Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Anong course ang dapat kunin bago kumuha ng computer engineering?

Alkhemet15

Recruit
Basic Member
Messages
13
Reaction score
0
Points
16
Ah balak ko po ulit mag aral tagal narin kasi nahinto purol purol narin hehe, alam ko ang Engineering ay napakahirap na course para saakin :lol: ewan ko lang sainyo...

gusto ko sana bago ako kumuha ng Engineering e mapag aralan ko muna yung mga basic na dapat kong pag aralan na nakakarelate duon sa Computer Engineering, kung baga e ang gusto ko maigi ko maintindihan ang mga itinuturo sa CoE dahil nai aapply ko ang mga kaalaman na napulot ko duon sa course na kinuha ko bago ang CoE kasi medyo mahirap saakin kumuha agad ng Engineering course..

Ikagagalak ko po marinig ang inyong mga opinyon o ibang maipapayo tungkol nga dito saakin katangungan at mensahe ay lubos kong ipag papasalamat. :thumbsup:
 
since balak mo "ulit" magaral ..ibig sabihin may na-take ka na before nagstop ka lang ?

opinyon lang po TS, kasi ako po ay kumuha ng ladderize program ..bali po nagtake muna ako ng technology course [3yrs] bago ako ngtuloy ng Engineering ngayon.. ganun din ba ang gusto mo ? ..

sa point-of-view ko lang nman TS, kung gusto mo talaga ng Engineering matututo ka nman during the process.. kasi magkaibang magkaiba ung "actual" mo na ginagagawa ung trabaho [related sa course syempre] dun sa pagaaral ng theory nya. Ganun kasi sa Engineering, more on theoretical approach. limited lang sa actual.

what do i mean sa "magkaibang magkaiba" ? - since galing po ako ng tech. di kami ganun kafocus sa theory. mas nalalaman namin ung fundamentals thru actual practices, pagdating sa Engineering naconvert ung mga fundamentals na un sa numbers, maths, etc. .Pero note lang natin na pareho syang essential part ng learning.

dun naman sa tanong mo TS na kung ano munang course dapat mo kunin bago ka mag CoE. maraming choices ee ..ung IT course, Computer Science etc. .. breakdown yan ng Computer Engineering more on sa software side [like programming...] , kung gusto mo naman pde rin ung mga inooffer na mga vocational course na may kasama nadin na hardware then troubleshooting.

verdict: alamin mo muna TS kung gusto mo ba talaga yan. kasi mas magiging madali na para sayo yung pagkatuto at di ka narin mahihirapan [ kasi eenjoyin mo sya ] kung gusto mo talaga ung ginagawa mo. syempre samahan din ng sipag at tyaga. Best of luck sayo TS ! pagnagaaral ka na marami naman tayong mga kasymb na nagbabahagi ng resources dito kaya siguradong may makakatulong sayo.
 
best advice ko sayo TS. HUMANAP KA NG BEST NA PAARALAN NA NAG TUTURO NG ELECTRONICS or COMPUTER RELATED COURSE.

ung pinaka best na alam mong nag proproduce ng competent student at may mga magagaling na teachers.

Kayang kaya naman mapag aralan ang computer engineering at electronics sa bahay. kung masipag ka lang talaga at malakas ang motivation mo.
 
Back
Top Bottom