Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

USANA Member here. Although inactive for time being.

Business nga diba? Hindi ka naman kikita kung hindi ka kikilos, products palang kikita kana kahit hindi mo gawin yung "looking for partners" or the downlines kung baga.

minsan hindi ko maintindihan baket need mangkidnap ng tao for invites? sa usana (ibang team) ginagawa din nila yan which is hindi ko gusto... anyways, strategy nila yan.

saka kung business minded ka... dapat alamin mo muna yung capacity ng company na sasalihan mo. yung credibility. do the research. compute , do some calculations. kung yung investment in return maibabalik sayo in the very soonest time. (1 week)

sa una lang naman mahirap yan...kaya lang naman nagiging negative yung isang tao, dahil konting hirap, nag rereklamo na... think positive that's the key paano makasurvive sa MLM. Hindi lahat ng MLM scam or not true to their word. :)

before USANA i was invite to many MLM company, pinag aaralan muna yan... saka kung may nakikita kang mali sa company plan, well thats not for you.

Hindi lahat ng networking company parepareho... aralin ninyo muna... baka mamaya invest lang ng invest ang tao pero wala ka tlga nakukuha in return.. magtaka ka talaga.. hindi networking yun... SCAM YUN!
 
Last edited:
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Share ko lang experience ko, may nag-aya sa akin dito sa amin may ari ng GYM at networker din, kinukulit ako, kesyo may event daw at gusto nya ako ayain etc. tapos nung nagtanong-tanong ako, yun pala eh MLM company, highblood kasi ako sa mga MLM na yan, binalikan ko yung may ari ng GYM dito (take note dati ako nagbu2hat dun sa GYM nya pero di na ngayon, bakit kamo? halos lahat ng mga loyal customers nya eh nilalayuan na sya dahil sa pagiging networker nya) to continue my story... binalikan ko, kinuha yung 50lbs. na plate at hinampas sa likod nya, ayun walang nagawa, kilala kasi family namin dito at ipapatumba ko pag pumalag eh..

same story with the 2nd networker, ganun talaga inis at galit ko pag may aaligid-aligid na networker sa akin..

TRUE STORY.
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

We're currently hiring data entry personnel from all over the world. The only requirement to work for us is to have a computer, an internet connection and the ability to type over 30 Words per Minute. You decide when to work and for how long, The faster you type, the more money you earn!

How much you earn depends on how much you work. Our top typers earn between $100 and $250 each month!Our Rates start from $0.50 for each 1000 words typed and can go as high as up to $1.5 for each 1000 words typed. We Pay through Debit Cards, Bank Checks, Paypal, Webmoney, Liberty Reserve and Western Union.

Copy paste this to your browser and start EARNING your own CASH online!

http://www.protypers.com/?id=62H1
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

mga sir, yung mga frens ko kasi nahumaling sa AIM Global...lahat sila gus2 akong i-recruit...ok ba talaga yun?? nega kasi ang dating sa akin ng networking eh..i would prefer retail n lang..pero kinukulit pa rin nila ako hehehe...

Maraming MLM ngayon. Pag-aralan mo. Pinsan ko sa Cabanatuan member niyan. Ok naman sila. Earning. Ako naman sa Nu Skin. Mejo di earning kasi komportable pa ako sa work ko sa office pero nagreretail lang ako.

Don't hate MLM's kasi legit naman ang MLM eh kasi kung hindi ibi-nan na yan sa buong mundo. Piliin mo lang ung sasalihan mo kasi may mga nangloloko nga. Tsaka same lang naman ng trabaho ang MLM eh. Kung hindi ka papasok sa trabaho mo hindi ka susweldo. Same sa MLM, kung hindi ka kikilos wala kang kita o komisyon. May recruitment din sa traditional na trabaho. Ung pag-aapply mo sa pinagtatrabahuhan mo ngayon (kung nagtatrabaho ka na ha) eh hindi ba recruitment process un ng nung company? Di ba same lang na may recruitment? Magkaiba lang ang process. Ung ibang networkers kasi kasi pumapangit eh nanloloko o kaya naman eh namimilit. Nakakawalang gana talaga. Imbis na bigyan mo ng chance na silipin o pag-isipan eh hindi na tuloy. hehe

