Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay 634






TL;DR — Puro pansariling opinion lang.















I . Chances.

I I . Differences.

I I I . Surprises.




I . Chances

- " Ma, 'pag nawalan ba ng bahay sila lola, pwede sila tumira sa'tin? "

<- " Oo naman. Baket? "

Naaalala ko pa nung bata ako. Mga 5 years old ata ako nun.

Mga 1 o 2 araw lang yata yung nakalipas pagkatapos ng birthday ng pinsan ko.

Yung mga panahong sobrang lawak ng imahinasyon ko. At kainggitan sa katawan.

Na hanggang ngayon naman.

Naisipan kong gayahin yung pag-bo-blow ng cake. Este ng apoy sa kandila.

Nagtago ako dun sa bodega nila lola. Tinayo ko yung kandila, sinindihan ko.

" Happy Birthday! " sabay ihip sa kandila.

Sa kandilang katabi ng mga retaso ng tela.

'Di ko alam kung bakit pero buti na lang 'di ako nabugbog nila lola. Buti kamo madaming tao nun.

Ang bilis ng mga balde. Halos bumaha na nga sa bahay nila e. At ang sama sama ko.

Pero wala naman kayong pake kasi walang moral lesson. At wala ding quote para sa pag-ibig.

La lang. Nakwento ko lang.

De, just kidding.

May mga times kasi na napapa-isip tayo ng probability. Minsan, dinadaig pa natin si Einstein.

Sa pagiging assuming. Sa pagiging feelingera. Sa pagkakalkula ng kung anu-anong posibleng mangyari.

May lohika man o matematikang kasama, 'pag nakutuban natin, madalas e kampante na tayo.

Sabi nga, we accept the love we think we deserve.

Nagcoconcede tayo 'pag may tumama sa checklist natin. Or 'pag umabot na sa majority.

3 out of 5, 6 out of 10. Parang tres na grado, passing score sa exam.

Feeling mo porke kras ka niya, 'pag nakatingin siya sa direksyon mo, ikaw yung tinitingnan.

Edi wow.

GGSS.

'Pag nandun tayo sa point na 'di tayo sigurado, yung wala tayong concrete evidence.

Yung wala kang hawak na certified true copy. Yung wala kang valid ID.

Para kang naniwala sa 'Love is Blind' pati 'Love at First Sight' ng sabay.

Naghahanap tayo ng makikilingan. Ng pwede tayong kampihan. Safeguard.

Parang yung pagpalit mo ng sagot sa exam kasi puro Letter B yung sagot mo sa 10 numero.

Nagrerefer tayo sa history. Sa mga nakaraang mali.

False hope.

Kahit pa sinabi ni manong Bob na 'wag nating maliitin ang kakayahan nating tsumamba.

'Wag kang umasa. Para kang naniwala sa destiny saka forever.

Marami nang naloko't umiyak diyan.

Don't take chances.

Make chan(c)ges.

Isang letra lang naman yung pinagkaiba. 'Di naman na siguro mahirap pag-ibahin yun.

Daanin mo sa effort, bonus na lang yung swerte.

Hindi habang buhay katabi mo ang Lady Luck. Hindi habang buhay first pick draft ang Cleveland Cavaliers.

Walang forever sa tsamba. At hindi tsambahan ang buhay.

'Wag mong gawing Casino ang love pati life.

Gamitan mo ng formula. Mag-aral ka para pumasa. Magtimpi para 'di manapak ng colleague.

Magheadphones para 'di mabwiset sa umi-English na bossing kahit wrong grammar.

Do not learn the tips of the trade. Instead, learn the trade.

Yun nga lang, nag-iiba minsan pagdating sa pag-ibig. Minsan, nagsasabay yung pagsugal saka pagsisikap.





I I . Differences

'Pag may mga gala yung mga tropa ko tapos ako nasa bahay, nagwa-wifi.

Naiinggit ako. Sepanx. Feeling ko naleleft-out ako. De, drama e no.

Pero ganun yung pananaw ko e. 'Wag ipilit yung sarili.

Siguro nga minsan, tinatakwil na ko ng mga ungas na yun e. Buti true-pa.

Ganun talaga siguro. Mag-aadjust ka. No choice kundi igalaw yung katawan mo.

Yung pagbabagong ginagawa natin, madalas may pinaghuhugutan. May rason, may dahilan.

Malamang meron. Unless trip mo lang talaga, e walang pakialamanans.

