Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.
All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!
dito sa mundong panay kasinungalingan
naglalakbay ngunit walang patutunguhan
matatawag mo bang isang kamangmangan
nangangarap tungo sa kinabukasan
habang tinatahak ang landas na napili
kay dami ng huwad na mga nagkukibli
landas ay gustong dalhin sa pagkakamali
ngunit ito'y nalampasan hanggang sa huli
ngayon nga at kita na ang kinabukasan
biglang natigilan dahil sa natuklasan
kinabukasang pilit ipinapaglaban
walang patutunguhan kundi kadiliman
matatawag mo ba ito na kahibangan
ang maglakbay patungo sa kinabukasan
nilaro ng tadahanang sadyang mapanlinlang
hangang huli'y pinaasa ng kataksilan
ngayong antok ko'y nawala na
makalikha kaya ng isang tula
di na lalagyan ng pamagat
bahala na kung ano man masusulat
paano nga ba pag nagtalo na ang puso't isipan
sino ba ang pakikinggan, sino ang pagbibigyan
ito bang isipang tama ang pangaral
ito bang pusong puro kung magmahal
utak nasa taas, puso nasa baba
utak ang sundin pagkat ito ang tama
bagkos masakit man, di mo ito ikakasama
isip ay may basehan, di basta nadadala ng nararamdaman
oo nga at puso ay nasa baba
yan ang katunayang itoy mapagpakumbaba
handang masaktan, handang masugatan
gagawin lahat, minamahal wag lang lumisan
alin nga ba ang pakikinggan
alin nga ba ang pagbibigyan
ang isipang ika'y di papabayaan
o ang pusong handang masaktan
ngayong ako ay nakapag limbag na
ako naman siguro ay tutulog na
aking mata'y mumukat mukat na
ito ay aking ipipikit muna
Kaibigan, ramdam ko ang iyong kalungkutan
Ang Pag-ibig talaga ay sadyang ganyan kung minsan
Minsan kasiyahan ay lampas hanggang kalangitan
Minsan kalungkutan ay lagpak hanggang kailaliman
Sadyang ang umiirog ay ganyan
Minsan kayo'y naglalambingan
Minsan kayo'y nagaalitan
Ang mahalaga kayo ay may pagkakaunawaan
Di lagi parang tumama sa lotto
Kung saan ngiti mo ay todo todo
Minsan ay mauumpog ka din sa bato
Kung saan hikbi mo ay di maiitago
Mga oras na kayo'y nagkasama
Minsan iyong maaalala
May alaalang sa iyo'y magpapangiti
May alaala din naman sa iyo'y magpapahikbi
Basta ito kaibigan, iyong pakatatandaan
Ang pag tangis ay natural lamang
Pero wag mo namang lilimitan
Muli ika'y bumangon mula sa kapighatian
Tulad ng gabi, yang kadiliman ay nadaan lamang
Dadating din ang umaga, liwanag muli mong masisilayan
Mula sa iyong kapighatian, May bukas na sa iyo'y nakaabang
May magandang plano na sa iyo'y nakalaan
iba talaga ang galing ng pinoy!
Salute!!! po sayo sir more...
gawa ka patungkol sa SAHOD (salary) he he ganito yun eh tatlupung araw na inantay apat na linggo na... di ko na alam ikaw na magtuloy
iba talaga ang galing ng pinoy!
Salute!!! po sayo sir more...
gawa ka patungkol sa SAHOD (salary) he he ganito yun eh tatlupung araw na inantay apat na linggo na... di ko na alam ikaw na magtuloy
o sahod bakit naman ikaw ay ganan
ako ay masyado mong pinagkakaitan
apat na linggo kitang pinaghirapan
ika-tatlumpo na ika'y di pa matanawan
o sahod bakit naman ikaw ay ganyan
kakapiranggot na, di pa mapag bigyan
nakapila na kailangang bayaran
tingin ko nga ikay dadaan lamang
o sahod bakit naman ikaw ay ganyan
ikaw naman ay aking pinaghirapan
dugo't pawis ang aking puhunan
o sahod kailan ka ba makakamtan
o sahod kay tagal na kitang iniintay
sa iyo bulsa ko ay nakasalalay
pag wala ka ako ay magugutom na tunay
pag wala ka tingin ko ito'y aking ikamamatay
o sahod kay tagal na kitang iniintay
ikaw ba talaga'y ay kanya pang ibibigay
kahit na alam kong di ka tatagal sa aking mga kamay
ako'y umaasa pa ring ika'y mapapabigay
o sahod bakit naman ikaw ay ganan
ako ay masyado mong pinagkakaitan
apat na linggo kitang pinaghirapan
ika-tatlumpo na ika'y di pa matanawan
o sahod bakit naman ikaw ay ganyan
kakapiranggot na, di pa mapag bigyan
nakapila na kailangang bayaran
tingin ko nga ikay dadaan lamang
o sahod bakit naman ikaw ay ganyan
ikaw naman ay aking pinaghirapan
dugo't pawis ang aking puhunan
o sahod kailan ka ba makakamtan
o sahod kay tagal na kitang iniintay
sa iyo bulsa ko ay nakasalalay
pag wala ka ako ay magugutom na tunay
pag wala ka tingin ko ito'y aking ikamamatay
o sahod kay tagal na kitang iniintay
ikaw ba talaga'y ay kanya pang ibibigay
kahit na alam kong di ka tatagal sa aking mga kamay
ako'y umaasa pa ring ika'y mapapabigay
kalungkutan, iyan ngayon ang nararamdaman
sa pag-iwan mo sa akin, di ko nagawang pigilan
pagtangis ng nagiisa, yan ang kabayaran
sa tuwing naaalala ka nitong isipan
di ko inaakala, di ko inaasahan
kasi me pangako kang nakatanim sa aking isipan
yun ay huli na kaya sana ika'y aking pagbigyan
pero bakit ngayon, ako'y iyong muling iniwan
di ko napaghandaan, kala ko'y huli na
di ko mapigilan, di kita naipaglaban
hinayaan kang lumayo kahit nasasaktan
pasensya na sa aking kahinaan
walang umagang hindi ka hinihiling
walang gabing hindi ka dinalangin
mag iintay na lang ng taimtim
pag balik mo dito sa aking piling
This site uses cookies to help personalise content, tailor your experience and to keep you logged in if you register.
By continuing to use this site, you are consenting to our use of cookies.