Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ang Katuwiran ni Kristo (The Righteousness of Christ)

s0nicfl0od

Proficient
Advanced Member
Messages
223
Reaction score
5
Points
28
Ang Katuwiran ni Kristo


  •  Ang katuwiran ni Kristo ang batayan ng pagpapawalang-sala ng Diyos = ibinibilang sa sumasampalataya ang katuwiran ni Kristo. Ano ang katuwiran ni Kristo?


I. Ang Katuwiran sa Bibliya

  •  Ipinapaliwanag ng Bibliya ang mga salitang may kaugnayan sa moralidad na gaya ng katuwiran, kasalanan, kasamaan, katarungan atbp. sa pamamagitan ng Kautusan ng Diyos. [ 1 Jn. 3:4: “…ang kasalanan ay paglabag sa batas. “; Rom. 7:7:“ …hindi ko malalaman kung ano ang kasalanan kung hindi sa pamamagitan ng batas..”; Ps. 119:150: “ Sila na nagpaplano ng kasamaan ay malapit, ngunit sila’y malayo sa iyong kautusan. “ ]
  •  Ang kasalanan ay paglabag sa kautusan ng Diyos at ang katuwiran ay pagsunod dito.
  •  Sa pag-aaral natin sa pagpapawalang-sala at pagbibilang: ang katuwiran ni Kristo ang batayan ng pagpapawalang-sala ng Diyos = ibinibilang sa sumasampalataya ang katuwiran ni Kristo. Ano ang katuwiran ni Kristo?


II. Ang Katuwiran ni Kristo

  •  May mga nagtuturo na mayroong 2 klase ng katuwiran na itinuturo ang Bibliya: katuwiran ng kautusan at katuwiran ni Kristo. Ito’y maling katuruan. Ang kaligtasang isinakatuparan ni Kristo ay hindi binubuo ng pag-aalis ng katuwiran ng Kautusan at pagpapalit nito ng Kanyang katuwiran. Tinupad Niya ang kautusan at hindi pinalitan. Ang Kautusan ang naghahayag nang kung paano kikilos ang Diyos kung Siya ay magiging tao at ito ang Siyang ginawa ni Kristo.
  •  Tanong: Ang katuwiran ba ni Kristo na ibinibilang sa mananampalataya ay katuwiran ng isang Diyos? Sagot: Hindi. Ang katuwiran ni Kristo na ibinibilang sa sumasampalataya ay perpektong katuwiran ng isang Tao, bunga ng perpektong pagsunod ng perpektong Tao, si Hesukristo. ( Rom. 5:19 — “…gayundin sa pamamagitan ng pagsunod ng isang tao [ si Kristo ] ay mapapaging-matuwid ang marami. “ )
  •  Upang maging malinaw at sistematiko ang pagtuturo ng katuwiran ni Kristo ay gumawa ang mga gurong-Kristyano ng 2 kategoryang nagpapaliwanag nito: (1) Aktibong Pagsunod [ Active Obedience ]; (2) Pagdurusang Pagsunod [ Passive Obedience ].
  •  Aktibong Pagsunod: Ang buhay ni Kristo sa ilalim ng Kautusan
  •  Ang pangangailangan ng aktibong pagsunod ni Kristo:

Ang pangangailangan ng aktibong pagsunod ni Kristo:

  • 1. Sapagkat ang Kanyang mga tao ay hinihingan ng Kautusan ng perpektong kabanalan at pagsunod.
  • Deut. 18:13 — “ Sapagkat ako ang Panginoon ninyong Diyos, kaya’t pakabanalin ninyo ang inyong mga sarili, at kayo’y maging banal, sapagkat Ako ay banal…”
  • Matt. 5:48 — “ Kaya’t kayo nga’y maging perpekto, gaya ng inyong Ama sa langit na perpekto. “
  • — Ang tao’y nilikha sa wangis ng Diyos ( ang wangis ng Diyos: tunay na katuwiran at kabanalan [ cf. Eph. 4:24 & Col. 3:10 ] ); at bilang wangis ng Diyos ay may tungkuling maging katulad ng Diyos.


  • 2. Ngunit hindi nakasunod nang perpekto ang kanyang mga tao.
  • Rom. 3:10 — “ Gaya ng nasusulat: Walang sinumang matuwid, wala kahit isa. Walang sinumang nakakaunawa, walang sinumang humahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng daan, sama-sama silang naging walang pakinabang. Walang sinumang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa. “
  • — Nang malaglag sa kasalanan, ang tao’y hindi na katanggap-tanggap sa Diyos, hindi na wangis ng Diyos ayon sa tunay na katuwiran at kabanalan ( Eph. 4:24 ).

  • 3. Si Kristo bilang Tagapamagitan ay kinailangang sumailalim sa Kautusan.
  • 1 Tim. 2:5 — “ Sapagkat mayroong isang Diyos at isang Tagapamagitan sa Diyos at sa tao, ang Taong si Kristo Hesus. “
  • — Ang pagdugtong ni Pablo ng ‘ang Taong si Kristo Hesus’ ay tumutukoy sa Kanyang tungkulin bilang Tagapamagitan = ang Panginoon ay naging Tunay na Tao bilang ang ‘Mesiyas na Anak ni David’.
  • Gal. 4:4-5 — “ …ipinadala ng Diyos ang kanyang Anak, isinilang ng isang babae, isinilang sa ilalim ng Kautusan upang tubusin ang mga nasa ilalim ng Kautusan, upang matanggap natin ang lubos na mga karapatan bilang mga anak. “
  • — Ang pagpapasailalim ni Kristo sa Kautusan ay nagsasaad ng Kanyang tungkulin na sumunod sa kautusan. Upang ‘matanggap natin ang lubos na mga karapatan bilang mga anak’ = bilang mga wangis ng Diyos, ay kailangan Niyang sundin ang lahat ng itinatadhana ng Kautusan.
  • Heb. 4:15 — “ Sapagkat wala tayong punong-saserdote na hindi maaaring makiramay sa ating mga kahinaan; bagkus Siya ay sinubok sa lahat ng paraan katulad natin ngunit siya ay hindi nagkasala. ”



— Ang ‘sinubok sa lahat ng paraan…ngunit hindi nagkasala’ = sinunod Niya nang perpekto ang Kautusan.

