Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay ang suwerte ng mga una nating minahal

Ang swerte ng mga una nating minahal...
Minahal natin sila kung kelan tayo buo...
Ibinigay natin ang parte ng ating buhay na walang bahid ng pag-aalinlangan...
We loved them with our innocence...
Innocence sa love... sa kiss.. sa sakit.. sa sex..
Sa kanila natin unang naramdaman ang kilig..
Ang unang saya ng pag-ibig...

Ang swerte ng mga nauna nating mga minahal...
When we are all but naive...
Walang dala dalang sakit...
o poot...
o pagod...
O pagkamuhi..
O Hesitation..
At di marunong manukli ng sakit sa sakit na ibinigay...
All we had is our fairytale dream of having a partner...
A happily ever after...
A lifetime... infinity... of forever...

Ang swerte ng mga nauna nating minahal...
Na binigay natin yung wala pa tayong pinagbigyan...
Na kung saan naniniwala pa tayo sa forever...
Na kung saan wala pang pagdududa..
Na walng pagdadalawang-isip..

Ang swerte ng mga nauna nating minahal...
We let them took our age of innocence...
Our ability to trust fully...
To engage with people without hesitation to believe...
Na hindi maging doubtful..
Hinayaan natin silang hawakan ang ating puso..
Ibahin ang ating mundo...

Ngayon... sa pakiramdam natin... ay hindi na tayo buo...
Pakiramdam natin tayo ay iba ng tao..
Mahirap ng ipagkatiwala pa ulit ang salitang forever...
Mahirap na ibigay ang puso ng buo na hindi nag-iisp na baka masaktan ulit..

Pero... maswerte din tayo sa mga una nating minahal...
Dun tayo natuto...
Dun tayo lumakas...
Dun tayo mas naging mapili...
Dun tayo sumaya.... nawasak....
Naluha... nagalit... ngumiti.. umiyak...
Natutong bumangon at buuin ang sarili natin..
Nakarealize ng mga bagay-bagay..
Tungkol sa kaibigan... relasyon.. pag-ibig... sa buhay...

Maswerte ang mga susunod nating mamahalin..
Dahil alam na natin san tayo nagkamali...
Alam na natin ang ating kakulangan...
Alam na natin ang dapat higitan...
Alam na natin kung ano ang ating pagbubutihan...
Na di na tayo dapat saktan.. o manakit...
Na alam na natin ang impyerno... at gusto na natin ng langit..

Dahil ano man o sino man ang dumating,
Maswerte pa din tayo...
Kasi may nawala man sa ating pagkatao,
Meron pa ding magmamahal satin ng totoo...
At ipaparamdam na tayo ay buo...
Kahit matagal man...
O kahit saglit...
Kahit matatawag nating atin...
O tayo ay isang kapalit...
Kahit hindi laging masaya...
Kahit minsan masakit...
O kahit ano pang kahit....
Dahil ang pagmamahal ay isang emosyon.. matinding emosyon...
Na di man nating kailangang habulin,
Ay di rin naman natin dapat takbuhan....
 
Back
Top Bottom