- Messages
- 112
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
Hi! Gusto ko lang i-share sa inyo ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Ang dami kong problema sa buhay. Especially sa family ko. dalawalang kaming magkapatid pero hindi kami close. Madalas mag-away. Ako kasi yung panganay and sa uwing aalis ng bahay parents ko, ako lang inaaasahan nila dito sa bahay. maglilinis, etc yung typical na trabaho ng babae sa bahay. Tapos etng kapatid ko anong oras na gigising, walang gagawin, hihilata maghapon kaya hindi maiwasan na mainis ako and magalit sa kanya at ang galing galing pang sumagot. Kaya hindi talaga kami close. Lalo na ngayon na dalaga na kami pareho so may mga bagay na dapat kami yung nag-uusap like sharing of secrets ganun tungkol sa crush, manliligaw XD pero hindi namin ginagawa yung mga ganung bagay dahil hindi kami close. Naiiinis ako sa parents ko kasi pagsasabihan nga nila yung sister ko pero nafefeel ko minsan na parang kinakampihan pa nila. Hayys. Isa din yung papa ko, sobrang pasaway. Ayawmakinig kapag inaadvisan na "Pa, wag kang ganito ganyan," ang hilig makipagbiruan sa mga bata sa labas kaya nawawalan na ng respeto sa kanya yung mga bata kaya naiinis ako kasi lagi ko naman sinasabihan pero ayaw makinig. Mahal ko family ko pero dumating na yung point na sumusuko na ako. Fresh Grad ako and plano ko nalang sana mag-work sa cebu kasi rinding rindi na ko sa ingay dito sa bahay. buti nga ngayon di na madalas mag-away si mama and papa eh. tsk.Yung mama ko naman, close naman kami eh pero kapag sinasabi ko sa kanya na may manliligaw ako parang ayaw niya nagagalit pa siya pano kasi gusto niya kung sino gusto niya, yun lang. Gusto niya ata makapag asawa ako ng amerikano pero ako ayoko kasi hindi naman pwedeng magpakasal o mag-asawa ng dahil lang sa pera diba. kung pwede naman pagsikapan yunh pera eh bakit hindi dba? kaya nagtatampo rin ako kay mama. Kahit wala naman kaming ginagawang masama nung ka-m.u ko na sa kasalukuyang hindi ko na pinapansin kasi nahihirapan na ako sa sobrang higpit ng mama ko. 21 naman na ako(22 na sa december) and wala akong gagawing masama dahil naniniwala din ako sa marriage before sex and yug ka-mu ko naman na yun mabait. Kaya nga ang lungkot ko these past few days kasi yung ibang pinsan ko may boyfriend na and supportive parents nila, ginagabayan sila. Eh yung mama ko halos ikulong nalang ako. Ako naman yung tipo ng babae na laging nasa bahay lang and kung makipagdate man, kakain lang dahil mahilig ako kumain, maglaro sa tomsworld, and madalas nga nagpupunta lang kami nung ka mu ko sa internet shop nagdodownload ng movies hehe. Ang gusto ko lang sana kay mama maintindihan niya ako and gabayan lang. Total naranasan din naman niya mainlove. Nakikita ko rin sa mama ko yung pagiging medyo mapanghusga niya and iniisip nya lagi yung sasabihin ng ibang tao. Ako wala akong pakialam sa sasabihin ng iba kung wala naman akong ginagawang masama kasi mahirap yung ganun, parang nagbebase ka lagi sa sasabihin ng ibang tao tsk. Kung walang ginagawa o gagawing masama, walang dapat ikatakot. and hindi rin naman ak maharot.Hayys. Advisan niyo nga ako mga ka-symb baka nabubulag lang ako sa love. Salamat!