tama ka bro! hinding hindi ko malalaman ang sagot kung hndi ko susubukan kaya sinugal ko na..
enjoyin ko muna kung ano meron samin ngayon at go with the flow nlng
kaya ipaglalaban ko pgmamahal ko sknya..at pinanghahawakan ko mga sinabi niya sakin..
pero sa sitwasyon mo ngayon gaano na kayo katagal? lahat ba ng pgmamahal mo nasusuklian nman ba?
at ano importante sa isang relasyon?
1.5 years na kami. At regarding naman sa situation ko/namin ngayon, sobrang hirap, lalo na emotionally. Napakahabang kwento kung sstate ko pa dito sa thread mo. Hehehehe. Pero I already figured out the problem behind these things thats happening between me and my girlfriend. The problem is me. Hindi niya sinasabi straight sa mukha ko yun. Pero ngayon alam ko na. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Sobrang tanga-tanga ko talaga. Kaya heto, kinakain ko lahat ng consequences ng pagiging petiks lang. Pero binabago ko na sarili ko for the better me dahil madami pa akong pangarap na gustong matupad at isa sya dun, at dahil ayaw ko siyang mawala ng tuluyan. Hindi ko kakayanin. Kaya kahit na anong hirap at sakit pa nitong pinagdadaanan ko ngayon, okay lang, wala akong balak sumuko, at mas lalong wala akong balak na sukuan sya. May chance pa ako kaya hinding-hindi ko yun sasayangin.
Now back to you, wala ka naman dapat ipaglaban eh. Ang kailangan mo lang gawin, kung seryoso ka talaga sa kanya, pag-igihan mo lang ang ginagawa mo. May work ka naman di ba? Di katulad ko na back to zero. Magsikap ka lang ng husto. Ipakita mo sa kanya na kaya mo na din mag-settle down. Kasi gaya nung reply ni sir PuGeNgPuGe29, naghahanap na din siya ng lalaking makakasama nya habang buhay. Yan eh kung ready ka na mag-commit. Ako kasi ready na, kaso yung status ko as an individual ay hindi pa pwede for now. Kaya he'to todo sikap at effort ako para mabago ang buhay na hindi ko pa nagagawa dati. Hangang patunayan sa kanya na hinding-hindi sya nagkamali sa pagbibigay ng chance sa akin.
Tsaka tama yan. Panghawakan mo na lang din ang mga sinasabi nya sayo. Magtiwala ka lang. Nakakatuwang marinig yan sayo. Kasi ganyan din ang mindset ko kahit na sobrang negative ng opinions ng karamihan sa mga taong kaibigan/kakilala ko na nakakausap ko tungkol sa pinagdadaanan ko/namin ngayon. Palibhasa kasi mga naging ganun ang way of thinking nila dahil sa mga naranasan nilang heartbreaks. Silang mga taong niloko, ginamit, sinaktan, at iniwan. Nakakabadtrip kung isiisipin. Pero di naman porket nangyari na sa kanila ng paulit-ulit eh ganun na din ang sa atin. Iba-iba tayo ng kwento ng buhay. At lalong iba-iba din tayo ng mindset o pag-iisip sa mga bagay-bagay. Basta tuloy mo lang yan. At gaya ng ginagawa ko ngayon sa girlfriend ko, kahit na anong hirap at sakit pa, maniwala at magtiwala ka din sa girlfriend mo.
Sa tanong mo naman kung lahat ba ng pagmamahal ko nasusuklian naman ba? Naku naku! Yung girlfriend ko, hindi lang nya nasusuklian, sobra-sobra pa yung ibinibigay nyang walang kasing tulad na pagmamahal sa akin na walang hinihinging kapalit. Sobrang dami na nyang nagawa para sa akin. Kung ikukumpara sa naibibigay kong pagmamahal sa kanya, walang-wala yung sakin. Sobrang ma-effort, understanding, mapagmahal, lahat. Tinanggap niya ako kahit na ganito lang ako. Minahal niya ako kahit ganito lang ako. Binigyan nya ako ng chance kahit ganito lang ako. Puso ang ginamit niya sa pag-pili sa akin at hindi utak. Di ako religious na tao pero sya yung hiniling ko sa Diyos na ibinigay nya agad sakin kahit di pa ako ready. Di ako nagsisisi na dumating sya agad. Nagsisisi ako dahil ganito pa din ako hanggang ngayon, pero binabago ko na at inaayos ko na. Minsan lang dumating sa buhay natin yung tao/babae na para sa atin talaga. Alam mong sya na yun dahil mararamdaman mo naman. Kaya hindi ako papayag na tuluyan syang mawala sakin. Hindi ko talaga kakayanin. Alam ko sa sarili ko, nakapag-decide na ang puso at isipan ko na sya na, sya na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, hanggang sa huling hininga ko.
At ano naman ang importante sa isang relasyon? TRUST/TIWALA.