtutulungan.

Sorry. Huwag magalit sa akin.
 
Last edited:
^I saw your sentiment but here is my question.

Anu position mo sa ganitong issue?
 
lahat naman my punto sa tingin ko wala naman masasabi tama o mali hanggang walang lumalabas na ramdam na epekto..pero sa opinyon KO LANG...ang bawat tao ay MAY SARILING PAGIISIP...kung sakali man magalit nga ang usa sa pilipinas anung ggwin ng presidente ng amerika pagbawalan ung mga negosyante n namumuhunan sa pilipinas..hinde ba parang unfair naman un sa mga negosyante kung basta sila pipigilan kung doon nga sila nakita.kaya sa tingin ko hinde ganun kasimple na sasabihin na basta aalis ang amerika sa pilipinas..sabe ng iba o ng marami hinde daw pinapaikot ng pera ang buhay ng tao pero minsan maiisip mo talga na hinde e2 lage totoo....
 
Alam mo ba na mas nakikinabang ang mga kano kesa sa atin?? Ginagamit lang nila tayo mga idol.. im not saying na putulin ni du30 ang relasyon ntin sa mga americano... nakikita kc ni du30 na ginagamit lang nila tayo... and aware lang siya.

anung klaeng paggamit? if you are refferring sa mga call center, o genagamit tayu bilang trabahador, pero sa palagay ko naman, tama lang ang sahod. alangan naman na ang mga Pilipino ang mag-invest sa america ata magtayu doon ng call center nang sa ganun tayu na naman ang nanggagamit ng mga kanu.

- - - Updated - - -

sana'y tama ito naisip ko na, ginagawa lang ni pangulo na magmukhang ayaw niya sa america, eu, UN para lalong tumibay ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng cpp npa ndf. at kapag tapos na ang usapan at wala ng cpp npa ndf ay balik ulit sa dati. obvious naman na ayaw talaga ng cpp npa ndf sa mga kanu at mga westerners, ewan ko ba kung bakit. putak ng putak wala naman naitulong, buti pa yung tinutuligsa ang laki ng naitulong nung magkayolanda. yun rep ng bayan muna sa congress, anu ba nagawa niya nung yolanda?
 
Back
Top Bottom