  •  Pagdurusang Pagsunod: Ang Krus
  •  Dahil ang tao ay nagkasala, si Kristo bilang Tagapagligtas ay kinailangang humarap sa kaparusahan upang mapagbayaran ang hinihingi ng Kautusan.
  •  Sa Bibliya, kapag binanggit ang sakripisyo ni Kristo, ito’y laging tumutukoy sa pagka-Tao Niya = tunay na tao ang ipinako sa krus, namatay at nabuhay na muli.
  •  Ang Krus at ang Kautusan


Col. 1:21-22 — “At kayo na dating banyaga at mga kaaway ng Diyos dahil sa inyong pag-iisip at dahil sa inyong masasamang gawa ay ipinagkasundo ngayon sa Kanyang katawang laman sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan upang kayo ay maiharap na mga banal at walang kapintasan sa harapan Niya. “

— Nilunasan Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ang alitan sa pagitan ng Banal na Diyos at ng makasalanan.

Col. 2:14 — ” na pinawi niya ang talaan ng pagkakautang na laban sa atin na nasa mga tuntuning salungat sa atin at ito’y Kanyang inalis at ipinako sa krus. “ ( Phillips Translation: “ Christ has utterly wiped out the damning evidence of broken laws and commandments… and has completely annulled it by nailing it over his own head on the cross. “ )

— Ang malamang na tinutukoy ni Pablo dito ay ang sinaunang kaugalian ng pagpapako ng katunayan ng nabayarang pagkakautang sa pampublikong lugar upang ipaalam sa lahat na bayad na ang utang at wala nang pananagutan ang taong nagkautang. = Si Kristo na ipinako sa krus ang katunayan na wala nang sinisingil ang Diyos sa atin.

— Ang pakikipagkasundo ay nangyari dahil napagdusahan na ang kaparusahang itinatadhana ng batas laban sa atin.

Phil. 2:8 — “ At palibhasa’y natagpuan sa anyo ng tao, Siya’y nagpakababa… at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan man sa krus. “

1 Pet. 2:24 — “ Siya mismo ang nagdala ng ating mga kasalanan sa Kanyang katawan sa krus, upang tayo’y mamatay sa mga kasalanan at mabuhay sa katuwiran…”

— Ang Kanyang pagdurusang pagsunod ay kahaliling pagbabayad-sala para sa atin.


III. Ang Halaga ng Pagka-Diyos ni Kristo sa Kanyang Pagsunod


 1689 BCF; Chapter 8, Article 7: “ Christ, in His work of Mediator, acts according to both natures, each nature doing that which is proper to itself. Yet, because of the unity of His person, that which is proper to one nature is sometimes in Scripture attributed to the person denominated by the other nature. “

— Sapagkat ang kalikasang-Diyos at kalikasang-tao ay nag-isa sa Persona ng Manunubos, ang pagsunod ni Kristo ay pagsunod ng Eternal na Anak ng Diyos. Ang pagiging-Diyos ni Kristo ang nagbigay ng walang-hanggang halaga sa Kanyang pagbabayad-sala.

Heb. 9:14-15 — “ Gaano pa kaya ang dugo ni Kristo, na sa pamamagitan ng walang-hanggang Espiritu ay inihandog ang Kanyang sarili na walang dungis sa Diyos, ay maglilinis ng ating budhi mula sa mga gawang patay upang maglingkod sa Diyos na buhay? Kaya’t Siya ang Tagapamagitan ng isang bagong tipan upang ang mga tinawag ay tumanggap ng pangako: ang pamanang buhay na walang-hanggan… “

— Pansinin ang takbo ng pangangatwiran ng apostol:

  •  sa pamamagitan ng walang-hanggang Espiritu
  •  inihandog ang sarili
  •  maglilinis ng budhi
  •  kaya’t ( dahil dito ) Siya ang Tagapamagitan
  •  ang mga tinawag ay nagtamo ng buhay na walang-hanggan.


=Ang Kanyang pagka-Diyos ang nagbigay-bisa sa Kanyang tungkulin bilang Tagapamagitan.

 Paglilinaw

 Bagaman ang aktibo at pagdurusang pagsunod ay pinag-iiba sa sistematikong pagtuturo ng pananampalatayang-Kristyano, ang mga ito ay hindi magkahiwalay na gawa ni Kristo.

— Mayroong pananaw na ang aktibong pagsunod ( pagsunod sa Kautusan ) ay ginampanan ni Kristo sa Kanyang buong buhay; at ang pagdurusang pagsunod ay Kanyang ginampanan nang Siya ay hulihin hanggang sa kamatayan sa krus. Ito’y maling pananaw. Ang buong buhay ni Kristo ay buhay ng aktibo at pagdurusang pagsunod.

John Gresham Machen: “ During every moment of His life upon earth Christ was engaged in His passive obedience. It was all for Him humiliation, was it not? It was all suffering. It was all part of His payment of the penalty of sin. On the other hand, we cannot say that His death was passive obedience and not active obedience. On the contrary, His death was the crown of His active obedience. It was the crown of that obedience to the law of God by which He merited eternal life for those whom He came to save. “
 
Last edited:
Back
Top Bottom