Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

ano kulang sa pinas pra umunlad?

ibalik and death penalty, controlin ang populasyon, magaling na leader, federalism, bawasan ang kotse, marming tren, paalisin ang mining, mag dagdag ng advanice courses tulad ng oil rig mining, advance oil rig trechnology at iba pang courses na ma uupgrade ang technology natin, BIG PROJECTS, lahat ng project permanente tulad ng lonodon sewers ilang dekada n un ginagamit p rin nila. pamurahin ang pagkaen lahat, train goods transportation mula taas hangang baba. 3 international airport. bawasan ang utang ng bansa. BOMBAHIN ANG MGA TERRORISTA pwd naman omorder ng bobmer sa america, pra bombahin ung mga yan. kesa bibili ng jet n wala namang bala at display lang. lagyan ng oirl refinary bawat isla sa spraty at scabourough. kumaen ng marming gulay para tumalino.
 
kawalan ng DISIPLINA...
DAMI ng TAO...
at KITID NG UTAK...

POPULATION - Ito talaga ang dapat paikliin, pag mataas ang populasyon sigurado maghihirap tayo. Nangyari na yan sa China before, kaya nga nagkaroon sila ng "One child policy" per family kaya population density nila ay bumaba.

Nung makausap ko ang kaibigan kong taga New Zealand, sabi niya, halos magkapareho lang daw naman tayo ng Geographical Area at mataas lang ng konti ang Gross National Product (GNP) nila kesa sa atin. Tanong ko nga sa kanya eh saan ba naman tayo nagkakatalo at bakit naman mas maasenso lugar nilat buhay ng mga tao. Sagot ika niya eh sa Per Capita Income daw, sabi ko bakit? Malayo daw tayo kung ihambing sa kanila. Ano ba yang PER CAPITA INCOME na yan? Sabi niya, ang formula niyan ay: PER CAPITA INCOME = GNP / POPULATION, ito ang nagiging basehan kung magkano ang average income ng mga tao sa isang lugar o nasyon. Pag mababa ang Per capita, ibig sabihin di maganda ang living conditions at quality of life ng isang lugar. At ang kadahilan di umano ng pagbaba ay ang mataas na populasyon.

Aanhin mo nga naman puro edukado ang mga tao pero wala namang mapag lagyan at jobless pa din? Pag marami ang mga graduates at wala namang trabaho, wala din silang kontribusyon sa total income ng bansa, bagkus magiging pasanin pa sila ng gobyerno sa pagbibigay ng serbisyo. Pag mataas ang populasyon nagiging daan din ito ng tight competition na nauuwi sa palakasan o 'baker' para lang makapag trabaho. Minsan pa nga pati pangalan ng paaralan mo eh nagiging importante para makapasok ka lang. At dahil sa kawalan ng oportunidad, kaya karamihan sa atin ay lumalabas na lang ng bansa para mabuhay.

Yong kaibigan ko na nasa Canada, tinanong ko kung ano sitwasyon nila doon at ang sabi niya, halos lahat ng trabaho doon naghahanap ng tao at di daw ang tao ang hanap ng hanap. Wika pa niya, yong kumpanya daw niya halos bigay ng bigay ng incentibo para lang di magsi alisan ang mga tao at ma pirata sa ibang kumpanya. Yong mga Canadians nga daw ay halos high school graduate lang ang naaabot. Ba't ka naman magka college pa, kung ang gusto mo lang ay magkaroon ng disenteng trabaho at masaganang buhay.

DISIPLINA - Ito yata ang kulang sa atin kasi may tinatawag tayo na 'PINOY STYLE' na iba sa katangian ng iba gaya ng Hapon at Singaporean. Pero wari ko, ito naman ay kayang baguhin, kasi nakikita ko dito sa amin sa Davao, karamihan ay sumusunod naman at hindi dahil takot kami kay Digong.

Pag may disiplina, nagiging magaan at nasa ayos ang lahat.

KITID NG UTAK - Ito talaga ang talamak sa atin, mahilig tayo sa crabs, kaya may CRAB MENTALITY tayo. Seloso tayo eh at mahilig mang gaya! Pag nakita natin umaasenso kababayan natin, nanggagaya tayo, minsan nagiging hambog at nang hinihila pababa sa iba. Mahilig tayo mag mayabang eh, pag may bago tayong kotse o smartphone sa tingin na natin eh lamang na tayo. Minsan ini equate natin ang success sa dami ng mga pag-aari natin. Hahayzz pinoy talaga!

