Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Mga tulang pilit, nilikha ng isip na inip na inip

2 of ???

Kahibangan

dito sa mundong panay kasinungalingan
naglalakbay ngunit walang patutunguhan
matatawag mo bang isang kamangmangan
nangangarap tungo sa kinabukasan

habang tinatahak ang landas na napili
kay dami ng huwad na mga nagkukibli
landas ay gustong dalhin sa pagkakamali
ngunit ito'y nalampasan hanggang sa huli

ngayon nga at kita na ang kinabukasan
biglang natigilan dahil sa natuklasan
kinabukasang pilit ipinapaglaban
walang patutunguhan kundi kadiliman

matatawag mo ba ito na kahibangan
ang maglakbay patungo sa kinabukasan
nilaro ng tadahanang sadyang mapanlinlang
hangang huli'y pinaasa ng kataksilan
 
3 of ???

Muli
ikaw ay lagi kong dinadalangin
Kay Bathala na Syang lumikha sa 'tin
nag susumamo sa mga bituin
sana ikaw ay muling makapiling

hiling nitong puso kong umiibig
tila ay may anghel na nakadinig
ibinulong sa Diyos ng pag-ibig
walang ano ano, ito'y dininig

sinta ako'y di makapaniwala
sa sinabi sa akin ng mga tala
ang hinihiling ko't dinadalangin
ito ay ibibigay na sa akin

puso ko'y napuno ng tuwa't saya
mundo ko ay nabalot ng ligaya
sintang kay tagal na nawalay sa 'kin
sinta ko'y muli ng makakapiling

pagkakataong ibinigay sa' kin
ito kailanman ay di sasayangin
araw araw ipadarama sinta
pag-ibig mula sa pusong anong saya
 
4 of ???

Maskara

ang gabi ngayon tila'y anong dilim
buwan yata'y namamahingang lihim
tinaguan pa ng mga bituin
langit na madilim, langit na walang ningning

sabagay, maganda na alam natin
di maikukubli, langit anong dilim
hindi kagaya ng emosyon natin
may tinatago palang mga lihim

sa mga kwentong anong saya
sa mga tawang dala ay ligaya
sa mga ngiting anong tamis
sa likod pala ay paghihinagpis

sa pagtangis na walang nakapuna
sa kalungkutang walang nakadama
wag mag alala yan ay matatapos na
kapighatian ay papawiin Nya

di lagi gabi ay anong dilim
di lagi buwan ay namamahingang lihim
mga bituin magniningning
pakikislapin langit na madilim
 
Last edited:
5 of ???

ngayong antok ko'y nawala na
makalikha kaya ng isang tula
di na lalagyan ng pamagat
bahala na kung ano man masusulat

paano nga ba pag nagtalo na ang puso't isipan
sino ba ang pakikinggan, sino ang pagbibigyan
ito bang isipang tama ang pangaral
ito bang pusong puro kung magmahal

utak nasa taas, puso nasa baba
utak ang sundin pagkat ito ang tama
bagkos masakit man, di mo ito ikakasama
isip ay may basehan, di basta nadadala ng nararamdaman

oo nga at puso ay nasa baba
yan ang katunayang itoy mapagpakumbaba
handang masaktan, handang masugatan
gagawin lahat, minamahal wag lang lumisan

alin nga ba ang pakikinggan
alin nga ba ang pagbibigyan
ang isipang ika'y di papabayaan
o ang pusong handang masaktan

ngayong ako ay nakapag limbag na
ako naman siguro ay tutulog na
aking mata'y mumukat mukat na
ito ay aking ipipikit muna
 
Last edited:
6 of ???

Bukas

Kaibigan, ramdam ko ang iyong kalungkutan
Ang Pag-ibig talaga ay sadyang ganyan kung minsan
Minsan kasiyahan ay lampas hanggang kalangitan
Minsan kalungkutan ay lagpak hanggang kailaliman

Sadyang ang umiirog ay ganyan
Minsan kayo'y naglalambingan
Minsan kayo'y nagaalitan
Ang mahalaga kayo ay may pagkakaunawaan

Di lagi parang tumama sa lotto
Kung saan ngiti mo ay todo todo
Minsan ay mauumpog ka din sa bato
Kung saan hikbi mo ay di maiitago

