Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem "Kontra Tiempo"

"Kontra Tiempo"

Ano kayang ginagawa mo noong isang taon?
Noong panahon na nahihirapan akong bumangon.
Araw-araw lagi kong pinagdarasal sa maykapal
Na may masisilungan na parang malaking trapal.

Nasaan ka kaya noong nangangailangan ako ng pagmamahal?
Bawat sandali ng aking buhay ay malumbay na pagtatanghal
Nangagarap na baka sakali na ang tanikala ng kalungkutan
Ay mapuputol at mawawasak ng mga sagot sa mga katanungan.

Naiingit ako sa kung sino man ang kayakap mo tuwing gabi
Kung pwede lang sana na ako nalang ang nasa iyong tabi
Noong panahon na ako'y nagiisa sino kaya ang iyong kasama
Ako'y nabalot ng lungkot at pawang pighati ang nadarama.

Bakit ngayong nandito ka na pakiramdam ko'y wala ka pa rin
Di kita pwedeng hawakan at di rin pwede na ika'y salingin
Isa kang panaginip na kung pwede lang wag na akong magising
Akala ko ikaw ang tugon sa sobrang tagal ko ng hinihiling.

Ang puso kong nanahimik ay ginising ng iyong halik
Kung pwede lang sana ang oras ay aking ibabalik
Nais kong malaman mo na ang lahat ng ito ay totoo
Wag mo akong paglaruan dahil ang isip ko'y sayo.
 
Last edited:
Back
Top Bottom