Ano benifits ang nakuha mo?
Sa akin except sa brotherhood ngtutulongan sa projects... food trip... adventure trip... paghahanap ng trabaho.. atbp.
Sa inyo mga tolz?
...parang pede din naman makuha yan sa ordinary friend ah! ...pwera nalang kung nahihirapan ka maghanap ng kaibigan...
by experience, nakuha ko lahat yan sa kaibigan ko, pero kung talagang gusto mo sumali sa mga grupo, mas maganda yung nasalihan ko... kasi bukod sa lahat ng sinabi mo, may kasama pang PAMBAYAD TUITION (also known as scholarship)! dance lessons, a whole gym to hang out, complete with shower and bathrooms, airconditioned office with 24hr guard, ROTC EXCEMPTION, P.E. CLASS grade of 1.0 every semester plus many many more!!!!pwera pa jan yung GOOD exposure sa mga chicks!
alam mo kung ano sinalihan ko? OFFICIAL SCHOOL DANCE GROUP!
sumasayaw kami dati lahat klase ng sayaw, mapa hiphop, folk dance or ballroom pa yan! minsan nagkakapera pa kami ng cash dahil nag tuturo kami ng ballroom... at yung iba samin, kinareer na talaga, nag D.I.(dance instructor) pa sila...big bucks! san ka pa?
pero alam mo bang lakas lang ng loob puhunan ko? dahil pumasok ako sa kanila ng wala manlang ako background sa sayaw...
kesa problemahin mo yung kaaway ng tropa mo, hanap ka na iba mas productive para sa oras mo...90% ng frat e trobol ang hanap, 10% lang siguro kung meron man ang hindi pa napapa away...
imagine mo, may sampu kayo sa tropa, napa away yung isa, shempre tutulungan mo diba? next week, ikaw naman napa away, tutulungan karin shempre nila, then after a month, may napa away ulit, so, tutulong ka dun ulit,.... teka, nakaka ilang away na ba napasukan mo? tsk tsk... sampol computation pa lang yan...
dami mapag pipilian, bulag ka lang kaya di mo makita, nanjan ang basketball team, volleyball team, swimming team, acting or theatro, meron ding choir!lahat yan may scholarships at other super cool benefits!ako dati, may kasabay pang part time job sa wendy's!basta college level, masipag at di mahiyain 90% tanggap ka na... ewan ko ba sayo at FRAT pa ang napili mo...tingnan mo tuloy pangalan mo, HATED JEROME! what does that say about you?... isip... isip... isip...
sabay (peace)
kung itatanong mo naman name ko, kinuha ko yan sa favorite pet kong bulldog