Sa ibang bansa, bumibili sila ng kotse dahil kelangan nila, di dahil ipagmamayabang sa chicks. Merong iba dyan, dami ng sasakyan nila, di nila naisip na malaki ang naibabahagi nila sa polusyon at global warming. Kung kokonti lang ang sasakyan, nakaka tulong sana tayo sa kalikasan, gagaan ang trapiko at nakakapag ehersisyo pa tayo pag naglalakad o nagba bike.

Tayo ding mga Pinoy, mahilig tayo na tayo po ay ang pinagsisilbihan kesa mag silbi sa iba. Ito naman ang kulturang naiambag ng Espanya, kaya nga yong mga latino na mga lugar, halos di talaga umaasenso at naghihikahos pa rin.

TAnong: May pag-asa pa kaya ang Pilipinas para sa pagbabago? SAgot: Ikaw lang ang makaka sagot niyan.
Tanong: May magagawa ka ba para sa pagbabago? Sagot: OO, pero hindi sa paraan ng iba, kundi sa paraan mo na kaya mong gawin ang pagbabago!
 
Last edited:
sabi ng mga duterte suporters si digong daw ang kailangan.. will tingnan natin after 6 years :laugh:
 
WAla namang kulang sa pilipinas. Sadyang pataas ng pataas lang tlga ang standards natin kaya naman pakiramdam natin laging may kulang. Pero kung titinangnan natin ang Pinas as perfect, wala tayong makikitang kulang dito. It's a matter of seeing reality in diffferent perspectives.
 
Tama nga to. The very fact that ang daming bashers sa PNoy admin. is evidence alone na pataas ng pataas ang standards ng mga Pilipino.
 
Ang pangangailangan ng mga tao ang pataas ng pataas dahil lumolobo ang populasyon pero kakaunti ang trabahong inooffer ng mga companies dito sa Pilipinas. Kung di man, mataas ang standards ng mga kumpanya na pag aaplyan kaya ang labas maraming narereject na kababayan natin. Kahit janitor minsan kailangan college level pa o may diploma pa ng highschool. Factory worker kailangan college level pa kahit di naman komplikado at mabusisi ang trabaho. Isa pa, yung age limit. Pag ang edad mo ay 30 to 35 halos wala ka nang pagasang matanggap sa magandang kumpanya kahit pa professional o nakatapos ng pagaaral kaya ang bagsak ng mga ibang professionals na di umabot sa age limit trabaho ng mga pang under grad. Isa pa yung contractualization na isa sa nagpapahirap sa mga manggagawang pilipino kada limang buwan poproblemahin mo kung saan ka mag-aapply di pa man din tapos kontrata mo poproblemahin mo na kung saan ka susunod na papasok di gaya kapag regular ka, wala ka nang iintindihin kundi pagkasyahin ang sinasahod mo. Yan ang unang dapat solusyunan, trabaho para mabawasan ang mga walang makain at mahirap sa bansa kasunod nyan yung age limit dapat tanggalin o kung di man mas taasan para magkaroon ng oportunidad yung ibang mas may edad at mas may karanasan na. Kasunod yung contractualization dapat tanggalin din para di namomroblema ang mga Pilipino sa trabaho at may mabuo silang kinabukasan at career para sa sarili nila at pamilya nila. Pahabol pa, yung sahod dapat itaas para maging sapat sa gastusin ng isang mag anak. Yung bilihin, bills, pamasahe patuloy ang pagtaas pero yung pag usad ng sahod napakabagal. Tanggalin ang provincial at manila rate gawing patas lahat ng pasahod sa buong Pilipinas dahil pare-pareho lang naman lahat ng pangangailangan ng mga taong nasa minimum lahat ng sahod. Maaawa ka dun sa mga malalayong probinsya ang minimum 200? tapos sa manila umaabot ng 500? iba ba ang presyo ng krudo at bilihin dun? Di ba pareho lang naman? Di patas sa mga ordinaryong tao ang batas at pamamalakad ng mga malalaking kumpanya dito satin kaya ganyan. Kaya ang mga mahihirap lalong mas naghihirap. Kaya maraming nag-iibang bansa para mas kumita ng malaki. Biruin mo sweldo ng janitor sa ibang bansa sweldo na ng manager dito satin. Ganun kalala ang dinaranas ng mga empleyado dito sa Pilipinas. Yung iba kahit maliit ang sahod tyaga na lang mapakinabangan lang ang pinagaralan.
 
