Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

21 and graduate na sa college pero...

NicoleChu

Amateur
Advanced Member
Messages
112
Reaction score
0
Points
26
Hi! Gusto ko lang i-share sa inyo ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Ang dami kong problema sa buhay. Especially sa family ko. dalawalang kaming magkapatid pero hindi kami close. Madalas mag-away. Ako kasi yung panganay and sa uwing aalis ng bahay parents ko, ako lang inaaasahan nila dito sa bahay. maglilinis, etc yung typical na trabaho ng babae sa bahay. Tapos etng kapatid ko anong oras na gigising, walang gagawin, hihilata maghapon kaya hindi maiwasan na mainis ako and magalit sa kanya at ang galing galing pang sumagot. Kaya hindi talaga kami close. Lalo na ngayon na dalaga na kami pareho so may mga bagay na dapat kami yung nag-uusap like sharing of secrets ganun tungkol sa crush, manliligaw XD pero hindi namin ginagawa yung mga ganung bagay dahil hindi kami close. Naiiinis ako sa parents ko kasi pagsasabihan nga nila yung sister ko pero nafefeel ko minsan na parang kinakampihan pa nila. Hayys. :( Isa din yung papa ko, sobrang pasaway. Ayawmakinig kapag inaadvisan na "Pa, wag kang ganito ganyan," ang hilig makipagbiruan sa mga bata sa labas kaya nawawalan na ng respeto sa kanya yung mga bata kaya naiinis ako kasi lagi ko naman sinasabihan pero ayaw makinig. Mahal ko family ko pero dumating na yung point na sumusuko na ako. Fresh Grad ako and plano ko nalang sana mag-work sa cebu kasi rinding rindi na ko sa ingay dito sa bahay. buti nga ngayon di na madalas mag-away si mama and papa eh. tsk.Yung mama ko naman, close naman kami eh pero kapag sinasabi ko sa kanya na may manliligaw ako parang ayaw niya nagagalit pa siya pano kasi gusto niya kung sino gusto niya, yun lang. Gusto niya ata makapag asawa ako ng amerikano pero ako ayoko kasi hindi naman pwedeng magpakasal o mag-asawa ng dahil lang sa pera diba. kung pwede naman pagsikapan yunh pera eh bakit hindi dba? kaya nagtatampo rin ako kay mama. Kahit wala naman kaming ginagawang masama nung ka-m.u ko na sa kasalukuyang hindi ko na pinapansin kasi nahihirapan na ako sa sobrang higpit ng mama ko. 21 naman na ako(22 na sa december) and wala akong gagawing masama dahil naniniwala din ako sa marriage before sex and yug ka-mu ko naman na yun mabait. Kaya nga ang lungkot ko these past few days kasi yung ibang pinsan ko may boyfriend na and supportive parents nila, ginagabayan sila. Eh yung mama ko halos ikulong nalang ako. Ako naman yung tipo ng babae na laging nasa bahay lang and kung makipagdate man, kakain lang dahil mahilig ako kumain, maglaro sa tomsworld, and madalas nga nagpupunta lang kami nung ka mu ko sa internet shop nagdodownload ng movies hehe. Ang gusto ko lang sana kay mama maintindihan niya ako and gabayan lang. Total naranasan din naman niya mainlove. Nakikita ko rin sa mama ko yung pagiging medyo mapanghusga niya and iniisip nya lagi yung sasabihin ng ibang tao. Ako wala akong pakialam sa sasabihin ng iba kung wala naman akong ginagawang masama kasi mahirap yung ganun, parang nagbebase ka lagi sa sasabihin ng ibang tao tsk. Kung walang ginagawa o gagawing masama, walang dapat ikatakot. and hindi rin naman ak maharot.Hayys. Advisan niyo nga ako mga ka-symb baka nabubulag lang ako sa love. Salamat!
 