'Di siguro talaga nawawala sa tao yung ganun, ano po. Yung pagkukumpara.

Meron s'yang jowa, ikaw wala. Meron s'yang pera, ikaw nganga.

Edi wow ulet.

Envy.

Sasabihin natin, ampeyr.

Kaya nga nagkaiba-iba tayo ng mukha saka pangalan e. Ta's gusto mo pareho pa rin.

Lugi ako. Este sila. Hihihi.

'Wag kang malungkot kung wala kang gan'to ganire, kasi malay mo wala sila nung meron ka.

Kung meron mang something na meron ang lahat ng tao, e problema.

That's why life is still fair.

Fair as in yung grade sa school. Hindi yung pamasahe. Hindi yung sa mall.

(Ang korni, ang korni korni korni ko tonight.)

Fair enough para maging miserable lahat ng tao. Bwahahaha.

Isipin mo na lang, wala kang tigyawat. Ako nga andami e. Bigyan kita d'yan e.

Maging masaya ka sa kung anong meron ka. Maging proud ka sa kung ano yung pinaghirapan mo.

It takes days ng pagpupuyat para sa eyebags mong bagay sayo.

Sabi nga sa Buzzfeed, laging iba yung tingin mo sa sarili mo sa tingin ng ibang tao sa'yo.

Kung 'di man lagi, at least madalas.

Lahat tayo'y merong pagkakaiba. Sa tingin pa lang ay makikita na.

Pinoy ikaw ay pinoy. Ipakita sa mundo. Kung ano ang kaya mo.

What I want to say is that okay lang na mainggit ka, pero 'wag kang magpadala.

Okay lang na gustuhin mo yung mga wala ka, but not to the point na may mga nawawala na sa'yo.

Yung dangal. Yung pagkatao. Yung matamis mong Oo.

Binilhan ka lang ng Ay-Pfhownsxz, binigay mo na agad sa Bagito.

Sabi nga, iCqk4w lhu4ngxZ sZx4p4t nhu4.

Taina nakakahilo basahin. Pati itype.

Isa pa sa nabasa kong post,

" Do not compare your Chapter 1 to their Chapter 20. "

Parang kakasali mo lang sa clan, gusto mo war agad.

Pare-pareho lang naman daw tayong nanggaling sa pag-gapang.

Gumapang nung bata, gumagapang pa rin 'gang pagtanda.

Iba nga lang.

'Wag kang mawalan ng pag-asa habang ginagawa mo yung pagbabago.

Sabi din nga, the moment you think of giving up, think of the reason why you held so long.

Ipagpatuloy mo yung pag-ji-gym habang nakatingin sa sexy mong instructor.

Parang si Kobe na dating tumitingala lang kay Jordan.

Si Ed Sheeran na ilang beses nag-self-release ng mga kanta ta's ngayon e mainstream na.

Nandyan yung pagkakaiba-iba hindi para sukatin yung pagkatao mo, pero para ipakilala yung pagkatao mo.

Yun e kung tao ka nga.

At the end of the day, pare-pareho lang tayong umiinom ng tubig. Umuutot ng mabaho.

Kung 'di ka magaling sa ganito, baka magaling ka sa iba.

Malay mo magaling ka sa kama—y. Sa gawaing kamay. Painting. Sculpture.

Sa kama—o. Boxing. Sa kama—lian. Hari ng sablay.

D'yan ka magaling.

'Pag birthday ng kaklase mo, 'wag mong sasabihing 'Stay as you are'.

Lalo na kung maliit sila. Kaya 'di natangkad e.

Sabihin mo, change for the better.

Sabi kasi sa nabasa ko, commit yourself for constant self-improvement.

Wala lang, shinare ko lang. Walang epek sakin e. Consistently inconsistent e.

Basta kung ano man yung pagbabagong gagawin mo, maging distinct ka pa rin.

'Wag kang jejemon. 'Wag kang copycat. 'Wag kang Sotto-copy. 'Wag kang matakot mag-standout.

Learn to ignore.

Ulit ulitin mo sa isip mong sinasabi mo sa kanila na, sorry not sorry.

Wala naman silang magagawa kung yung porma mo e pang breezy boys na gengsta.





I I I . Surprises

Nakakagulat kasi ang haba na netong na-type ko.

Si johnpaulo kasi e, pine-pressure ako.

Life is full of shit. And surprises. Of twists. And unexpecteds. Of turns. And illusive dreams.

