Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Duterte: Puro Utang ang Inaatupag

pre maliit lang tinig ng isang tao pero kung gawa ang paiiralin mo mas malakas pa ang impact neto sa isang daang taong dakdak ng dakdak!!!
 
tumulong muna kayo sa mga Kapwa nyo Pilipino at sa bansang Pilipinas, tulongan natin ang mga namumuno pagmabuti ang ginagawa, punahin naman pag mali wag pabigat para may masabi lang. Buti nga nalaman nyong umutang ang pilipinas kesa naman tulad sa nakaraang administrasyon na nagbackdoor para lang ebenta ang parte ng pilipinas, magbasa kayo, ang daming nagkalat na katotohanan/kamalian sa internet saka nyo timbangin. wag leecher lang at di nagpapa salamat.
 
Magandang araw, una po sa lahat opinyon ko rin lang po itong ilalagay kong komento. Bakit nga po ba nangungutang? ang budget po kasi ng gobyerno ay halos ubos na, yun ay dahil sa mga nakaraang administrasyon na nakaupo na walang ibang ginawa kundi mangurakot pero wala namang proyektong natapos( kung meron man ay mas malaki parin ang kurakot). pansinin mo nalang ang paligid mo sa nakalipas na 20yrs, halos walang infrastructures na nagawa. Konektado po lahat ng mga ginawang kagaguhan ng mga nakaraang gobyerno sa mga hirap na nararanasan natin sa ngayon. Bakit ang tax ay tumataas? ito ay dahil wala nang ibang pagpilian ang gobyerno sa kung saan sila kukuha ng kita. hindi kagaya ng dati na maraming negosyo ang ating gobyerno kaya mababa ang taxes. halimbawa, binenta ni cory at ramos ang petron,meralco,maynilad at manila water at pati na ang mga lupa ng gobyerno sa private na mga kompanya. kung hawak parin ng gobyerno ang mga kompanyang ito malamang ay may napagkukuhaan ng ibang kita ang gobyerno at hindi idadagdag sa tax ng mga manggagawang pilipino, ito rin ang dahilan kung bakit mataas ang presyo ng tubig,kuryente at gasolina dahil hindi kontrolado ng gobyerno ang mga ito dahil sa naibenta na nga sa mga private companies. isa pa sa mga dahilan ay nang bumaba sa pwesto si marcos, ang mga proyektong pinagagawa ay hindi tinapos ng sumunod na administrasyon. dahil dito nasayang ang pera at ang mga proyektong para naman sana sa mga pilipino. kung babalikan mo ang history, si president marcos palang ang nakaupo ay may utang na ang pilipinas, ito naman ay dahil sa pagiisip ni pres marcos na sa mga susunod na henerasyon ay magagamit at mapapakinabangan ng mga pilipino ang mga proyektong pinagawa nya. dahil din sa mga proyektong naisip nya ay dadami ang investors sa pilipinas at ito ang magiging paraan para makabawi ang gobyerno sa inutang na pera. halimbawa nito ay ang bataan power plant na hindi tinapos dahil lang sa pamumulitika(proyekto kasi ni marcos, kaya hindi tinapos dahil kalaban sa pulitika). after ni marcos ay nagkanda letse letse na ang pilipinas,lalong nabaon sa utang dahil bukod sa hindi tinapos ang mga proyektong nasimulan ay tumindi ang kurapsyon mula kay cory,ramos,erap,gloria at pnoy.ginagatasan tayo for the past 20years ng mga kurap na opisyal ng gobyerno dahil wala tayong alam. sa makatuwid, nangungutang ulit si pduterte para matapos ang lahat ng proyektong nasimulan at sisimulan palang dahil ito ay para sa pilipino, sa kaginhawaan ng susunod na henerasyon. pinatatapos nya lahat kahit pa proyekto ito ng kalaban nya sa pulitika(hindi sya namumulitika) kasi alam nyang para ito sa lahat. sumusugal ang presidente katulad ng ginawa ni pres marcos dati,na sana in the future ay magamit at mapakinabangan ng mga pilipino ang mga proyektong para sa pilipino. kaya sana bigyan nyo ng pagkakataon ang presidente na gawin ang trabaho nya, dahil sya naman ang nanalo sa eleksyon. kaya dapat suportahan natin. wag na tayo maging utak talangka. stop the hate. KUNG HINDI NATIN KAYANG MAGING PARTE NG SOLUSYON, WAG NA TAYO DUMAGDAG SA PROBLEMA.
 
Well, tingnan na lang natin kung maging positive nga ang kalalabasan ng pangungutang niya. Anyway, ang epekto ng utang na yan ay hindi naman sa kanyang administrasyon, kung hindi sa susunod na administrasyon yan. Kaya hindi na siya ang ma blame pa. At alam ko rin yong mga projects niya, may maganda naman at meron namang hindi.

