Salamat po, ilang taon na tayong nagtitiis lalo sa mga kurakot na opisyal kaya yung pagtitiis para sa kaginhawaan ay napakaikling panahon nalang kung tutuusin. Nakikita naman natin yung ginagawa ng gobyerno ngayon. Manhid nalang ang hindi makakaramdam sa mga magagandang pagbabago sa bansa o yung mga walang magawa sa buhay na puro negative lang ang nakikita. Tandaan din natin na walang perpektong gobyerno. Magpasalamat nalang tayo kung may positive silang ginagawa. Ang mahirap kasi sa pilipino ay puro tayo puna,puro tayo reklamo,puro tayo angal pero ang sarili natin hindi natin kayang baguhin. Mismong pilipino ang sumisira sa kapwa pilipino at sobrang pasaway pa. Halimbawa nalang nito ay ang Maynila. Kung mapapansin nyo na si Yorme Isko na ang pinakamahusay na mayor na nakita ko sa buhay ko,pero kahit anong galing ng pinuno ng isang lugar kung wala namang disiplina ang mga taong bayan ay wala ding mangyayari. paulit ulit nalang sa pagsisita at pakikipagusap si Yorme sa mga tindera at tindero pero ganun parin talaga. Walang disiplina ang mga tao dahil sa sobrang demokrasya. Karamihan pa sa pilipino ay utak talangka, ang masasabi ko lang po ay matuto tayong magpasamalat at maging masaya sa tagumpay ng bawat isa. Suportahan natin ang kapwa natin pilipino at wag na tayong dumagdag pa sa problema.
Kung babasahin mo akalo mo totoo pero fake news din pala. Aniya ilang taon daw tayo nagtiis sa mga kurakot na opisyal at ang kaginhawaan ay malapit na. Ang tanong, may nakasuhan na bang mga kurakot na opisyal sa administrasyong ito? May nakulong na ba? Wala naman yata. Kaya fake news pa rin yang pinagsasabi mo.