Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

anu po gamot sa pigsa?

skypigeon

Apprentice
Advanced Member
Messages
59
Reaction score
0
Points
26
ung pigsa ko ay nasa bulbul malapit sa ari sa gilid.. lalaki po ako.. nag take n po ako ng clindamycin.. mag 2 days n po ngaun pero nana parin po ng nana... pwd p po b ako bumili ng cloxicilin? hnd pa po ako nag pac check sa doctor kc maliit p po. tnx poi
 
MABISANG GAMOT SA PIGSA

Kung ikaw may pigsa, maraming paraan ang pwede mong gawin sa bahay para mabilis itong mawala. Subukan mo ang mga sumusunod.

Gumamit ng init para lunasan ang pigsa. Ang paglalagay ng init sa pigsa ay magpapabilis ng sirkulasyon ng dugo at tutulong itong paganahin ang immune system ng katawan, na magdadala ng antibodies at white blood cells sa lugar ng impeksyon.
Maaari kang gumamit ng bote na may lamang mainit na tubig. Ilagay ito ng 10 hanggang 20 minuto sa bawat dalawang oras.
Maaari ring gumamit ng bimbo na ibinabad sa mainit na tubig. Tutulong ito sa pigsa mo matunaw ang mga nanigas na nana at magpapadala ito ng sapat na oxygen at nutrients sa white blood cells sa lugar ng impeksyon.
Huwag mong susubukang pisain at operahin ang pigsa kung ito ay maliit at matigas pa. Karamihan sa mga pigsa ay kusa na lamang na mapipisa sa tulong ng mainit na bote o bimpo. Ang pilit na pagpisa sa pigsa ay maaaring magdulot ng pangingitim ng peklat, pangmatagalang impeksyon at pamamaga.
Pisain ang pigsa kung ito ay lumambot na at nagkaroon na ng mata. Tulad ng nasabi na natin, karamihan sa mga pigsa ay kusang napipisa. Subalit sa ilang mga pagkakataon, ang pag pisa sa pigsa ay kailangan lalo na kung lumabas na ang mata nito. Ibig sabihin, ang nana ay nakikita na sa ibabaw ng pigsa.
Para sa malalaking pigsa, mas mainam kung kukunsulta ka sa doktor. Kadalasan kasi, ang malalaking pigsa ay naglalaman ng maraming maliliit na pigsa sa loob na kailangang operahin para mailabas ang nana. Maaari ring magbigay ang doktor ng antibiotic para magamaot ang impeksyon, subalit hindi lamang antibiotic ang kailangan para magamot ang pigsa.

EPEKTIBONG GAMOT SA PIGSA: BAWANG AT SIBUYAS

BAWANG

Ang bawang ay nagtataglay ng mga elementong lalaban sa mga mikrobyo. Ito ay isang epektibong gamot sa pigsa. Kumuha ng bawang at dikdikin ito. Ilagay ito sa ibabaw ng pigsa ng ilang minuto bago hugasan. Gawin ito ng dalawa o tatlong beses kada araw. Ang pamamaraang ito ay nakatutulong upang mabilis na maalis ang pigsa.


SIBUYAS

Ang sibuyas ay may kakayahang magpagaling ng pigsa, Hiwain ng pinong pino ang sibuyas at ilagay ito sa pigsa. Gawin ito araw araw para mawala agad ang pahirap na pigsa.


HALAMANG GAMOT SA PIGSA

Kapag tayong mga Pinoy ay nagkakasakit, naghahanap tayo ng mabisang halamang gamot. Ano ang halamang gamot para sa pigsa? Naglista kami ng ilang halamang gamot sa pigsa, kasama na ang mga paraan para sa paggamit ng mga ito.

ALUGBATI

Kumuha ng dalawang dahon ng alugbati. Dikdikin ito at ilagay sa ibabaw ng pigsa dalawang beses kada araw.


AMARILLO O MARIGOLD

Magdikdik ng tatlong dahon at dalawang bulaklak ng Amarillo, ilagay ito sa ibabaw ng pigsa dalawang beses kada araw.


GUMAMELA

Magtadtad ng limang dahon ng gumamela at ilagay ito sa ibabaw ng mata ng pigsa dalawang beses kada araw.


LANGKA

Pigain ang magatang katas ng balat ng puno ng langka at haluan ito ng kaunting patak ng suka. Initin ang pinaghalong katas at suka. Ilagay ito sa pigsa na mainit init pa. Takpan ng malinis na sa loob ng 20 minuto. Ulitin ito ng dalawng beses kada araw.


SAMBONG

Magtadatad ng limang dahon ng sambong at ilagay ito sa ibabaw ng pigsa dalawang beses kada araw.


PAANO BA MAIIWASAN ANG PAGKAKAROON NG PIGSA?

Ang tamang paglilinis sa sarili ay magpapabawas ng posibilida na magkaroon ka ng pigsa. Sundin ang sumusunod na mga payo para makaiwas sa sakit na ito:

Ugaliing maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos na gumamit ng banyo
Maligo ng hindi bababa sa isang beses kada araw para maiwasang kapitan ng mga mikrobyo
Iwasan ang pag tiris sa pigsa at iba pang mga bukol sa balat
Ibabad sa mainit na tubig ang mga damit, kumot at tuwalya minsan sa isang linggo.
Makipag-usap sa doktor kung sakaling nagdududa ka na ikaw ay may iba pang karamdaman at kung hindi mo kayang gamutin ang pigsa na tumubo saiyo.

Source: http://pigsa-cure.com/halamang-gamot-sa-pigsa/
 
Last edited:
Hayaan mo lang ts. mawawala at titigil din ang paglabas ng nana.

Yung sakin nga sa bayag pa e. pisilin mo lang kapag malambot na o yung time na may lumalabas na,
para mawala lahat. Proper hygiene din, wag hawak ng hawak kung saan saan.
and iwas muna sa malalansang pagkain.
wag ka iinom basta basta ng gamot.

sana makatulong..
 
maganda kapag ginamitan mu ng bawang at sibuyas makakatulong yan sa may pigsa
 
ung pigsa ko ay nasa bulbul malapit sa ari sa gilid.. lalaki po ako.. nag take n po ako ng clindamycin.. mag 2 days n po ngaun pero nana parin po ng nana... pwd p po b ako bumili ng cloxicilin? hnd pa po ako nag pac check sa doctor kc maliit p po. tnx poi

Maraming pwedeng pagmulan ang pigsa lalo na sa may bandang ari. Nakipag talik ka ba bago ka nag karoon ng pigsa?
 
Baka STD na yan sir. Have your self checked by a specialist.
 
Back
Top Bottom