Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[Advice] Prostate ng Tatay ko

Subject18

Novice
Advanced Member
Messages
28
Reaction score
0
Points
26
Good day po. Hihingi po sana ako ng tulong para malaman kung may early signs ba ng problema sa prostate yung tatay ko. Gusto ko sanang igsian pero para mas maging madetalye gusto ko i kwento. Nagkaroon ng kaunting hinala mga way back 2017 siguro sa CR sa terminal ng bus. Nauna sya sakin mag CR and nung naihi ako that time naabutan ko parin sya na umiihi, medyo nagtaka ako noon at sinabi ko sa mga kapatid ko na observe nila yung tatay ko umihi medyo matagal. Hindi na bago yung prostate samin dahil ayun din yung kinamatay ng Lolo ko na tatay nya. Noon hindi namin pinapansin pero ngayun napagusapan namin magkakapatid na iisa na yung observation namin. Ang problema hindi gusto ng tatay ko magpacheck up kase daw malakas pa sya, nakakapag jogging pa, nakakapag donate ng dugo sa katunayan nitong first week ng march nakapagdonate kami ng dugo. Pero hindi kami mapakali kasi nag aaalala din kami para sa kanya.

Any advice po para ma convince namin sya na makapgpacheck up? Kakaopera lang din po kasi ng mother ko kaya siguro medyo naghoholdback sya. Plano namin ipakausap sa panganay namin kasi baka nahihiya sya mag sabi saming pamilya nya.

Ang kasalukuyang nararamdaman nya ay matagal na pag ihi at nilalagnat sya ngayun na may kasamang pagsakit ng tagiliran or parang lower back ata. Pero yung sa lagnat at sakit ng likod parang medyo nataon lang dahil nagliligpit kami sa bahay ng mga gamit ngayun. medyo hobby nya ang softdrinks kesyo di daw sya nakakainom nung bata sya noon kaya nahihirapan din kami ngayun.

Ano satingin nyo po may early signs po kaya sya ng problema sa prostate? Pano po kaya namin sya ma convince mapacheck up? Salamat po.
 
Re: Need Advice

mas malaking tsansa na prostate yan kasi nga may history sa lahi nyo. normal naman sa mga lalaki ang prostate enlargement pag 40 years pataas ang edad. ang bantayan mo ay yung prostate cancer kasi yun delikado . para ma convince nyo siyang magpa check up ay magsama kayo ng magpa check up din kahit sino na lalaki .

ako may grade 1 prostate enlargement may 2 years na. yearly chk up ko at may maintenance gamot swerte nalang at hindi cancer. huwag mahiya sabihan ang tatay nyo kasi nga normal yan prostate enlargement.
 
Re: Need Advice

Baka Bladder stones yan,,pareho kc symptoms sa tatay ko,,pa check up mo na,,kasi pag lumala yan eh baka ipaopera yan ng doctor kung may nkitang stones,,yan yung pagbara sa bladder kaya sumasakit ung upper abdomen at nagkakaroon ng back pain..mas mahal surgery kesa antibiotics
 
TS, hayaan mo lang na sabihan ang Tatay mo ng kwento ng iba. na Napabayaan kasi hindi nagPacheck up na dapat naagapan at nagbigay pa ng mahabang buhay.
yung sintomas na sinasabi mo ay ganyang ganyan sa Tatay ko pero di rin kasi agad siya nagpatingin at wala nmn kami kaalam alam.
Ngaun, nagpapahinga na siya.
Gusto ba nya kamo na iwan kayo ng ganitong kaaga? Heart to Heaet Talk ang dapat sa Ganyan. Isipin na lang kamo nya na napakaaga pa.Pag lumala yan, hindi na maibabalik yung oras na nasayang na dapat nakapag pacheck up at nakaPag Pagamot.
Magbasa ka din po ng tungkol sa mga Herbal o yung kay dok willie ong na para kahit ayaw nya talaga magPatingin, kahit paano may aksyon po kayong ginagawa.
Let's Hope na makinig po siya sa inyong magkakapatid pagkatapos ng Heart to Heart Talk. kasi mahirap po pag LATE nang KUMILOS.
 
Back
Top Bottom