Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

™OFFICIAL JOGGING TAMBAYAN!™ JOGGING tayo!!

ilang araw narin ako walang jogging pero nagbibike ako uphill 9km po. Sa sunod na week jogging uli ako. Laki na improvements ko po 33 minutes ang 7km walang lakad po yan. Gusto ko pa bumilis po at lumakas pa resistensya kaya sinasamahan ko ng pagbike uphill.
 
Sir plax98, payat din ako; at sa tingin ko mas naging ok yung katawan ko simula nung tumakbo ako, kain lang ng kain basta yung healty. :)

About sa weights -- if I may, hindi ako sure kung advisable para sa mga nag-uumpisa tumakbo, alam ko may gumagamit din ng weights dito sa thread nalimutan ko lang yung pangalan. :slap:

Kung gusto mo tumakbo ng mabilis meron din namang ibang way na hindi mo na kailangan mag-suot ng weights.
May tinatawag tayo na Hill Repeats
Ang routine nito is jog/walk ka pataas then takbuhin mo siya pababa. Ang improvement nun is bibilis yung turn-over ng mga paa mo.

Another tip is pag-tumatakbo ka, halimbawa pag-tapak ng kanang paa mo sa lupa itaas mo agad; at itapak mo naman yung kaliwang paa mo. Short distance pero mabilis yung turn-over ng mga paa mo.

Meron din tinatawag na Intervals
Halimbawa sprint ka ng 800 meters tapos jog/walk for one to two minutes; na lima or walong beses mong gagawin.

Meron din tinatawag na Kilometer Repeats
Halimbawa naman is tatakbo ka one kilometer then jog/walk ng mga two to five minutes.

Meron din tinatawag na Fartleks
Ang style naman dito is ikaw ang bahala. Halimbawa, tatakbuhin mo mula sa bahay nyo hanggang sa ikatlong poste ng meralco tapos magpapahinga ka hanggang sa kaya mo na ulit tumakbo sa iba nanamang landmark.

Ang improvement naman dito is yung kakayahan mong magtiis ng masakit na masarap na pakiramdam. Haha.. parang ganon. :)

pakinggan mo itong podcast na ito from iamrunningwild.com about speed training yan.
http://traffic.libsyn.com/runningwild/Ep_0029_-_Intervals_and_Fartleks.mp3
pwede mo rin pakinggan yung iba, madami kang matututunan.

Hope it helps! :thumbsup:

:thumbsup: very informative! thank you po dito. pano mo po pala malalaman na naka 800m ka na kung gusto mo maginterval?

and nakikinig din po pala kayo sa running wild haha. ang saya and informative nung podcast na yun.

mga sir bakit pag nagjojogging ako sumasakit yung tagiliran ko? ano po ba dapat ko gawin?

baka po madami ka nakain prior to your jogging or kulang yung oxygen na nadadala sa muscles mo sa tagiliran. kung sa food, pag po tatakbo ka saging lang okay na yun sa short run or kain ka then wait for 1 hour bago ka tumakbo. kung yung sa muscle naman, slow down siguro. :salute:
 
normal lang ba manakit yung muscle sa hita parteng harap at mawawala din ba yun kahit 3-4 times a week nag jojogging ? tsaka nakakagulat yung ugat s binti ng paa ko sa may kita yung muscle bakit nagiging visible ?
 
ilang araw narin ako walang jogging pero nagbibike ako uphill 9km po. Sa sunod na week jogging uli ako. Laki na improvements ko po 33 minutes ang 7km walang lakad po yan. Gusto ko pa bumilis po at lumakas pa resistensya kaya sinasamahan ko ng pagbike uphill.

Biking is a good cross-training for running. Low-impact siya sa mga binti natin.
For every 3km of biking is equal to 1km of running.
SO, kung gusto mo tumakbo ng 10km, mag-bike ka ng 30km.

:thumbsup: very informative! thank you po dito. pano mo po pala malalaman na naka 800m ka na kung gusto mo maginterval?

and nakikinig din po pala kayo sa running wild haha. ang saya and informative nung podcast na yun.

Kung may smartphone ka, sa Google Maps. I-activate mo yung measurement, nakikita yun sa settings > labs tapos piliin mo yung measurement. Tapos sukatin mo na yung daanan kung saan ka tumatakbo.
Ganon kasi ginagawa ko a day before bago ako tumakbo.

Kung may running application ka tulad ng nike+ or endomondo, masusukat mo din yun. Kung dala mo phone sa pagtakbo mas ok. Hindi ko dinadala phone ko pagtumatakbo so tinatandaan ko yung mga landmarks para alam ko kung naka 800m or 1km na ako.

