Re: JOGGING tayo!! OFFICIAL Jogging Tambayan! For Health conscious, Beginners, PRO
Hi guys! Nag 10K long run ako kaninang umaga, medyo kumikirot yung tuhod ko halos puro up hill kasi ako kanina. Masarap na masakit.
~
And btw..
*drumroll*
I lost 5 lbs. !
~
Hello sa mga bago.
Sana hindi lang kayo literal na tatambay.
Share din po kayo ng experiences n'yo regarding your jog/run/etc.
Yun oh! 5 lbs.
Ako kaya kailan naman magge-gain ng 5 lbs. Haha...
Hello sa mga bago dito sa thread. Enjoy!
gustong gusto ko mag jogging pero nangyayare napapasarap ako sa tulog at hindi na gigising!
kulang ako sa motivation hahaha
Mag-alarm ka Sir ak0Sicarl0. Tapos kalimutan mo na ang salitang 'Snooze'.
Dati hirap din ako gumising sa umaga, pero ngayon nasanay na yung sarili ko mas nauuna pa nga ako gumising kaysa sa alarm clock ko.
--
In other news, natapos ko na basahin yung "
Born To Run" ebook kagabi.
Ang ganda. Pakiramdam ko napapanuod ko yung binabasa ko.
Share lang ako ulit ng information na nabasa ko sa book.
In early human days, hinahabol lang ng mga unang tao ang mga hayop na magiging pagkain nila without using any bow-arrow or sphere, tanging mga paa lang nila at hindi nila kailangan saktan ang hayop na kakainin nila. How?
They call it "Persistence Hunting", halimbawa ang isang deer ay hinahabol lang nila, hindi sila nakikipag-unahan, sapat lang na makita nila at matakot ito. Hanggang sa ang deer na mismo ang sumuko. Mag-co-collapse yung deer. Why?
1.) Sweat glands - kaunti lang ang sweat glands ng mga hayop kaysa sa ating mga tao, hindi sila nakakapaglabas ng maraming init hindi tulad natin na sobrang nagpapawis. At dahil hindi sila nakakapag pahinga to cool down sa paghabol sa kanila, nag-o-overheat ang katawan nila which cause them to collapse and die.
And
2.) Breathing - Imagine paano tumatakbo ang deer/cheetah/kabayo. Diba parang naka-stretch yung apat na paa nila, which is equivalent na yun sa isang breath. At dahil mabilis sila tumakbo, mabilis din sila huminga. Unlike sa atin we can breathe after every two or three strides ng ating mga paa. Yung paghinga ng ganon kabilis ng mga hayop ay syempre may limit din. 10 - 15 kilometers kailangan na nila mag-cool down para magpahinga or else collapse. Ang mga early humans kayang tumakbo ng mas matagal pa kaysa sa mga hayop. Sabi sa libro ang mga tao daw ay not built for speed but for endurance.
Pero syempre ang mga hayop kaya ka naman nila utakan, magtatago sila o kaya makikisama sa maraming kauri nila para malito ka. Doon na papasok ang knowledge ng humuhuli sa hayop.
Pero isipin mo nalang diba, mas kaya mong tumagal sa takbuhan kaysa sa kabayo.
Another thing is meron tayong mga parte sa katawan natin na meron din ang mga hayop na tumatakbo.
1. Achilles tendon - nasa may likod siya ng heel natin na nagdudugtong sa calves at paa. Na-pwedeng maputol kaya may injury na tinatawag na Achilles Tendinitis.
And
2. Nuchal Ligament - nasa may likod siya ng leeg natin.
Base sa research hindi mo makikita ang mga yan sa mga hayop na naglalakad tulad ng baboy.
Ang sarap basahin ng libro, ipapakita niya talaga sa'yo na you are really born to run. It just doesn't deal about running but also deals greatly about life.
Bibili ako ng paperback form ng libro, magandang basahin ulit at collection.
I'll leave you a quote from the book.
"The reason we race isn't so much to beat each other. He understood, but to be with each other."