May iba po akong mga threads na ginawa dito sana mabasa nyo po, kasi halos lahat ng projections ko para sa kanya ay nagka totoo naman maliban sa iilan.

Ito po yong thread na ginawa ko noong June 15, this year, http://www.mobilarian.com/showthread.php?t=1358070. Parang halos lahat ata ng sinulat ko dyan ay nagkatotoo na.

Sa susunod na mga post ko magbibigay ako ng analisis kung bakit talaga panget ang utang ng utang na katulad ng nangyari kay Marcos na bumagsak ekonomiya natin. Baka nga hindi mo pa naranasan yon.

sir hindi babagsak ang ekonomiya nuon sa panahon ni marcos, bumagsak lang ng na upo c ang mga aquino, halatang dilawan ka sir, tayo ang pina ka powerful nuon sa asia sir ng dahil kang marcos, mag research ka muna.
 
Malalaman din natin ang kabuuan pagkatapos ng termino ni Presidente. Sigurado tapunan ng putik ang mangyayari.
 
matagal na tatong baon sa utang kahit pa siguro bago pa ipanganak nanay mo..

ang magandang subaybayan jan kung para saan gagamitin ang inutang at kung may pinuntahan ba?

di porket di natin maintindihan ang nangyayari ay huhusgahan na at iisipin ng mali o palpak.

unang una hindi madali mamuno sa isang bansa lalo na kung marami kritiko at ang mga tao ay walang disiplina at kadalasan puro ang interes lang iniisip
 
parang ang hirap paniwalaan na totoo yang sinasabing nagback door para ibenta ang isang parte ng Pilipinas. kasi mag tatatlong taon na yang kwento yan ni wala namang nakulong at kahit na naimbstigahan sa usaping yan. pero sana mali ako, paki lagay nalang ang link ng news na may nakulong o kahit naimbestigahan man lang tungkol sa kwnetong yan.
 
Ito yung typical na basta lang mg cocomment sa fb na walang basehan yung mga sinasbi o keyboard warriors. Naligaw ka ata boy, maybe its just an opinion based on your political views, maybe next time just keep it for youself. Don ka nalang sa fb mg labas ng hinaing, wag nalang dito. Please 😂😂😂
 
sana nag nag research ka munang mabuti (kung nag research ka nga baka kc narinig mo lang din yan sa chismosang kapitbahay)
nag start ka ng utang kay marcos tinapos mo ung kwento mo kay tatay digong n utang , di mo manlang kinuwento ung ginawa ng mga sumunod n pres. kay marcos kung anong kabalastugan mga ginawa bago maging pasanin ng presidente natin ngayon,
pero tama cla opinion mo yan, kaya opinion q lang din to :nerd:
 
Madali sabihin mag research,pero ikaw ba nag research din kaya? Eh wala nga akong nakita na may na research ka sa mga talata mo. Basahin mo kasi lahat ng posts dito para may matututunan ka. Di yong ang binasa mo lang ay isang post ng tao.
 