Last edited:
bababaan ang qualification sa pagtanggap ng mga trbahabor para mas marami sa atin mgkaron ng trabaho nang bumababa ang porsento ng mga tambay.. at taasan ang rate ng pasahod..
 
Last edited:
bababaan ang qualification sa pagtanggap ng mga trbahabor para mas marami sa atin mgkaron ng trabaho nang bumababa ang porsento ng mga tambay.. at taasan ang rate ng pasahod..

Tama biruin mo kahit janitor o construction workers kailangan highschool graduate o college level. kailangan mo pa ba ng diploma para lang matutong magpunas at magwalis o humawak ng martilyo? Pwede naman padaanin na lang sa maiksing training at bigyan ng certificate kung makakapasa para di na nila kailangang magaral pa ng ilang taon para lang makapasok ka bilang skilled worker.
 
Hindi tataas ang sweldo ng isang trabaho or position hangga't mas nakararami ang trabahador kesa bakanteng position. Simpleng demand and supply yan. Kaya abusado ang mga kompanya sa atin dahil alam nila any time sipain nila ang isang empleyado, sandamakmak ang pwede nyang ipalit nakapila sa labas ng kumpanya at nag-aagawan pa at payag sa mas mababang sweldo makaungos lang sa iba. Ganitong-ganito ang pinagdaanan ng Korea, Taiwan, at Singapore nung unang dekada pagkatapos ng World War 2. Pero nung kumilos ang gobyerno at private sector para palaganapin ang industriya at edukasyon, dumami ang trabaho at tumaas ang qualification ng mga citizens nila. Nang konti na lang ang empleyado sa maraming positions na available sa bansa nila, tsaka sila kumuha sa ibang bansa gaya ng Pilipinas at Indonesia. At dahil nga ang mga kompanya ang nag-aagawan sa trabahador, ang trabahador ngayon ang nakakapagdemand ng sweldo na gusto nya.

- - - Updated - - -

:lol:

Naalala ko nung nasa Mideast ako andami engineer kuno na Arabs sa pinasukan ko. Kamukat-mukat mo six months lang tinapos nila engineer na sila. Nang malaman nila sa Pinas 5 years regular requirement sa engineer, sabi nila, "WTF, five years?? You waste so many years of your life for education???" Sabi ko sa kanila, sa six months na kurso, wala ka mapapasukan na trabaho sa Pinas. Kahit kako janitor kailangan nakatungtong ng college maliban na lang kung may backer :lol:
 
Kaya talagang maraming nag iibang bansa dito satin sa taas ng standards ng mga companies dito satin. Dito satin may mga short courses din na pwede mong kunin na mga engineers lang nakakahawak ng ganung position. Nagdaan din ako sa ganyang course kasi pinagaral ako ng company namin nun halos 6 months lang pwede mo na magamit instant engineer ka na daig mo pa bagong graduate na engineer kasi dun sa course na yun actual mo na ginagawa talaga yung magiging trabaho mo. Pag nataon pa nakapagtrabaho ka laki din ng sahod kapantay ng mga engineer. Hehe. Kaya mo siya matapos sa loob ng 3 months kung talagang wala kang ibang gagawin or work ako kasi every weekends lang. yun nga lang kung sa bulsa mo manggagaling ang bigat kasi kada course na ilang buwan mo lang pagaaralan e umaabot ng 50 to 60K ang tuition. Di yan afford ng mgarami sa ordinaryong manggagawa dito sa Pilipinas pwera na lang kung may mag sponsor sayo or pag-aralin ka ng company mo. May mga pinsan ako at kama-anak na engineers karamihan ng sabi nila halos lahat ng mga trabaho nila bilang engineer halos karamihan wala at hindi pinagaralan o itinuro nung college. Kaya gugugol ka ng 5 years bilang estudyante tapos dun mo naman pala halos lahat matututunan sa mismong trabaho mo lahat. Parang manghihinayang ka pa laki ng ginastos ng magulang mo pagpapaaral kasama pangbaon mo di pa kasama yung mga ni repeat mong subjects dahil bumagsak ka. Haha. Experience talaga ang mas mahalaga. Kung baga pag nagtrabaho ka na back to zero ka ulit kung baga kung may degree ka may baon-baon ka lang na bala. Hehe.
 
