Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

ano kulang sa pinas pra umunlad?

Kung ikaw ba nagiisa sa mundo masasabi mo bang mayaman ka na? Nasa management iyan. Sa negosyo mas maraming tao mas maraming kang opportunity.

Mali ang pagka intindi mo TS, ang sinasabi dito papaano uunlad ang Pinas at hindi iilang tao lang. Hindi naman uunlad kung ang lahat ay magnenegosyo at walang bibili, syempre kelangan talaga ng diversity of economic activities. Ang tanong dyan kung marami tayo, alam natin na kelangan talaga natin ng mga basic resources gaya ng isda, bigas, etc. para itinda, mabili at ma consume ng tao. Papano kapag mauubos ang mga resources natin dahil sa pag-aabuso natin at sa dami ng nagko consume?

Bigyan kita ng halimbawa, magtitinda ka ng isda sa palengke, pag marami ang bibili, malakas kita at syempre, gusto mo marami kang maitinda para malaki din ang kita. Ganyan din ang mangyayari sa iba pang nagtitinda at sasabihin nila ngayon sa mga mangingisda na damihan ang paghuli para may maintinda at mapakain sa malaki nating consumers. So, anong mangyayari? Pag huli ng huli, syempre sa kinalaunan mauubos ang lamang dagat, kukunti na ang mahuhuli ng mga mangingisda. Dahil konti ang huli, malamang tataasan ng presyo ng mangingisda pag bininta sa palengke (dahil babawiin nila yong mga gastos nila) at yong mga nagtitinda sa palengke tataasan rin ang pagbenta sa mga consumers. Dahil nagmamahal ang presyo, meron mga kababayan natin na di nila kayang bilhin pag mataas ang presyo, dahil nga kulang ang kinikita nila at mas grabe pa pag malaki yong pamilya nila, ika nga 'more mouths, more food'. Mas marami talaga ang magugutom. Kung lulubo pa ng lulubo ang populasyon, mas tataas pa ang demand at magiging kokonti na ang supply, dahil aabusuhin talaga ng tao ang kalikasan para may mapakain sa lumalaking populasyon. Tuloy, di na makakarami ang mga isda dahil sa maliit pa lang ay kinukuha na.

Ito naman ay evident o klaro na nangyayari sa atin sa Pinas, kaya nga mismong BFAR ay pinagbabawalan yong mga ilang mangingisda sa ibang lugar na huwag muna manghuli kasi nga kumukunti na ang bilang ng mga isda. Hindi ko pa sinama dito yong ini export natin ng mga canned fish products sa ibang bansa na nakakapagpapalala sa shortage ng fish resources natin. Tapos, dahil nga marami tayo, marami din ang nagiging contributors ng pollution sa tubig at dagat, di lang mga kumpanya ang dahilan at kundi tayo din dahil sa ating local wastes, gaya ng basura, tae, diapers, etc. Tuloy lalong kumukunti ang populasyon ng isda at nagiging dahilan ng 'fish kill'.

Kung titingnan mo ang China, sinasabi nating maunlad na bansa. Pero mapapa isip ka bakit kaya gusto nila kunin ang mga isla natin? Ang sagot, ay dahil sa mga resources na makikita sa South China Sea na gusto nilang i exploit. Dahil mataas ang populasyon ng China, sila ngayon ay nagkukumahog sa mga resources na kelangan nila specially, to support their big population, manufacturing industry, business at Energy sector. Pag wala silang mga resources, wala silang magagamit para mapagpapatuloy ang kanilang economic activities at tuloy magkakaroon ng 'plateau' sa kanilang development, na sa kalaunan ay 'survival mode' ang mangyayari. Kaya nga meron silang batas na 'One-Child Policy' para ma kontrol ang pag laki ng populasyon. Dahil kung hindi, siguradong makikipag gyera sila para lang sa kinakailangan nilang mga resources, para matugunan ang malaking 'demand'.

Sana nakatulong ito sayo para ma liwanagan ka at sana magbasa basa ka para hindi tayo maging isang mangmang. Salamat.
 
Last edited:
Tama ka nga Rey, I agree with you. Dahil marami tayo at kulang ang oportunidad, marami tuloy nagiging kriminal para makakain lang. Isa pa, tataasan na rin ang demand ng mga pulis para maraming magbabantay sa malaking populasyon. Ang problema lang eh, ang mga pulis nagiging problema na rin sa kalaunan. Hehehe....
 
Unang una hindi ako ang TS.
 
tamang oppurtunidad na magkaroon ng desinte at marangal na trabaho..
at Malasakit sa bansa pati sa mga bawat tao dito..
 
Disiplina na nagmumula sa sarili...
 
kalsada, kuryente espcially sa remote places jan etc. etc... katayin lahat ng corrupt official hahaha
 
Disiplina na nagmumula sa sarili...

Tama, kadalasan sa atin laging sinisisi sa iba at di tinitingnan ang sarili. Nasa bawat isa at kailangang sa sarili muna simulan ang pagbabago. Disiplina ang kailangan.
 
bawasan ang mga opisyal sa gobyerno o pati na rin mga empleyado.

Magtataka ka may governor, mayor, brgy captain at mga sandamakmak na konsehal. Mga palamuti lang mga yan. At mga empleyado makikita mo sandamakmak na sa iisang departamento lang yun. Lahat tau pinapasahod natin sila para saan?
 
Walang kulang. Ang sobra ay tao. Walang maunlad na mahigit sa 100 million ang populasyon (maliban sa US at Japan).
 
Disiplina at prinsipyo. Yan ang kulang. Simpleng batas nga lang na bawal manigarilyo in public di magawang sumunod. OO madami pa din naninigarilyo in public places kasi dito mismo sa area ng pinagtatrabahuan ko, ang daming pasaway.
 
Re: crab mentality

Discipline kulang
Corruption laganap
Dilawan salot

Mayaman ang pinas I think hindi lang nalalaan yung pera para sa pag unlad puro naibubulsa.

Isipin nyo to kung pano ko nasabing mayaman

Pera ni napoles
Pork barrel ng mga senador
PDAF ni noynoy
Yolanda funds (dollars, pounds)
3.5 billion in 21 days (dengvaxia)

Kung tototal lahat yan at mailalagay sa tama giginhawa talaga ang mga pilipino :)
 
Last edited:
PATRIOTISM ayan ang kulang sa mga pinoy mostly satin more on fanaticism kaya yung mga politics patuloy lang sa pag exploit sa pilipilino especially sa mga kulang sa aral. salin salin lang ang nakawan sa gobyerno kasi tayong mga pilipino mismo hinahayaan silang magnakaw konting bola nakakalimutan na mga kasalanan nila kaya paulit ulit lang silang magnanakaw.
 
Last edited:
Back
Top Bottom