Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem “Ikaw Na Ba?!” (Sana dumating ka na)

“Ikaw Na Ba?!” (Sana dumating ka na)

Pakinggan mo si tandang habang sya ay tumitilaok.
Ginigising ka nya kahit mata mo’y puno ng antok.
Si bantay ay tumatahol kapag may ibang tao.
Lalong pang lumalakas kapag malapit na sayo.

Alam mo ba kung bakit mayroon tayong mga kuko?
Upang magbigay tatag sa magagandang daliri mo.
Sa tingin mo bakit tayo may pilik mata?
Ito’y pananggalang tuwing mata’y isasara.

Kung lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may dahilan.
Makatarungan ba sa tuwing tayo ay lubusang nasasaktan.
Bawat nilikha, lahat ng bagay sa mundo ay may katuturan
Maniwala ka, di lahat ng gusto mo ay iyong kailangan.

Nagtataka ka ba bakit berde ang kulay ng dahon?
Sa mga butil na ito, pagkain nila dito ay tintipon.
Bakit nga ba ang mga bubuyog palipat lipat ng bulaklak.
Huwag kang magtaka dahil dulot nito ay pagsibol ng anak.

Ang puso ay tumitibok upang panatilihin tayong buhay.
Mga dugo’y dumadaloy sa mga ugat na magkakaugnay.
Ang utak ay nasa itaas upang lahat ay maintindihan.
Sadyang nilayo sa puso ng hindi tayo maguluhan.

Ikaw ba ang dahilan kung bakit mga puso’y pinaglayo?
Pinahintulutan ang kasawian upang tayo ay magkatagpo.
Ikaw na ba ang magmamahal sa aking ng tapat?
Dahil ako ang bubuyog na hindi palipat-lipat.

Ano man ang dahilan wala akong pakialam.
Dahil mahal na mahal kita higit sa magpakailan man.
Panalangin ko’y ikaw na sana sa habang buhay.
Hangad ko lamang ay ang pag-ibig mong tunay.
 
Back
Top Bottom