Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Ang Pangarap

Ako si Yen-Yen, apatnapu't dalawang taong gulang.
Wala sa aking sapantaha kung pasasalamatan ko ang Diyos o ang aking tadhana, pero pakiramdam ko ay mas gumanda ang buhay ko ng dumating ako sa bahay na ito.
Ang may-ari ng bahay ay si Mark Lee at ang kaniyang napakagandang maybahay na si Bernadette Lee. Pinuntahan ko ang bawat silid ng bahay at sinasamyo ang mabangong amoy na nagmumula rito. Hindi ko masabi kung ang bango ay nagmumula ba sa mga plorera ng makukulay at sariwang bulaklak o sa mga nakasindi na insenso. Ang karpet sa silid ng aking mga amo ay tila bulak sa lambot kung iyong hahagurin ng nakapaa. Iba sa pakiramdam kapag lumakad ka ng hinay-hinay dito na walang suot sa paa. Ang dingding ng silid ay mapusyaw na dilaw at sumagi sa aking isip na kung ako ang nakatira dito ang gusto kong kulay ay puti pagkatapos ay sisindihan ko ang isang mapusyaw na ilaw sa isang gilid ng silid. Ah... marahil ay napakasarap magmuni -muni lalo na sa katahimikan ng gabi.
Subalit ang aking mga amo ay may lahing Intsik kaya mahilig sila sa kulay rosas at dilaw.
Ako ay isang kasambahay dito pero ako na yata ang may pinakamadaling gawain sa lahat ng kasambahay dito at kapag kumakain ang aking mga amo ako ay kanilang pinauupo malapit sa kanila para bugawin ang anumang insekto na umaaligid sa hapag-kainan na napadalang mangyari. Malalanghap mo ang amoy ng ubas at mansanas na nakapatong sa gitna ng mamahaling mesa. Lagi akong naghahanda ng tubig na may ilang patak ng pabango kung saan sila ay nagbabanlaw ng mga kamay matapos kumain. Lahat ay pawang kamangha-mangha para sa akin mula sa aking paggising hanggang sa aking pagtulog. Tuwing umaga ako ay pumupunta sa silid ng aking mga amo para sila ay pagsilbihan ng mainit na tsampurado, lugaw o 'di kaya ay mami basta pagkain ng mga Intsik.
Nilapag ko ang mangkok ng lugaw sa maliit na mesa sa gilid. Pumunta ako sa may balkonahe hinawi ko ang kurtina at binuksan ang pinto at malayang pumasok ang malamig na hangin at malamyos na humaplos sa aking pisngi. Ang ganda ng mga rosas sa hardin. Napabuntong-hininga ako at napapikit sabay nangarap magkaroon ng ganito kalaki at kasinggandang bahay. Narinig ko sa mga ibang kasambahay na napakalaking halaga ang ginugol sa pagpapatayo nito na humigit kumulang sa tatlong-daang milyon as in 300 Million. Nagulantang ako ng tawagin ako ng amo kong babae na si Madam Bernadette. Sabay lapit sa mesa para iligpit ang pinagkainan ng mag-asawa.
Dumalang ang paglabas ni Ginoong Mark Lee tuwing gabi at sa halip ay sinasamahan niya ang maybahay niya sa panonood ng pelikula sa isa sa mga silid kung saan may napakalaking telebisyon na parang sa sinehan at maiuunat na mga silya kung ibig mong medyo nakapahiga.
Matagal na rin akong nagtatrabaho sa kanila mga dalawang taon na dalawampung taon ako noon pero hanggang ngayon wala pa ata silang balak magkaroon ng isang supling.
Isang gabi habang ako ay natutulog naramdaman kong bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Pumasok doon si Ginoong Mark Lee dahil wala akong bra tinakpan ko ng unan ang aking malusog na dibdib. Umupo siya sa tabi ko at sinabi niya sa akin na matagal niya na raw akong gusto. Hindi lang daw siya makakuha ng tiyempo at ngayong gabi raw ang pagkakataon na ito. Hinawakan niya ako sa kamay sabay halik sa aking maseselang bahagi, mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa aking mga kamay. Wala akong nagawa kundi umiyak. Gustuhin ko man kumawala hindi ko magawa dahil nanghihina ako wala akong lakas. Hindi ko nagawang manlaban ni sumigaw man lang... nangyari ang hindi dapat mangyari. Ginahasa ako ng aking amo.
Nang matapos ang kahayupan sa akin ni Ginoong Mark Lee pagbukas niya ng pinto para lumabas nakita ko ang kaniyang asawa at dali-daling pumunta sa akin. Kinausap niya ako na huwag ko na raw sabihin sa mga kinauukulan ang mga nangyari bibigyan niya raw ako ng malaking halaga at ituturing na parang isang tunay na kamag-anak. Wala akong nagawa kundi umiyak at tanggapin ang alok sa akin ng amo kong babae, natutulala ako noon.
At ganoon nga ang nangyari, inabutan ako ni Gng. Lee ng isang sobreng nagkakalaman ng malaking halagang salapi kinaumagahan na hindi ko pa nahahawakan sa tanang ng aking buhay. Kung tutuusin, sa sarili ko mali ito hindi tama ito pero dahil ang aking ina ay may sakit sa probinsiya at si ama naman ay baldado o inutil dahil naaksidente sa pabrika na kanyang pinapasukan, tinanggap ko ang perang nakalakip sa sobre, nahihirapan ang aking konsensiya.