Halos lahat naman ng bansa may utang, Kahit amerika at UK, malalaki ang utang
 
Magandang araw, una po sa lahat opinyon ko rin lang po itong ilalagay kong komento. Bakit nga po ba nangungutang? ang budget po kasi ng gobyerno ay halos ubos na, yun ay dahil sa mga nakaraang administrasyon na nakaupo na walang ibang ginawa kundi mangurakot pero wala namang proyektong natapos( kung meron man ay mas malaki parin ang kurakot). pansinin mo nalang ang paligid mo sa nakalipas na 20yrs, halos walang infrastructures na nagawa. Konektado po lahat ng mga ginawang kagaguhan ng mga nakaraang gobyerno sa mga hirap na nararanasan natin sa ngayon. Bakit ang tax ay tumataas? ito ay dahil wala nang ibang pagpilian ang gobyerno sa kung saan sila kukuha ng kita. hindi kagaya ng dati na maraming negosyo ang ating gobyerno kaya mababa ang taxes. halimbawa, binenta ni cory at ramos ang petron,meralco,maynilad at manila water at pati na ang mga lupa ng gobyerno sa private na mga kompanya. kung hawak parin ng gobyerno ang mga kompanyang ito malamang ay may napagkukuhaan ng ibang kita ang gobyerno at hindi idadagdag sa tax ng mga manggagawang pilipino, ito rin ang dahilan kung bakit mataas ang presyo ng tubig,kuryente at gasolina dahil hindi kontrolado ng gobyerno ang mga ito dahil sa naibenta na nga sa mga private companies. isa pa sa mga dahilan ay nang bumaba sa pwesto si marcos, ang mga proyektong pinagagawa ay hindi tinapos ng sumunod na administrasyon. dahil dito nasayang ang pera at ang mga proyektong para naman sana sa mga pilipino. kung babalikan mo ang history, si president marcos palang ang nakaupo ay may utang na ang pilipinas, ito naman ay dahil sa pagiisip ni pres marcos na sa mga susunod na henerasyon ay magagamit at mapapakinabangan ng mga pilipino ang mga proyektong pinagawa nya. dahil din sa mga proyektong naisip nya ay dadami ang investors sa pilipinas at ito ang magiging paraan para makabawi ang gobyerno sa inutang na pera. halimbawa nito ay ang bataan power plant na hindi tinapos dahil lang sa pamumulitika(proyekto kasi ni marcos, kaya hindi tinapos dahil kalaban sa pulitika). after ni marcos ay nagkanda letse letse na ang pilipinas,lalong nabaon sa utang dahil bukod sa hindi tinapos ang mga proyektong nasimulan ay tumindi ang kurapsyon mula kay cory,ramos,erap,gloria at pnoy.ginagatasan tayo for the past 20years ng mga kurap na opisyal ng gobyerno dahil wala tayong alam. sa makatuwid, nangungutang ulit si pduterte para matapos ang lahat ng proyektong nasimulan at sisimulan palang dahil ito ay para sa pilipino, sa kaginhawaan ng susunod na henerasyon. pinatatapos nya lahat kahit pa proyekto ito ng kalaban nya sa pulitika(hindi sya namumulitika) kasi alam nyang para ito sa lahat. sumusugal ang presidente katulad ng ginawa ni pres marcos dati,na sana in the future ay magamit at mapakinabangan ng mga pilipino ang mga proyektong para sa pilipino. kaya sana bigyan nyo ng pagkakataon ang presidente na gawin ang trabaho nya, dahil sya naman ang nanalo sa eleksyon. kaya dapat suportahan natin. wag na tayo maging utak talangka. stop the hate. KUNG HINDI NATIN KAYANG MAGING PARTE NG SOLUSYON, WAG NA TAYO DUMAGDAG SA PROBLEMA.

:clap: :thumbsup: :clap: :thumbsup:
Saludo ako sayo Paulmay sayong Komento,para sa akin walang masamang tinapay ang ating Mahal na Pangulong Duterte bagkus sa ikabubuti pa nga ng ating Bansa ang ginagawa ng ating Mahal na Pangulong Duterte mga ilang taon pa ramdam na natin ang malasakit nya sa ating Bansa..
 
Syempre ang utang na yan ang magbabaon sa atin sa kahirapan pwera na lang sa mga taga gobyerno kasi buhos pa rin sa kanila ang grasya.
 
Syempre ang utang na yan ang magbabaon sa atin sa kahirapan pwera na lang sa mga taga gobyerno kasi buhos pa rin sa kanila ang grasya.

Walang bansa na walang utang. Ang Amerika o Japan man halimbawa, sobra pa ang utang nila kumpara sa total na bilang ng GDP ng kanilang bansa. (Debt-to-GDP ratio)
America's debtgdpratio(2017) at 105.4% source: https://www.investopedia.com/terms/d/debtgdpratio.asp
Japan debtgdpratio(2018) at 238.20% source: https://tradingeconomics.com/japan/government-debt-to-gdp

Upang umunlad, ang mga paunlad-bansa(developing) ay kailangang mag loan (financially/technologically/skills) para makapag pagwa ng mga imprastraktura na kailangan ng bansa.

Kahit ikaw mismo nag uutang kung kailangan para sa mga gastusin.
 
Maganda at gumamit ka ng datos. Masasabi nating malawak ang iyong kaalaman tungkol sa usaping ekonomiya. Kaya lang medyo may konting kulang.

Sinasabi mo na sobra pa nga ang utang ng ibang bansa gaya ng Japan at Amerika at yong iba pa, kahit na mataas pa man ang kanilang GDP. Tama ka po riyan at ang datos na sinasabi nyo po ay tama.

Kaya lang po ay may kulang. Ang hindi mo lang po naipaliwanag ng mabuti ay yong mga bansa pong sinasabi nyo ay tinatawag na 'net international creditor'. Ang ibig sabihin po nyan na kahit malaki ang utang nila ay kaya po nilang bayaran at walang pressure kasi mas malaki ang utang ng ibang bansa sa kanila. Ibig sabihin kaya lumaki ang utang nila ay sa kadahilanang mahilig sila magpa utang. Binabasehan po nyan ay yong NIIP ng bansa o Net international investment position. Ibig sabihin malaki ang kanilang 'external assets' kesa sa kanilang 'external debt' kaya kayang kaya bayaran at di nadidiktahan. Pero sila ay kaya nilang mang dikta sa mga bansa na mahilig mangutang. Ang mga bansa pong iyan ay gaya ng HK, Taiwan, Singapore, Norway, Switzerland, Japan, Germany, atbp. Puro positive po ang kanilang NIIP habang ang Pilipinas naman ay nasa negative (-30,602 noong 2014). Kaya kulelat tayo.