And ang difference pa eh pag na-establish mo ang network/team mo magiging passive income na siya. Ung tipong kahit tulog ka kumikita ka ng pera at maipamamana mo sa kaapo-apohan mo. Unlike sa employment til 60-65 ka lang sa kompanya. Swerte mo kung 70 eh di ka pa sinisipa. hehe Hindi mo rin mapapamana sa anak mong cum laude ung posisyon mo kahit na ikaw ang may pinakamaraming merits/awards sa kompanya niyo.

Gusto mo magretail? Sigurado ka? Networker din ako. Aalukin kita ng retailing kung dun ka komportable. PM mo lang ako kung talagang interesado ka.
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Ingat lang po kayo sa Scam companies.

Di porke nakidnap ka sa isang Networking company, wala nang integridad. Eh bakit pag nakidnap ka para sa inuman, gimik, or gala, di ka naman tumatanggi.

Diba maswalang integrity ung mga gawaing un?
Minsan kailangan talaga mangidnap kasi Filipinos are so close minded. I wont say sorry. Utak empleyado kasi.

Ingat lang kayo sa mga MALING COMPANY at MALING TAO.

Pasalamat ka nga dapat sa business ka nainvite eh

Kaya nga diba mas ok na wag silang kidnappin kasi nga close minded na? Pano pa nila iintindihan o maiintindihan ang purpose ng pagkidnap mo/natin diba eh close minded na nga? Mapapasama lang lalo image nating networkers nun.

Merong ilan na working ang kidnapping. Kasi pag sinama at pinresentan mo naliliwanagan ang isip.. Eh panu ung mga taong nasabi mo na close minded at utak empleyado? Eh baka magkagalit lang kayo diba?

Kaya ako kung ayaw at tumanggi ok lang. Di ko naman kelangan ng partner na pipilitin ko pa para lang kumilos para sa sarili niyang negosyo at kinabukasan eh. Kung di niya nakita ung opportunity na nakita ko eh problema niya na un basta nagawa ko ung part ko na ipakita un sa kanya. Hanap na lang ulit ng iba.

:pray:
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Muntik na rin akong sumali diyan. Kasi galing magsalita ng mga speakers nila, parang na suspended yung critical thinking ko. Pero nung sinabi nung speaker yung about sa Benta, Utang, Sanla (BUS) nagising ako. It's so unethical and distasteful for them to encourage people to Benta, Utang, Sanla para lang ibigay sa kanila for products na di naman kagandahan.

Hehe.. Ok lang naman magbenta, magsanla o umutang para makasali. Bakit? Kasi kung naniniwala ka naman sa MLM Company na nagsabi niyan sayo na magagawa mong maibalik ung ipinuhunan mo walang masama dun.

Diba nga tayo din naman minsan binebenta natin luma o ginagamit nating cellphone para makabili ng bago?

Kung utang naman, good depth naman ang tawag jan kasi ininvest mo naman ung inutang mo para kumita na later on eh ung kinita mo siya ring ipambabayad mo sa inutang mo.

Ang mga negosyante nga eh umuutang sa mga bangko para sa negosyo nila eh... Unethical bang masasabi un? Kapitbahay namin isinanla ung isang tv nila para mabilihan ng sidecar ung motor nilang pantraysikel para maging pangservice sa school. Unethical ba un?

Business din po kasi ang MLM. Kelangan ng puhunan para makapag-umpisa. Unethical kung hindi mo maibabalik ung mga hiniram o inutang regardless kung san ginamit ung inutang. Di ba?

Sa produkto naman eh gaya nung nasabi ng isang nagpost yan ba eh ung MLM company mismo ang nagmanufacture o may kinukunan lang sila or nag-rerebrand? And worst eh mabibili mo rin sa malls o dept stores like Avon though sila ang manufacturer.