Kaya swerte yung mga tao nung panahon (until late 80s) na di pa strict sa maraming requirements ang pag-aabroad. Yung mga pioneers. Engineer kailangan sa Mideast, London? Putik, takbo ka lang Recto instant engineer ka na. Gusto mo may masteral, doctorate ka pa. :lol: :lol:

May isa nga ako kasama pa rin dati tapang kinuha sa kumpanya nya sa mideast kapatid na tapos lang din ng Recto university (ie, fake na diploma pero parehas na parehas ng original). Katuwiran nya eh yun na nga, kung sya nga dun lang din natuto ng talagang trabaho dahil iba naman ang tinuro sa engineering course nya dito sa Pinas, eh di alalayan na lang din at turuan nya kapatid nya dun.
 
Tama. Dati talaga nakakalusot pa ang mga graduate sa Recto University kahit hanggang ngayon nga e kaso mas delikado na makipagsapalaran kasi mas mahigpit na at mas mabusisi na ngayon ang mga employers. Mag babackground checking muna sila bago ka nila i-hire lalo na sa malalaking company. Mas mahigpit pa nga dito kumpara sa mga employer sa abroad kahit galing Recto madalas nakakalusot. Hehe. Maraming namemeke at nandadaya dahil sa hirap ng buhay dito satin. Dapat kasi ang TESDA wala na talagang bayad para magkaroon lahat ng opportunity para makapag trabaho o makapag abroad. Ang masasabi ko lang katiting lang talaga ang pinagaaralan at natututunan sa eskwela kumapara mo sa natututunan mo sa mismong trabaho mo. Isa pang nagpapahirap sa mga applicants dito satin lalo na sa mga fresh grad, ang hinahanap ng company is may experience na at least 2 to 3 years bago ka tanggapin. Paano ka magkakaexperience kung wala kang magiging trabaho dahil puro may mga experience ang hinahanap nila. Kaya naman matutunan lahat yan basta gusto mo yung trabaho mo. Ako nga nung estudyante pa ko kala ko dami ko nang alam pero nung nasa trabaho na ko parang naging bobo ulit ako haha. kasi yung mga equipments e di ko alam gamitin kaya tinuruan pa ko para matutunan gamitin hanggang sa nagamay ko gamitin lahat. Nung college kasi di itinuro samin kung paano gamitin o paano tamang gamitin yung ganung klase ng tools or equipments. Lalo pa ngayon may google naman kahit di mo napagaralan search ka lang malalaman mo na kung paano gawin o gamitin yun. Hehe.
 
Last edited:
Sa trabaho kasi ngayon mas malaki ang supply kesa sa demand. Dati demand ang marami.

Dito kasi halos hahanapan ka ng doctorate. Then experience. Kapag meron ka na nyan aayawan ka naman dahil overqualified ka naman daw. :lol:
 
Kasi nga marami tayo, kaya marami nag aagawan ng trabaho. Law of Supply and Demand yan TS. Kung kukunti lang sana tayo, eh marami ang demand kay sa mga nag a apply. Palibhasa kasi mahilig ang Pinoy gumawa ng mga bata. Hahaha....
 
Disiplina.

Madaling isipin. Mahirap gawin.
Ito ang pinaniniwalaan ko. Pag meron lahat nito, everything will follow.
 
Kasi nga marami tayo, kaya marami nag aagawan ng trabaho. Law of Supply and Demand yan TS. Kung kukunti lang sana tayo, eh marami ang demand kay sa mga nag a apply. Palibhasa kasi mahilig ang Pinoy gumawa ng mga bata. Hahaha....

Madami kasing mahihirap sa bansa natin na kulang sa edukasyon or orientation tungkol sa pagbuo ng pamilya. Kaya yung iba kahit walang hanapbuhay at mapagkukunan ng income sige lang sa pag-aanak hanggat kaya. Ang labas nun mahihirapan silang buhayin yung mga anak nila kaya lalo silang lulubog sa kahirapan at pagkagutom.
 
Paano kaya kung gagawa na lang ako ng atomic bomb or virus outbreak to cut our population by half? Malaki siguro itong tulong, maraming trabaho ang magegenerate tapos kukunti or tamang tama lang ang mag-aapply. Hindi yong ang dami natin na parang mga sardinas na pumupunta sa mga job fairs, tapos yong iba gumagamit pa ng palakasan. Tapos luluwag pa ang trapiko natin at tuloy di masisira ang mga bukirin at forest or protected areas na ginagawa na ngayong mga subdivision. Pati nga tubig mahirap na sa atin, kasi mataas ang demand at ang mga watersheds naku tinatahanan na rin ng mga squatters!
 
Kung ikaw ba nagiisa sa mundo masasabi mo bang mayaman ka na? Nasa management iyan. Sa negosyo mas maraming tao mas maraming kang opportunity.
 
Back
Top Bottom