Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Ang Boyfriend Kong Skater

Ang Boyfriend kong Skater.
Hanggang kelan ko kaya sya hahangaan, Kelan kaya sya magiging akin.



Written by Anonymous P. All rights reserved 2014

__________________



Hanggang kelan kaya kita titignan?

Hanggang kelan ba kita hahangaan?

Hanggang kelan mo ba ko dadaanan lang sa harapan?

Di ba tayo pwedeng maging magkaibigan oh kahit man lang pansinin mo ko?

Hay nako kelangan siguro matuto muna akong mag skate bago ako mapalapit sayo.​






Unang Yugto [Unang Sulyap]


Alam niyo ba yung feeling na makikita mo nanaman yung crush mo, "Yung crush kong skater?"

Natural lang naman siguro na alam niyo yung feeling na ganito, sobra akong kinikilig at nag bablush at halos mag daydream ako kahit maaga pa.

Hay salamat dahil pasukan na naman at makikita ko nanaman sya sa campus, makikita ko nanaman yung lalaking pinapangarap ko.

His the typical guy na cool at parang walang boring sa katawan, pero napakatahimik at hindi naman kagwapuhan, parang mysterious type at puro skate lang siguro ang alam pero cool parin sya para sakin.

Naalala ko tuloy nung una ko syang nakita nung pumasok sya sa section namin, super cool na nya although di ko pa alam na skater sya, sa porma palang nya eh masasabi mong astig sya, pero katulad ng ibang boys masyado syang tahimik at misteryoso, di sya gaanong nagsasalita, magsasalita lang sya siguro kung tatanungin sya ng prof namin. Nakaka curious and gusto ko pa syang makilala ng lubusan pero nahihiya ako.

Tinanong ako ni clar. "type mo'?

Hindi ko na alam kung anong isasagot ko sakanya, hindi sa malandi ako or something pero na attract ako bigla sa kanya, ni hindi ko pa nga alam ang pangalan nya, address, contact number, o paboritong pagkain pero gustong gusto ko syang makilala , siguro dahil na curious ako sa pag katao nya kaya ako ganito sakanya.

Ayokong ipakita or ipahalata sakanya na attracted ako o may gusto ako sakanya. Gusto ko siyang kilalanin ng maayos at gusto ko syang maging kaibigan, pride pero nahihiya ako at baka makatanggao ako ng rejection. Kaya kinapalan ko na ang muka ko at nilakasan ko ang loob ko at nagpakilala ako saknya, tinabihan ko sya at tinanong ng kung ano-ano pero ang gusto ko lang naman talagang sabihin ay kung anong pangalan nya, at bigla na lang syang nagsalita;

"Ako nga pala si ren, nice meeting you"

"Mukang nabasa nya ang nasa isio ko, hindi kaya nakakabasa sya ng isip ng tao, hindi naman siguro."

Sa loob-loob ko super saya ko dahil alam ko na ang pangalan nya kahit di nya sinagot yung ibang tanong ko, pero nung tatanungin ko na ulit sya eh na udlot na dahil breaktime na at bigla na lang syang lumabas, di man lang ako nakapag pakilala sakanya.

Hinanap ko sya sa canteen, sa labas ng campus at kung saang sulok ng school pero hindi ko sya nakita, di ko alam kung may kakayahan din syang di mapansin or makita, pinagtanong ko na sya pero hindi nila alam kung asan ka, masyado nakong stalker nya pero gusto kong magpakilala saknya, then i found out kung san ko sya makikita, ang mga lalake kapag oras ng klase isa lang ang tatambayan "computer shop"

So pinuntahan ko nga sya at nagbakasakali ako and ayun nakita ko nya sya at busy sya sa pag lalaro, kaya di ko nya sya inistorbo, and bumalik nako sa campus siguro dun ko na lang sya hihintayin , maaga pa naman kaya kakain muna ako at maghahanda sa round 2 namin.

Alam ko naman, ako kagandahan, Simple lang akong manamit, simple lang mag make up, simple sa lahat ng bagay, ayoko kasi ng komplikado at pinagiisipan dahil ayokong pasakitin ang ulo ko.. Si ren naman siguro madedescribe ko sya, as a person na simple pero rock, hindi sya Gwapo pero sobrang cool, sobrang tahimik at sobrang misteryoso, hindi ko alam kung anong sports nya pero malalaman ko din yun sa tamang time.

At Natapos na ang breaktime at balik classroom na.

OMG. makikita ko na ulit sya at makakapagtanong nako.

And dumating na nga sya, at agad agad akong tumabi sakanya at nagsimula ng magtanong pero bago ako magtanong nagpakilala muna ako.

"Nga pala ako pala si Yumi"

Ah nga pala pwede bang magtanong sayo? Ano nga palang sports mo? wag kang ma offend ha hindi ka kasi athletic na person so curious ako kung anong sport mo?

