Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story A moment to remember

naniniwala kaba sa soulmate?
Kung ako kasi ang tatanungin
mas naniniwala pa ako
na may tyansang magkatuluyan
yung mga naglalandiang mga pusa
sa bubong ng bahay namin tuwing umaga
Sino ba kasi nagpauso nun at
sagad hanggang kaluluwa ang kalandian nya,
para kasi sakin mas
naniniwala ako na walang aksidente sa mundo
yung tipong lahat ng bagay may dahilan,
kung bakit di kana crush ng crush mo,
kung bakit sa kabila ng ugali nya she's still dating with a gangster,
kung bakit tinatamaan ka sa mga qoutes ni Marcelo at higit sa lahat
kung bakit may mga moments na dapat ma-remember


Naputol ang pagmumuni-muni ko ng tumama ang nakakapasong sinag ng araw
mula sa bintana ng bus na sinasakyan ko,

eksakto namang lumumipat sa kabilang side
yung nakaupo sa harapan kaya lumipat ako sa pwesto nya
Napaka special ng araw na "to sakin
dahil first monthsarry namin ng GF kong si Mira Lyn.
Invited pa ko sa lunch out ng family nila at
ito ang unang pagkakataon na makakapunta ako sa bahay nila
Nakangiti kong tinitignan yung couples ring na ibibigay ko sa kanya mamaya,
nagwelga pa ako sa harap ng parents ko
para lang i-increase nila ng 30% ang allowance ko maka ipon
at makabili lang nito

Kaya lang naputol ang mala killer smile ko ng may sumitsit sa gilid ko,
agad kong nilingon iyon at binigyan sya ng pamosong ngiti
"yes??"
"umalis ka dyan, ako ang nakaupo dyan kanina"

Mukang pinasok ng hangin ang utak ni ate kaya nya siguro nasabi yun,
lumingon ako sa likod kaya lang may nakaupo na
"ano ka sinuswerte" bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa labas ng bintana
pinakiramdaman ko kung ano magiging reaksyon nya,
sa tipo nya kasi sya yung bigla na lang mag-aAMALAYER
kapag nakagawa ka ng pagkakamali


Pagkalagpas ng bus sa overpass huminto ito
para magsakay pa ng mas maraming pasahero
"Baclaran! Baclaran! Pasay coastal MOA!"
sigaw ng kundoktor para makahikayat pa ng maraming pasahero
at hindi naman sya nabigo
napa secondary agad na kumambyo ang driver
dahilan para mapasandal kaming lahat sa bilis nito


"Ok na sana ang roadtrip ko kaya lang may epal akong katabi hashtag evilvibes"
Nagulat ako sa narinig ko, doon ko lang napansin
na katabi ko na pala ang babaeng kanina lang pinapaalis ako
hawak hawak ang cellphone nya
Akala siguro ng babaitang ito aatrasan ko kamalditahan nya
"miss kung ayaw mo ng may katabi sa taxi ka sumakay""
Sabi ko sabay tingin sa labas ng bintana,
matagal syang nanahimik sa sinabi ko,
ewan narealize nya siguro na masyadong mahal ang make up
para maistress at ikapangit nya
nakakainis lang dahil sa dinamirami ng araw
bakit ngayon pa, kung naglalaro lang sya ng clash of clan
kanina pa ako nag revenge at sisiguruhin kong
pagsisisihan nya na sana hindi lang sya naglaro ng coc
kaya lang na-kick ako sa clan eh, mukha daw kasi akong gyera


Ilang sandali pa may narinig akong humihikbi sa tabi ko,
napasulyap ako sa kanya at nakita ko na syang umiiyak
agad agad??
nataranta ako sa ginawa nya,
hindi ko alam ang gagawin ko,
eh kung ihulog ko kaya sya sa bintana
Yung mga napapanood kung korean movies
niyayakap nila yung girl na umiiyak kaya lang
napailing ako sa naisp ko, sumumpa kasi ako sa dyos
ng mga malalanding pusa na si Mira Lyn lang ang yayakapin ko
Kinapa ko ang bulsa ko at binigyan ko sya ng panyo
"tahana" marahan at tipid kong pagsusumamo sa kanya
habang inaabot ko ang panyo at nkatingin sa labas
ng bintana