Hope it helps. :)

Ako nag-promote ng running wild podcast dito sa thread. Tama ka sobrang informative at masaya yung podcast kaya pino-promote ko talaga siya since halos lahat ng mga tanong natin dito ay nasasagot dun. :)

Originally Posted by TUGADEH View Post
mga sir bakit pag nagjojogging ako sumasakit yung tagiliran ko? ano po ba dapat ko gawin?
Sidestitch yan. Pwedeng dahil sa kinain mo bago ka tumakbo o madami kang nainom na tubig o kaya hindi ka humihinga ng maayos. Inhale sa ilong, exhale sa bibig.
Ito podcast mula sa iamrunningwild.com about sa paghinga habang tumatakbo.
http://runningwild.libsyn.com/ep-0032-the-return-of-the-comeback-chock-d-great
Yung mga past episodes pakinggan mo din po, marami ka pong matututunan.

Hope it helps. :)

normal lang ba manakit yung muscle sa hita parteng harap at mawawala din ba yun kahit 3-4 times a week nag jojogging ? tsaka nakakagulat yung ugat s binti ng paa ko sa may kita yung muscle bakit nagiging visible ?

Bago ka lang ba tumatakbo Sir plax98? Nag-aadapt kasi yung katawan mo sa bagong activity na ginagawa mo. Nung nagsisimula ako tumakbo, masakit yung buong binti ko ng halos isang buwan, eventually nawala din. Check mo din yung running form mo baka yun ang dahilan kung bakit nananakit.
Yung ugat sa paa mo, hindi ko gaanong maintindihan yung tanong. Sorry. :slap:
 
Last edited:
2weeks pa lang sir tak? Yung sa binti na may muscle ko tol may ugat akong nakikita kapag tapos mag jog
 
sapat naba ang 3months jogging para mag increase ang resistensya?
 
Some tips guys after running:

1. Cool down - light cardio for few minutes para bumalik sa condition yung heart rate. Could be walking...

2. Stretch - stretching stretching din, muscles usually contract after workout. So para marelax, kahit 5-10 minutes of stretching would do.

3. Drink water - usually after magjog tayo umiinom, it's okay but not enough. Though we often feel na di tayo uhaw, pero kailangan ma-replenish your fluid levels para hindi ma-dehydrate.

4. Eat - recommended din na kumain after running, more of food rich in protein and carbs (yes, carbs!). It will help you boost your energy level and recommended within 90 minutes of your workout. Some perfect examples: eggs, cheese, banana, milk, salads, fruits and veggies. Dapat clean din ang diet para mas effective.

5. Take a luke-warm shower - Okay lang mag-shower about 15-30 minutes from your running workout. mas recommended ang hot shower para mas light sa pakiramdam.
 
Currently i can run 20 mins none stop... meron ba dito nakakatakbo ng 30 mins up ng walang hintuan? Pano ang breathing pattern nyo?.
 
good evening joggers tambayan :)

@ezra... sapat na sir yang 3 months para ma increase ang resistensya pero dapat ituloy mo pa din mag jog para ma maintain mo sya or lalo pa mag increase :)

@kcjane... ako maam kaya ko tumakbo ng 1:15 mins non stop, wala ding inum ng tubig kaso medyo mabagal nasa 10k+ lang, kailangan huminga ka sa ilong at bibig ng sabay, ganun ginagawa ko
 
good afternoon joggers tambayan :)
sakit ng tagiliran ng hita ko, tagal gumaling, kaya 2 days pahinga muna sa jogging
 
balik po uli ako sa pagtakbo knina pero di kabilisan para di mabigla po katawan ko.
 
Currently i can run 20 mins none stop... meron ba dito nakakatakbo ng 30 mins up ng walang hintuan? Pano ang breathing pattern nyo?.

Kaya naman basta wag ka lang hihinto. I's better to slow down until you're ready to go faster again than to make a full stop..
I hope you get my point.
 
ako 4mins lang kaya ko mag jogging non stop HAHA
3weeks 3times (MWF) pa lang ako nag jojogging, normal ba yun oh hindi HAHA
tapos yung 30mins kong jog/walk 4k lang inaabot Y______Y
 
Last edited:
good evening joggers tambayan :)
huhu di pa din nawawala yung sakit ng tagiliran sa binti ko. kahit ipahinga ng ilang araw
@plax.. ok llang yan sa mga bago :)
 
Last edited:
Haha sige salamat sa reply, sa tingin mu mga ilang buwan kaya ako mag jojog bago ko makaya yung 30mins non stop.haha
 
hi guys kamusta? i blog some of trainings and gadgets about running
please visit comment or share it if you want
http://jonrun.wordpress.com

also i am planning to make a shirt/ a running shirt theme: symbianize runner's
 
Kaya naman basta wag ka lang hihinto. I's better to slow down until you're ready to go faster again than to make a full stop..
I hope you get my point.

tama! di bale nang mabagal wag ka lang hihinto :salute:
 
kapag huminto ka stop na ang timer kaya wag ka hihinto ok lang mabagal :lol: hehe

@plax.. mga 3 to 4 months basta tuloy tuloy or depende sa katawan mo kung mabilis mag improve. :)
 
good morning joggers tambayan :)
 
Back
Top Bottom