At bigla na lang syang nagsalita.

Extreme Sports kasi ang ginagawa ko, So ang napili kong category sa extreme sports is Skateboarding!

Skater kasi ako so kaya ganito na hindi pang athletic yung body figure ko.

Ha skater ka? diba delikado yung ganun, nakakabali ng buto yun eh di kaba natatakot?

At bago pa nya masagot yung tanong ko dumating na ang professor namin.


Sayang hindi na nya nasagot kainis, pero ang cool skater pala sya, astig, gusto ko pa syang makilala ng lubos.

Madami pakong gustong malaman sakanya at madami pakong gustong itanong tungkol sa pagkatao nya, ngayon hindi na sya misteryosong tao para sakin.



Kilala ko na sya

Eto na.

Mapapalapit nako sakanya

Bwahahaha....



Nababaliw kanaba? "Ika ni clar sakin"

Nagsasalita kana lang dyan ng magisa ano bang problema mo?

Wala clar , masaya lang ako kasi kilala ko na yung bagong guy na classmate natin, ren pala name nya ang guess what skater pala sya, ang cool diba! ika ko kay clar.

Talagang kinakareer ko ang pag tatanong sakanya at gagawin ko lahat para malaman ko lahat.

Biglang kinurot ni clar ang pisngi ko.

Masyado kana atang naloloka sakanya friend kakakilala mo palang sakanya diba gusto mo na agad kaw talaga malay mo parehas lang yan ng mga ex boyfriend mo. "ika ni clar sakin

Sabi ko naman sakanya, "Hindi clar, ibang iba sya feel ko basta na attract ako sakanya iba yung aura nya basta nakaka goodvibes.

Ok pero binabalaan kita ha! wag ka assuming masyado baka masaktan kana naman. "ika ni clar sakin"


Di namin namamalayan ni clar na tapos na ang subject, ang bilis ng oras at masaya ako dahil makakausap ko nanaman si ren pero pag lingat ko sa kinakaroonan nya wala na naman sya, naglaho na parang bula. Malingat ka lang ng konti nawawala na sya sa paningin mo at ang hirap nyang hanapin sobra. So dating gawi pinuntahan ko sya sa computer shop pero wala sya doon. Saang lupalop kaya pumunta ang lalaking yun, ang hirap na nyang hanapin.

Lakad dito, punta doon, di ko sya makita! Kahit anino nya di ko masilayan, masyado nakong naloloka sakanya, di ko alam kung ginayuma nako ng mga ngiti nya at titig nya, dahil yun ang hinahanap-hanap ko sa bawat minutong di ko sya nakita ng biglang.... may nagsalita sa likod ko...

"Sinong hinahanap mo?" ika ng isang lalake na nasa likod ko.

Bigla akong lumingon at pag lingon ko, OMG si ren, parang gusto kong sumabog sa tuwa , gusto ko syang yakapin pero di ko pwedeng gawin, kaya nag alibi na lang ako sakanya, kunwari hinahanap ko friend ko.

"Ah eh, si clar, hinahanap ko si clar, di ko kasi sya makita eh haha kasi sabay kami uuwi mamaya, hehe gusto.. gusto mo bang sumabay?" ika ko kay ren.

"Ah ganun ba, hmmp sige pasabay ako, wala din kasi ako kasabay pag uwi nakakaboring pag umuwi ako magisa, hintayin ko na lang kayo mamaya" ika ni ren sakin



OMAYGAS, di ko maitago sa sarili ko ang tuwa at galak dahil sa wakas makakasabay ko syang umuwi, hay salamat di ako nakatanggap ng rejection, kala ko kasi suplado sya, super saya ng araw na to grabe.



"At lumipas ang oras... Uwian na. Class dismiss" sabi ng professor



Agad-agad nakong nagayos, parang bang limitado ang oras, nag make-up, nag polbo, nagpabango, nagayos ng buhok, excited nakong lumabas dahil alam kong naghihintay sya sa labas, at ng matapos ako sa pag aayos dali-dali nakong lumabas ng classroom at sya agad ang nakita ko, hay para ko lang syang boyfriend , kasu di pa kami, pero dadating din ako sa time na yan.



Naginip kaba? sorry ha nagayos pa kasi ako.

Sorry talaga ha, hehe magkwento kanaman tungkol sa self mo baka kasi nakukulitan kana sa mga tanong ko sayo. ika ko kay ren.

Habang naglalakad kami papunta kung saan sya sasakay pauwi ay bigla na lang sya nag kwento.