Pambihira kasi talaga minsan, ano. Ginawa mo na yung kaya mo.

Hindi ka umasa sa tsamba.

Nagbago ka para sa kanya. Hindi mo kinumpara yung sarili mo sa ex niya.

Pero parang 'di pa rin sapat para sa kanya.

Sana ako na lang.

Sana ako na lang ulit.

Baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi baka merong bagong darating na mas okey.

Oh, here it goes again.

Ganun talaga siguro. Masusurpresa ka na lang.

Akala mo close na kayo, hindi pa pala.

Akala mo you're on the right track. Letseng wrong way ka na pala.

At mali na yung destinasyon mo. Kung 'di man mali, hindi dun sa gusto mong patunguhan.

Siguro nasabi ko na 'to pero sasabihin ko ulit.

Sabi nung prof. ko sa Physics, na mukhang panel namin sa defense.

'Pag okay daw yung mga bagay bagay, dapat alerto tayo.

Para hindi ka ma-off guard. Para 'di ka rin magexpect. Para 'di ka makampante.

Kasi yun yung dahilan ba't nila tayo iniiwan.

Huhubells.

*insert I Know I'm Not The Only One song here—*

'Di naman ako BH. 'Di pa. 'Wag naman sana.

To continue, well, surprises are supposed to be surprising.

Laging nakatago, biglang manggugulat. Parang yung mga bawal sa may sakit sa puso.

Nandyan lang naman sila sa paligid.

Kaya nga hindi mo masasabing safe ka kahit nasa bahay ka lang.

Bakit bumibilis yung pintig ng puso mo 'pag nakakataranta yung background music.

Kasi alam mong may mangyayari. Alam mo man o hindi kung ano at kelan, isa lang yung iniisip mo.

Maghanda. Magsiguro. Magplano. Makibalita. I M Ready.

Hello mga Kapamilya/Kapatid.

Parang yung laman ng box na may question mark.

Yung regalo sa Facebook na hugis pitsel yung wrapper tapos hindi mo alam yung laman.

What the hell.

Minsan, malayo talaga yung expectation sa reality.

Parang yung bandang dulong part ng 500 Days of Summer.

Yung mga tipong mapapapunyeta ka na lang.

Edi meow. ( Para maiba naman )

Yung kantang 'Akala' ng Parokya ni Kanor. Este Edgar.

Mali na namaaaaaan, pero okay lang yaaaa-haaaa-aaan.

'Wag kang matakot na baka magkamale.

Yung mga surprise yung nagpapaalala sating nagpa-progress tayo.

Na nasa ibang lugar na tayo. Na may pagbabagong nagaganap.

S'yempre, 'pag 'di ka nasurprise, ibig sabihin galing ka na dun.

At walang forever stage 1.

I don't love surprises, but I need them sometimes.

YOLO.

The world is yours to discover, so as yourself.

In the end, dalawang surprise lang naman ang meron. Yung magugustuhan mo, saka yung .. alam mo na.

Parang yung mga picture na inaabangan mong i-upload ta's i-ta-tag ka.

Yung mga hinihintay mong regalong balot na balot tapos ang liit lang pala.

Yung exchange gift na binili mismo sa harapan mo.

May mga bagay talaga sigurong 'di mo mapipilit, 'di mo mapapakiusapan.

Sige na please, 'wag nang mainis, bumalik ka na sa'kin.

Malapit na magbagong taon.

Hamunin mo yung sarili mo.

Sabi nga ni Farrah Gray, imagine-in mo yung sarili mong may anak na dinedate yung taong katulad mo.

Nagustuhan mo ba? Kung hindi, magbago ka.

Kung oo, iimprove mo pa.

'Wag kang umasa sa Feng Shui.

Magpaka-'totoo' ka. Be realistic.

Mag-ingat sa forever. Este sa putukan. Este sa mga surprises.



Yun lang. Sana 'di ka naiinis kahit medyo puro opinion ko lang yung andito.

Salamat sa pagbabasa, *insert your name here* :yes:



Happy holidays, xoxo.

2014.
 
Last edited:
Idol talaga to. Ang ganda. Hahaha. Nadawit pa pangalan ko, astig. Happy holiday!
 
kahit na puro "thoughts" mo lang to maganda pa din naman :yes:

keep writing!
 
Pag binabasa ko to parang december 24. Haha. Ganda talaga. :clap:
 
Back
Top Bottom