Masasabi nating maganda ang produkto:
1. kung sariling gawa nung company
2. monopolised ng company ang products (sa kanila/distributors lang nila makakabili. wala sa malls o market)

Ngayon kung tulad yan ng Vitamin C eh nakoooow!!! Ang dami sa Mercury Drug nun!!! At kahit saang botika makakabili ka... eh di nga maganda ang product nila.

Sana po nalinawan kayo..
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

hehe..Nice thread. a BEWARE thread but advertises an MLM (Networking) Company. Eye catching! :clap: Should also include the list of legal MLM companies and the non-legal ones so that people will be really aware.
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

tnx dito sa thread mu ts dmi mtutunan un iba :clap: :clap: :clap:
tama ka nakakasakit ksi un iba sasabihin na part tym job tas incomplete nmn un details... nbiktima na ksi ako dati hahaha
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Ayos tong thread mo TS..may mga nabasa din akong mga comments..naexperience ko din to..3rd yr College pa lang Ako way back 2007..Sa NU SKIN ako nun..Mahirap tlaga Mag invite lalo na kong sa2bihin mong networking..Kaya wala rin me nagawa kundi sabihin na Part-time job tapos ung details pagdating na lang sa Office..Hindi ako Kumita..Nabenta ko lang mga Products..sa Likod kasi ng Mega ung Office..Malayo ung nilalakad..tama din parang nawawala mga friends mo..and muntik na pati yung Gf ko pati na din studies ko kasi parang sa sobrang kagustuhan mong Kumita gagawin mo ang Lahat..kaya binetawan ko na yung MLM..Focus na lang me sa Stud ko nun..ayon nakagraduate me ng College tapos Working na ko Now sa MAkati,tapos ung Gf ko nun..Asawa ko na ngayon..tapos nakakatuwa kasi nainvite nanaman ako Sa USANA naman dis year lang ng Frend ko Sabi nia part-time din treat pa nia me sa Greenwich before punta sa office eh katabi lng pala nun yung Office sa Enterprise Bldg. sa Makati..Yung ginawa ko nun ginagawa saken ng frend ko..kinkulit ako,tenetext ako na pwede daw icredit card yung package..ayon..sensya na ah..Nobela..:)
 
ang ganda ng story mo sir! God bless your family. :)
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Hindi naman talaga scam, HOWEVER...

Ang hindi ko lang talaga maintindihan is pati yung inaakala mong friend mo, lolokohin ka. And hindi pa niya dineretso na sa UNO(no offense) rin pala kami pupunta. She even told me na ang work daw is encoding or something else, depende sa skill ko. Nakakadisappoint kasi dun mabubuo yung impression mo sa isang company eh, dun sa mga employees nila. Syempre maiisip mo na ganun pala ang tinuturo sa kanila, ang manloko(sorry for the term) even their own friends. Dahil dun, medyo nawala ung trust ko sa friend kong yon. Wala namang masama kung sasabihin niya kung ano yung company eh, natatakot ba siya na baka tumanggi ako? Sa paraan pa lang niyang yun, how can she earn trust from me, diba?

Second thing is they do not specify on their ads na kailangan pala magbitaw ng pera para maging member. Try to think of this, naghahanap ako ng summer job kasi wala akong pera this summer and nahanap ko ung job na inooffer nung isang company, nagtaka ako and i even asked the employer kung guaranteed ba ang sweldo to be an encoder? Well, the employer said that my questions would be answered only on the orientation. Isang tanong lang yun, and i need an answer kasi malayo yung place nila, but hindi nila masagot. And kung ang sinabi nilang work is encoding, dapat encoding talaga hindi yung magpupurchase ka tapos magbebenta ka, or magrerecruit ka to the point na pati yung mga kaibigan mo ay magagawa mo nang lokohin. A sad fact. And kaya nga naghahanap ng work is to earn without giving money kasi nga wala kang pera to start with. Kaya nga naghahanap ng trabahi is para hindi ka mangutang ng pera or magsangla ng bagay na meron ka, diba?