"anniversarry pa naman namin ngayon tapos ganito lang mangyayari"
nahihikbi nyang hinaing sakin
sa mga sinabi nya parang kasing lalim
ng mga pores ko sa mukha ang pinaghuhugutan nya
gusto kong tanungin kung anong problema nya
pero hindi naman na siguro yun mahalaga
kahit malaman ko pa dahil magkakahiwalay
din naman kami pag baba ko ng bus
nang maramdaman kong huminto na sya sa pag iyak
sumandal ako sa pagkakaupo at pumikit,
inaalala ang mga pick-up lines na sasabihin ko
kapag inabot ko na ang singsing na ibibigay ko mamaya
nag-search pa ako sa malandika.com para makakuha
ng mga the best pick lines ever habang
nilalasap ang polusyon na tumatama sa aking mukha
narinig ko syang nagsalita


"masarap bang ma-inlove??"
basag nya sa matagal kong pananahimik,
sa totoo lang awkward sagutin ang ganyang tanong
mula sa taong hindi mo naman kilala,
pero para sa ikakatahimik ng balunbalunan nya
"oo naman, bakit hindi mo pa ba yun naramdaman?
Akala ko ba anniversarry nyo ngayon?”
usisa ko sa kanya pero malungkot na tingin
lang ang isinagot nya sakin, emo agad nagtatanong lang?
"ako nga pala si Aeyah Jane"
nakangiting abot ng kamay nya sakin
pero tinignan ko lang ang ito at
tumingin na ulit ako sa labas ng bintana


"ang suplado mo naman,
magbbreak din kayo kasi wala namang forever"
pang-aasar nya sakin kaya naman
agad ko syang tinignan ng masama
"may forever man o wala, hindi na yun mahalaga
bakit ko poproblemahin ang isang bagay na
hindi ko naman alam kung nag-e-exist ba talaga o hindi"
napataas lang sya ng kilay sa sinabi ko at natawa,
konti na lang talaga iisipin kong baliw sya
"alam mo ba kung bakit uminom ng lason si romeo?
"bakit?" matamlay kong sagot
"kasi baka mamatay daw sya sa sobrang uhaw!"
bigla kong sinilip yung laman ng bag ko sa sinabi nyang iyon
"anong hinahanap mo?" tanong nya sakin
"yung joke, nakita mo ba?"
"epal ka talaga!" nakangiti sabi nya sakin
napangiti ako sa ginawa nya, hindi dahil sa
korni nyang joke, kundi dahil nakita kong unti-unti
ng nababahiran ng saya ang kanina lang
malungkot nyang mga mata


doon na nagsimula ang aming kwentuhan
mula sa mga bagay na gusto nyang gawin,
sa mga lugar na gusto nyang puntahan
hanggang sa tamang paraan ng pagbubunot ng kilay
pero kahit isang beses hindi nya nabanggit ang tungkol sa BF nya,
iniisip ko tuloy na baka vampire ang BF nya
o kaya allien na kayang pahintuin ang oras,
kung magka ganun man dapat lang talaga ni secret yun.
kahit nagmukhang parking lot ang EDSA
sa haba ng traffic hindi ko na yun napansin dahil sa kanya
noon ko lang napagtanto na masaya pala syang kasama,
na-enjoy ko ang makipag kwentuhan sa kanya,
pakiramdam ko nga matagal na kami magkalilala,
ang swerte naman ng BF nya dahil sigurado akong
lagi yun masaya pag kasama sya, alam ko yun dahil
puro kami tawa at kulitan hanggang sa napahinto ako sa tanong nya


"pwede ko bang isukat?"
sabi nya ng nakatingin sa kahon na may lamang singsing,
pero di ko sya pinagbigyan at naiintindihan naman nya yun
"gusto ko lang ma-experience pasensya na"
paliwanag nya ng nakangiti
habang nangingilid ang luha sa mga mata nya
"isang aksidente ang dahilan kung bakit
sa panaginip ko na lang sya pwede makasama,
sadyang may mga pangyayari talaga sa buhay ng tao
na kaylangan ng kalimutan at ang paglimot
kung minsan ang isa ring biyaya"


hindi ako nakakibo sa sinabi nyang iyon
para akong binuhusan ng malamig na tubig
bigla ako naguilty sa inasal ko kanina sa kanya
hindi ko naman kasi alam na wala na pala BF nya
gusto ko sana syang i-comfort kaya lang
huminto na ang bus at kaylangan ko ng bumaba
bago ko ihakbang ang mga paa ko palabas ng bus
sinulyapan ko muna sya, last glance kung baga,
doon ko lang na-realize na napakaganda pala nya,
kinukulayan yun ng repleksyon na nanggagaling
sa sinag ng araw