TS kung ako sayo magwork ka muna para din wala ka na din lage sa bahay nyo, at wag mo muna isipin magboy friend , mas maganda tulungan mo muna mga magulang mo na umangat ang pamumuhay nila, saka mo na isipin yung Love love na yan, may karapatan po sa atin ang ating mga magulang para mapakinabangan naman nila tayo, kase maraming taon sila naghirap para sa atin, kung ako sayo mag hanapbuhay ka muna para sa family mo at sa sarili mo na din at kapag ready ka na at yung family mo ay maayos na, at yung financially e ready ka na sa pakikipagrelasyon saka mo na isipin yung love love na yan, at syempre kung pipili ka ng lalake dapat isipin mo muna nang makapitong beses kung sya na ba talaga ang karapat dapat. goodluck TS
 
Thankyou sa advice :) baka naiiinggit lang din ako sa iba na may mga boyfriend at relationship goals hihi
 
Hmm.. SInce wala ka pa naman work, ang tingin ko e fully dependent ka pa rin sa parents mo. Kaya sa makatuwid e hawak ka pa nila sa leeg. Wala ka ring masasabi kasi nasa puder ka pa rin nila 100%. Ang tingin ko kasi e pinoprotektahan lang nila ang investment nila sa iyo. Unang una e hindi mo pa naman pala BF... M.U. lang pala. Walang commitment. Ni hindi pa ata humaharap sa magulang mo... Legal age ka na para mag asawa. Kapag naging kayo at nabuntis ka ng bf mo, wala na silang maaasahan na kakatulungin. Hindi man nila sabihin sa iyo ng derekta, syempre umaasa sila sa iyo. Wag mo munang pakaseryosohin ang M.U... Sa edad mong yan, kahit anong oras e pwedeng bumaliktad ang mundo.

With regards naman sa relationship mo ng iyong kapatid, kapag nasanay na kayo na hindi kayo close, mahirap na baguhin. Pero kapag tumanda na kayo, wala namang ibang magtutulungan at magdadamayan kundi kayo lang dalawa. Ngayon e hindi nyo pa kaya kasi hindi pa dumarating ang turning point ng inyong buhay... Ako e middle child. Lagi akong ilang sa mga kapatid ko. Nung magwork ako at nagkaroon ng sarili kong buhay, mas naging involved ako sa aking pamilya at gumanda ang samahan namin. Lahat kasi kami e nagko-contribute na sa aming finances. Kapag nakakaluwag, may nanlilibre, nag-gagathering kami. Siguro nakakalimutan din ng tao ang mga kalungkutan dati at nagmamature.
 
Thankyou :) Siguro nga pinoprotektahan lang nila ako pero sana wag naman yung pigang piga ako kasi nasstress ako. Pwede naman ako pagsabihan ng maayos kasi nakikinig naman ako sa kanila. Ayoko lang nung parang ang sama sama ko na kung magsalita sila sakin. M.U lang kami kasi ayoko din muna mag b.f and ayoko muna magseryoso ng sobra kasi nga may priorities ako. Ang sakin lang sana maintindihan nila kahit yun lang. Yung magkaroon ako ng kaclose na opposite sex and hindi naman ako alis ng alis ng bahay. And yung tungkol naman sa pagharap sa parents nabanggit ko na kay mama yun eh so wala akong magagawa ganun talaga eh nasa puder pa nila ako. Pero sa sobrang inis ko minsan naiisip kong magwork nalang sa ibang lugar and magpakalayu layo kasi nakakasakal na din minsan. Sa ngayon naman hindi ko pa iniisip mag-asawa o gumawa ng bagay na ikapapahamak ko. Alam kong mahirap ang buhay. Sinasabi ko nga kay mama na dito nalang ako sa bahay para wala silang masabi. Para hindi ako mawala sa kanila hehe. XD


Siguro masyado lang akong nagpapadala sa emotions ko lalo na't kakagraduate ko lang so feeling ko naprepressure talaga ako ng sobra. Hindi ba pwedeng magslowdown ng kaunti ysyempre kinakabahan pa ako sa mga mangyayari sa buhay ko lalo na sa paghahanap ng work. hihi
 
Good. Ok yan. Pero as time passes, unti unti rin naman silang naluwag. Pero kapag tumagal at ganan pa rin sila, nasa sa iyo na iyon kung mananalo pa rin sila sa iyo.

Sigurado ako na hindi mo sila mapapakiusapan kasi kadalasan hindi naman sila nakiking sa sinasabi ng anak. ANg gusto lang kasing marinig ng mga magulang e yung gusto nilang mangyari. Other than that e nuisance na. Ang payo ko e tiis tiis lang muna hanggat pinapakain ka pa nila. Bawi ka na lang kapag kaya mo ng mag isa.
 
Magtrabaho ka namuna saka mu na isipin internal issues sa family mu. , Wala ka naman kasing mapapala kung lage ka sa bahay bukod sa magkakainisan mu ung kasama mu sa bahay dahil konti na lang magpapalit na mukha niu sa tagal niung magkasama jan :D
 
Back
Top Bottom