Third is, kaya rin ako nagrefuse na sumali sa networking like that of UNO is because wala pa akong kaibigang nakitang kumita, and they're the ones who even tell me not to join. For me, hindi ako magsasayang ng pera sa isang negosyong maraming negative feedbacks para lang ako ung magbibigay ng pera sa parents ko, i-treat sila kung saan, maka-earn within a short span of time, kung even yung parents ko na ang nagsasabi na hindi bale nang mapabilis ang pagyaman mo, basta hindi ka nanloloko ng tao at may maganda kang pinagaralan at may trabaho kang marangal. Kasi hindi naman ako matatanggal sa trabaho kung hindi ako gagawa ng masama sa mga workmates or boss ko. They keep on telling me like that, maging mabuti lang daw ako, masaya na sila kasi may mga pensyon and savings naman sila kasi they're working in big companies like Petron(not to show-off). And through that, hindi man mapabilis ang pagyaman ko, at least may kasiguraduhan sa loob at puso ko na mageearn ako at makakapagipon ako dahil nagtapos ako ng pagaaral at mabuti ang kalooban ko.

I'm still an undergraduate from UP, and I'm not yet working. But my job is secured already by the time I had already graduated since my dad is an employee, over 40 years, at Petron.(not to boast) He's keep on telling me that I just love what I am doing, and at the end I will succeed.

I just want to tell you guys na wag nating sayangin ang ating pagaaral kapalit ng isang hindi siguradong oportunidad. Hindi masama ang mga business, pwede natin itong gawin part time, pero dapat sumugod tayo sa isang laban kung kailan handa na tayo at kung kailan alam nating kapag natalo tayo, eh may sure na babagsakan tayo. And that's the purpose of our education.

And lastly, huwag na huwag nating sasayangin ang trust na ibinigay sa atin ng mga kaibigan natin. Wag nating isugal ang trust na iyon para lamang sa personal nating kaligayahan. Ang pera ay madaling maubos and mahanap. Pero ang trust, mahirap mahanap pero it's ETERNAL, hindi matutumbasan ng kahit na magkano.

This is my very honest opinion that I want to share to you guys, from my heart. Maaaring isa lamang akong college student, pero ito na ang naiintidihan ko sa buhay.

Just remember, you just gotta love what you're doing.
Kung love mo ang MLM, just strive, pero wag manloko ng tao.
Kung love mo ang trabaho mo as an employee, just strive, pero maging isang mabuting tao. :)
 
Two Thumbs Up ako para sayo Sir...
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

I'll be honest.

I'm not stating na scam ang MLM/networking. At alam ko din na talagang kikita ka dito kung maparaan/matiyaga ka.

I'm not trying to bash dun sa mga networkers na kumikita. But let's face it: not everybody who tried this eh nagsucceed. Bakit? Madaming reasons. Ako I will admit na di ako sumali. Why?

My highschool classmate asked me and my boyfriend to attend this seminar. (Well at least she did tell me na seminar yun.) She did not give out any more details aside from that.

She told us na ONLINE ADVERTISER yun (and by that time -- I think it was around summer break last year -- wala pa kong alam sa mga ganito), part-time and stuff. Pumunta kami ng walang pera, at dahil nga kami pumunta eh gusto naming mag-earn by applying for a job.

Nung nandun sa seminar, okay MLM. I'll try listening, never heard of this pa eh. I was really convinced that time. But nung sinabi nila na need ng membership fee, ayun nagkick in na yung negative thoughts.

Fast forward, tapos na yung seminar. Sa group namin puro students nandun. Yung tatlo, nagbackout na while the man who I assumed was a team leader or something was talking. I can't blame them naman, they came here looking for a chance to APPLY FOR A LEGIT JOB tapos MLM lang pala. May isa pa kaming kasama, I think housewife siya medyo intimidating pa nga hitsura niya eh, she was peeved by the fact na she was foole

So in the end, only me and my boyfriend we're the ones left with them (due to Mother nature suddenly wanting to mess around -- it was raining so hard that night grabe). Turns out puro students din pala members sa "team" na yun. Okay naman chat time namin with them, students pala sila ng Las Pinas branch ng college namin.

