Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano ang Naiisip nyong Business sa 10k o 20k?

Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?



@raketer.. :thanks: for posting...

 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?


Ano po ba naiisip nyong Business sa 10k o 20k?:noidea: Share nyo ung idea nyo,and pls.be serious in posting here.. :approve:
Kahit ano po basta yung makaktotohanan ha.. Hindi yung basta na lang ok?



magfoodcart business ka po, or franchise... meron po ko alam na affordable foodcart at kayang kaya ng bulsa pwede ka pang magpart time while having your foodcart...
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

maliit na karindirya po..:D, kasi maliit lang po puhunan mo.. idagdag mo pa ang pwesto at buwis..:D
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

Hey Pareng Blood, may thread ka palang ganito :clap:

Anyway, ako pare medyo mahirapan magsuggest kasi limited ung capital na namention mo.

Pare di ako nagbackread so di ako masyado familiar sa mga napagusapan nyo dito.

Ask ko lang kung anong type ng business ba ung target mo? Yung fixed at stationary sa isang lugar talaga or mobile? If may nakapuwesto ang target mo, tanong ko, may puwesto ka na ba or balak mo magrent? Malaking tipid kasi pag may sarili ka ng puwesto para di na upa (dagdag pa un sa gastos, mahirap since hanggang 20k lang ang capital).

Identify mo rin kung ano resources meron ka. For example yang pc mo, sayo ba yan? Kung sayo, pwede mo pagkakitaan (burn ka, download songs vids etc, games para sa mga psp, kahit na anong ginagawa ng mga internet cafe na added services, gawin mo) and pwede gamitin as vital part sa magiging business mo.

Anyway, goodlulck sa future business pare :thumbsup:
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

lending bro. kaso piliin mo lang yung taong papahiramin mo.
ang pinaka kita mo dun ung interest.
sakin 10% a month ang interest. so ung 20k mo magiging 22k in a month. tapos idagdag mo na lang ung 2k interest mo sa pautang mo.until d mo namalayan malaki na pala capital mo.
advise ko lang pahiramin mo lang yung mga may trabaho. tska hindi dapat lalagpas yung papahiram mo sa net salary niya.
easy way eh humanap ka yung mga eployee na nagwwork sa isang place or company like hospital, parlor,restaurants, palengke etc.
ako sa hospital hawak ko.
hit thanks if nakatulong ;)
 
Last edited:
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

I just want to share how i started my business. this is how i start.

first resources:

well syempre most naman ng studyante may pc na sa bahay. my parents was also a "internet" addict so may dsl line kami.

second skills:

graduate ako ng computer science, ang specialty ko ay software development, website development at graphics.

third contacts:
be humble at first.. pag may friends or relatives ako na nagpapagawa saking ng website/software, i charge them for free (tip lang ang bayad hehehe).. if you served them well, sila na bahala magdala sayo ng "tunay" na clients dahil irereffer ka nila sa mga kakilala nila (like their friends, office mates, school mates, etc)

to make things short:
puhunan ko: 0.00php.. dahil may pc at internet sa bahay
real puhunan: skills..strategy..time management..

that's how i started my own business. ngayon ang mga clients ko na is from US and UK na.. i have my own website, i even host websites.
nakabili narin ako ng sariling pc at laptop, ako narin nagbabayad ng dsl at electric bills dahil naka bukod na ko. (im living on a condo at central ortigas)

ok naman ang ang kita.. $2000 - $3000 per month ang kita ko ngyn. take note DOLLARS.
also, my work only consumes 3-4hrs per day. kaya nagttrabaho pa ko sa company sa ortigas as a system developer. ang sahod naman dun ay hindi bababa sa 40k php.

im not boating what i have today. gusto ko lang mag serve itong inspiration sa iba, or better maka kuha kayo ng idea.
it's not necessary kung gano kalaki ang capital mo.. as long as skilled ka, may strategy ka at masipag ka..


thanks for reading, sana makatulong. feel free to ask me din..:beat:
 
Last edited:
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

by the way, im just 22yo ;)
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?


:thanks: sa mga nagshare ng ideas nila.. I'm earning muna habang nagwowork ako, baka nga lending na lang muna at buy in sell ng cellphone.. :giggle:
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

t shirt printing
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

suggest ko lang na anything related to your insterests..

mas maganda kasi pag naeenjoy mo ung business mo... xD

kainspire naman si boss ianjoy10... :salute:

panu ba un? net addict din ako eh.. :lmao:
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

May mga nag ooffer ng dealership for only PhP 7,699.00 sa First Vita Plus. For more info http://sulit.com.ph/2674920 Btw, Legit po ang company na ito. Wag na kayo mag dalawang isip dahil kahit i-search nyo pa sa google ang Keyword na "First Vita Plus" ay maraming nag ddealer nito sa iba't ibang dako ng pinas. Madaling ibenta ang produktong ito dahil ito ay nakakatulong sa mga mahal natin sa buhay na may karamdaman.
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

eto po ang kasagutan

10k to 20k business capital

ang kelangan sa business ung liquid tuloy tuloy ,hinde ung pang isahan lang..

isipin nyo ano ba ang binibili ko pag galing ako sa trabaho? sa halagang 20,50,or 100?

di ba pagkain? tama po ba?

kung malakas loob nyo pwede nyo ipuhunan yan sa Food business

gaya ng IHAW-IHAW. barbecue,isaw,pakpak ng manok, liempo at bangus na inihaw

kelangan lang masarap,magaling ka mag marinate at mura ung tinda mo kahit 20%-40% lang tubo kada isang ihaw aus na un!

example barbecue 8 pesos each then benta mo ng 12 pesos
makabenta kang 100 pcs a day meron ka ng 400 pesos agad na tubo
sa isaw 4 pesos benta mo 6 pesos
makabenta ka ng 100 meron ka ng 200
katulad din sa iba!

mas madaming benta mas malaki kita.
pag malakas na ang demand pwede ka na magtayo sa isa pang lugar kukuha ka ng tauhan at porsyento han ang pa sweldo. per/ihaw

pwede ka din magtayo ng katabing fishball/kikkiam/squidball/soimai.

1000-2000 pwede kitain depende sa benta mo.

NOTE:ipwesto mo malapit sa babaan ng sasakyan,sa palengke, ang imprtante ngaun me kumikita ka.small business yan akala nila. pero ang kita BIGTIME!
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?


:Thanks: at nagkaroon na naman ako ng idea plano pa lang ako para makaipon ng sariling bahay.. Mejo nasa 20+ na kasi kelangan na maging praktikal buti single pa ako.. :giggle:


 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?


:Thanks: at nagkaroon na naman ako ng idea plano pa lang ako para makaipon ng sariling bahay.. Mejo nasa 20+ na kasi kelangan na maging praktikal buti single pa ako.. :giggle:


 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?

i have a restaurent business doing 20k in irvine though
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?


Up ko lang para makadagdag tulong sa iba at magkaroon ng idea.. :)
 
Re: Naiisip nyo Business sa 10k o 20k?


Guys, maraming salamat sa mga nagpost dito :thanks: i hope nakatulong din ako sa mga newbies na gusto magbusiness, sana nakatulong yung thread ko po.. Hit thanks na lang if nakatulong ako sa inyo.. :rock: keep sharing guys :rock:
 
Back
Top Bottom