Aking Pagmamahal
Eto nanaman ako, may pusong sawi,
Tinuloy ko pa rin kahit ito'y mali.
Ang nais ko lang ika'y mapangiti,
Kapalit man sa'kin, lungkot at pighati.
Oh anong galak ang aking nadarama,
Lalo’t higit kapag ikaw ay kasama.
At sa bawat oras na kapiling kita,
Isang ngiti mo lang ako'y masaya na.
Sana hayaan mo kong ika'y ibigin,
Pagmamahal ko sana ay iyong dinggin.
Kasalanan bang ika'y aking mahalin?
At hindi kita kayang balewalain.
Bakit nga ba ako nagkakaganito?
Inaalala ka sa bawat minuto.
Minahal kita sa paraang alam ko,
At gagawin ko lahat para lang sa'yo.
Eto nanaman ako, may pusong sawi,
Tinuloy ko pa rin kahit ito'y mali.
Ang nais ko lang ika'y mapangiti,
Kapalit man sa'kin, lungkot at pighati.
Oh anong galak ang aking nadarama,
Lalo’t higit kapag ikaw ay kasama.
At sa bawat oras na kapiling kita,
Isang ngiti mo lang ako'y masaya na.
Sana hayaan mo kong ika'y ibigin,
Pagmamahal ko sana ay iyong dinggin.
Kasalanan bang ika'y aking mahalin?
At hindi kita kayang balewalain.
Bakit nga ba ako nagkakaganito?
Inaalala ka sa bawat minuto.
Minahal kita sa paraang alam ko,
At gagawin ko lahat para lang sa'yo.
I wrote this on the eve when she said NO three years ago.