In the end, my boyfriend refused. Ako naman I decided to think about it (but in the end I backed out na rin).

Kasi may 1K membership fee. For an incoming second year student na galing sa below average na family, with only one breadwinner (my Mom who works as a promodizer) and nagbubuhay ng apat na tao (three siblings and my grandma), nagpapaaral, nagbabayad ng bills -- I dunno where to get that 1K. Benta, utang or sangla? The hell I don't even own something na aabot ng 1K.

I know this is risky and may chance na tagalang kumita ako if I put a lot of effort into it. Pero I decided not to take the risk.

I'm not generalizing pero I don't want to sacrifice my morals and ideals at manloko ng tao (business techniques, etc.) for money. I know my morals cannot feed a family, pay the bills, and buy items for luxury, pero I'd rather stay dignified and guilt-free.

Maybe one day I'll try again dito sa line na to. In a company kung saan di nangloloko and kidnap just for money and potential members lol. For now I can say na di ko linya ang MLM.

Again, I'm not generalizing, siguro minalas lang ako with my first experience sa networking.
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

tinatamad ako mag google, correct me if im wrong, diba ganito ang sistema nila, kikita lang ng malaki ang isang member pag nakarecruit ng bagong member? wala dba mapapala kung bebenta mo lng yung product na nakuha mo kasi ang labas nung parang sari sari store ka, kasi example, 1k membership, 1k worth din yung product na mukuha? o baka nga walang pang 1k worth nun. ngayun kung tama ako, sino ba maiisip mong irecruit, natural kakilala dba? pwedeng kamag anak, kaibigan, kaklase o kapitbahay. ngayun ang tendency, pag yung narecruit mo ndi kumita, mababadtip yan, lalo na pag malaki membership, again tinatamad ako mag google :) parang 3k and up membership sa mga ganyan, malaking halaga dba, ang tendency, yung nirecruit ko, makakaramdam yan pag kainis, pwedeng sumama loob nya sakin kasi feeling nya niloko ko sya. tama dba??
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

mga makikitid lang na tao ang nangninira sa networking..
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

ang masabi ko dyan sa multilevel marketing, pagmatiyaga ka tlaga kikita ka, un nga lang ang kaibahan ng multilevel marketing may mga membership fee, sa realestate if nagrecruit ka walang membership fee, at malaki ang earning opportunity, hindi man biglang milyonaryo but if mahaba ang pasensya, matiyagang magentertain ng client, malaki ang opportunity to earn, then lahat ng training libre, at may libre pang merienda or lunch, i started to recruit people 2years ago, at ang mga nirecruit ko thankful sakin ksi tinuruan ng realestate business,wlang malaking investment but they earn, puhunan time,effort, syempre gumastos din sila sa pang araw araw na mga trippings fud nila, but at the end of the day they earn parin..un ung pagkakaiba, ung nirecruit mo nagpapasalamat syo ksi tinuruan mo sila na matuto sa negosyong ito...at for sure di nila iiwan ng basta basta....but in mlm, if they not earn, sisisihin ka nila, sa mga interested sa realestate business, text lng ako... 09155956080, 09237382253

:salute:
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

up...maganda itong thread na ito...SANA PO MA PINNED POST ITO>>SALAMAT PO:)
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

tnx xa info mga upline...
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Okay lang talaga ang MLM pagka pag invest mo palang kita muna ang kapalit kahit hindi mo gawin ang negosyo..yun yong hindi ka lugi!!
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Sabi na nga ba, i was right ever since.. wawa naman mga classmates ko.. haha the higher the interest the higher the risk na scam pag dating sa pera..
 
Back
Top Bottom