"Di kasi ako yung ideal guy ng mga babae o typical guy na cool, ayokong masyadong komplikado ang bagay sa lahat ng pagkakatao, ako yung person na chill lang, lahat ng negative na nangyayari sa buhay ko is ginagawa kong positive, or minsan tinatawanan ko na lang, yung iba kasi ang pagkakakilala sakin is cool person dahil skater ako, pero yung iba naman di naniniwala sa talent ko, ayaw nila sakin yun siguro gusto nilang ipamuka. Pero wala naman ako magagawa, dahil yun talaga sila eh, and wala akong pinipilit na gustuhin nila ako. So dont expect too much from me kasi di ako ganon, di ako ideal guy, boring person ako promise, pero pag nakilala mo ko ng lubusan maiintindihan mo din ako. Ika ni ren sakin.

Siguro nga tama sya wag muna ako mag expect na sobra sakanya pero dahil sa mga sinabi nyang yun kahit di ko sya maiitindihan alam kong misteryoso nga sya, at malalim na tao, simple pero seryoso. At bago kami magkahiwalay sa araw na to tinanong ko kung taga san sya.

At pinagbigyan naman nyang sagutin ang tanong kong yun. sabi nya..

".Actually taga laguna ako pero boundery din kami ng cavite in short nasa gitna kami ng laguna at cavite. E yung Erpat ko taga Antique province so nagdecide syang dito na manirahan sa laguna together with my ermat. So, imbes na bumili pa ng bagong bahay yung dating bahay na lang namin sa laguna yung tinirahan namin, pinaayos at pinaganda na lang dalawa kasi bahay namin eh." Ika ni ren sakin.

"Ah. Okay." sagot ko

Masyadong tahimik nung natapos nyang sagutin yung tanong ko. Wala ni isa samin nagsalita after that.

"Siya nga pala anong name mo--" "Ika ni ren"

Teka nakalimutan mo na agad? Yumi name ko" ika ko kay ren

"Ah sorry nakalimutan ko hehe, nice name" ika ni ren

"Hahaha kaw talaga hilig mo mag joke" ika ko kay ren

"Teka bakit nga pala yumi name mo ang ikli naman?ika ni ren"

"Di ko alam eh tatanong ko sa nanay ko" ika ko sakanya

"Nagtawanan kaming dalawa"

Di ko namalayan na andito na pala kami sa sakayan nya pauwi.

"Teka Saan ka ba uuwi? ika ni ren sakin"

"Sa may kanto lang ako malapit lang dito,. Sige, Bye na ingat ka ha." ika ko kay ren

"Bye ingat ka din." ika ni ren sakin sabay sakay sa jeep.

Pauwi na ko nung narealize ko, masarap pala syang kausap at kasama kahit ganun sya.




 
Re: Ang Boyfriend Kong Skater "UPDATED"

"Ma. Andito na po ako." ika ko kay mama

"Nga Pala Yumi, hinihintay ka ng kapatid mo"

"Sige po" Ano kayang ichichika sakin nitong si erica?

"Yow Sis."Tinabihan ko na si erica.

"Anong ichichika mo sakin at bakit mo ko hinihintay?" ika ko kay erica

"Wala sis yumi, nakita lang kasi kitang may kasamang guy kanina" ika ni erica sakin.

"Teka san mo kami nakita?" ika ko kay erica!

"Nung pauwi nako dito sa bahay, alam mo naman sigurong parehas lang tayo ng time ng paguwi at iisa lang naman ang uuwian natin diba" ika ni erica sakin.

"Ah wala yun, bagong kakilala ko lang, bagong friend, sinabayan ko lang kasi loner yun eh" ika ko kay erica.

"Ah, akala ko kasi boyfriend mo" ika ni erica sakin na parang may konting pagdududa.

"Ikaw talaga o, porket sinamahan ko lang boyfriend ko na agad di ba pwedeng kaibigan muna." ika ko kay sis erica sabay kurot sa pisngi.

"Seriously, Ate Yumi. sure kang di mo boyfriend yun? ika ni erica sakin

"OO nga sis, kulet mo bago palang yun sa section namin eh ibang section kasi yun dati." ika ko kay erica

"Okay sabi mo eh" ika ni erica sakin na parang nagdududa parin

"Bakit ba parang nagdududa ka sakin erica? may problem ba?" ika ko kay erica

"Wala ate, para kasing kilala ko sya eh sya ata yung ren na , famous sa campus nyo?" ika ni erica sakin

"HA? Famous! haha nagpapatawa kaba di naman gwapo yun at pano sya magiging famous eh napaka misteryoso nun at tahimik baka hindi sya yun, di nga sya kilala ng ibang classmate ko eh" ika ko kay erica

"Siguro nga ate yumi hindi sya yun" ika ni erica sakin

"Hmmp sige. Teka, kakain muna ako at gutom na ate mo." Pumunta ako ng kusina para kumain dahil nagwawala na ang chan ko sa gutom.

Pagtapos kong kumain narealize ko na baka iisa yung taong tinutukoy ni sis at si ren.

Siya kaya yung ren natinutukoy ni sis? hmmp pero hindi naman siguro sya yun dahil hindi naman halatain na famous sya. Teka mahanap ko nga facebook account nya.
 
Back
Top Bottom