Ilang linggo ang lumipas, palagi ako nahihilo, antukin, at minsan parang naduduwal pero wala naman akong mailabas na isusuka. Napansin ito ni Gng. Lee at ako ay kaniyang inalagaan sinabi niya sa akin na ako ay nagdadalang-tao.
Tumagal ng ilang buwan ang magandang pakikisama sa akin ng mag-asawa napakabait nila lahat ng gusto ko ay binigay miski kahit anong pagkain o ipagawa ko sila na mismo ang gumagawa. Napansin kong lumalaki ang aking tiyan at ayun nga ako ay manganganak na. Biniyayaan ako ng isang malusog na sanggol na lalaki. Pinangalanan ko itong Bruce.
Hindi alam ng aking mga magulang na ako ay nabuntis at nanganak. Minsan nakatanggap ako ng isang sulat na galing sa aking kapatid na babae ang sabi "Yen-Yen iniwan na tayo ng ating ama at si ina ay may malubhang sakit kailangan niyang operahan kailangan mo umuwi ngayon din kailangan ka namin dito alam mo naman wala akong alam na mahihiraman ng pera dito". Nang mabasa ko ang mensahe ng aking kapatid agad-agad akong nag-impake ng mga gamit ko at nagpaalam sa aking mga amo. Pumayag sila na iwan ko ang bata sa kanila.
Paalis na ako nun ng abutan ako ng aking among babae ng isang tseke na nagkakahalaga ng Kalahating Milyon. "Yen-yen tanggapin mo para sa operasyon ng iyong ina at pagpapalibing sa iyong ama". Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa kanya ng sabihin niya na iyon ay bayad nila dahil aampunin nila ang aking anak at sinabi na hindi na daw siya pwede pa magkaroon ng anak sabi ng kanyang doktor. At hindi ko na pwede makita ang aking anak pag tinanggap ko ang pera nagdadalawang isip ako dahil ang aking ina ay nakaconfine sa ospital at kailangan namin ng malaking halaga para madugtungan ang buhay ng aking ina. Wala akong nagawa kundi pirmahan ang binigay nilang kasulatan. Pinapirma nila ako ng kasulatan para maging legal ang lahat.
Ilang buwan lamang at namaalam na ang aking ina. Sobrang lungkot ko noon parang pinagtiyap ng panahon nakilala ko si Anton at biniyayaan kami ng isang malusog na sanggol na babae pinangalanan namin tong Emily. Napakabait at masipag ang aking asawa lalo siyang nagpursigi ng kami ay magkaanak. Subalit 'di naglaon bago mag-isang taon si Anton ay pumanaw, ako ay nabalo. Paano na kami ng walang malay kong anak.
Namuhay kami ng aking anak na babae at nagtayo ng isang maliit na tindahan. Naitaguyod ko siyang nag-iisa. Dahil likas na maganda si Emily napakarami niyang manliligaw. Palagi ko siyang sinasabihan na unahin ang pag-aaral bago ang boyfriend. Minsan ng gabi nag-aalala ako na hindi pa umuuwi si Emily mag-aalas dose na at tawag ako sa kanya ng tawag, hindi niya sinasagot ang kanyang cellphone at maya maya'y sa di kalayuan sa aming bahay may isang sasakyan napakagara at may bumabang lalaking matangkad, maputi, at singkit ang mata, na akay-akay ang aking anak na babae. At dali-dali akong tumakbo papunta roon at tinanong ko sa kanya kung ano ang nangyari, "Nakainom po siya naparami po, sinabihan ko siya na huwag na po uminom pero pilit pa rin siya ng pilit hanggang sa nalasing na po siya" ang sabi ng binata. Inakay ko si Emily papanhik ng bahay at nagpaalam na ang binata.
Kinaumagahan pagbukas ko ng tindahan nagtanong sa akin si Emily kung sino raw ang naghatid sa kanya "yung binatang may magandang kotse at matangkad" ang sagot ko. "Ahhhhh si Bruce" ang sabi niya. Parang may kakaibang hangin na dumampi sa akin bigla akong nanlamig dahil naalala ko ang anak kong lalaki na si Bruce yung pinaampon ko sa dati kong amo. "Anong nangyari sayo Ma?" ang nagtatakang tanong ni Emily. "Wala naman anak, may naalala lang ako, saka isa pa saan mo nakilala yang Bruce na yan? Parang lahat yata ng kaklase mo kilala ko na pero yang Bruce ngayon ko lang ata nakita. At isa pa bakit ka uminom kagabi? Pinayagan kita dahil JS Prom ninyo at tawag ako ng tawag sayo hindi mo sinasagot ang phone mo" Ang sagot ko kay Emily. "Eh Ma, si Bruce po schoolmate ko po, Senior High na po siya Ma, nakilala ko po siya, nung may nambabastos po sa akin pinagtanggol niya po ako at simula noon naging magkaibigan na kami at alam mo ba Ma mayaman po si Bruce", ang sabi niya. Kinabahan ako sa sinabi ng aking anak dahil naalala ko ang panganay kong anak na inampon nina G. At Gng Lee. (TO BE CONTINUED)
 
Last edited:
Back
Top Bottom