Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano ba ang tunay na kahulugan ng Pagpapawalang-sala* ( Justification )

s0nicfl0od

Proficient
Advanced Member
Messages
223
Reaction score
5
Points
28
Pagpapawalang-sala* ( Justification )

* Ang ginagamit na salita sa Bibliya na pansalin sa justification ay ‘pag-aaring-ganap’ na ang ibig-sabihin ay pagtuturing na perpekto at matuwid. Ang katuturan ng ‘pagpapawalang-sala’ ay ‘ itinuturing na walang kasalanan o matuwid ’ = dating maysala na pinawalang-sala.

  • Sa hukuman ng tao, wala nang pinakamasayang sandali para sa isang nasasakdal ang marinig niya ang deklarasyon ng Hukom na: WALANG-SALA. Ito’y mabuting balita para sa kanya. Ganito rin ang ebanghelyo sa isang makasalanan.


  • Para kay apostol Pablo, ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay napakahalagang sangkap ng ebanghelyo na kapag ito’y binaluktot ay hindi siya nangingiming magdeklara ng sumpa sa sinumang gagawa ng ganito ( Gal. 1:7-9 ). Para kay Pablo ang ebanghelyo ay katumbas mismo ng pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya = ang pinawalang-sala ay siyang ligtas ( Rom. 5:9; Rom. 10:10 ). Kung kaya’t napakahalagang maging malinaw sa Kristyano ang doktrina ng pagpapawalang-sala.


Roger Smalling: “Justification is high on the list of truths worth living and dying for. After all, it answers the question, “How can sinners be reconciled to a holy God and avoid his judgment?” [ “ Ang pagpapawalang-sala ay pangunahin sa listahan ng mga katotohanang karapat-dapat na paglaanan ng buhay at kamatayan. Sapagkat sa bandang huli, ito ang sagot sa tanong na: ‘ Paano makikipagkasundo ang makasalanan sa Banal na Diyos at makaiwas sa Kanyang hatol? ‘ “ ]

Rom.5:1 — “ Samakatuwid, yamang tayo ay pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo ay may kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo… “

 Ang mga kamaliang umiiral sa makabagong Kristyanismo ay karaniwang nag-uugat sa hindi malinaw na pagkaunawa sa doktrina ng ‘justification’ o pagpapawalang-sala na itinuturo ng Bibliya.

PUNTO: Ang katuruan ng pagpapawalang-sala ay napakahalaga sa tamang pagkaunawa ng ebanghelyo.


I. Kahulugan Ng ‘Pagpapawalang-Sala’ o ‘Justification’

  • Ang karaniwang saloobin ng modernong Kristyano tungkol sa salitang ‘justification’ o pagpapawalang-sala ay hindi na ito mahalagang pakabusisiin pa, basta ang importante ay si Kristo ang sinasampalatayanan at ayos na yun. Slogan: ‘No creed but Christ’ = saloobin ito na walang katotohanang mapanghahawakan. Ang Kristong Manunubos sa Bibliya ay maraming kaakibat na katotohanang dapat maunawaan upang tunay na masampalatayanan para sa kaligtasan.


  • Pag-aaral ng Salita: ‘dikaioo’ ( ‘to justify’ )


  • Maraming nagpapakahulugan sa ‘justification’ bilang ‘pagpapaging-matuwid’ o ‘gawing matuwid’. Maling pakahulugan ito. Dito nagkakahiwalay ang katuruang-Katoliko at katuruang-Protestante.


  • Ang ‘justify’ sa Gr. ‘dikaoo’ ( dik-ah-yo-o ) = to declare righteous; ideklarang matuwid *. Ginamit ni Pablo ng 27 ulit; 49 ulit sa septuagint. Ito’y kakabit ng mga salita para sa ‘katuwiran’ ( dikaiosune ) at ‘katarungan’ ( dikaios ). Ang ‘katuwiran’ at ‘katarungan’ ay magkatulad sa Griyego ng Bagong Tipan.


Sa anumang pag-aaral ng salita sa Bibliya, ang konteksto o di kaya naman ay ang palagiang gamit ang siyang nagdidikta ng kahulugan ng salita.

II. Ang ‘dikaioo’ sa Bagong Tipan at sa Septuagint* [ * Ang Septuagint ay isina-Griyegong Lumang Tipan ]

  • 1Tim.3:16: “ Great indeed, we confess, is the mystery of godliness: He was manifested in the flesh, vindicated ( dikaioo ) by the Spirit… “
  • — Tumutukoy sa hiwaga ng pananampalatayang-Kristyano ( ‘godliness’; lit. ‘piety’ ). Siya ay nahayag sa laman = nagkatawang-tao; ‘ pinatunayang-matuwid’ ng Banal na Espiritu ( tumutukoy sa resureksyon ). Ang ‘dikaioo’ dito ay hindi nangangahulugan na ‘ginawang-matuwid’ dahil si Kristo ay sadya nang matuwid = hindi Siya kailanman naging ‘hindi-matuwid’ para ‘gawing matuwid’ ng Espiritu.