Mga oras na kayo'y nagkasama
Minsan iyong maaalala
May alaalang sa iyo'y magpapangiti
May alaala din naman sa iyo'y magpapahikbi

Basta ito kaibigan, iyong pakatatandaan
Ang pag tangis ay natural lamang
Pero wag mo namang lilimitan
Muli ika'y bumangon mula sa kapighatian

Tulad ng gabi, yang kadiliman ay nadaan lamang
Dadating din ang umaga, liwanag muli mong masisilayan
Mula sa iyong kapighatian, May bukas na sa iyo'y nakaabang
May magandang plano na sa iyo'y nakalaan
 
7 of ???

Kahinaan

ilang taon na ba ang dumaan
buhat ng ako'y iyong nilisan
mapapalingon na lang sa nakaraan
alaala natin, walang sawang binabalikbalikan

ang iyong paglisan
alam kong di mo kagustuhan
ngunit itoy di mapipigilan
sapagkat ikaw ang inaasahan

masakit man sa aking kalooban
pagpigil sa iyo'y di na naipaglaban
sarili ko'y wala pang kakayanan
ibigay sayo ang magandang kinabukasan

poot at pighati ang sampal ng katotohanan
aking minamahal kailangang lumisan
walang kapatawaran aking kahinaan
araw gabi, ito'y aking pinagsisihan

pilit mang takbuhan at takasan
kalungkutan hindi maungusan
kahinaang aking kasalanan
bangungot sa akin ayaw akong pakawalan
 
iba talaga ang galing ng pinoy!
Salute!!! po sayo sir more...
gawa ka patungkol sa SAHOD (salary) he he ganito yun eh tatlupung araw na inantay apat na linggo na... di ko na alam ikaw na magtuloy ;-)
 
iba talaga ang galing ng pinoy!
Salute!!! po sayo sir more...
gawa ka patungkol sa SAHOD (salary) he he ganito yun eh tatlupung araw na inantay apat na linggo na... di ko na alam ikaw na magtuloy ;-)
sir pag pasensyahan mo na...ito lang kinaya

o sahod bakit naman ikaw ay ganan
ako ay masyado mong pinagkakaitan
apat na linggo kitang pinaghirapan
ika-tatlumpo na ika'y di pa matanawan

o sahod bakit naman ikaw ay ganyan
kakapiranggot na, di pa mapag bigyan
nakapila na kailangang bayaran
tingin ko nga ikay dadaan lamang

o sahod bakit naman ikaw ay ganyan
ikaw naman ay aking pinaghirapan
dugo't pawis ang aking puhunan
o sahod kailan ka ba makakamtan

o sahod kay tagal na kitang iniintay
sa iyo bulsa ko ay nakasalalay
pag wala ka ako ay magugutom na tunay
pag wala ka tingin ko ito'y aking ikamamatay

o sahod kay tagal na kitang iniintay
ikaw ba talaga'y ay kanya pang ibibigay
kahit na alam kong di ka tatagal sa aking mga kamay
ako'y umaasa pa ring ika'y mapapabigay
 
sir pag pasensyahan mo na...ito lang kinaya

o sahod bakit naman ikaw ay ganan
ako ay masyado mong pinagkakaitan
apat na linggo kitang pinaghirapan
ika-tatlumpo na ika'y di pa matanawan

o sahod bakit naman ikaw ay ganyan
kakapiranggot na, di pa mapag bigyan
nakapila na kailangang bayaran
tingin ko nga ikay dadaan lamang

o sahod bakit naman ikaw ay ganyan
ikaw naman ay aking pinaghirapan
dugo't pawis ang aking puhunan
o sahod kailan ka ba makakamtan

o sahod kay tagal na kitang iniintay
sa iyo bulsa ko ay nakasalalay
pag wala ka ako ay magugutom na tunay
pag wala ka tingin ko ito'y aking ikamamatay

o sahod kay tagal na kitang iniintay
ikaw ba talaga'y ay kanya pang ibibigay
kahit na alam kong di ka tatagal sa aking mga kamay
ako'y umaasa pa ring ika'y mapapabigay
Yes!! Galing talaga ang bilis, Gifted talents mo po yan. Thank You sir
 