ang makintab nyang buhok
na talaga namang hinahawi ng kanyang mga ngiti
pero kabaliktaran yun sa sinasabi ng kanyang mga mata
na wari'y nangungusap na huwag muna akong bumaba.
sadyang madaya lang talaga siguro ang oras,
humahaba kapag naiinip ka at umiiksi naman
kapag masaya ka
ano man ang nangyari kanina hinayaan ko na lang
na tangayin iyon ng makinang gawa sa lata
palayo sa akin at hindi na ako lumingon pa

habang naglalakad ako sa daan hindi ko maiwasang isipin sya,
pakiramdam ko may bahagi sa pagkatao ko ang nawala,
alam ko hindi naman dapat o siguro dala lang ito
ng mga napapanood ko sa t.v kaya kung ano-ano ng naiisip ko
pero lahat ng mga agam-agam ko ay nawala
ng sinalubong ako ng yakap sa harap ng gate
ng makarating ako sa address na ibinigay ni Mira Lyn,
namangha ako sa laki ng bahay nila

"ang laki pala ng bahay nyo"
Paguusisa ko sa kanya
napangiti lang sya sa sinabi ko
at umiling iling saka nagsalita
"nasa kabilang kanto pa ang bahay namin'
"huh?? eh kaninong bahay ito?"
sinamahan ako ni Mira na makapasok sa loob ng bahay,
maraming tao at may handaan, party yata ang napuntahan ko
"congratulation"
yan ang madalas na bati samin ng mga tao doon
nakilala ko rin ang mga kaibigan ni Mira, lahat naman sila
gusto ko ako para sa kaibigan nila, masasabi kong
iyon na ang pinakamasayang sandali ng buhay ko
ang makitang masaya ang taong mahal mo
kasama ang mga kaibigan nya
sa kabila ng aming mumunting salo-salo
isang babae ang umagaw sakin ng pansin

isang nakangiting babae na makikita mo sa isang sulok
isang babae na kaperehong kapareho ng ngiti
na nakatabi ko sa bus kanina, hindi ako pwede magkamali,
ang dimple nya sa kanang pisngi at ang mapupula nyang mga labi
walang duda!
"Aeyah Jane?!" may pagtataka kong sigaw
Ang lahat ay natigilan sa kanilang ginagawa
at napatingin sa akin, binalot kami ng sandaling katahimikan
habang sinisipat ng aking mga mata ang pagkakakilanlan nya
biglang nagsalita si Mira


"death anniversarry nya ngayon halika magpaalam tayo sa ex mo"



-end-



~emMantot!
 

Attachments

  • bus-woman.jpg
    bus-woman.jpg
    235.8 KB · Views: 9

PinkSugar

 
 
Symbianize Angel
Veteran Member
Messages
2,470
Reaction score
207
Points
208
ang kulit ng ending...

ang galing galing.. nakangiti ako habang nagbabasa.. "sadyang madaya lang talaga ang oras.. humahaba kapag naiinip at umiiksi kapag masaya ka" - aylabet


keep on sharing idol :) :thumbsup:
 

dustincliff

Apprentice
Advanced Member
Messages
99
Reaction score
0
Points
26
tanong lang po .. ex nya si Aeyah Jane ? ? at patay na si Aeyah Jane? ?
thanks hehe . may naalala tuloy ako sa kwento mo ..

eto paborito kong line XD ..
"may forever man o wala, hindi na yun mahalaga
bakit ko poproblemahin ang isang bagay na
hindi ko naman alam kung nag-e-exist ba talaga o hindi"
 

ninku009

The Martyr
Advanced Member
Messages
752
Reaction score
17
Points
38
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
napakagaling ng pagkakasulat mo! Ang twist at settings..asteg...

Naalala ko tuloy ang panahong ganyan ang iniisip ko habang nakasakay ako sa bus. tuwing umaga Hindi ako makapaniwala na mababasa ko ito dito at sa ibang tao pa.. Wala akong lakas ng loob na isulat ito dati kaya kinalimutan ko na.. wada coincidence..:D magkaparehas ata tayo ng wavelength :D
 
Last edited:

leahra

Novice
Advanced Member
Messages
39
Reaction score
0
Points
26
ang ganda ah..

siguro nagka amnisya yung lalaki..dahil sa aksidente..
 
Back
Top Bottom