Wala namang masama sa pangungutang basta lang kayang magbayad at nilalaan sa tama. Ang masama ay yong utang ng utang at napupunta lang sa walang katuturan. Kaya pinag-aaralan dyan ay yong Cost/Benefit Ratio at ano ang impact nito sa ekonomiya ngayon at sa hinaharap. Hindi dahil 'developing country' ka ay utang ka na lang ng utang na baka sa huli ay mahihirapan ka ng magbayad at mauwi pa sa 'debt trap'.
 
Gusto ko malaman ang opinion mo ngayong 2020... wala ka parin bang nakikitang pag babago sa pilipinas?.. isa kaba sa naniniwala kay VP? hindi mo ba ramdam ang magandang pag babago ng bayan natin? may isip na ako nung panahon ni Marcos...at nakita at na saksihan ko ang mga sumunod na Presidente ng Pilipiipinas... Isa lang masasabi ko " Duterte is The Best " !!!! =) opinion ko yan... =) Tag Makati Pala Ako !!! =)
 
Ito ang top 10 mga bansa na lubog sa utang ngayon

10. CANADA
9. SINGAPORE
8. SPAIN
7. USA
6. BELGIUM
5. BHUTAN
4. ITALY
3. PORTUGAL
2. GREECE
1. JAPAN

Wala ang Pilipinas kasi sobrang liit lang ng utang ng PH kung ikukumpara sa mga bansang yan. Kaya tinatawag tayong rising country kasi kahit medyo mabagal ayos lng kasi umaangat nman kung marunong mag budget ang namumuno at d aporado sa pag unlad aangat parin hintay hintay lng kasi mahirap kasi sating mga pilipino gusto agad umangat d namn ganon kadali yon yayaman din pilipinas basta patuloy lng mga gingawa ngayon alam nyo kung bakit pinag aagawan tayo ng mga bansa para maging ally nila kasi alam nila d magtatagal uunlad ang pilipinas utakan lng talaga yan d nanga ganon kalaki ang gold percentage ng america tapos yung china nman sa dami nila kulang na ang resources kaya pinag aagawan tayo para maging kasagka nila kaya kahit di pa ganun kalaki pilipinas importante parin tayo sa ibang bansa. Additional information Philippines is the owner of world bank and international monetary fund.
 
Last edited:

Nakakatawa yung additional information mo sir. Sa youtube o fb mo ba yan nakuha? :lol:
Pasensya na sir, pero make sure na legit yung info na pinakakalat natin para di po tayo pagkatuwaan.
 
:clap: :thumbsup: :clap: :thumbsup:
Saludo ako sayo Paulmay sayong Komento,para sa akin walang masamang tinapay ang ating Mahal na Pangulong Duterte bagkus sa ikabubuti pa nga ng ating Bansa ang ginagawa ng ating Mahal na Pangulong Duterte mga ilang taon pa ramdam na natin ang malasakit nya sa ating Bansa..

Salamat po, ilang taon na tayong nagtitiis lalo sa mga kurakot na opisyal kaya yung pagtitiis para sa kaginhawaan ay napakaikling panahon nalang kung tutuusin. Nakikita naman natin yung ginagawa ng gobyerno ngayon. Manhid nalang ang hindi makakaramdam sa mga magagandang pagbabago sa bansa o yung mga walang magawa sa buhay na puro negative lang ang nakikita. Tandaan din natin na walang perpektong gobyerno. Magpasalamat nalang tayo kung may positive silang ginagawa. Ang mahirap kasi sa pilipino ay puro tayo puna,puro tayo reklamo,puro tayo angal pero ang sarili natin hindi natin kayang baguhin. Mismong pilipino ang sumisira sa kapwa pilipino at sobrang pasaway pa. Halimbawa nalang nito ay ang Maynila. Kung mapapansin nyo na si Yorme Isko na ang pinakamahusay na mayor na nakita ko sa buhay ko,pero kahit anong galing ng pinuno ng isang lugar kung wala namang disiplina ang mga taong bayan ay wala ding mangyayari. paulit ulit nalang sa pagsisita at pakikipagusap si Yorme sa mga tindera at tindero pero ganun parin talaga. Walang disiplina ang mga tao dahil sa sobrang demokrasya. Karamihan pa sa pilipino ay utak talangka, ang masasabi ko lang po ay matuto tayong magpasamalat at maging masaya sa tagumpay ng bawat isa. Suportahan natin ang kapwa natin pilipino at wag na tayong dumagdag pa sa problema.
 
Back
Top Bottom