8 of ???
Hinagpis

kalungkutan, iyan ngayon ang nararamdaman
sa pag-iwan mo sa akin, di ko nagawang pigilan
pagtangis ng nagiisa, yan ang kabayaran
sa tuwing naaalala ka nitong isipan

di ko inaakala, di ko inaasahan
kasi me pangako kang nakatanim sa aking isipan
yun ay huli na kaya sana ika'y aking pagbigyan
pero bakit ngayon, ako'y iyong muling iniwan

di ko napaghandaan, kala ko'y huli na
di ko mapigilan, di kita naipaglaban
hinayaan kang lumayo kahit nasasaktan
pasensya na sa aking kahinaan

walang umagang hindi ka hinihiling
walang gabing hindi ka dinalangin
mag iintay na lang ng taimtim
pag balik mo dito sa aking piling
 
9 of ???


nakatulala sa kawalan
oras di namamalayan
pagtangis di mapigilan
naaalala ating nakaraan

alam ko hindi mo to ginusto
ang magkalayo tayo ng husto
kailangan ko pagbayaran ang kahinaan ko
kahit labag sa loob, ako ay umo-o

ano ba magiging laban ko
kung pamilya mo pinili mo
oo nauunawaan ko
sa mga prayoridad mo, ako ang nasa dulo

simula sa umpisa
alam mong ako'y iyong iyo na
yun siguro ang pagkakamali
pinaalam sayo na ako'y di mawawala hanggang huli

masaktan man ikaw pa rin
mag-isa ma'y di magtataksil
pag-ibig di tatapusin
para sayo, kalungkutan aking yayakapin
 
10 of ???

crossroad

crossroad,
its been a while,
never thought you'll be in my way,
again

crossroad,
i hope you're still far,
i don't want to choose,
again

crossroad,
whatever road i'll take,
tears will shed, pain will strike,
again

crossroad,
loneliness,
emptiness,
again
 
11 of ???

i've been wandering for so long
though i've got someone
but she can't tag along
and it feels like it's so wrong

now, as i go on,
a crossroad came along
a point of no return
should i let go or should i still hold on?
 
12 of ???

mundo ko'y nabalot ng kadiliman
buhat ng ako'y iyong nilisan
mundong ating pinangrap
nawala sa isang iglap

san ba ako nagkulang?
o baka naman ako'y may naging kalabisan?
bakit ba ako'y iyong nilisan?
ano ba ang naging dahilan?

dati umaga ko'y puno ng pag-asa
pati gabi ay puno ng ligaya
dahil ikaw ay andiyan sinta
ngutit ngayon ito'y mistulan na lang alaala

araw araw aking dalangin
sinta ikaw ay bumalik sa akin
pagkat mundo ko'y walang saysay
kung ikaw ay wala sa aking buhay
 
13 OF ???

AKO YATA'Y TILA NAWAWALA
BUHAT NG IKA'Y AKING PINALAYA
GABAY AY NAGLAHO NA
LANDAS MARARATING PA KAYA?

SA PAG SIKAT NG ARAW,
IKAW ANG NAAANINAG,
PAANO MATATAKASAN
KAHAPONG NAGDAAN?

SA BAWAT IHIP NG HANGIN
MGA ALA-ALA NATIN
PILIT BUMANALIK SA AKIN
PANO KAYA ITO GAGAPIIN?

KAHAPON AY PILIT TINATAKASAN
ITO'Y AYAW NG BALIKAN
NGUNIT KAHIT ARAW ARAW TAKBUHAN
ALA-ALA NATIN DI MAWALA SA ISIPAN
Post automatically merged:

14 of ???

sa symbianize di ko sukat akalain
matatagpuan isang binibining maka-agaw pansin
sa larawan pa laang ako nakatingin
ito'y sapat na para bumihag sa akin

buhat ng larawan mo'y nasulyapan
ito'y di na mawala sa aking isipan
ganto yata talaga pag tinamaan
napapngiti na lang sa kawalan

sino ba namang di tatamaan
sa taglay mong kagandahan
kung sa ms. universe ika'y lalaban
sigurado ako ikaw ang mag nanumber one

ganda mong tinataglay
anghel lang ang makakapantay
samahan pa ng iyong killer smile
wala na...tapos na...larawan mo na ang ipoprofile
 
Last edited:
Back
Top Bottom