  • Matt.12:37: “ For by your words you will be acquitted ( dikaioo ), and by your words you will be condemned…”
  • — Ang ‘dikaioo’ ay ginamit na kasalungat ng pagsi-sentensya o kahatulan; kung kaya’t ito’y nangangahulugan dito na deklarasyon ng pagpapawalang-sala.

  • Rom.3:4: “ Not at all! Let God be true, and every man a liar, as it is written: “So that you may be proved right ( dikaioo ) when you speak and prevail when you judge.”
  • — Pinasisinungalingan ni Pablo ang akusasyon na hindi tinupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako. Nililiwanag ni Pablo na nilabag ng tao ang mga inilatag na kondisyon ng Diyos kaya hindi nila natamo ang pagpapala ng Diyos. Hindi ‘ginawang matuwid’ ang Diyos ng Kanyang salita, bagkus Siya ay ‘pinatunayang matuwid’ sa Kanyang paghatol sa tao.


  • Luke 7:29: “And all the people that heard him, and the publicans, justified ( dikaioo ) God, being baptized with the baptism of John. “
  • — Hindi ‘ginawang matuwid’ ng mga tao ang Diyos; bagkus ay ‘ kinilala na matuwid ‘ ang Diyos dahil sa mga ginawa ni Kristo. ( Sa ESV = ‘ they declared God just ‘ )

  • Luke 7:35: “ Yet wisdom is justified ( dikaioo ) by all her children. "
  • — Ang karunungan ay hindi ‘ginawang matuwid’ kundi ‘ pinatunayang matuwid ’ .


  • *Deut.25:1When men have a dispute, they are to take it to court and the judges will decide the case, justify ( dikaioo ) the innocent and condemning the guilty. “
  • — Inaatasan ang mga hukom na ‘ ideklarang matuwid ’ ang walang kasalanan at hatulan ang maysala = deklarasyon ng hukom ang pagpapawalang-sala.

  • * Ex.23:7: Keep thee far from a false matter; and the innocent and righteous slay thou not: for I will not justify ( dikaioo ) the wicked. “
  • — Hindi ‘gagawing matuwid’ ang masama kundi hindi ‘pawawalang-sala’ ang masama.


* 1Kings 8:32: “ then hear in heaven, and act, and judge Your servants, condemning the wicked, bringing his way on his head, and justifying ( dikaioo ) the righteous by giving him according to his righteousness. “
— Ang ‘dikaioo’ ay ginamit na kasalungat ng kahatulan = ‘ideklarang matuwid’.

  • Ang mga talatang ito ay ilan lamang sa nagsasa-buod ng itinuturong kahulugan ng ‘dikaioo’. Kung kaya’t,



III. Ang Katuturan ng ‘dikaioo’:

It is thus a forensic term, denoting a judicial act of administering the law--in this case, by declaring a verdict of acquittal, and so excluding all possibility of condemnation. Justification thus settles the legal status of the person justified. [ Samakatuwid, ito ay isang salitang-legal, na nagsasaad ng paggagawad ng batas ng isang hukom—sa kasong ito, ng pagpapawalang-sala, at kung gayon ay nag-aalis ng posibilidad ng kahatulan. Samakatuwid ang pagpapawalang-sala ay nagsasaayos ng legal na katayuan ng taong pinawalang-sala. ] — The Evangelical Dictionary of Theology

  • Ang kaisipan ng mundo: ang tao’y haharap sa Diyos at tatanggapin ng Diyos dahil sa angking sariling katuwiran = kailangang gumawa ng mabubuting gawa para papasukin sa langit. Lahat ng lisyang relihiyon ng tao—umaangking ‘kristyano’ man o pagano—ay ganito ang kaisipan. Ngunit ang itinuturo ng Bibliya: ang isinasaalang-alang ng Diyos ay ang katayuan ng tao muna bago ang halaga ng kanyang gawa.
    [*]

  • Dr. W.A. Criswell: " The whole Bible is like that. In the beautiful… Psalms 23: “The Lord is my shepherd; I shall not want…. He restoreth my soul, He leadeth me in the paths of righteousness for His name's sake.” First the man…is restored,then the works that God we pray will bless. It is so in the tabernacle and in the temple. First is the altar, the sacrifice, the atonement for sins and then the door into the house of God, into the sanctuary of the Lord. First the man is atoned for…Then he approaches God… Now, I can illustrate that in our lives. When I was a youth, the most famous of all the underworld characters in America was named Al Capone…famous because of his vile iniquity. How? Why? …the answer was this, "If there is a poor widow in Cicero that needs coal in the wintertime, Al Capone brings a load of coal for that poor widow. If there is a poor family whose electricity is about to be cut off, he pays the bill. If there is an orphan that needs help, Al Capone helps that orphan… the whole populace are debtors to him and his good works… What does God think about that?… Remember the doctrine, God has respect unto the man first—unto the man himself—and then He has respect unto his works. Not by the works of a man is he ever acceptable to God. The man himself must be acceptable to God. Then God accepts his good deeds. “


PUNTO: Ang ‘justification’ o pagpapawalang-sala ay legal na aspeto ng kaligtasan kung saan ang makasa-lanan ay idinideklarang matuwid.
 
Last edited:
Back
Top Bottom